You are on page 1of 3

Posisyong Papel

No Uniform Policy

Nina

Bea Nicole L. Gillaco

Kate Ann De Guzman

Carmela Joy Lustares

Mikyla Javal

Yna Mirador

Joanna Oriola

Isinulit kay:

Madela D. Dela Cruz


Kilala sa kaligiran ng pag-aaral ang pagkakaroon ng mga uniporme batay sa
pagkakakilanlan ng isang bahay paaralan. Ang uniporme ay sumisimbolo sa bawat paaralan
na kinakatawan ng mga mag-aaral. Isa itong identidad ukol sa paaralang pinapasukan ng
bawat estudyante ng kinabibilangang ekwelahan, tradisyon hindi lamang upang ipakilala ang
paaralan kundi paghahanda na rin sa pag-iisip ng mga kabataan. Sa panahon ngayon marami
nang bilihin ang nagmahal at ang pagkakaroon ng uniporme ay kalidad lamang sa gastos na
maaring ilaan na lamang sa dapat na pangangailangan. Maliban dito, ang pagkakaroon ng
uniporme ay isa lamang tradisyon na ating kinalakihan ngunit kung susuriin sa panahon
ngayon marami nang mahihirap ang laganap at puro suliranin na kinahaharap ng ating
paligid.

Ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte hindi obligadong magsuot ng
uniform ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa darating na pasukan. Ayon
din kay Vice President Duterte, makakadagdag lamang ito sa gastusin ng mga pamilya sa
gitna ng patuloy na pagtaas ng presyon ng mga pangunahing mithiin sa banda. Gayundin,
sinabi ni Balderas na mas magiging makonsiderasyon ang DepEd LUSDO ngayong school
year dahil sa tumataas na presyo at pagkalugi sa ekonomiya dahil sa COVID 19.

Ayon sa DepEd Order No. 065 na inilabas noong 2010, hindi kailangan ang pagsusuot ng
uniporme sa paaralan sa panahon ng pre-pandemic. Sa ilalim ng nasabing kautusan, "Ang
mga estudyanteng may umiiral nang uniporme ay maaring magpatuloy sa paggamit ng mga
uniporme kung nais nila" ani Duterte-Carpio.

Habang ang pangkalahatang patakaran ay ang pagsusuot ng uniporme ng paaralan ay hindi


kinakailangan sa mga pampublikong paaralan, kinakailangan na magbigay ng patnubay sa
kung ano ang bumubuo ng tamang kasuotan sa paaralan.

Ang pagsuot ng uniporme sa paaralan ay tunay na nakabubuti sa estudyante maging sa


paaralan at magulang nito. Marapat lamang na tangkilikin pa rin ito nang tuluyang magkaisa
at masiguro ang seguridad ng bawat estudyante.

Bagama't batay sa aming pananaw ang pagsusuot ng uniporme ay hindi mandatory kagaya
na lamang ng sinabi ni Vice President Sara Duterte, ito ay hindi nagpupumilit ng mga
estudyante na magsuot ng identidad ng isang paaralan bagkus ito ay nasa mag-aaral kung
gugustuhin niya ito at makilala bilang isang mag-aaral ng paaralan. Sa gayon ay nakabatay
rin ito sa patakaran ng isang paaralan kung magmamandatory sila ng pagsusuot ng uniporme,
bukod dito maari sana nilang maunawaan ang ibang estudyanteng mahihirap lamang dahil
mahirap sa kanila ang gumastos para sa ibang bagay.

Ang pagsusuot ng uniporme ay hindi sumasaalang-alang sa pagkatuto ng isang mag-aaral


kahit ano man ang suot ng isang mag-aaral nakauniporme man o hindi ay ia pa rin itong
ganap na mag-aaral. Hindi binabase sa uniporme ang pagiging mag-aara

You might also like