You are on page 1of 6

SALIK SA MGA ESTUDYANTE NG DI WASTONG PAGSUOT NG UNIPORME SA

SENIOR HIGH SCHOOL SA ST. AGUSTINE ACADEMY OF PAMPANGA

Isang Pananaliksik

Na Inihaharap kay BB. AGUAS, APRIL JOY

Isang Bahagi ng mga Gawaing Kinakailangan

sa Pagtamo ng Marka sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Filipino

Ngalan ng pangkat:

Bansil, Jerald Jency

Castro, Jean Cyrille

Cuellar, Reniel

Dimla, Lexus

Marso 8, 2019
I. Rationale

Ayon kay Png. Duterte (2016), balak niyang alisin ang uniporme ng mga estudyante.

Katwiran niya, gastos lamang ito sa mga magulang, malaki raw ang matitipid ng mga magulang

kung naka plain clothes lang ang mga mag-aaral. Ang balak na ito ni Png. Duterte ay suportado

ng dating pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo nang inatasan niya ang Education Secretary na

si Jesli Lapus na mag-isyu ng dalawang “Department Orders” na magtatanggal sa pagkaroon ng

uniporme bilang “Mandatory Requirement” sa mga paaralang elementarya at sekondarya.

Ayon rin kay Luistro (2016), ang nasabing plano ni Duterte ay talagang naming isinasaad

sa polisya ng tanggapan sa ilalim ng DepEd Order No. 45 Series of 2008. Nakasaad na hindi

nirerequire ang mga estudyante na magsuot ng uniporme at maaring isuot ang kung anumang

“existing” na uniporme ayon sa kanilang kagustuhan.

Dagdag pa ni Luistro, mayroon din namang pinalabas na “guidelines” ang tanggapan sa

kagandahan nang may tamang school attire at nasa ilalim ito ng DepEd Order No. 46 Series of

2008.

“Ang pangunahing karapatan ng estudyante na pumunta sa paaralan, mag-aral at matuto

ay mahalaga at dapat igalang at itaguyod sa lahat ng oras. Ang kasuotan ng estudyante ay

dapat sumasalamin bilang paggalang para sa mga paaralan bilang institusyon para sa pag-

aaral,” (DepEd Order No. 46, Series of 2008).

Ngunit, ayon kay Caruso (1996), ang kataas-taasang hukuman ay nagpasiya na ang

kasuotan ng mga mag aaral ay maaring kontrolin ng mga opisyales ng paaralan kailanman kahit

na sila ay protektado ng “First Amendment Protection of Political Speech to non-verbal acts…”


ito ay hindi pa rin malinaw gayunpaman, kung ang pagiging pribado at malaya sa ekspresyon ay

magagamit sa pagpili ng mag-aaral ng kanilang susuotin na damit.

Dahil ang pagkakaroon ng uniporme sa bawat paaralan sa ating bansa ay nagpapakita ng

pagiging maayos at disiplinado na mga mag-aaral. Ito rin ang pagpapakita ng mga mag-aaral sa

kanilang pagsunod sa alituntunin at patakaran ng paaralan. Ang uniporme ay sumisimbolo sa

bawat paaralan na kinakatawan ng mga mag-aaral. Ito rin ay isang tradisyon hindi lamang upang

mapakilala ang isang eskwelahan kundi paghahanda sa ating pag iisip sa pag-aaral.

Ang uniporme ay sumisimbolo rin sa pagkakaroon ng kapantayan sa bawat mag-aaral ng

isang paaralan. Subalit mayroon paring ilang estudyante ang hindi pinapahalagan ang pagkakaroon

o pagsuot ng uniporme. Ngunit sa panahon ngayon marami ng mga paaralan ang hindi masyadong

mahigpit sa pagpapasuot ng uniporme sa kanilang mga estudyante kaya naman marami na ring

estudyante ang hindi nagsusuot ng wastong uniporme, walang sapat na uniporme, walang pera

panggawa ng uniporme, o kaya naman mga nawawalang ID, sapatos at sa kadahilanang hindi nila

gusto ang pagsuot dahil sa disensyo nito.

Ang hindi wastong pagsuot ng uniporme maaring mag-udyok sa kanila upang gawin ang

maling mga gawain tulad ng pagliban sa klase, paninigarilyo, pag-inom sa labas, o madala pa sa

ibang bisyo, pagiging bulakbol at pagsali sa mga masasamang grupo na maaring maghatid sa

kanila sa peligro. Iilan lamang ito sa mga salik sa hindi wastong pagsuot ng tamang uniporme dahil

ito ay nakakasama sa kanila lalo na’t maaring mahantong ang mga estudyante sa piligro na maaring

humantong sa pagkamatay na sisira sa kanilang kinabukasan o sa kanilang pangarap. Ang

pagpapatuloy sa suliraning ito ay maaring humantong sa malaking problema na maaring kaharapin

ng paaralan lalong-lalo na sa mga estudyante.


II. Layunin ng pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay para maipaalam sa mga estudyante ng St. Augustine

Academy of Pampanga sa ika-11 baitang at ika-12 na baitang ng Senior High School ang hindi

magandang dulot ng hindi pagsuot ng wastong uniporme sa kanilang pagpasok. Mailalahad dito

ang mga salik. Paano magiging mabuting impluwensya ang mga estudyante sa susunod na

henerasyon kung hindi naman nila sinusunod ang mga alituntunin ng paaralan? Sakop rin nito ang

pagtukoy sa mga iba’t ibang dahilan kung bakit hindi sinusunod ng mga ilang estudyante ang

pagsuot ng wastong uniporme.

MGA LAYUNIN:

 Maipabatid sa mga estudyante na ang wastong pagsuot ng uniporme ay napaka-halaga

bilang isang mag-aaral.

 Maipabatid sa mga estudyante na ang hindi wastong pagsuot ng uniporme ay may hindi

magandang maidudulot para sa kanilang paaralang kanilang dinadala.

 Maipaalam sa mga mag-aaral na mas pormal at maayos tignan ang pagsuot ng wastong

uniporme. At maipaalam rin sakanila na mayroong guro na mahigpit na binabantayan ang

kanilang pagsuot ng wastong uniporme.

III. Metodolohiya

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikipanayam sa ilan sa

mga guro at mag-aaral na gumagamit ng e-textbook bilang metodo ng pagkalap ng impormasyon

ayon sa layunin ng pananaliksik na isasagawa. Ipinapakuha rin ng papel na ito ang pagsasagawa

ng obserbasyon sa mga silid-aralan ng isang piling paaralan na nagpapatupad ng paggamit ng e-


textbook sa pili nitong mga pangkat at baitang upang higit na mapatatag ang mga datos na

makukuha mula sa pakikipanayam.

IV. Inaasahang output o bunga

Inaasahang makabubuo ng 50 pahinang output ang pananaliksik na isasagawa na

tumutugon sa layunin ng papel na ito. Inaasahan ding makakapagpahayag sa output ng mga

rekomendasyon na maaring magamit ng piniling paaralan o iba pang paaralang nagnanais na

gumamit ng e-textbook sa kanilang kurikulum.


V. Sanggunian

 https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2016/05/24/1586432/editoryal-

uniporme-ng-mga-bata-sa-public-school-huwag-alisin

- Pilipino Star Ngayon (2016)

 https://journals.sagepub.com/doi/abs/10.1177/019263659608058121

- Caruso, Peter (1996)

 https://blockiiastudz.blogspot.com/2008/10/ang-tamang-pagsuot-ng-uniporme-

nina.html?fbclid=IwAR0J4puXLrfLyu-7L8DfPFV233-

fPfEwfcr5J93XpL3J3p6V6pN_Xr0Ch7s

- Santander, M.J., & Asobe, T.V. (2008)

 https://www.theguardian.com/education/mortarboard/2013/oct/03/why-wear-school-

uniform?fbclid=IwAR0Slgx03GS8iWdHKliEnJTeT13IQYAap_cH408EB-

ykr6ynX6KnN_ubgF8

- Spencer, Chloe (2013)

You might also like