You are on page 1of 2

Uniporme

Ang pagsuot ng uniporme ay isang malaking obligasyon bilang isang estudyante dahil sa
ito ay isang alituntunin o batas na ipinapatupad ng isang paaralan o unibersidad upang makilala
ang isang institusyon. Ito ay nagpapakita ng pagiging maayos at displinado sa pagsunod sa mga
alituntunin at patakaran ng paaralan. Mahalaga ang pagkakaroon ng uniporme sapagkat ito ay
sumisimbolo sa bawat paaralan na kinakatawan ng mga mag-aaral. Maging ito ay isang
tradisyonal na kasuotan hindi lamang upang makilala ang paaralan kundi ito din ang nag-uudyok
upang maihanda ang sarili at isipan sa pag-aaral.

Ang hindi pagsuot ng uniporme ay posibleng mag-udyok sa mga estudyante sa maling


gawain tulad ng pagliliban sa klase, pagkalulong sa bisyo, pagiging bulakbol sa klase o kung ano
pa man na maaaring maghatid sa kanila sa piligro. Madali nang makapaglalakwatsa ang mga
tamad na mag-aaral at makapaglalaro ng kompyuter sa labas ng paaralan. Ang mga gwardya ng
internet cafe at mall na nagbabawal na magpapasok ng mga estudyanteng maglalaro lamang at
maglilibot ay magugulumihanan sa mga mag-aaral na nakasibilyan sapagkat hindi nila alam
kung dapat ba silang nasa paaralan o hindi.

Hindi katanggap-tanggap ang pagsuot ng sibilyan sa pagpasok sa klase kaysa magsuot ng


uniporme. Mas maganda kung pananatilihin na naka-uniporme ang mga bata sapagkat nakikita
ang kaayusan sa mga mag-aaral. Hindi magandang tingnan kapag marami sa kabataang Pilipino
ang pumapasok na hindi pare-pareho ang suot. Ang iba’y nakasuot ng pula, asul, berde, puti at
itim kung saan tila hindi organisado at walang pagkakaisa ang bawat estudyante.

Ang uniporme ay nagbibigay ng pagkakakilanlan kung sino ang mga estudyante at kung
sino ang hindi. Ang hindi pagsuot ng uniporme ay isang banta sa seguridad ng mga mag-aaral
sapagkat hindi madaling makikilala ang mga lehitimo at di lehitimong mag-aaral na pumapasok.
Maaaring ang iba’y pumapasok lamang upang manggulo, magnakaw ng mahahalagang gamit
tulad ng cellphone at pera o di kaya’y makapagsamantala.

Sa usaping sosyo-ekonomiko, nawawala o naitatago ang pagkakaiba ng antas ng


pamumuhay ng mga bata. Dahil rito, nababawasan ang pagkakataon na magkaroon ng hindi
pagkakaunawaan at diskriminasyon. Ang pagkakaroon ng uniporme ay sumisimbolo sa
pagkakapantay-pantay ng bawat mag-aaral sapagkat sa pag-aaral ay hindi sukatan ang presyo ng
iyong damit o tatak nito

Ang pagkakaroon ng uniporme sa bawat eskwelahan ay nagpapakita ng pagiging maayos


at disiplinado ng mga mag-aaral. Ito rin ang pagpapakita ng mga mag-aaral ng kanilang
pagsunod sa alituntunin at patakaran ng paaralan. Nakapagpapababa ng moralidad ng bawat
mag-aaral ang hindi pagsuot ng uniporme. Hindi na nila malalaman ang kahalagahan ng isang
organisadong eskwelahan at unipormadong estudyante at hindi na rin sila masasanay na
sumunod sa batas ng paaralan.

Iilan lang ito sa mga salik ng hindi pagsuot ng uniporme. Ang paaralan ay dapat
binibigyang galang sapagkat dito nag-uugat ang karunungan. Malaking epekto sa mga bata ang
paghukay ng kaalaman kung nasa wasto o tama ang suot. Sa kabuuan, maging responsable tayo
at pahalagahan natin ang mga patakaran ng ating paaralan dahil maging ang mga awtor nito ay
may sariling rason kung bakit ito iniimplementa para sa ikagaganda at ikabubuti ng estudyante at
maging ng paaralan.

You might also like