You are on page 1of 35

WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

Electronic Modyul sa Filipino sa Piling Larang- Technical Vocational

Leonisa C. Calimotan

Kabanata 1

Panimula ng Pag-aaral

Ang kabanata I ay binubuo ng limang bahagi: (1) Banghay at Sanligan ng Pag-

aaral, (2) Paglalahad ng Suliranin, (3) Saklaw at Limitasyon, (4) Kahalagahan ng Pag-aaral

at (5) katuturan ng mga Katawagan.

Ang Unang bahagi, Banghay at Sanligan ng Pag-aaral ay nagpapaliwanag ng mga

dahilan sa pagpili ng suliranin at paglalahad ng banghay ng pag-aaral. Dito rin nakapaloob

at mga sinandigang teorya ng naturang pag-aaral.

Ang Ikalawang bahagi, Paglalahad ng Layunin at Suliranin, nagsasaad ng layunin

ng kasalukuyang pag-aaral at ang mga suliraning tatangkaing sagutin.

Ang Ikatlong bahagi, Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral ay tumatalakay sa sakop

at limitasyon ng pag-aaral.

Ang Ikaapat na bahagi, Kahalagahan ng Pag-aaral, nagpapahayag ng mga

kapakinabangang maidudulot ng pag-aaral at ng mga taong makikinabang sa kalalabasan

ng pag-aaral.
WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

Ang Ikalimang bahagi, katuturan ng Katawagan, ay ang pagbibigay katuturan sa

mga mahahalagang katawagang gagamitin sap ag-aaral na ito para sa malinaw na pag-

unawa.

Banghay at Sandigan ng Pag-aaral

Sa paglilimi natin sa ating lipunang ginagalawan sa kasalukuyan mababanaag natin

na ang buhay ay napakakomplikado. Ang bilis ng takbo ng modernisasyon. Kailangang

makahabol tayo sa pagbabago lalong-lalo na sa larangan ng edukasyon.

Batay sa Repuclic Act No. 10533 o mas kilalang “Enhanced Basic Education Act of

2013” na nilagdaan ni Pangulong Aquino noong Mayo 3, 2013 na nagpatupad ng

karagdagang dalawang taon sa High School, ito ay ang Senior High School. Sa hangaring

gustong makipagsabayan sa global na kasanayan ang mga gradweyt sa High School ay

nagbigay ng paglalarawan ang Kagawaran ng Edukasyon sa mga katangian ng isang Mag-

aaral sa Ika-21 na siglo. Ang mga katangiang ito ang tutulong upang sumabay ang mga

Pilipino sa pandaigdigang kasanayan. Ang mga katangiang ito ay Critical thinking,

Creativity, Collaboration, Communication, Information Literacy, Media Literacy,

Technology Literacy, Flexibility, Leadership, Initiative, Productivity, & Social Skills.

Sa ilalim ng Senior High School, lahat ng mag-aaral ay makikinabang sa isang Core

Curriculum o mga paksang pangkalahatan at mga paksang kapares sa pinili nilang track.

Ang asignaturang Filipino ay bahagi ng core curriculum na kailangang kunin ng bawat

mag-aaral sa Senior High School. Ang Filipino sa Piling Larang: Tech-Voc ay isa sa mga
WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

asgnaturang napabilang sa Applied subjects na kinakailangang kunin ng mga mag-aaral sa

Senior High School na kumukuha ng Track na Tecnhical Vocational and Livelihood (TVL).

Layunin ng asignaturang ito na maunawaan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang aralin sa

iba’t ibang larangan (Tech Voc) at ihahanda sila sa buhay pagkatapos ng kanilang pag-

aaral. Sa pagtuturo ng asignaturang ito, nangangailangan ang guro at ang mga mag-

aaral ng hanguang aklat. Sa kasamaang palad may modyul na ibinigay ang DepEd ngunit

ito ay gahol sa impormasyong kinakailangan sa pag-aaral ng nasabing asignatura.

Sa kabila ng deklarasyon ng Department of Education (DepEd) na nalutas na ang

suliranin sa kakulangan ng aklat sa buong pampublikong paaralan sa bansa, ay hindi

maitatanggi ang realidad na marami pa ring mga paaralan ang gahol sa kagamitang

pampagkatutuo lalong-lalo na ng aklat. Sa pakikipagtalastasan ni education

Undersecretary Mario Derequito sa mga opisyal ng paaralan at mga guro, ipinarating ng

mga huli ang kanilang problema tulad ng kawalan ng textbook. Ayon sa mga guro sa isa

sa mga paaralang may Senior High School Program, walang librong ibinigay ang DepEd

kundi mga modyul lamang. Nabatid na ang ilang paaralan ay nagtitiyaga na lamang ng

mga lumang libro dahil sa wala naman umanong dumarating sa kanilang mga bagong

textbook. May mga nailimbag ang DepEd na mga aklat at gabay sa pagtuturo ng mga

asignatura sa Senior High School ngunit salat ang mga ito sa nilalaman na siyang sagabal

sa pagtatamo ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung may mga aklat naman ay wala rin

doon ang interes ang mga mag-aaral. Ang kanilang interes ay naroon sa mga may

kinalaman sa teknolohiya.
WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

Alinsunod sa Batas Republika Blg. 10533 Seksyon na pinamagatang “Batas sa

Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013, nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon

(DepEd), Komisyon sa Lalong Mtaas na Edukasyon (CHED), at Pangasiwaan sa

Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (TESDA) ng mga tuntunin at mga

regulasyon sa pagpapatupad ng mga probisyon ng batas.

Ang tuntunin sa Seksyon 10 ng batas na ito ay may pamagat na “Pagbuo ng

kurikulum sa Batayang Edukasyon at isa sa mga binigyang pokus dito ay produksiyon at

pagbubuo ng mga materyales. Ayon sa tuntuning ito, ang produksiyon at pagbubuo ng

mga lokal na materyales sa pagtuturo at pagkatuto ay hinihikayat. Ang pagtanggap sa

mga materyales na ito ay ibababa sa mga panrehiyon at pandibisyong yunit sang-ayon sa

mga pambansang polisiya at pamantayan.

Isa rin sa mga tungkulin ng guro ay ang maging taga-disenyo ng kaniyang

kagamitang pampagtuturo. Sa batas na ito hinihikayat hindi lamang ang mga manunulat

ng mga aklat kundi ang mga guro na siyang unang makikinabang sa mga malilikha at

malilimbag na mga kagamitan.

Ang Bucari National High School-Senior High School Department at kasama na rin

ang mga paaralan sa Ikalawang Distrito ng Iloilo ay nagkaroon ng malaking suliranin dahil

sa kasalatan ng aklat o mga sanggunian sa asignaturang Filipino sa Piling Larang:Tech

Voc sa Baitang 12 lalong-lalo na ang mga kagamitang teknikal na siyang kinawiwilihan ng

mga mag-aaral sa kasalukuyan.


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

Ang mga ma-aaral sa Bucari National High School na mapipili ng mananaliksik sa

kaniyang pilot-testing ay mayroon ng access sa internet gamit ang kani-kanilang wifi at

wifi ng paaralan. Ang mga mag-aaral ring ito ay may kaniya-kaniyang mga cellphones at

karamihan ay maroon mga sariling laptops sapagkat halos lahat ng mga asigantura sa

Senior High School ay nangangailangan ng mga nasabing gadgets. Kung wala namang

laptop ay mayroong computer room ang paaralan kung kaya’t abot-kamay ang access sa

teknolohiya. Magiging madali para sa mananaliksik ang gagawing pananaliksik dahil dito.

Ang mga dahilang ito ang nag-udyok sa mananaliksik na bumuo ng e-modyul

bilang kagamitang pampagtuturo. Sa pamamagitan ng e-modyul, madadagdagan ang

ginagamit na sanggunian ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa Piling

Larang:Tech Voc at para mapukaw na rin ang kanilang kawilihan sapagkat ito’y sa

pamamagitan ng teknolohiya na umaayon na rin sa katangian ng ika-21 siglong mag-

aaral.

Paradima ng Pag-aaral

Ipinapakita sa Larawan 1 ang paradima ng pag-aaral.

Pagtataya sa Antas ng
Pagbuo ng e-modyul
Kahusayan
WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

Larawan 1. Ang Pagbuo ng e-modyul sa Filipino sa Piling Larang-Technical Vocational at

ang pagtaya sa antas ng kahusayan nito.

Balangkas Teoritikal

Ang pag-aaral na ito ay nakasalig sa teoryang Constructivism nina Piaget

(1981) at Bruner (1990) na nasa Tambolero (2019). Naniniwala ang teroyang ito na ang

paglinang ng kognitibong kaalaman ay nabubuo sa pamamagitan ng iteraksiyon ng bata

sa mga bagay na kanyang namamasid-nakikita, nahahawakan at namamanipula. Ang

modyul, batay sa teoryang ito ay magsisilbing kagamitang pampagtuturo na

makapagbibigay ng tulong at makapagpupuno sa pangangailangan ng mag-aaral sa

pagtatamo ng makabuluhang pagkatuto.

Ibinatay din ang pag-aaral na ito sa Instructional Design Theory ni Charles

Morgan Reigeluth (1983). Ang instructional design theory ay tumutukoy sa set ng mga

teorya sa pagdedesinyo na nauukol sa iba’t ibang aspeto ng instruksyon. Ang set ng mga

teoryang ito ay naglalahad ng mga nararapat na paraan ng pagtuturo, proseso sa

pagtipon ng impormasyon sa pagbuo ng desisyon sa pagtuturo, proseso ng pagbuo ng

paghahanda ng implementasyon ng aralin, at proseso ng pagtataya ng pagkatuto.


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

Ayon kina Heinich, R., Molenda, M. Rusell, D.J., at Smaldino, N.S. (2002)

na ang paggamit ng media at teknolohiya ay mabisang gawin. Sinabi rin nila na ang

paggamit ng isang modelo bilang gabay ay mainam din. Ginawang huwaran ng modyul

ang ASSURE Model o Instructional Systems Design (ISD) Model. Ito ay isang gabay na

pamamaraan sa pagpaplano at paghahatid ng panuto sa pamamagitan ng teknolohiya at

media sa pagtuturo. Ito rin ay tulong para sa mga guro sa pag-oorganisa sa mga

napapanahong pamamaraan o hakbang. Nakatutulong din ito sa pagtataya ng kakayahan

ng mga mag-aaral. Nakasaad dito ang anim (6) na pangunahing hakbang sa pagpaplano.

Ang ilan sa mga bahagi ng modelong ito ay nirebisa ng mananaliksik.

A- Analyze learner characteristics/ Pagsusuri ng mga mag-aaral

S- State objectives/ Paglalahad ng layunin

S- Select, Modify, or Design Materials/ Pagpili, pagbago, o pagdisenyo ng

kagamitang pampagtuturo

U- Utilize Materials/ Paggamit ng kagamitang pampagtuturo

R- Require Learner Response/ Pagsangkot sa mga mag-aaral

E- Evaluation/ Pagtataya

Magiging kapaki-pakinabang ang nabuong modyul bilang kagamitang

pampagtuturo lalo na sa ikalabinadalawang baitang sa Senior High School na kulang sa

aklat at iba pang kagamitan na ginagamit sa pag-aaral. Magiging madali ang pag-aaral ng

mga mag-aaral sa Senior High School sa asignaturang ito gamit ang e-modyul sapagkat

hindi na mahihirapang mangalap ng datos sa pag-aaral at upang matugunan ang


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

kasalatan ng mga kagamitang pampagtuturo at upang madaling mahikayat ang mga mag-

aaral dahil sa mayroon silang interes sa e-modyul.

Suliranin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo ng e-modyul at tiyakin ang

antas ng kahusayan nito.

Bilang pagtitiyak, layunin ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod

na katanungan:

1. Ano ang saklaw at nilalaman ng e –modyul?

2. Ano ang antas ng kahusayan ng bubuoing e-modyul batay sa sumusunod na

aspekto: (a) nilalaman; (b) pisikal na aspekto; (c) kompetensing pampagkatuto; (d)

karanasang pampagkatuto; (e) ebalwasyon; (f) kalinawang biswal; at (g) sangkap

panteknolohiya.

3. Ano-ano ang mga reaksiyon ng mga guro at mag-aaral tungkol sa bubuoing

e-modyul?

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isang palarawang pag-aaral na ang pangunahing

layunin ay bumuo at magtaya ng modyul bilang kagamitang pampagtuturo sa Grade 12

Filipino sa Piling Larang-Tech Voc.


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

Dalawang talatanungan ang ginamit sa pag-aaral. Ang talatanungan sa

pagtataya sa katumpakan at kahusayan ng modyul na batay sa sumusunod na aspekto:

(a) nilalaman; (b) pisikal na aspekto; (c) kompetensing pampagkatuto; (d) karanasang

pampagkatuto; (e) ebalwasyon; (f) kalinawang biswal; at (g) sangkap panteknolohiya.

Tinaya ang katumpakan ng modyul bilang kagamitang pampagtuturo ng limang (5)

gurong nagtuturo ng Filipino sa Piling Larang-Tech Voc sa Senior High School. Ang

ikalawang talatanungan ay ginamit upang tayain ang kahusayan ng modyul bilang

kagamitang pampagtuturo ng tatlong (3) guro at tatlong (3) tagasuri na may malawak na

kaalaman at kasanayan sa Filipino.

Ang mga istadistikang palarawan na ginamit sa pag-aaral na ito ay standard

deviation, katampatang-tuos o mean, frequency count at ranggo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo ng e-modyul sa Filipino sa Piling

Larang-Tech Voc at tiyakin ay antas ng kahusayan nito. Ang ginawang modyul at mga

kinalabasan ng pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabanag sa mga sumusunod:

Mga mag-aaral. Ang modyul ang magsisilbing gabay at hanguan ng mga

mag-aaral sa kanilang mga aralin sapagkat gahol sa kagamitang pampagkatuto sa

kasalukuyang kurikulum. Magiging mapanghikayat rin ang modyul sapagkat ito’ elektronik.
WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

10

Mga guro sa Filipino. Ang modyul ay magiging karagdagang sanggunian sa

pagtuturo ng kanilang aralin lalo sa sa mga guro sa Filipino sa Senior High School.

Mahihikayat rin ang iba pang mga guro na gumawa o bumuo ng kagamitang

pampagtuturo sa kanilang asignaturang tinuturuan.

Mga administrador, tagapamanihala at mga superbisor. Magiging isang

modelong kagamitan ang e-modyul upang lalong mahikayat ang iba pang mga guro na

gumawa ng kaparehong modyul sa kani-kanilang asignaturang tinuturo.

Mga tagadisenyo ng kurikulum. Maisaalang-alang ang kahalagahan ng e-

modyul at maging sanggunian ng mga paksang pag-aaralan. Magamit rin ang mga

estratehiya na nakapaloob sa e-modyul sa pagtaguyod ng kurikulum.

Kahulugan ng mga Termino

Sa higit na ikalilinaw ng pag-aaral na ito, ang sumusunod na katawagan ay

sinikap na bigyang kahulugan at pagpapaliwanag:

Kagamitang pampagtuturo. Sinasaklaw ang lahat at bawat isang bagay na

ginagamit ng guro sa pagtuturo ng asignatura sa mga mag-aaral, kabilang ito ang aklat,

modyul, tsart, plaskard, iba’t ibang uri ng paskilan, banghay-aralin, pamatnubay sa

pagtuturo, mga panturong yunit, mga takdang-aralin, gawaing pang-upuan, mga

pagsasanay, at pagsusulat (Catacataca, 1984 na nasa Tambolero, 2019).


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

11

Ang kagamitang pampagtuturo sa pag-aaral na ito at tumutukoy sa e-modyul

na binuo upang maging gabay pampagtuturo sa Grade 12 sa Filipino sa Piling Larang-

Tech Voc.

Modyul. Isang kagamitan sa pagtuturo-pagkatuto na buo at ganap sa

kanyang sarili at naglalahad ng mga tiyak na takdang Gawain sa isang paraang

sistematiko (Ruedes, 2001 na nasa Tambolero 2019).

Ang modyul sa pag-aaral na ito ay sariling bubuin ng mananaliksik bilang isang

kagamitang pampagtuturo sa Grade 12 sa Filipino sa Piling Larang-Tech-Voc.

Electronic Modyul. Ay 10-15 minutong e-learning platform na hindi hihigit sa

isa o dalawang learning concepts at pinagsamang pagtuturo at pagtatayang mga

kagamitang gaya ng video clips, direct instruction, gaming elements and social media.

(retrieved from: www.unmc.edu.elearning/resource-center/emodules.html)

Sa pag-aaral na ito an gang electroni module ay sariling gagawin ng

mananaliksik bilang isang kagamitang pampagtuturo sa Grade 12 sa Filipino sa Piling

Larang Tech Voc.

Electronik. Ginagamit sa pamamagitan ng paggamit ng mga maliliit na bahagi

ng microchips at transistors (Merriam Webster).

Ang elektronik sa pag-aaral na ito ay magiging lunsaran ng mga aralin sa

gagawing modyul ng mananaliksik.


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

12

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

13

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga kaugnay na babasahin at pag-aaral

na may kinalaman sa pagbuo at pagtataya ng Electronic Modyul sa Filipino sa Piling

Larang-Tech Voc.

Na paksa ang tatalakayin sa bahaging ito: (1) Katuturan at Kahalagahan ng

Kagamitang Pampagtuturo, (2) Ang Senior High School (SHS) sa K to 12 Curriculum, (3)

Ang Modyul, (4) Mga Kaugnay na Pag-aaral.

Ang Unang Bahagi, Ang Katuturan at Kahalagahan ng Kagamitang

Pampagtuturo, ay tumatalakay sa katuturan, uri, at kabuluhan ng kagamitang

pampagtuturo sa larangan ng edukasyon para sa mabisang pagkatuto at pagtuturo.

Ang Ikalawang Bahagi, Ang Kagamitang Panturo para sa K to 12, ay

tumatalakay sa mahalagang katuwang ng guro sa pagtuturo, ang isang mabisang

kagamitang panturo sa sasagot sa hamon ng pagbabago ng panahon na nagresulta sa

pagrerebisa ng kurikulum upang makaagapay sa pagbabagong ito gayundin ang programa

ng integrasyon ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at ang pagsuong ng mga bansang

ito sa globalisasyon.

Ang Ikatlong Bahagi, Ang Modyul, tumatalakay sa kahalagahan, mga tuntunin

at gabay sa pagbuo ng modyul.

Ang Ikaapat na Bahagi, Ang mga Kaugnay na Pag-aaral, ay tumatalakay sa

mga iba’t ibang pag-aara; na may kaugnayan sa pagbuo at paggamit ng modyul.


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

14

Kagamitang Pampagtuturo

Sa mga huling dakada ng ikalabinsiyam na siglo nagsimulang magkaroon ng

ibayong pansin sa pangangailangan ng kagamitang pampagtuturo. Bilang pagsasaalang-

alang sa kapakanan ng mga mag-aaral at upang magkaroon ng kahulugan at mabisang

pagtuturo at pag-aaral, ang mga guro ay gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo

(Abad, 2001). Ayon kina Halal at Liebowitz (1994). “The choice of instructional materials

can have an impact as large as or larger than the impact of a teacher”. Nangangahulugan

lamang ito na kailangang maging angkop ang mga kagamitang ginagamit ng mga guro sa

pagtuturo. Nararapat na ito ay napapanahon at sumasabay sa pangangailangan at interes

ng mga mag-aaral.

Sinabi pa ni Aguilar (2001), ang paglinang ng mga guro ng mga kagamitang

pampagtuturo ay makatutulong ng malaki sa pagtuturo. Subalit ito ay nangangailangan ng

pagtitiyaga, pagtitiis, lakas ng loob at pagiging maparaan ng guro. Kailangan na ito ay

pinag-iisipang mabuti dahil isa sa pinakamahalagang tungkulin ng isang guro ay ang

masigurong may natututunan ang mga sa mga itinuturo gamit ang mga kagamitan.

Ayon kay Liwanag sa pagbanggit ni Naelgas (2014), ang kagamitang

pampagtuturo ay isa sa mga salik sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Nakabase

ang mga paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo ng iba’t ibang batayan sa pananaw

na sosyo-kultural.
WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

15

Sa paggawa ng mga kagamitang pampagtuturo, nararapat lamang na

isaalang-alang ang mga gamit nito, ang mga layunin, ang estilo at ang bisa nito sa mga

mag-aaral. Nararapat lamang na ito ay alinsunod sa kanilang interes at pangangailangan.

Sa ganitong paraan, matutulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng nakakatuwa,

kawili-wili at epektibong pagkatuto.

Ang Kagamitang Panturo para sa K to 12

Ang K to 12 na kurikulum ay inilunsad noong 2013 na ibinatay sa Republic Act

No. 10533 na mas kilalang “Enhanced Basic Education Act of 2013”. Isang malaking

hamon sa mga guro ang pagbabago ng kurikulum. Kasabay ng pagbabagong ito ay ang

pagtuligsa ng karamihan sa mga kagamitang panturo para sa K t 12 partikular na sa mga

modyul na ipinamamahagi sa mga pampublikong paaralan, natural lamang na dumaan sa

masusing pagtataya ang mga ito. Kailangang matiyak na tumatahak sa ika-21 siglong

kasanayan ang modularisasyong nabanggit upang maiayon sa pangangailangan ng ika-21

siglong mga mag-aaral. Isa sa mahalagang katuwang ng guro sa pagtuturo ang isang

mabisag kagamitang panturo na sasagot sa hamon ng pagbabago ng panahon, ang mga

kagamitang panturo na magsisilbing tagapaghatid ng kaalaman at tagapaglinang ng mga

kasanayan ng isang mag-aaral.

Ayon kay Silva (2008) na nasa Montialbucio (2019), kailangang makita o

masalamin sa isang kagamitang pampagtuturo ang isang mahusay na kurikulum at

pagtuturo. Sa kasalukuyan, batay sa balangkas ng ika-21 siglong kasanayan, kailangan ng


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

16

mga mag-aaral ng ika-21 siglong kasanayan upang maging matagumpay sa buhay.

Sinasabing isang rebolusyunaryong hakbang ito sa kasalukuyan dahil ito ang bago sa

kalakaran ng edukasyon na dapat nagsasaalang-alang sa paglinang ng mga kasanayan ng

mga mag-aaral na lantad sa teknolohiya. Sa kabilang dako, sinasabing hindi ito bago dahil

matagal na ang kritikal na pag-iisip at paglutas ng mga suliranin ay bahagi ng mga

gawaing pangklase. Maaaring bago ang mga terminolohiya ngunit kaakibat ng mga ito

ang “information technology” at “global awareness”. Masasabing bago dahil mula sa

kaalaman na makukuha ng mag-aaral ay kailangang analisahin ito upang magamit sa

realidad (Rotherham at Willinghamties, 2009) na nasa Montalbucio (2019).

Isa sa mga instrumentong kinatigang maisakatuparan upang matugunan ang

kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral ay ang mga kagamitang panturo na

ginagamit sa loob ng klase. Sina Abad at Ruedas (1996) na nasa Montialbucio (2019) ay

nagpahayag na hindi lamang sapat na ang guro ay naghahanda ng mga kagamitang

pampagtuturo kundi kailangang alam din niya kung marami bang inihahain na kabutihan

ang paggamit niya ng kagamitan para sa kanyang mag-aaral.

Ang Modyul

Kapag ang mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa proseso ng pagkatuto, may

pagbabagong nagaganap sa kaniyang pagkatuto at pag-uugali. Sa kombensyonal na

sitwasyon, ang mga mag-aaral ay hindi nakikilahok nang 20% (Osterman, 1982) na nasa
WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

17

Montialbucio (2019), kung kaya, ang paggamit ng modyul ay iminumungkahi bilang

alternatibo sa pagtuturo.

Ayon kay Blevez (2000), ang modyul ay isang Gawain sa pagkatuto na maayos

ang pagkabuo at may kalakip na mga kaugnay na nakaraang Gawain sa pagkatuto na

maayos ang pagkabuo ay may kalakip na may kaugnay na nakaraang Gawain sa

pagkatuto ay inilahad at itinuro ang mga aralin. Sa pamamagitan ng pamatnubay na

pagsubok ang bawat munting liha ng aralin at ng pangwakas na pagsususlit sa katapusan

ng modyul, ay nagkakaroon ng pagtataya sa anumang kaalamang nakuha ng mag-aaral

sa modyul. Ang modyul ay isang sistematikong paglalahad ng mga gawaing makatutulong

sa mag-aaral upang matamo ang tunguhin sa aralin.

Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Mahenge (1992) patungkol sa paggamit ng

modyul, natuklasan niyang mas mataas ang nakuhang marka ng mga mag-aaral na

tinuruan sa tulong ng modyu kaysa doon sa mga nag-aaral na ginamitan ng ibang paraan

o estratehiya. Natuklasa sa pag-aaral nina Turner (1990) at Hart (1998( na nadagdagan

ang kaalaman ng mga mag-aaral na sumailalim sa pagtuturong ginamitan ng modyul.

Ayon kay Nussell (1976), mahalagang pumili ng angkop na kagamitan para sa

modyul upang maganyak at maituro nang maayos ang mga aralin. Ang nilalaman ay

dapat makisabay sa mga pagbabago at madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang

bawat konsepto.
WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

18

Kailangang epektibo ang gagamitng materyales upang madaling maunawaan

ang konsepto sa simpleng paraan. Ayon kay Plaza (1995), kailangang taglay ng isang

modyul ang mga sumusunod na katangian: a) matamo ang mga layunin; b) malinaw at

nauunawaan ang modyul; c) tiyak at magkakaugnay ang nilalaman ng modyul; d) angkop

ang wika sa mga taong gagamit nito; e) eksakto, nagagamit at bago ang nilalaman ng

modyul; at f) nakasasabay sa mga kasalukuyang nangyayari sa lipunan.

Maraming paraan sa paggawa ng modyul. Ayon kay Thompson (1978), ang

modyul ay kagamitan sa pagtuturo na nakatuon sa mga layunin s apag-uugali, may mga

panutong dapat sundin ng mag-aaral, unti-unting paglalahad ng aralin, aktibong

pakikilahok ng mag-aaral, nagbibigay ng puna patungkol sa pag-unlad ng kaalaman at

idinesenyo upang gamitin nang malaya. (retrieved from

http://filipinopoh.bogspot.com/2014/11/banyagang-pag-aaral.html)

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Si Montialbucio (2019), ay naghanda ng isang modyul sa Filipino sa Piling

Larang-Akademiks na tutugon sa kasalatan ng kagamitan sa mga mag-aaral sa Senior

High School. Ang mananaliksik ay bumuo at isinubok sa mg mag-aaral. Napatunayan sa

kaniyang pag-aaral na napakahuay ng ginawang modyul bilang alternatibong kagamitang

pagpagtuturo ayon sa pagtaya ng mga dalubhasa at mga guro.

Ang pag-aaral ni Zamora (2016) na nasa Montialbucio (2019), ay nakatuon sa

pagtaya ng modyul sa asignaturang Filipino batay sa kurikulum ng K-12. Nilayon nitong

maihanay ang paralelismo ng TG (Teachers Guide), LM (Learning Module) at CG


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

19

(Curriculum Guide) sa isa’t isa; mailarawan ang lawak ng nilalaman at pamamaraan at

kasanayan na nakapaloob sa modyul na kaugnay sa ika-21 siglong kasanayan na dapat

taglayin ng mag-aaral; mabakas ang mga problema na kinaharap sa modularisasyon ng

Filipino sa K-12; at makapagmungkahi ng angkop na modelo sa pagsasagawa ng isang

ebalwasyon para sa kagamitang pantur na tutugon sa ika-21 siglong kasanayan. Upang

maisagawa ito, nagsagawa ng focus group discussion sa mga guro ng dalawang

paaralang gumagamit ng modyul. Sinipat rin ng mananaliksik ang mga gawain sa odyul

kung ito ay tumutugon sa ika-21 siglong kasanayan. Mula rito, nalaman na hindi

nakatutugon ang nasabing kagamitang panturo sa ika-21 siglong kasanayan ngunit para

sa mga guro na gumagamit nito ay lubos naman silang sumasang-ayon na mya bahagi ng

modyul na makikitaan ng ika-21 siglong kasanayan. Batay sa mga datos na nakalap ng

mananaliksik, bumuo ang mananaliksik, bumuo ang mananaliksik ng Modelo ng

Ebalwasyon para sa kagamitang panturo na tutugon sa Ika-21 siglong kasanayan.

Natuklasan sa pag-aaral ni Taruc (2014) na nasa Montialbucio (2019) na kulang

sa mga tiyak na deskripsyon ang competency standards na inilabas ng DepEd upang

maging ispesipiko ang mga kakayahan na dapat linangin at taglayin ng mga mag-aaral sa

kanilang senior years. Walang gaanong karaming aklat na nakalimbag sa Filipino para sa

pagtuturo ng pagsulat/pagbuo ng kagamitang pampagtuturo. Kung mayroon man, ang

mga ito ay nasa Ingles at limitado rin sa mga silid-aklatan ng mga malalaking unibersidad

gaya ng UP,UST at DLSU. Maidaragdag din dito ang isyu kaugnay sa istandardisadong

pagtataya para sa lahat ng kagamitang pampagtuturo na ipinagagamit sa buong bansa,

publiko man o pribadong paaralan. Hindi kayang taglayin ng isang kagamitang


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

20

pampagtuturo ang paglaan ng maraming mga gawain at karaniwang hinahanap ito ng

mga nagsusuri.

Binigyang-pansin naman sa pag-aaral ni Longcop (2015) na nasa Montialbucio

(2019), ang pagbuo at pagtataya ng isang multi-media based module para sa Asian

Studies. Dito, iniisa-isa ni Longcop ang mga kasanayan at ang multimedia na kailangan ng

mga mag-aaral para sa modyu ng K-12 Asian Studies. Gumamit ang mananaliksik ng

modelo na ADDIE bilang pagdulog sa pagtuturo. Lumabas sa pag-aaral na angkop ang

multi-media-based modules sa pagtuturo ng Asian Studies. Ito ang kasalukuyang

hinahanap ng pananaliksik na tumutugon s aisang mag-aaral na kabilag sa 21-siglo. Ang

ADDIE na ginamit ni Longcop sa kanyang pag-aara ay ginamit din ni Singh (2009) upang

masuri ang proseso ng ISD at ADDIE sa pagbuo ng web-based module upang matukoy

ang pagiging balido at epektibo ng modyul sa larangan ng Information Technology.

Iminungkaghi ng pag-aaral na (1) magsagawa ng front-end analysis, (2) magdebelop ng

prorotype, (3) magkaroon ng integrasyon ng formative at summative na ebalwasyon, (4)

magsagawa ng integrasyon ng design evaluation sa proseso, at (5) flexibility sa proseso

ng pagbuo ng modyul. Gagamitin ng kasalukuyang pag-aaral ang detalyadong fron-end

analysis para sa module ng K012 na maaaring mula rito at makapagpanukala ng isang

modelo sa ebalwasyon para sa kagamitang panturo na magsisilbing daan upang makabuo

ng isang prototype na kagamitan para sa K-12 na kurikulum.

Sa pag-aaral nina Rahmadani, Ade Fitri at ng kaniyang mga kasama (2018), ang

mga mananaliksik ay nagdesinyo ng isang Learning module para sa mga aralin sa

elemtarya. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng 4D model na nagbibigay-kahulugan,


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

21

nagdedeisinyo at magdedebelop at magpapalagaap. Ipinakita sa pag-aaral kung ang

modyul ay balido, ang pangalan ng desinyo ay “Expert Design of Elementary Electroni

Learning Module and Expert Readings Eelementary Electronic Learning Module. Ang mga

aspekto na pinabaleydeyt ay: aspekto ng material na ginamit, presentasyon, language ang

legibility. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nagpapakita na ang Basic Electronic

Elementary Learning Module ay balido.

Sina Resita at Ertikanto (2018) sa kanilang pag-aaral na Designing Electroninc

Module based on learning content Development System in Fostering Student’s Multi

Representational Skills, ay nakalikha ng isang modyul na dinesenyo batay sa Learning

Content Development System (LCDS) upang mapangalagaan an gang multi

representational skills ng mga mag-aaral sa asignaturang Physics. Ang pag-aaral na ito ay

gumamit ng research at developmental na pamamaraan. Ang kanilang tagatugon ay 90 na

mga mag-aaral at anim (6) na mga guro sa Physics na nagtuturo sa Senior High School sa

Lampung Province, Indonesia. Tinipon ang mga datos sa pamamagitan ng questionnaire

at sinuri sa pamamagitan ng kwantitatibong pamamaraan. Batay sa datos na nakalap

95% ng mga mag-aaral ang gumagamit ng iisang representasyon sa paglutas ng suliranin

sa kanilang Physics na asignatura. Nakita sa pag-aaral na ang representasyon na

ginagamit at nagugustuhan ng mga mag-aaral ay ang symbolic na representasyon. Ito’y

natugunan ng Product design ng LCDS-based electronic module na ginawa ng mga

mananaliksik na mayroong text, larawan, symbol, video at animation representation na

mas tinatangkilik ng mga mag-aaral.


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

22

Kabanata 3

Disenyo at Pamamaraan ng Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa disenyo at pamamaraang ginamit ng

mananaliksik upang maisagawa ang kasalukuyang pag-aaral.

Ito ay binubuo ng tatlong bahagi: (1) Layunin at Disenyo ng Pag-aaral, (2)

Pamamaraan, at (3) Pang-istadistikang Pagtalakay ng mga Datos.


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

23

Ang Unang Bahagi, Disenyo ng Pag-aaral, ay nagpapaliwanag sa pamamaraang

ginamit at layunin ng pag-aaral.

Ang Ikalawang Bahagi, Pamamaraan, ay naglalahad ng mga pamamaraang

sinunod sa pagsasagawa ng pag-aaral.

Ang Ikatlong Bahagi, Pang-istadistikang Pagtalakay ng mga Datos, ay

tumatalakay sa mga istadistikang ginamit sa pagtataya at pagtutuos ng mga datos sa

pag-aaral.

Layunin at Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo ng e-modyul sa Filipino sa Piling

Larang-Tech Voc at tiyakin ay antas ng kahusayan nito.

Paraang palarawan ang ginamit sa pag-aaral na ito tungkol pagbuo at pagtaya ng

e-modyul sa Filipino sa Piling Larang-Tech Voc.

Ayon kay David (2002) nasa Subere (2006), ang disenyong palarawan ay

sumasagot sa tanong na sino, ano, kailan, saan at paano. Ito ay naglalarawan ng isang

kondisyon ng isang tiyak na kalagayan ng mga bagay-bagay.

Binanggit sa tesis ni Ynion (2003) nasa Pillo (2019) na ang paraang palarawan ay

isang kapaki-pakinabang na metodo sa pagbibigay-impormasyon o kaalaman na maaaring

pagbatayan ng mga makaagham na paghatol.


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

24

Ayon pa kay Best (1991), nasa Labos (1999), ang palarawang pag-aaral ay

naglalarawan at nagbibigay-interpretasyon sa likas na katangian ng isang bagay,

pangyayari o penomena. Isinaalang-alang nito ang mga nagaganap na kaugnayan ng mga

kondisyon, ng mga umiiral na gawi, paniniwala at mga prosesong nararanasan sa

kasalukuyan.

Sinabi rin ni Sevilla (Fayo, 2004 na nasa Tambolero 2019) na pangunahing layunin

ng pamaarang palarawan na mailarawan ang kalikaan ng isang sitwasyon habang ito ay

nagaganap sa panahon ng pag-aaral at masaliksik ang mga sanhi ng partikular na

pangyayari.

Paraan ng Pag-aaral

Mga tagataya. Ang mga tagataya sa pag-aaral na ito ay binubuo ng

dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay anim (6) na guro na nagtuturo Filipino sa Piling

Larang-Tech Voc sa Baitang 12. Tatayain nila ang katumpakan ng e-modyul bilang

kagamitang pampagtuturo, at ang ikalawang pangkat ay tatlong (3) dalubhasa sa pagbuo

ng kagamitang pampagtuturo, at tatlong (3) guro na nagtuturo ng Filipino sa Piling

Larang-Tech Voc sa Baitang 12 na tataya sa kahusayan ng e-modyul bilang kagamitang

pampagtuturo.

Mga Kagamitan sa Pagtitipon ng Datos. Ang mga instrumenting ginamit

sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod:


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

25

Gabay Pangkurikulum. Ang mananaliksik ay gagamit ng gabay

pangkurikulum (curriculum guide) upang matiyak na ang gagawing kagamitang

pampagtuturo ay hindi lilihis sa mga layunin ng K to 12 na kurikulum. Ito rin ang

pagbabatayan ng mga gawain at paksa maging ng mga ksanayang inaasahang malinang

sa mga mag-aaral.

Talatanungan. Dalawang uri ng talatanungan ang ginamit sa pag-aaral na

ito. Una, ang survey questionnaire na tumukoy ng mga paksa sa Baitang 2 na may

kakulangan sa kagamitang pampagtuturo at ang ikalawa ay sumukat sa kahusayan ng e-

modyul bilang kagamitang pampagtuturo.

Ang unang talatanungan ay tutukoy ng mga paksang may kasalatan sa

kagamitang pampagtuturo sa Filipino sa Piling Larang: Tech-Voc na tutugunan ng mga

guro. Ang talatanungan ay maglalaman ng mga sumusunod: (1) Ano-amo ang mga

problemang iyong kinakaharap na may kaugnayan sa kagamitang pampagtuturo sa

Baitang 12 sa Filipino sa Piling Larang: Tech-Voc?; at (2) Ano-anong mga paksa sa Filipino

sa Piling Larang: Tech-Voc ang salat s amga mapagkukunang impormasyon sa Baitang 12

at may kakulangan sa mga sanggunian?

Ang ikalawang talatanungang gagamitin ay talatanungang tataya sa kahusayan

ng binuong modyul bilang kagamitang pampagtuturo na ibinatay sa talatanungan ni

Nacionales (2008). Ang talatanungan ay susukat sa kahusayan ng modyul bilang

kagamitang pampagtuturo batay Nilalaman, aspektong pisikal, kompetensing


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

26

pampagkatuto, karanasang pampagtuturo, ebalwasyon, kalinawang biswal, sangkap

panteknolohiya. Ang aspektong pisikal ay binubuo ng anim(6) na pahayag na

naglalarawan sa binuong modyul batay sa mga sumusunod: (1) kalinawan ng

pagkakaayos ng balangkas, (2) kagandahan ng pagiging kaakit-akit ng anyo at paraan ng

balangkas, (3) kahusayan at kalinawan ng paraan ng pagkakasulat, (4) kasapatan at

kapantayan ng palugit sa bawat pahina, at (5) makabuluhang gamit ng balangkas sa

pagtuturo at pagkatuto.

Ang bawat pahayag sa talatanungan ay sinagutan ng mga tagataya ng mga

sumusunod: Pinakamahusay, Mahusay, Katamtaman, at Mahina na naayon naman sa

kanilang pananaw at impresyon sa nabuong kagamitan.

Napakahusay (NH) kung ang karamihan sa aspekto at saklaw ng pagkakabuo

ng modyul ay lubhang mainam bilang kagamitang pampagtuturo.

Mahusay (M) kung ang karamihan sa aspkto at saklaw ng pagkakabuo ng

modyul ay kasiya-siya bilang kagamitang pampagtuturo.

Katamtaman (KA) kung ang karamihan sa aspekto at saklaw ng pagkakabuo

ng modyul ay medyo kasiya-siya at hindi gaanong mainam.

Mahina (MA) kung ang pagkakabuo ng modyul ay hindi maayos at hindi

mainam.
WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

27

Ang bawat kasagutan ay bibigyan ng kaukulang puntos para sa istadistikang

pagtalakay.

Puntos Tugon

4 Napakahusay

3 Mahusay

2 Katamtaman

1 Mahina

Upang matiyak ang antas ng kahusayan ng binung modyul bilang kagamitang

pampagtuturo batay sa pagsusuri ng mga tagataya, ginamit ang mga sumusunod na

iskala at deskripsyon:

Iskala Deskripsyon

3.50 – 4.00 Napakahusay

2.50 – 3.49 Mahusay

1.50 – 2.49 Katamtaman

1.00 – 1.49 Mahina


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

28

Ang mga talatanungang ito ay idadaan sa face at content validation ng mga

dalubhasa sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo at mga dalubhasa sa pagbuo ng

modyul.

Modyul. Ang modyul ay sariling bubuoin ng mananaliksik. Ito ay may pamagat

na “ Elektronik modyul sa Filipino sa Piling Larang-Tech-Voc”. Ibabatay ang pagbuo nito

sa Curriculum Guide at mga Kasanayan sa Senior High School upang matugunan ang

pangangailangan ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

Pamamaraan

Ang mananaliksik ay hihingi ng pahintulot sa Punungguro ng Bucari National

High School upang isagawa ang pag-aaral.

Upang maisagawa ang pagbuo at pagtataya sa modyul bilang kagamitang

pampagtuturo, susundin ang mga sumusunod na hakbang:

Pagtukoy sa paksa sa Filipino batay sa resulta ng survey (Filipino sa

Piling Larang:Tech-Voc). Gagamit ang mananaliksik ng survey questionnaire upang

tukuyin ang mga paksang may kakulangan sa kagamitan. Ibibigay ang mga ito sa mga

gurong nagtuturo sa Filipino sa Piling Larang-Tech Voc sa Ikalawang distrito.Idadaan ang

survey questionnaire sa balidasyon.

Pagbuo ng modyul batay sa mga natukoy na paksa. Batay sa resulta ng

survey, bubuo ng e-modyul ang mananaliksik bilang kagamitang pampagtuturo sa Filipino

sa Piling Larng: Tech-Voc. Isaalang-alang ang Gabay Pangkurikulum ng asignatura.


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

29

Pagsusuri ng mga guro sa modyul. Ang nabuong e-modyul ay ipasusuri sa

mga piling guro na nagtuturo ng Filipino sa Piling Larang-Tech Voc upang matukoy ang

mahihinang bahagi nito nang mapahusay pa ng mananaliksik.

Pagrebisa sa modyul batay sa pagsusuri. Magkakaroon ng pagrerebisa at

pagpapakinis sa nabuong modyul upang matiyak ang kahandaan nito sa pilot-testing.

Isinaalang-alang ng mananaliksik ang mga mungkahi at puna ng mga gurong nagtuturo

sa Filipino sa Piling Larang-Tech Voc na susuri sa nabuong modyul.

Pilot testing. Ang rerebisahing e-modyul ay isusubok sa mga mag-aaral sa

Senior High School Baitang 12 na kumukuha ng asignaturang Filipino sa Piling Larang-

Tech Voc ng Bucari National High School sa unang semester ng taong panuruan 2019-

2020.

Hihingi ng pahintulot sa Punungguro ng paaralan ang mananaliksik upang

maisagawa ang pag-aaral. Gagamitin sa pagtuturo ang nabuong e-modyul na

magpapakita ng malaking tulong sa kanilang pagkatuto.

Sa bahagi ring ito, magbibigay ng tseklist ang mananaliksik upang makuha at

malaman ang reaksiyon ng mga mag-aaral sa ginamit na e-modyul.

Pinal na rebisyon. Ang resulta ng pilot testing ay magiging batayan sa

pagbuo ng pinal na porma ng e-modyul bilang kagamitang pampagtuturo.

Pagtataya ng dalubhasa at guro sa e-modyul. Ang mabubuong pinal na

porma ng e-modyul ay tatayain ng tatlong (3) dalubhasa sa paggawa ng kagamitang

pampagtuturo at tatlong (3) guro na nagtuturo sa Filipino sa Piling Larang-Tech Voc

upang makuha ang kahusayan. Tatayain rin ang katumpakan ng e- modyul


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

30

bilangkagamitang pampagtuturo ng anim (6) na guro na nagtuturo sa Baitang 12 Filipino

sa Piling Larang-Tech Voc.

Pang-istadistikang Pagtalakay ng mga Datos

Para sa istadistikang pagtalakay, ginamit ang katampatang-tuos, at frequency

count.

Mean o katampatang tuos. Ang mean o katampatang tuos ay ginamit sa

pagtukoy ng antas ng kahusayan at katumpakan ng nabuong modyul at ng mga Gawain o

pagsasanay sa pagkatuto.

Frequency Count. Ginamit ito ng mananaliksik upang malaman kung ilan ang

bilang ng mga paksang nangangailangang gawan ng e-modyul.

Ranggo. Ito ay ginamit upang ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga

paksang may kasalatan sa sanggunian ng asignaturang Filipino sa Piling Larang:Tech-Voc.

Talasanggunian

Ertikanto, C., & Resita, I. (2018). Designing electronic module based on learning content

development system in fostering students’ multi representation skills . Journal of

Physics. Doi: 10.1088/1742-6596/1022/1/012025


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

31

Introduction to the E-learning 101 ebook topics. Explore talent lms (retrieved May 15,

2019 from https://talentlms.com/ebook/elearning/introduction)

Montialbucio, J.B. H. (2019). Ang modyul bilang alternatibong kagamitang pampagtuturo

para sa filipino piling larang: Akademik. Di -nailathalang tesis: Pamantasang Estado

sa Kanlurang Bisayas. Iloilo City.

Pillo, K.R. L. (2019). Modyul sa Pamamahayagang Pangkampus: Pagbuo at Pagtataya. Di-

nailathalang tesis: Pamantasang Estado sa Kanlurang Bisayas. Iloilo City.

Rahmadani, A.F., Hidayat, H., Syahmaid, E. (2018). Design of electronic elementary

material learning module on vocational higher education. Internationa Journal of

Science Research and Management (IJSRM). (6) (1). Retrieved from www.ijsrm.in

Tambolero, C.M. S. (2019). Modyul bilang alternatibong kagamitang pampagtuturo para

sa mga SARDO (student’s at risk of dropping out). Di-nailathalang tesis: Pamantasang

Estado sa Kanlurang Bisayas. Iloilo City.

Mga Sangguniang nakuha sa internet:

https://www.unmc.edu.elearning/resource-center/emodules.html

https://www.learnupon.com/bog/best-elearning-tools
WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

32

https://www.researchgate.net/publication/266078239_E-

learning_Tools_and_technologies_in_education_A_Perspectove/donwload

www.accralaw.com.

Talatanungan

Sarbey-kwestyoner

Pangalan: (opsyonal) ___________________________________ Kasarian: ___________

Paraalan na Tinuturuan: _________________________________________

Distrito na Kinabibilangan: _______________________________________

Baitang na Tinuturuan :__________________________________________


WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

33

1. Ano-ano ang mga problemang iyong kinakaharap na may kaugnayan sa kagamitang


pampagtuturo sa Baitang 12 sa Filipino sa Piling Larang: Tech Voc?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ano-anong paksa sa Filipino sa Piling Larang: Tech Voc ang salat sa mga
mapagkukunang impormasyon at may kakulangan sa mga sanggunian? Itsek lamang ang
kahon.

Sulating Teknikal
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Ilang paksa sa pagsulat ng sulating teknika-Bokasyonal
Manwal
Liham-pangnegosyo
Flyers/leaflets
Promo materials
Feasibility study
Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay/produkto
Naratibong ulat
Paunawa/Babala/Anunsyo
Menu ng Pagkain

_____________________________
Lagda ng Tagatugon
________________
Petsa

Talatanungan para sa Pagtataya ng Modyul

Panuto: Ang talatanungang ito ay naglalayong tayain ang kahusayan ng ginawang e-


modyul bilang kagamitang pampagtuturo. Pakitsek (√) ang kolum na nagpapahayag ng
inyong matapat na pagtataya sa naturang kagamitan sa pamamagitan ng sumusunod na
tugon:
WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

34

Napakahusay (NH) Kung ang karamihan sa aspekto at saklaw ng


pagkakabuo ng modyul ay lubhang mainam bilang
kagamitang pampagtuturo

Mahusay (M) Kung ang karamihan sa aspekto at saklaw ng


pagkakabuo ng modyul ay kasiya-siya bilang
kagamitang pampagtuturo

Katamtaman (KA) Kung ang karamihan sa aspekto at saklaw ng


pagkakabuo ng modyul ay medyo kasiya-siya at hindi
gaanong mainam

Mahina (MA) Kung ang pagkakabuo ng modyul ay hindi maayos at


mainam

A. Aspektong Pisikal NH M KA MA
1. Malinaw ang pagkakaayos ng modyul bilang
kagamitang pampagtuturo
2. Ang anyo ng modyul ay maganda at kaakit-akit
3. Mahusay at malinaw ang paraan ng pagkakasulat
4. May sapat at pantay na palugit sa bawat pahina
5. Ang modyul ay lubusang magagamit para sa isang
makabuluhang pagtuturo at pagkatuto
B. Kompetensing Pampagkatuto NH M KA MA
1. Ang mga layunin ay nahahayag sa pangkagawiang
kilos
2. Nakatataya ang layunin sa epektibong kasanayan ng
mga mag-aaral
3. Ang mga layuin ay matatamo sa pamamagitan ng mga
Gawain sa pagkatuto
4. Saklaw ng layunin ang kasanayang saykomotor at
pandamdamin
5. Nakatataya ang mga layunin ng mga tiyak na
kognitibong kasanayan.
C. Karanasang Pampagkatuto NH M KA MA
1. Ang paksang aralin ay may kaugnayan sa tiyak na
pangangailangan ng mga mag-aaral sa kurso
2. Ang paglalahad ng aralin ay madaling mauunawaan ng
mga mag-aaral
3. Ang mga paksang-aralin ay batay sa content-based
standard ng K-12 kurikulum
WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GRADUATE SCHOOL
Iloilo City

35

4. Nakagaganyak ang paglalahad ng aralin sa mga mag-


aaral
5. Ang akdang pampanitikang ginamit sa modyul ay
angkop sa paksang-aralin.
D. Ebalwasyon NH M KA MA
1. Ang mga tanong ay angkop sa kakayahan ng mga
mag-aaral
2. Ang mga aytem ay nagpapahayag ng mga
makatotohanang pangyayari sa buhay at
pagpapahalaga
3. Ang mga aytem ay tumutugon sa layunin ng aralin
4. Ang mga aytem ay may maayos na pagkakasunod-
sunod batay sa Bloom’s Taxonomy
5. Angkop ang mga aytem para sa kapantayan at
pangangailangan ng mga mag-aaral.
E. Kalinangang Biswal NH M KA MA
1.
2.
3.
4.
5.
F. Sangkap Panteknolohiya NH M KA MA

You might also like