You are on page 1of 5

Tuazon, Francheska Shannel G.

Asignaturang
Filipino

12 ABM

Posisyong Papel patungkol sa isyung hindi pagsuot ng uniporme sa pagpasok sa


eskuwelahan; DepEd order no. 065 s. 2010.

PANATILIHIN ANG PAGSUOT NG UNIPORME SA PAGPASOK SA


ESKUWELAHAN.

“Hindi mahigpit na kinakailangan para sa mga pampublikong paaralan na magsuot ng


uniporme upang maiwasan ang karagdagang gastos sa mga pamilya ng ating mga mag-aaral.
Lalo na’t hindi na ito kakailanganin ngayong School Year dahil sa tumataas na presyo at
pagkalugi sa ekonomiya dahil sa pandemya,” - VP Sara Duterte.

Kinalakihan na natin ang pagsusuot ng uniporme, mula sa pagpasok sa eskwela hanggang


sa pagpasok sa opisina. Isa itong patunay na tayo ay kabilang sa isang campus o samahan. At
simula nga nang mabanggit ni Vice President Sara Duterte ang patungkol sa hindi na
kinakailangang pagsuot ng uniporme ay laking tunog nito sa bayan. Marami ang natuwa at
umayon ngunit mayroon rin namang mga tumututol.

Ang paninindigan ko ay ang pagpapanatiling pagsuot ng uniporme sa pagpasok sa


eskuwelahan.

Isa ako sa mga taong tutol sa pagtapon sa ideyang hindi pagsuot ng uniporme sa paaralan.
Ang pagsusuot ng uniporme ay nagsisilbing simbolo ng kaayusan hindi lamang sa panlabas
kundi pati na rin sa panloob. Oo, sabihin na nga nating may kamahalan nga minsan ang
pagbili ng uniporme; ngunit kung gagamitan ng practikal na pagiisip, ito’y mas maganda na
kaysa sa pagbili ng mga damitang pang ootd (Outfit Of The Day) sa limang araw kada isang
linggo ng isang bwang pagpasok sa paaralan. Sa pamamagitan ng pagsusuot ng uniporme
hindi mo na kailangang pag-isipan pa ang damit na isusuot sa eskwelahan. Isang plantyahan
lang ay ayos na. Pwede pa itong magamit sa susunod pang taon na pag-aaral sa eskwelahan.
Hindi ka na mamomoblema sa pagbili ng panibagong mga damit para lang maki-uso sa mga
sikat na kasuotan kahit na sa paaralan lang naman ang pupuntahan. Maaari ring may pumasok
na hindi naman estudyante sa mga paaralan dahil nga sa walang tuntunin sa pagsusuot ng
uniporme na maaaring maging panganib sa kaligtasan ng mga estudyante.
Malaki ang tulong ng uniporme sa pagpapahiwatig na ang mga tao’y pantay pantay lamang
ang bawat isa sa’tin sa lipunan. Na walang mas nakahihigit at nakabababa saatin. Ito’y
patunay na tayo’y iisa at hindi makakaapekto sa pag-iisip ng kabataan. Lalo na’t ngayo’y mas
sensitibo na ang henerasyon namin sa mga tuntuning kalusugan ng isip (mental health),
pagkabalisa (anxiety), kawalan ng kapanatagan (insecurity), at labis na pag-iisip. Tulad
nalang ng pagkainggit sa mga kasuotan ng ibang makikitaan ng posisyon nito sa buhay. “Buti
pa si ganto napakaganda ng mga damit habang saakin ay luma at matagal na.”;
“Nakakahiya namang pumasok na ganito ang suot habang sakanila’y panibago’t naaayon sa
panahon ngayon.”
Kaya para saakin ay mas lamang pa rin ang pagsuot ng uniporme sa pagpasok sa paaralan
upang mapanatili ang pantay-pantay na pagtingin sa isa’t isa, kaligtasan at pagkaroon ng
disiplina.

You might also like