You are on page 1of 6

KABANATA I

INTRODUKSYON

Ang pagsuot ng uniporme ay isang malaking obligasyon bilang isang estudyante dahil sa
ito ay isang alituntunin o batas na ipinapatupad ng isang paaralan o unibersidad upang makilala
ang isang institusyon. Ito ay nagpapakita ng pagiging maayos at displinado sa pagsunod sa mga
alituntunin at patakaran ng paaralan. Mahalaga ang pagkakaroon ng uniporme sapagkat ito ay
sumisimbolo sa bawat paaralan na kinakatawan ng mga mag-aaral. Maging ito ay isang
tradisyonal na kasuotan hindi lamang upang makilala ang paaralan kundi ito din ang nag-uudyok
upang maihanda ang sarili at isipan sa pag-aaral. Subalit sa kahalagahan ng uniporme ay
mayroon paring mga estudyanteng hindi pinapahalagahan ang pagsuot ng uniporme o maling
pagsuot ng uniporme.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay para maipaalam sa mga estudyante na ang pagsuot ng
uniporme ay hindi maikakabuti sa kanila lalo na sa paaralan na kanilang dinadala. Paano
magiging mabuting impluwensya ang mga kabataang ito sa lipunan kung ang pagsunod sa maliit
na batas ng paaralan ay hindi nila magawa? Sakop din nito ang pagtukoy sa mga iba’t ibang
dahilan ng mga estudyante kung bakit hindi sila nagsusuot ng wastong uniporme.

Mga Layunin:

1.Maipaalam sa mga estudyante na ang pagsusuot ng uniporme ay mahalaga bilang isang


mag-aaral.

2.Maipabatid sa mga estudyante na ang hindi wastong pagsuot ng uniporme ay may hindi
magandang ika-kadulot ng paaralang kanilang dinadala.

3.Maiparating sa mga estudyante na mas pormal at maayos na magsuot ang isang mag-
aaral ng uniporme.

4.Maipaalam sa kanila na mayroong guro na mahigpit ukol sa uniporme at binabatay ang


pagdalo sa klase sa uniporme.
SULIRANING SUSURIIN

Ang pananaliksik na ito ay para sa mga studyante ng humss strand sa senior high school
ng mangaldan national high school upang malaman ang mga dahilan sa kinakaharap na problema
at mabigyang pansin kung anu-ano ang dahilan ng mga studyante kung bakit hindi sila nagsusuot
ng wastong uniporme kung saan isa ito sa mga pinoproblema ng mga guro, Paano nga ba
mawawala ang problemang ito kung ang hindi wastong pagsuot ng uniporme ay nakasanayan na
ng mga studyante? Ano-ano ang pwedeng maapektuhan sa isang studyante kung sakaling hindi
masolusyunan ang problemang ito:

1.Panlabas na kaanyuan

2.Dangal ng paaralan

3.Pagkakailanlan bilang isang studyante

4.Pag-aaral

KAHALAGAHAN NG GAGAWING PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa mga mag-aaral, mga guro, mga
administrador mga magulang at mga mananaliksik

Mga Mag aaral

makakatulong sa kanilang tamang pagsuot ng kompletong uniforme at pagdidisiplina sa


sirili sa pagsunod ng mga pulisiya ng eskwelahan.

Mga Guro

Mahalaga ito lalong lalo na sa paginspeksyon ng kanilang nga uniforme ng mfa


estudyante. Upang sa ganoon ay hindi na abala sa pagturo at paalala ng pagsuot ng uniforme at
ituro na ang mga pagaaralan na siyang hindi sayang sa oras ang pagaalala.
Mga Administrador

Makakatulong sa pagdidisiplina ng nga bata sa mga lumabag sa palatuntunin at bigyan ng


parusa ang mga batang hindi nakauniforme ng sa gayon ay hindi na nila ito ulitin.

Mga Magulang

Mas maintindihan ng mga magulang kung bakit ang kanilang mga anak ay pumapasok na
kailangan nakasuot ng kumpletong uniporme ng kanilang mga anak. Sa pamamaraang ito maari
nilang suportahan ang kanilang mga anak sa kanilang mga pangagailangan sa paaralan lalong-
lalo na sa uniporme.

Mga Mananaliksik

. Makakatulong sakanila upang gawing basihan sa kanilang gagawing pananaliksik. Sana


ay maipagpapatuloy nila ang siyang nasimulan ng nga manananaliksik na siyang ring isasaliksik.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay para sa mga estudyante ng hums strand ng pambansang


mataas na paaralan ng mangaldan kung ano nga ba ang mga salik na magagandang epekto at
hindi magagandang epekto ng pagsuot ng kumpletong uniporme tuwing papasok sa ating
paaralan . pinagtutuunan din ng pananaliksik na ito ang mga dahilan kung bakit sila nag susuot
ng kumpletong uniporme at bakit ang iba ay hindi nagsusuot.Saklaw din ng pananaliksik na ito
kung bakit presentable tignaan ang pagsusuot ng kumpletong uniporme.
KAHULUGAN NG MGA TERMINOLOHIYA

Alituntunin- Ang alituntunin ay isang takda na tahasang o naiintindihang regulasyon o


mga prinsipyo na namamahala uugali sa loob ng isang partikular na gawain.

Dangal- reputasyon, dignidad, karangalan

Institusyon- Isang grupo , oraganisasyon o establishment na kung saan na nakatuon sa


pag-promote ng isang partikular na dahilan o programa, lalo na ang isa sa isang pampubliko,
pang-edukasyon, o kawanggawa na katangian .

Nag-uudyok- ay ang nagtutulak sa iyo na gawin ang isang bagay

Obligasyon- isang gawain na naatas sayo.

Pagkakakilanlan- kung ano ang iyong kalakasan at kahinaan

Palatuntunin- kautusang ipinapatupad ng isang grupo upang maging maayos ang takbo
ng ating buhay

Pananaliksik- ito ay ang iyong pagtuklas at pagsukat ng iyong teorya sa paglutas ng


suliranin na iyong isinasagawa.

Presentasyon- ay isang uri ng pagpapakita o pagpapaliwanag sa mga tao

Resulta- kalalabasan/ kahihinatnan

Sakop- nakapaloob

Unibersidad- pamantasan

Uniporme- damit na sinusuot ng mga mag-aaral at iba pa upang mapadaling makilala ka


o upang maibahagi mo ang sarali mo kung estudyante,doktor,college student at marami pang iba.
KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Ang batayang konseptwal ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng input-process-


output model.Inilalahad sa bawat frame ang mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik;
magpapasurvey sa mga HUMSS ika-11 baitang na mga mag-aaral sa Pambansang Mataas na
Paaralan ng Mangaldan upang malaman kung gaano kadami ang nagsusuot ng kumpletong
uniporme araw- araw. Pagbabatayan ang resulta upang masabi kungano ang epekto nito sa ating
pag aaral.

BATAYANG KONSEPTWAL

Input Proseso Output

Nais ng mgamananaliksik Ang mgamananaliksik ay Inaasahan ng mga mananaliksik sa


namalaman kung gaano kadami ang mamamahagi ng mga nasabing pag-aaral na ito na malaman kung
nagsusuot ng kumpletong uniporme kwestyuner o gaano karami ang nagsusuot ng
araw araw sa HUMSS Students ika- survey kanilang kumpletong uniporme sa
11 baitang na mga mag-aaral sa sa mga HUMSS Students ika-11 mga HUMSS students sa ika-11
Pambansang Mataas na Paaralan ng baitang na mga magaaral sa baitang na mga mag-aaral sa
Mangaldan at ang epekto nito sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng
kanilang pag aaral magsasagawa ang Mangldan upang makakalap ng mga Mangaldan
mga mananaliksik ng paglilimbag ng impormasyon o datos hinggil sa at ang epekto nito sa kanilang pag
kwestyuner o paksang pinag-aaralan o tinatalakay aaral.
Survey na naglalaman ng mga
katanungan hinggil sa paksang
pinag-aaralan.

Feedback :
Mabubuksan ang mga mata ng HUMSS Students sa ika 11 na baiting na mga magaaral ng
Pambansang Mataas na Paaralan ng Mangaldan na mas kailangan pang ugaliin ang pagsusuot ng
kumpletong uniporme at lalong itoy mabigyan ng pansin.

You might also like