CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
KABANATA I
Introduksyon
Ang Edukasyon ay masasabi nating hindi lamang susi sa tagumpay ng bawat isa
bagkos, ito'y magbubukas ng daan upang ating malaman ang mga karapatan at ang
magiging kaakibat na mga pananagutan. Masasabing maayos na nakamit ang pagkatuto
ng isang mag-aaral sa pamamagitan ng face to face na pag-aaral. Subalit, nang dumating
ang Corona-virus 19 sa kalusugan ng tao na kumalat sa buong mundo na naging sanhi ng
pagkamatay ng iilan at naging dahilan Kung bakit ipinagbabawal ang face to face na
klase. Upang maipagpatuloy ang edukasyon ang Department of Education (DepEd) ay
naglunsad ng ibat-ibang sistema ng pagkatuto isa dito ay ang Radio Based Instruction na
kung saan isa ito sa alternatibong learning delivery modalities gamit ang Radio Broadcast
upang maihatid ang mga aralin sa pamamagitan ng self learning modules upang
matugunan ang pangangailangan sa edukasyon sa mga malalayong kanayunan na hindi
naaabot ng internet.
Plano ng Department of Education ang Radio Based Instruction (RBI) isa sa mga
pangunahing bilang ng opsyon para maabot ang mga mag-aaral na nasa kalibliban ng
bukid na malayo sa internet, gayundin ang pagtuturo na nakabatay sa Radyo ay
nagbibigay daan sa kanila na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng pandemya
na ating kinakaharap. Mula sa nabasang artikulo sa ABS-CBN News (May 28, 2020)
ayon sa DepEd marami man Ang mga guro at estudyante ang may mga mobile phone,
CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
hindi naman lahat ay may internet. Nakipag-ugnayan na rin ang Department of Education
sa Presidential Communications Operations Office para sa paggamit ng mga istasyon ng
Telebisyon at Radyo sa pag-aaral ng mga estudyante. Iginiit ng DepEd na hanggat hindi
ligtas dapat munang manatili sa bahay ang mga estudyante hanggat walang clearance
Mula sa Department of Health (DOH) at Covid-19 task force. Maraming pagbabago ang
nangyayari sa larangan ng edukasyon maging ang mga estratehiya ng pagtuturo ng mga
guro na naging malaking hamon para sa kanila sa kasalukuyang pangyayari ng ating
bansa at sa buong daigdig. Kaya ang mas mainam gawin ay ang pagtutulungan ng bawat
isa.
Konseptwal na Batayan
CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
Ang pag-aaral na ito ay nakasalig sa teoryang “Constructivism” na napapatungkol
sa paggamit ng mga kagamitan sa pagtuturo o mga aktibidad na may kinalaman sa
kasalukuyang realidad ng buhay.
Ayon kay Senapati (2012), ang teoryang constructivism ay pagsabay sa
pagbabago ng mundo, ito ay tila isang spiral na nagsisimula sa nakaraan patungo sa
kasalukuyan.
Ang “ Constructivism” na teorya ay tungkol sa kung paano matututo ang isang tao
na kung saan ang mga tao magkaroon ng sarinlng pag-unawa at kaalamn sa mundo, sa
pamamagitan ng mga karanasan sa buhay.
Iskematik Dayagram
CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
Demograpikong Propayl ng
TNHS-SHS ABM 12 batay
sa: Kahandaan ng mga mag-aaral para
Pangalan sa Radio Based Instruction
Edad
Kasarian
Kagustuhang matuto sa
pamamagitan ng makabagong
sistema ng edukasyon.
Ang pag-aaral na ito ay nauukol sa Kahandaan ng mga mag-aaral para sa Radio
Based Instruction na pag aaral. Ayon sa Department of Education ( DepEd), Ang pag-
aaral sa pamamagitan ng radio o tv ay lumitaw bilang pinakamahalagang pamamamaraan
ng pag-aaral ng distansya ng mga magulang na nagpatala ng kanilang mga anak.
Paglalahad ng Suliranin
CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matugunan ang Kahandaan ng mga mag-
aaral sa Radio Based Instruction ng mga mag-aaral sa Senior High ng Tabugon
National High School.
Upang matugunan ang layuning ito, binuo ng mananaliksik ang mga sumusunod
na katanungan:
A. Ano-ano ang epekto ng Radio Based Instruction sa kahandaan ng mga mag-
aaral sa Senior High School ng Tabugon National High School kung ang datos ay
papangkatin ayon sa:
1. Written Outputs
2. Performance Task
B. Gamit ang checklist epektibo ba ang Radio Based Instruction sa kahandaan ng
mga mag-aaral ng Tabugon National High School-Senior High School
Ipotesis
1. Naging matagumpay ang Radio Based Instruction sa kahandaan ng mga mag-
aaral sa kung papangkatin ayon sa kanilang Demograpikong Propayl.
2. Hindi nagtagumpay ang bagong estratehiya sa kahandaan ng mga mag-aaral
kung papangkatin ayon sa kanilang Demograpikong Propayl
CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Kahandaan ng mga mag-aaral para sa Radio
Based Instruction mula sa Ikalabing dalawa (12) taon na kumukuha sa espesyalisasyon sa
Accountancy and Business Management ( ABM) na may kabuuang dalawampu’t apat
na mag aaral sa Tabugon Senior High School.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Naniniwala ang mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito upang malaman
ang kahandaan ng mag-aaral para sa Radio Based Instruction sa kanilang pag-aaral.
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:
Administrasyon. Ang magiging kalalabasan ng pag-aaral na ito ay magagamit bilang
gabay sa pagbibigay unawa sa Kahandaan ng paggamit ng RBI para pag-aaral sa
kasalukuyang kinakaharap na pandemya.
Guro. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging basehan sa pangangailangan tulad ng
seminar hinggil sa pag-aaral sa gitna ng kinakaharap na pandemya.
Magulang. Ang magulang ang itinuturing na unang guro sa tahanan kaya mayroon silang
kaalaman sa kung ano ang maidudulot sa akademikong perpormans ng kanilang mga
kabataan sa pamamagitan sa makabagong pag-aaral.
CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
Mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nagsisilbing basehan ng mga mag-aaral na
magkaroon ng sapat na pag-unawa hinggil sa bagong sistema ng pag-aaral na kung saan
paano makakatulong ang radio based instructions napag aaral sa mga kapwa mag-aaral.
Mananaliksik. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa kanila na maipabatid
ang epekto sa pag-aaral sa gitna ng bagong sistema ng edukasyon.
Depinisyon ng Terminolohiya
Modyular – Ang modyular ay nakalimbag o printed na materyal na katumbas na isang
aralin o leksyon sa isang asignatura. ( Meriam Webster, 2021)
Performans – Ito ay isang particular na resulta na nakuha sa pamamahala, ekonomiya,
marketing, kahusayan at pagiging epektibo ng samahan at mga sangkap na pamamaraan
at istraktura nito. ( Verboncu, Zalman, 2005)
Sa pag-aaral na ito ang performans ito ay ang pagpapakita ng isang
kakayahan ng tao na maipakita ang resulta ng isang gawain o aktibidad sa pamamagitan
ng iba’t – ibang ganap.
Pag-aaral – Ang pag-aaral ay isang espesyal na anyo ng pagbabasa. Ang paraan na ang
pag-aaral ay naiiba sa “ordinaryong pagbabasa” ay ang pag-aaral na nauufnay sa
kinakailangang gawin na makilala na cognitive at mga gawaing pamproseso. ( Anderson
et.al 1980)
Sa pag-aaral na ito ang pag-aaral ay isang makabuluhang bahagi ng buhay
ng isang tao upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay sa mundo.
CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
Distansyang Pag-aaral- Ito ay ang pag-aaral sa online o isang anyo ng edukasyon na
kung saan kasama sa pangunahing mga element ang pisikal na paghihiwalay ng mga guro
at mag-aaral sa panahon ng pagtuturo. ( Gary A. Berg et.al 2010)
Sa pag-aaral na ito ang distansyang pag-aaral ay ang bagong sistema ng
edukasyon na kung saan ang mga mag-aaral at ang guro ay hindi nagkikita sa personal sa
online na komunikasyon lamang tulad ng messenger, zoom atbp.
KABANATA II
REBYU NG KAUGNAY NA PAG_AARAL AT LITERATURA
Ipinakita sa kabanatang ito ang ilang sipi, aklat, internet at iba pang dyornal na
may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Natuklasan ng mga mananaliksik na bahagi
na rin ng pag-aaral ng kahit anong akdang pampanitikan ngunit sa pagdaraan ng panahon
nagbabago ang panlasa ng mambabasa. At masubok ang sariling kakayahan sa pagsusuri
ng mga akdang ito.
Ang diskurso sa pinaghalo na pag-aaral ay lumitaw mula noong 1960s, ngunit nagsimula
lamang itong magkaroon ng maraming tagasuporta noong 1990s mula nang magsimulang
umunlad ang teknolohiya. Ang unang beses na pinaghalo na paggamit ng pag-aaral ay
CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
noong ang Center for Interactive Learning, isang institusyong pang-edukasyon na
negosyo sa Atlanta, ay gumawa ng press release noong 1999 tungkol sa isang online na
programa ng kurso gamit ang Blended Learning methodology. Walang malinaw na
kahulugan ng pinaghalo na pag-aaral hanggang sa naglathala si Graham ng aklat na
pinamagatang The First Handbook of Blended Learning, na sumagot sa kalabuan ng
layunin ng pinaghalo na pag-aaral. Tinukoy ni Graham (2006) ang Blended Learning
bilang kumbinasyon ng mga tagubilin mula sa dalawang magkahiwalay na modelo ng
pagtuturo at pagkatuto sa kasaysayan: ang face-to-face learning system at ang distributed
learning system. Ang ilang mga developer na pang-edukasyon ay nagbibigay ng iba't
ibang mga kahulugan ng pinaghalo na pag-aaral, ngunit ang punto ay upang pagsamahin
ang dalawang modelo ng pag-aaral upang makamit ang ninanais na mga layunin sa pag-
aaral. Samakatuwid, ang pinaghalong pag-aaral ay mga salik na pinagsama-samang
ginagamit upang makakuha ng maayos na mga resulta, na makikita mula sa proseso ng
pagkatuto ng mag-aaral.
Tinukoy ni Singh at Reed (2001) ang pinaghalo na pag-aaral bilang isang programa sa
pag-aaral na naglalaman ng higit sa isang modelo na ginamit upang ma-optimize ang
pag-aaral. Tinukoy din ni Graham (2006) ang halo-halong pag-aaral bilang isang
epektibong kumbinasyon ng ilang mga diskarte sa pag-aaral, teknolohiya, at paraan ng
paghahatid ng mga materyales upang matugunan ang mga pangangailangan ng mag-
aaral. Ang pinaghalong pag-aaral ay maaari ding bigyang kahulugan bilang isang pang-
edukasyon na diskarte na pinagsasama ang iba't ibang mga face-to-face na modelo sa
CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
distance education at gumagamit ng iba't ibang uri ng teknolohiyang pang-edukasyon.
Samakatuwid, ang pag-aaral ay nagmumula ang sigasig nito mula sa
katotohanang ang mga magulang na hindi nakakaalam sa pagsulat at pagsulat na may
problema sa literasi ay kumikilos bilang mga emergency na guro na nagbibigay ng mga
pangangailangan ng mga nag-aaral sa pagtugon sa kanilang mga kinakailangang pang-
akademiko. Sa pananaw na ito na naglalayon ang papel na tuklasin ang mga karanasan sa
tutorial sa bahay ng mga magulang na hindi nagagawang magsulat at nagkamali sa oras
ng pandemikong ito.
KABANATA III
DESINYO NG PANANALIKSIK AAT METODOLOHIYA
Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng disenyo, mga datos, mga kinalap na
pamamaraan, instrumento, talatanungan at istatistikal na data.
Disenyo ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan. Ayon
kay Sicat-De Laza (2016), na ang deskriptibong pamamaraan ay naglalarawan ng tiyak at
CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
kasalukuyang kondisyon ng pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap.Inilarawan sa
pag-aaral na ito ang ibat ibang estilo ng mga respondente sa pagbasa at upang mabatid
ang mga suliranin. Pinasimulan ng mananaliksik sa pagbabasa at pangangalap ng mga
datos sa ibat ibang aklat upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa bawat sinuring datos.
Mga Respondente o Mga kalahok sa Pag-aaral
Ang mga kalahok o respondente sa pag-aaral na ito ay ang mag-aaral sa ikalabing
dalawang baitang ng Senior High School na kumukuha sa espisyalesasyon sa Shelded
Metal Arc Welding ng Tabugon National High School – Senior High School. Ang mga
tagatugon ay binubuo ng dalawapu’t apat (24) na mag-aaral. Sila ay gagamitin sa
pagkuha ng datos o resulta. Walang partikular na edad ang kinakailangan sa pagpili ng
mga respondente. Tanging kurso lamang ang pangunahing ikokonsidera.
Instrumento sa Paglikom ng Datos
Gagamit ng gawang sariling talatanungan ang mga mananaliksik upang
makapangalap ng datos para sa kanilang pananaliksik. Ang talatanungang gagamitin ng
mga mananaliksik sa kanilang sarbey ay ang mga tanong na tutukoy sa lebel ng pagsang-
ayon ng mga respondente sa mga nasabing pahayag. Sasagot ng mga katanungang
inihanda para sa kanila sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek(/).
Binubuo ito ng dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay ang estilo ng pagbasa ng
mga respondente. At ang ikalawang bahagi ay kasanayan sa pagssulat ng sanaysay.
CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
Pagkatapos sagutan ang mga tanong narito ang interpretasyon ang sumusunod:
Panukat Interpretasyon
5 Lubos na Sumang-ayon
4 Sang-ayon
3 Bahagyang Sang-ayon
2 Hindi Sang-ayon
1 Lubos na Di Sang-ayon
Ikalawang bahagi:
9-10 Lubhang mahusay
7-8 Mahusay
5-6 Mahina
3-4 Mas Mahina
1-2 Lubhang Mahina
Balidasyon at Pagpapakatutuo o Relayabilidad ng Instrumentong Gagamitin
Ang sariling gawang talatanungan ay dumaan sa tamang pagsusuri ng mga
mananaliksik na mismong gumawa ng impormasyon upang lubos na maunawaan ang
ginwang pag-aaral upang ma e presinta ng maayos ang datos. Pagkatapos na mabuo ang
talatanungan, pinasuri ito para sa relayabilidad. Dalawampu’t apat (24) na mag-aaral ang
binigyan ng unang pagsusulit sa ika labindalawang baitang na kumukuha sa kursong
Shelded Metal Arc Welding sa Senior High ng Tabugon National High School.
CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
Pamamaraan sa Paglikom ng Datos
Ang mga mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa Dekana ng College of
Teacher Education sa pagtupad ng pag-aaral na ito. Nang pahintulutan na ng Dekana ang
mga mananaliksik ay magpadala ng sulat sa mga respondente para sa gawaing pag-aaral.
Pagkatapos ay ang mga mananaliksik magpadala ng talatanungan sa pamamagitan ng
messenger kung hindi pa matapos itong pandemya. Bago sagutan ang mga talatanungan
ang mananaliksik ay magbigay muna ng panuto. At sagutin ang mga talatanungan ng mga
respondente sa kanilang bakanteng oras. Pagkatapos masagot ang mga instrumento ay
kinolekta at nilikom. At sinimulan ng mananaliksik sa Pag-encode ng mga datos na may
pag-iingat at isinumiti sa Statistician upang mabigyan ng interpretasyon.
Tritment ng mga Datos
1. Ano ang naidulot ng modular distance learning sa akademikong performans
ng mga mag-aaral ng TNHS-SHS kapag kinuha ng buo at kapag pinagsama
ayon sa:
A. Edad
B. Kasarian
CENTRAL PHILIPPINES STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Kabankalan City, Negros Occidental
2. Ano-ano ang epekto ng modular distance learning sa pangkalahatang
akademikong performans ng mga mag-aaral sa Senior High School ng
Tabugon National High School kung ang datos ay papangkatin ayon sa:
Written Outputs
Performans Task
Frequency and Percentage Distribution
Ginagamit ang istatikang ito upang matukoy ang porsyento na karaniwang
para sa datos tulad ng (lebel, Edad, Kasarian at iba pa)
Formula:
Where: % = Percent
f= Frequency
N = Number of Cases/Respondent
Mean
Ginagamit upang makuha ang Average at Central Value (level, extent,
status,etc.)
Where:
X͞ = Mean Score
ƩX = Total Score
N = Number of Cases/Respondents