You are on page 1of 2

Epekto ng pisikal at online na klase sa kalusugang pangkaisipan ng mga piling mag-aaral ng

Unibersidad ng San Jose Recoletos


Kabanata 1
Rasyonal ng Pag aaral

Ang pag-aaral ay mahalaga sa nakakarami, ito ay isang pundasyon upang magkaroon ng kaalaman
ang isang tao. subalit sa panahon ng pandemya ito ay naging hadlang sa mga mag aaral upang
magkaroon ng dekalidad na edukasyon. Bawat estudyante ay may ibat’t ibang estilo para matuto, may
mag-aaral na kaya matuto ng mag-isa, meron ding kailangan ang gabay ng guro, may mag-aaral na
visual learning at auditary learning. Ilan lamang ito sa mga estilo na pagtuto ng mga mag-aaral ng
USJR, at ilan sa kanila ay kailangan palawakin ang sarili para sa kalusugang pangkaisipan. Nagbibigay
din ng kadahilanan ang lugar, teknolohiya at mabisang komunikasyon para sa dekalidad na pagtuto.

May pagbabatayan ngayon kung paano maibigay ang dekalidad na edukasyon, maari ito ay pisikal o
online na klase. Sa ibang mag aaral mahirap sa kanila ang online na klase o makabagong pamamaraan
na edukasyon, ito ay dahil walang masyadong kagamitan o mahina ang internet, kaya ang iba mas
pabor sa tradisyunal o pisikal na klase

Sa nakasanayang tradisyunal na edukasyon, ito ay harap-harapang komunikasyon ng guro sa mga


estudyante. Mas nababantayan at nasusuri ng mabuti ang mga mag-aaral. Sa pisikal na klase mas
naging alerto din ang mag aaral dahil pinagbabawal ang anumang gamit teknolohiya sa loob ng silid
aralan. Sa pisikal na klase din ay maraming oportunidad ang pwedeng gawin para mapabuti ang
kaalamang pangkalusugan ng mag aaral, gaya ng group work activities kung saan mas nagkakaroon ng
malinaw na komunikasyon sa pisikal na pag aaral, gayun paman may maganda din naidulot ang online
o panibagong paraan ng pag-aaral. Ang online na klase ay namungkahi upang maprotektahan ang
nakakarami dulot ng pandemya, kaya ito naging mabisa na alternatibo para maipapatuloy parin ang
layunin na mabigyan ang mag- aaral ng dekalidad na edukasyon. Sa paraang ito ay may pagbabago, ito
ay dahil kailangan ng mga mag-aaral ang teknolohiya at walang pisikal na diskusyon ng guro.
Magkakaroon lang ng komunikasyon ang bawat isa sa pamamagitan ng video call at chat. Sa online na
klase din binibigyan ang mga estudyante na dapat nila pag-aralan or activities para paunlanrin ang
performans o kaalaman ng mag-aaral.

Ilan sa magandang epekto ng online na klase ay madali lang nito matatapos ang kanilang gawaing
pampaaralan at matutunan din nilang maging motibo at matuto ng mag isa, subalit meron din itong
masamang epekto, walang pisikal na komunikasyon ang mag-aaral na nakakabuti din para mapaunlad
ang kanilang kaalaman.Ang hindi lang maganda sa pisikal na klase ay limitado ang oras para sa ibang
mag-aaral kung saan kailangan din nila magtrabaho para mabuhay.Nakasaad din na mas mura ang
online na klase kumpara sa Tradisyunal na klase. Hindi lang din limitado sa kakulangan ng gamit at
internet ang problema, kung hindi meron ding mag-aaral na mahirap matuto sa online dahil kailangan
nila ang mabusising gabay sa pagtuto.

Gayun paman kahit merong pagkakaiba sinisikap parin ng edukasyong pamahalaan na mabigyan ng
dekalidad na edukasyon ang mag-aaral. Magkaiba man ang estilo ng pagtuturo, ang kooperasyon parin
ng mag-aaral ang importante. Bawat estilo na iniunlad ngayon ay merong epekto hindi lang sa mag-
aaral ng USJR, kundi sa iba ding mag-aaral na nag-aaral sa ibang unibersidad. Ang kahalagahan ng
pananaliksik na ito ay may kinalaman sa kalusugang pangkaisipan ng mag-aaral ng USJR ukol sa
epekto nito sa kanila dahil sa pagkakaiba ng online at pisikal na klase.
Bilang tugon sa maraming pagbabago ngayon, ang mananaliksik ay nagkaroon ng pag-aaral ukol sa
makabagong edukasyon at epekto nito kung saan maihantulad natin ang pagkakaiba ng tradisyonal na
klase sa kalusugang pangkaisipan. Linalayun nito na malaman ang epekto sa kanilang kalusugang
pangkaisipan ng mag-aaral ng USJR sa estratihiya na inilunsad ng edukasyong pamahalaan.

Kaligirang Teoritikal ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay gumagamit ng Teoryang Pagkatuto. Ang teoryang ito ay merong tatlong uri,
Teoryang Pang-ugali, Teoryang Kognitibo at Teoryang Social Constructivism. Ginagamit ito ng
mananaliksik dahil ang pag-aaral nito ay may kaugnayan sa teoryang nabanggit. Ang Teoryang Pang-
ugali o Behaviorism, ito ay naka pokus sa kung paano ang tao binibigyan ng tugon ang sitwasyon na
nagaganap. Ang Teoryang Kognitibo ay nakatuon sa pangkaisipan ng tao kung saan paano nito
binibigyang tugon ang nangyayari sa kapaligiran at ang Teoryang Social Constructivism naman ay
tumutukoy sa kung paano binibigyang halaga ang dekalidad na pagtuto sa pagitan ng guro at mag-aaral.
Sa ipapakita na kontexto ito ay nagbibigay matibay na kaugnayan sa pananaliksik gamit ang nabanggit
na paksa.

Epekto ng Online at Pisikal na klase sa


kalusugang pangkaisipan sa piling mag-
aaral ng USJR

Behaviorism TEORYANG PAGKATUTO Social Constructivism

Cognitive

Pagbibigay halaga sa
Pagkaroon ng alternatibong pag-aaral Mag-aaral na nahihirapan layuning mabigyan ng
para mabigyan ng dekalidad na matuto online dahil kailangan dekalidad na edukasyon
edukasyon ang mag-aaral ang mabusising gabay sa ang mga mag-aaral sa
pagtuto gitna ng pandemya

You might also like