You are on page 1of 31

ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO

ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Mga Salik na Nakakaapekto sa Akademikong Kakayahan ng mga


Mag-Aaral sa Baitang 9 ng Estancia National High School
Taong Panuruan 2022-2023

Isang Tesis na Iniharap sa mga


Guro ng Iskul ng Edukasyon
Departamento sa Pagkaguro

Bilang Bahagi sa Pagtupad sa mga Pangangailangan


Para sa Pagtamo ng Tutulong Batsilyer sa Edukasyon
Pansekundarya Medyur sa Filipino

nina

Valentine D. Bornales, Kate Eunice B. Eguia, Rica G.


Inocencio, Renier John B. Labos, Renan Rogales, Vicente L.
Sobrevega Jr.

Enero 2023
ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Kabanata I

Panimula

Sanligan ng Pag-aaral

Ang edukasyon ay isang mahalagang bagay na ipinagkaloob

sa atin ng maykapal upang gamitin pagkamit ng ating mga

pangarap sa buhay. Ang pagkakaroon ng isang matibay at

mataas na edukasyon ay isang sandata upang mabago ninuman

ang takbo ng isang pamumuhay pati na rin ang lipunan. Ayon

kay Nelson Mandela “Edukasyon ang pinakamalakas na sandatang

magagamit upang mabago ang mundo”. Tunay na ang edukasyon

ang rason kung bakit patuloy na umuunlad at nagbabago ang

ating mundong ginagalawan. Susi ang edukasyon sa lahat ng

bagay na ninanais ng tao upang makamit niya ito.

Marami ang nagbago sa larangan ng edukasyon maging ang

estratihiya at pamamaraan ng guro sa paglalahad ng mga

aralin na nagsilbing malaking dagok sa kanilang propesyon na

kinakaharap sa kasalukuyang panahon. Sa paglaganap ng

nakakahawang sakit dulot ng Covid-19 ang nag udyok sa

departamento ng edukasyon upang pansamantalang ihinto ang

pisikal na interaksyon sa pagututuro. Naging malaking hamon


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

ang sitwasyong ito sa guro gayundin sa mag-aaral, dahil

magiging mababa ang pagkakataon ng mag-aaral na magkaroon ng

konretong konsepto at panibagong ideya na matutuklasan sa

loob ng paaralan. Gayuindin sa mga guor na malilimitahan ang

kanilang pagtuturo upang hindi mabigyan ng maayos at de-

kalidad na edukasyon ang kabataan. Sa kabilang banda, Malaki

rin ang epekto sa kalidad ng edukasyon ang paraan ng

pagtuturo. Dalawang taon na ang nakalipas bago pa tuluyang

nakabalik ang mag-aaral sa kani-kanilang klase, kaya naman

inaasahan na mahihirapan ang mga mag-aaral sa pagkatuto at

maaapektuhan nito ang kanilang akademikong performans sa

pagharap ng panibagong hamon sa kanila bilang isang mag-

aaral. Talaga namang madami ang mga salik na nakakahadlang

sa matagumpay na pagkatuto ng mga bata sa new normal na

edukasyon. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito malalaman

ng mananaliksik kung ano nga ba ang matinding kinaharap na

problema ng mag-aaral na higit na humahadlang sa kanilang

pagkatuto matapos ang pandemya.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito mabibigyang diin ang

mga aspektong nagaganap matapos ang dalalwang taong

pagbabago sa larangan ng edukasyon sa ating bansa dulot ng


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

pandemya, bilang tugon sa pagbabagong kinakaharap ng lahat

ng mag-aaral, guro at mga kawani ng kagawaran ng edukasyon.

Ang pagpapatupad ng mga bagong kurikulum ay magsisilbing

pundasyon at sus isa pagbabalik ng sigla at kalidad ng

edukasyon para sa mag-aaral. Kabilang sa pagpaunlad ng

bagong kurikulum ang paglunsad ng Learning Continuity Plan

(LCP) na tutugon sa mga hamon kabilang ang mga

kinakailangang pagsasaayos ng kurikulum, pagkakahanay ng mga

materyales sa pagkatuto at karampatang suporta para sa mga

guro at magulang. Ang pagpapatupad ng mga bagong prgrama,

kurikulum, Sistema at pagpaplano para sa edukasyon ay tiyak

na makakatulong upang unti-unting masolusyonan ang malaking

dagok sa mga salik na nakakaapekto sa akademikong kakayahan

ng mga mag-aaral taong panuruan 2022-2023 at sa mga susunod

pang taong.

Ang mga nakitang suliranin sa pagbabagong nagagangap sa

antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ang nag-udyok sa mga

mananaliksik na pag-aralan at patotohanan sa paglikom ng

matibay na impormasyon upang lubos na maunawaan ang mga

salik na nakakaapekto sa akademikong kakayahan ng mga mag-


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

aaral sa baiting 9 ng Estancia National High School Taong

Panuruan 2022-2023.

Teoritikal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa mga sumusunod na

teorya:

Ang constructivism theory ni Jerome Bruner (1961),

naninindigan ang teoryang ito na ang pagkatuto ay isang

aktibo, sosyal na proseso kung saan ang isang mag-aaral ay

bumubuo ng mga bagong ideya o konsepto batay sa kanyang

kasalukuyang kaalaman (Bruner, 1961). Isa sa mga

pangunahing prinsipyo ng constructivist na edukasyon ay ang

pag-aaral ay nagpapatibay sa sarili nito sa isang paikot na

paraan; ang mga bagong bagay ay natutunan sa pamamagitan ng

pagbuo sa mga nakaraang karanasan (Bruner, 1960, p. 52).

Iminungkahi ni Bruner (1961) na ang mga mag-aaral ay

bumuo ng kanilang sariling kaalaman sa pamamagitan ng pag-

oorganisa at pagkakategorya ng impormasyon gamit ang isang

coding system na dapat matuklasan sa halip na sabihin ng

guro.
ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Ang Connectivism Theory ni George Siemens (2004),

naniniwala ang teoryang ito na ang pag-aaral ay nagaganap

kapag ang mga nag-aaral ay gumagawa ng mga koneksyon sa

pagitan ng mga ideyang matatagpuan sa mga personal na

network ng pag-aaral (hal., ibang mga indibidwal, mga

database, social media, Internet, mga learning management

system). Ang koneksyon ng mga tamang indibidwal sa mga

tamang mapagkukunan ay maaaring mapahusay ang pag-aaral para

sa lahat sa loob ng network.

Pinapataas ng teknolohiya ang pag-access ng mga mag-

aaral sa impormasyon at ang kanilang kakayahang maging

bahagi ng mas malawak na komunidad ng pag-aaral (Siemens,

2004). May mga lugar sa paligid ng connectivism. Ang isang

lugar na ito ay ang mga mag-aaral ay kailangang makilala ang

pagitan ng mahalaga at hindi mahalagang impormasyon, pati na

rin ang wastong impormasyon dahil patuloy ang pagdaloy ng

mga bagong impormasyon.

Ang Theory of Academic Performance (ToP) ni Don Elger

(2007), inilarawan ng teoryang ito na ang 'pagganap' bilang

isang kakayahang gumawa ng isang pinahahalagahan na resulta

at 'tagapagganap' bilang isang indibidwal o isang grupo na


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

nakikibahagi sa pakikipagtulungan habang ang antas ng

pagganap bilang ang lokasyon sa isang akademikong

paglalakbay. Hinahamon ng teorya ng pagganap ang mga

tagapagturo na pagbutihin ang kanilang pagganap sa

pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan upang matulungan ang

iba upang mabisang matuto at lumago. Ang ganitong uri ng

pag-aaral ay magtataguyod ng mabilis na tagumpay at

magbubunga ng kaalaman na makakaimpluwensya sa lipunan

(Elger, 2007)
ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Konseptwal na Balangkas

Makikita sa pigura 1, ang Malayang Baryabol ay makikita

abg kasarian at edad ng tagatugon bilang salik ng pag-aaral

at Di-Malayang Baryabol na makikita ang mga salik na

nakakaapekto sa akademikong kakayahan ng mga mag-aaral sa

baiting siyam (9) ng Estancia National High School,

Estancia, Iloilo sa Taong Panuruan 2022-2023.

Pigura 1

Paradigma ng Pag-aaral

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol

Mga salik na

Kasarian nakakaapekto sa

akademikong kakayahaan
Edad ng mag-aaral sa

baiting siyam (9)


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay layuning alamin ang mga salik

na nakakaapekto sa akademikong kakayahan ng mga mag-aaral sa

baiting 9 ng Estancia National High School taong panuruan

2022-2023. Upang matugunan ang layuning ito, bumuo ang mga

mananaliksik ng mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa akademikong

kakayahan ng mga mag-aaral sa baiting 9 ng Estancia

National High School taong panuruan 2022-2023?

2. Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa akademikong

kakayahan ng mga mag-aaral sa baiting 9 ng Estancia

National High School taong panuruan 2022-2023 batay

sa:

a. Edad

b. Kasarian
ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

3. Anong salik ang mas higit na nakakaapekto sa

akademikong kakayahan ng mga mag-aaral sa baiting 9

ng Estancia National High School taong panuruan

2022-2023?

4. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang mga salik

na nakakaapekto sa akademikong kakayahan ng mga mag-

aaral sa baiting 9 ng Estancia National High School

taong panuruan 2022-2023 kung ibabatat ito sa

kasarian at edad?
ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Ipotesis

Walang makabuluhang makabuluhang pagkakaiba ang salik

sa nakakaapekto sa akademikong kakayahan ng mga mag-aaral ng

baiting 9 ng Estancia National School batay sa edad,

kasarian at buwanang kita ng pamilya.


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga kahalagahan ng pag-aaral na ito ay nga mga

sumusunod:

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga

mag-aaral sa Junior High at sa iba pang baitang upang na

pag-ibayuhin ang kanilang mga estratihiya sa pag-aaral sa

taong panuruan at hinaharap upang mas lubos na maging

makabuluhan, epektibo, at may kalidad ang kanilang

edukasyon.

Guro. Ang pag-aaral na ito’y magiging gabay sa mga guro

ng Baitang 9 at sa iba pang mga guro ng mga paaralang

pangsekundarya, sa pagbibigay ng wasto at sapat na mga

aktibidad,gawain,mga pagsusulit, pagmamarka,at pagbibigay

grado sa kanilang mga mag-aaral,kabilang narin dito ang mga

alternatibong mga pamamaraan sa pagtuturo at pag-unawa sa


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

sitwasyon ng mga mag-aaral. Ito'y magiging daan rin sa mga

guro sa paglalaan at papapakita ng naaangkop na mga

personalidad,kaugalian at mga kagandaang loob na batay sa

bagong alituntunin,patakaran at mga bagong gawain sa

edukasyon.Kabilang narin dapat ang mga panibagong hakbang at

estratihiya na dapat gamitin ng mga guro sa pagtuturo sa

Bagong Normal na edukasyon.

Magulang. Ang pag-aaral na ito ay may malaking

maidudulot na kahalagahan sa mga magulang, sa pamamagitan

nito, sila’y magagabayan na alamin at tukuyin ng wasto ang

mga suliranin at hamon na nagiging salik sa pagpapayabong ng

mga akademikong kakayahan ng kanilang mga anak na nag-aaral

bilang baitang 9 sa Sekundarya.Ang pag-aaral na ito’y may

malaking ibabahagi sa mga magulang,katulad ng pagbibigay ng

tamang pangaral at paglalaan ng pinansiyal sa mga kanilang

mga estudyante habang sila’y nasa pag-aaral.

Mataas na Paaralan ng Estancia. Ang pananaliksik na

ito'y makakapagbigay ng mga panibagong ideya at estratihiya

sa nasabing paaralan sa pagpapainam ng motibasyon sa

pagtuturo,pagpapanatili ng kwaledad na serbisyo ng mga

guro,at paggamit ng panibagong kaalaman,kagamitan,


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

instrumento at teknololoiya sa pagtuturo sa kabila ng iba't

ibang salik na nakakaapekto sa mga akademikong kakayahan ng

mga mag-aaral.

Kawani ng DepEd at iba pang Administrasyon. Ang

maginging resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga

kawani ng DepEd na magpatupad ng mga panibagong

alituntunin,aktibidad at mga kurikulom na magsisilbing

halagi at pundasyon sa pagbabalik ng kaledad na edukasyon sa

lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan. Kabilang

narin dito ang pag-papatupad ng mga bagong programa para sa

pagpapanatili ng antas ng edukasyon at ang pagggawa ng mga

hakbang,modyul,aralin at mga banghay aralin na gagamitin sa

Normal na Klase.

Mananaliksik sa hinaharap. Ang mga malalaman at

magiging resulta sa pag-aaral na ito,ay magbibigay ng tamang

gabay at magtuturo sa mga ibang mananaliksik sa hinaharap na

lumikon sa pag-aaral na ito .At ito’y magiging basihan

narin sa kanilang mga datos na nakalap sa parehong sakop at

larangan na pinag-aaralan.
ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga salik na

nakakapaekto sa akademikong kakayahan ng mga mag-aaral sa

baitang siyam (9) ng Estancia National High School,

Estancia, Iloilo, Taong Panuruan 2022-2023. Ang mga

tagatugon ay binubuo ng isang daan animnapung mga tagatugon

mula sa baitang siyam (9).

Ang mag-aaral ng baitang siyan (9) ang bibigyang pansin

ng mga mananaliksik sapagkat sila ang makapagpapatunay kung

anong salik ang nakakaapekto sa kanilang akademikong

kakayahan matapos silang maapektuhan ng Modular Distance

Learning.

Sa pamamagitan ng talatanungan na ginawa ng mga

mananaliksik, ipamamahagi ito sa mga tagatugon upang

malalaman ng mananaliksik ang mga salik na nakakaapekto sa


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

akaddmikong kakayahan ng mag-aaral sa Taong Panuruan 2022-

2023.

Katuturan ng mga Katawagan

Salik - Ang salik ay isa sa mga bagay na nakakaapekto sa

isang pangyayari, desisyon, o sitwasyon. (Collins

Dictionary, 2022)

Sa pananaliksik na ito, ang salik ay tumutukoy sa mga

bagay na naging sanhi sa pagbabago ng akademikong kakayahan

ng mga mag-aaral.

Akademikong kakayahan - ito ang mga paniniwala at pagsusuri

sa sarili ng isang indibidwal hinggil sa katangian ng

kanilang mga kasanayan at kakayahan na nauugnay sa

akademiko. Kabilang dito ang personal na pananaw ng mag-

aaral sa kung paano gumagana o gumagana ang kanilang mga

kakayahan at kakayahan (Dweck, 2002; Kaplan & Midgley, 1997;

Perkins et al., 2000).


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Ang akademikong kakayahan sa pananaliksik na ito ay ang

performans ng mga mag-aaral sa bawat asignatura ng klase na

itinuturo sa paaralan.

Mag-aaral - Ang isang taong nag-aaral sa isang o

sistematikong tagamasid upang tiyak na magkaroon ng kaalaman

sa bawat asignatura. (Merriam-Webster, 2022)

Sa pananalaiksik na ito, ang mag-aaral ang ginamit ng

mananaliksik upang mabigyang linaw at mapagtagumpayan ng

mananaliksik ang pag-aaral.


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang batayan ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay

malinaw na tinukoy bilang ang sustainable at kahusayan ng

mga mag-aaral sa salik ng kalidad ng pagtuturo at mga

tagubilin (www.deped.gov.ph, Agusto 4 ,2014).

Ang maayos na akademikong pagganap ay naaayon sa

pagkakaroon ng mabuting pagsasama-sama ng ating kakayahan na

nababatay sa maayos na lugar para sa gawain at maayos na

paggamit ng oras (Barceno,2012). Ang akademikong pagganap ay

may tatlong bagay na dapat isaalang-alang na naaayon sa

kahulugan nito.Una,ay ang kakayahang mapag-aralan at maalala

ang mga katotohanan.Ikalawa,ay ang pagkakaroon ng kakayahang

makapag-aral ng mabisa at malaman kung paano ang mga


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

katotohanan ay sumasayang-ayon sa isa’t isa upang makabuo ng

mas malawak na huwaran ng kaalaman at pag-iisip.At ang

pangatlo ,ay ang kakayahang makapayahag ng sariling kaalaman

sa pagsasalita at pasulat.(Barceno,2012).

Ang pangunahing dahilan ng iba’t ibang salik sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral ay nakatuon sa labis

na pag-aaral,presyur mula sa lipunan,magaling paggamit ng

oras,at iba’t ibang isyu.Ang resulta nito ay hindi lamang sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral kundi pati narin sa

kanilang kalusugan bilang isang mag-aaral.(Stephans J.

2005).

Kaakibat nito ,Ayon kay Chazen D.(2022),Ang mga mag-aaral ay

may implikasyon tungkol sa mga pangmatagalang epekto sa

akademiko, tulad ng panlipunang implikasyon para sa mga mag-

aaral sa kritikal na pag-aaral at pagbabago ng edad sa

pangkasalukayang panahon.

Sa isang pag-aaral na isinagawa nina Jayanthi,

Balakrishnan, Ching, Latiff at Nasirudeen (2014) sa

Singapore ay nagsiwalat na ang interes sa pagpupursige sa

isang paksa, mga aktibidad sa co-curricular, nasyonalidad ng

isang mag-aaral at kasarian ay nakakaapekto sa akademikong


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

pagganap ng isang mag-aaral.Natuklasan din ng iba pang mga

may-akda na ang edad, kasarian at antas ng edukasyon ng mga

magulang ay nakakaapekto sa akademikong pagganap (Khan,

Iqbal & Tasneem, 2015; Eshetu, 2015).

Bilang karagdagang mga pag-aaral at literatura sa

akademikong kakayahang ng mga mag-aaral ayon sa mga

Demograpikong salik;

Ang mga lalaking mag-aaral ay bahagyang may mas

mahusay na pagganap kumpara sa mga babaeng mag-aaral,ngunit

ito’y hindi mahalaga.Ang mas mahusay na pagganap ng mga

lalaking mag-aaral ay kadalasang nasa pribadong mga

pagtuturo at pasasanay sa kaisipan ng mag-aaral.Journal of

Education and Practice., v6 n33 p1-7 (2015)

Ayon naman sa resulta na pag-aaral na ginawa ni

Chet(2013), na sumasakop sa epekto ng kasarian sa pang-

akademiko pagganap ng mga estudyante ng Ateneo de Manila,ang

resulta ay walang pagkakaiba ang kakayahan at kaalaman ng

babae at lalaki. Gayunpaman ,sa isang resulta ng pag-aaral

na ginawa nina Parajuli M. at Thapa A. (2016) ,sa mga

pribado at pampublikong paaralan sa bansang Nepal, na ang

akademikong pagganap ay naaayon mismo sa kasarian ng isang


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

mag-aaral.Na ang mga babaeng mag-aaral ay mas mataas ng

isang porsyento sa mga lalaking mag-aaral batay sa antas ng

kakayahan,talento at kaalaman sa akademiko.Gayundin,sa pag-

aaral ni Wangu (2014) na isinagawa sa mga mag-aaral ng mga

sekondaryang sa paaralan sa Kenya ay nabatid na ang mga

lalaki ay mas pupamasa higit pa sa mga babae.Bagkus, sina

Goni et al. (2015) sa kanyang pag-aaral na isinagawa ,na ang

mag-aaral sa kolehiyo ay hindi pinapahalagahan ang mga

makabuluhang pagkakaiba ng kasarian sa akademiko,ibig

sabihin ,binibigyang pantay pantay na pananaw ang lahat ng

kasarian sa kanilang pag-aaral.

Gayundin, binigyang sagot rin ni Awan (2017) na ang mga

babae ang mas nakakaangat sa pagganap sa lahat ng apat na

kasanayan sa wikang Ingles. Subalit ang kasarian ang isa

lamang sa maraming kadahilanan na nakakaapekto ng pagkamit

sa iba’t ibang panitikan. Mahalaga rin na isaalangalang ang

background ng pamilya ng mag-aaral sa tabi ng kasarian sa

pag-gabay ng mga mag-aaral na mahina sa pag-aaral.

Ayon kina (Momanyi, Too, & Simiyu, 2015) mayroong

makabuluhang epekto ang edad sa pagganap sa akademiko. Ang

pinakabata sa mga mag-aaral ang nakukuha ng pinakamataas na


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

iskor kumpara sa mga mas nakakatandang mag-aaral. Subalit

kontra naman dito ang pagaaral ni (Rumberger, 1995) na

nagsasaad na ang paguulit ng baitang o huling pagpasok sa

paaralan ay hindi nagkakaroon ng negatibong epekto sa

pagganap sa akademiko. Inilahad niya na mas nangunguna ang

mga nakakatanda kaysa sa mga mag-aaral na mas bata.

Idinagdag pa niya na mas matataas ang grado sa hayskul ng

mga umulit ng baitang lalo na sa mga mas matandang mag-

aaral.

Ayon naman sa ginawang pag-aaral ni Rosario A. 2020, na

sumasakop sa mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino na kinabibilangan ng

ikapitong baitang sa District V-B ng Sangay ng Paaralang

Panglungsod ng San Carlos, taong panuruan 2019-2020. Napag-

alaman na ang profayl ng mga mag-aaral ay walang

makabuluhang epekto sa antas ng pagkatuto. Subalit nabatid

na ang edad ay may makabuluhang ugnayan sa antas at

kaligiran ng kanilang pagkatuto at pag-unawa sa wikang

Filipino.
ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

KABANATA III

METODOLOHIYA

Tinatalakay sa kabanatang ito ang disenyo ng pag-aaral,

tagatugon ng pag-aaral at pagpili ng mga tagatugon, pagbuo

ng instrumento, paraan at proseso sa pangangalap ng datos,

pagsusuri ng datos at proseso ng interpretasyon.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay gagamitan ng deskriptibong

metodolohiya ng pananaliksik o “Descriptive Survey Research


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Design”. Gamagamitan ito ng talatanungan na ginawa ng

mananaliksik o Research made questionnaire para makalikom ng

mga datos.

Ang deskriptibong metodolohiya sa pananaliksik ay isang

layuning proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-uuri, at

pag-tabulate ng data tungkol sa umiiral na mga kondisyon,

mga kasanayan, proseso, uso, at sanhi-epekto na mga relasyon

at pagkatapos ay paggawa sapat at tumpak na interpretasyon

tungkol sa naturang data na mayroon o wala o kung minsan ay

kaunting tulong ng mga pamamaraang istatistika (Calderon,

2006).

Gayundin, tinitiyak ng pamamaraang ito na namamayani

ang kundisyon ng mga katotohanan sa isang pangkat na pinag-

aaralan na nagbibigay ng alinman sa kwalitatibo o dami, o

pareho, ng mga paglalarawan ng mga pangkalahatang katangian

ng grupo bilang resulta.

Kaya, ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibo dahil

sinusuri nito ang kalagayan, gawi, paniniwala, proseso at

katayuan tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa akademikong

kakayahan ng mga mag-aaral sa baitang siyam (9) ng Estancia

National High School.


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Tagatugon ng Pag-aaral

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mag-aaral

sa baitang siyam (9) ng Estancia National High School,

Estancia, Iloilo sa Taong Panuruan 2022-2023.

Ang mga mananaliksik ang gagamit ng stratified random

sampling upang makuha ang kabuuang bilang ng tagatugon sa

bawat seksyon at simple random sampling ang gagamitin sa

pagpili ng magiging tagatugon sa pag-aaral na ito.

Naniniwala ang mananaliksik na ito ang tamang paraan sa

pagkuha ng tagatugon na makapagbibigay datos sa pag-aaral na

ito.
ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Sa pagpili ng tagatugon, bawat seksyon ay mayroon

lamang sampung (10) magiging tagatuhon pag-aaral na ito.

Nahahati ang pagkuha ng sampung tagatugon batay sa kasarian,

limang (5) lalake at limang (5) babae.

Lokasyon ng Pag-aaral

Ang Estancia National High School ay dating DepEd

Managed Monograde Public Secondary School na matagpuan sa

ikaapat na distrito ng Iloilo. Ang Estancia National High

School ay nasa ilalim ng R.A. 7952 at inaprubahan noong ika-

24, Marso, taong 1995 ng Senado at ng House of

Representative of the Philippine Congress. Ito’y matagpuan

sa Brgy. Bayuyan, Estancia, Iloilo na mayroong tatlumput

anim na libo at siyam na raan apatnaput-lima (36,945) sq.m.

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Estancia National

High School, Estancia, Iloilo sa Taong Panuruan 2022-2023.


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Ang paaralang ito ay makikita sa barangay tacbuyan,

munisipalidad ng Estancia.

Pamamaran sa Pagkuha ng Datos

Ang paraan sa pagkuha ng datos ay una, gumawa ang

mananaliksik ng sarbey kwestiyuner o talatanungan ipapasuri

ito sa bihasang guro sa Filipino. Pagkatapos suriin,

iwawasto ang mga tanong upang maging akma ang pahayag sa

tagatugon. Pangalawa, ibibigay ang naiwastong talatanungan

sa mananaliksik at pagplanohan kung kailan ang pagkuha ng

datos. Pangatlo, ang mga mananaliksik ay gagawa ng liham

pahintulot para sa isagawang pag-aaral sa naturang paaralan.

Matapos mapahintulutan ng Punong-guro ang mananaliksik ay

personal na ipamamahagi sa mga tagatugon ang instrumento sa

pag-aaral na ito.
ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Ang mananaliksik ay magkakaroon ng kaunting oryentasyon

sa mga tagatugon sa loob ng sampung minuto. Ipaliliwanag ng

mananaliksik na ang layunin ng pag-aaral ay malaman ang mga

salik na nakakaapekto sa kanilang akademikong kakayahan.

Ang mga tagatugon ay bibigyan lamang ng kalahating oras

sa pagtataya at pagkatapos ay ibabalik ang instrumento para

likomin ng mananaliksik ang mga datos

Pagkatapos ay tayahin ang kabuuang iksor ng bawat tagatugon.

Pang-estadistikong Pagtalakay sa Pagkuha ng Datos

Ang mga datos na tinipon ng mananaliksik sa pag-aaral

na ito ay tatayahin sa pamamagitan ng wastong istadistika.


ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Talasanggunian

A. Hindi nailathalang aklat

Gayoma, et. al. (2018). Antas ng Kakayahan ng mga mag-aaral


sa Filipino: Isang Komparatibong Pag-aaral. Northern
Iloilo Polytechnic State College, Estancia, Iloilo.

B. Online References

Effect of Gender on Students' Academic Performance in


Computer Studies in Secondary Schools in New Bussa,
Borgu Local Government of Niger State
Adigun, Joseph; Onihunwa, John; Irunokhai, Eric; Sada,
Yusuf; Adesina, Olubunmi. Journal of Education and
Practice, v6 n33 p1-7 2015
https://eric.ed.gov/?id=EJ1083613)

Chazen, Danielle 2022. Factos Affecting Students Academic


Performance.
https://www.google.com/amp/s/verbit.ai/factors-
affecting-students-academic-performance/amp/
ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Jayanthi, S.V., Balakrishnan, S., Ching, A.L.S., Latiff,


N.A.A., and Nasirudeen, A.M.A. (2014). Factors
contributing to academic performance of students in a
Tertiary Institution in Singapore. American Journal of
Educational Research, 2(9), 752-758.
http://www.sciepub.com/reference/153495

Magpatoc, Joshua 209 Factors affecting academic performance

of students
https://www.google.com/aclk?
sa=L&ai=DChcSEwiIiMyz2Kr7AhVpk2YCHQC-
AyIYABAFGgJzbQ&cid=CAASb-Ro2TwUgOkm4GVlbt7wVJrd5v0--
QhVued8OMJsVUh58vj8Oaqc8_NzQlYrt8KcAWI_w9vS80v0FTBrlaEQ
pt4FS3RgNVuqVaODEDqdj2CW7lt1HSdtv_lS7sOQhjHo_9eRDOdEreQ
SRUE4_AsLKw&sig=AOD64_2ss4c-
OKPr7smDLW2QeUO6Ii0R0A&ved=2ahUKEwjfz8Oz2Kr7AhXY2DgGHf9
0Ck0Q0Qx6BAgIEAE&nis=8&adurl=)

Parajuli & Thapa, 2017; Pirmohamed et al.,2017 Gender


Differences in the Academic Performance of Students.
https://www.researchgate.net/publication/
339922091_Gender_Differences_in_the_Academic_Performanc
e_of_Students)

Pacheo, et al. 2015. Salik na Nakakaapekto sa akademikong


pagganap ng mga mag-aaral na nagmanayorya sa Filipino
https://www.academia.edu/37081873/SALIK_NA
NAKAAAPEKTO_SA_AKADEMIKONG_PAGGANAPNG_MGA_MAG_AARAL_NA
NAGMAMAYORYA_SA_FILIPINO_Iniharap_nina

Bruner, J. S. (1961). The act of discovery. Harv. Educ. Rev.


31, 21–32.
https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/
fpsyg.2018.02543/full#B15
ESTADONG KOLEHIYO POLITEKNIKO SA HILAGANG ILOILO
ISKUL NG EDUKASYON
Departamento ng Edukasyon sa Pagkaguro
Estancia, Iloilo

Siemens, G. (2004). Connectivism: A learning theory for the


digital age. Retrieved from
http://www.elearnspace.org/Articles/connectivism.html

Elger, D. (2007). Theory of Performance. Faculty guidebook.


A comprehensive tool for improving faculty performance,
1, 19-22

You might also like