You are on page 1of 1

Jobelle Grace Soriano ABM12-A

Danica Joy Urita

Posisyong Papel

Pagsuot ng uniporme sa bawat paaralan

Ang uniporme ay sumisimbolo sa bawat paaralan na kinakatawan ng mga mag-aaral. Ang


uniporme ay isang tradisyon hindi lamang upang ipakilala ang paaralan kundi paghahanda na rin
sa ating pag-iisip sa pag-aaral. Hindi tama na ipatanggal na lamang basta basta ang pagsusuot ng
uniporme sa bawat paaralan dahil napakahalaga ang paggamit at pagsuot nito sa paaralan.

Ayon nga kay San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng komisyon,
mas makakatipid ang mga magulang ng mga estudyante kumpara sa nais ipatupad ni President
elect Rodrigo Duterte na "no uniform policy" sa mga paaralan. Kung ang ideya dito ng
presidente ay mas makakatipid ang mga magulang, para sa akin, pag naka uniporme ka mas
makakatipid ka. May mga kilala akong mga estudyante na minsan isa, dalawa o tatlo lamang ang
uniporme at pinagpapalit palitan lang yan. Kaya hindi malaking parte kung gastos lamang ang
dahilan kung bakit ito ipapanukala.

Ang pagkakaroon ng uniporme sa bawat eskwelahan ay nagpapakita ng pagiging maayos


at disiplinado ng mga mag-aaral. Ito rin ang pagpapakita ng mga mag-aaral ng kanilang
pagsunod sa alituntunin at patakaran ng paaralan. Ayon pa sa Obispo na si Roberto Mallari na
ang uniporme ng isang paaralan ang siyang "identity" ng isang institusyon. Mas mahihirapan ang
mga awtoridad na tiyakin ang seguridad ng mga paaralan kung hindi nakasuot ng uniporme ang
mga bata. Mas kaaya aya at malinis ring tingnan kung ang lahat ng mga estudyante ay nakasuot
ng uniporme.

Ang pagkakaroon ng uniporme ay sumisimbolo rin sa pagkapantay pantay ng bawat mag-


aaral. Sapagkat sa pag-aaral hindi sukatan ang presyo ng iyong damit o tatak nito. Naniniwala
din ang Catholic Bishops Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Catechesis
and Catholic Education na mas nakabubuti ang pagsusuot ng uniporme sa mga estudyanteng
papasok ng paaralan.

You might also like