You are on page 1of 39

EPEKTO NG PAGGAMIT NG E-LEARNING BILANG MIDYUM NG

PAGKATUTO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA


MA-AARAL NG IKA-LABING DALAWANG BAITANG
NG STEM SA PAMANTASAN NG LUNGSOD
NG MARIKINA

Isang pananaliksik na ilalahad kina Ginoong Vince Tan


at Binibining Luzviminda Miguel ng Pamantasan
ng Lungsod ng Marikina Senior High School

Nina:
GABRIEL NICOLAI ANTONIO
JANELL CANTIGA
ROWENA DAMALERIO
JUN CHRISTIAN DAYAO
PRECY DUCLAYAN
JENELYN MATUGAS
JOHN LEONILLE SERRATO

Marso, 2022

1
TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat ............................................................................................................................... 1

Talaan ng Nilalaman…........................................................................................................2

Kabanata 1

Panimula.............................................................................................................................. 1

Kaligiran ng Pag-aaral…..................................................................................................... 2

Batayang Teoretikal ............................................................................................................ 4

Batayang Konseptual ..........................................................................................................6

Daloy ng Pag-aaral… .......................................................................................................... 7

Paglalahad ng Suliranin....................................................................................................... 7

Haypotesis ........................................................................................................................... 8

Kahalagahan ng Pag-aaral ................................................................................................... 8

Saklaw at Limitasyon ........................................................................................................ 10

Pagpapakahulugan at Talasalitaan ................................................................................... 11

Kabanata 2

Positibong epekto ng e-learning ........................................................................................ 12

Negatibong epekto ng e-learning ...................................................................................... 13

Teknolohiya at internet… ................................................................................................. 15

2
Kaugnay na pag-aaral patungkol sa epekto ng e-learning sa akademikong pagganap…..16

Sentesis… .......................................................................................................................... 18

Mga Sanggunian…............................................................................................................20

Kabanata 3:

Disenyo ng Pananaliksik
Metodo ng Pananaliksik
Mga Respondente
Instrumento ng Pananaliksik
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Kaasangkapang Estadistika

3
Kabanata 1

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng panimula, kaligiran ng pag-aaral, batayang

teoretikal, batayang konseptwal, paglalahad ng suliranin, haypotesis, kahalagahan ng pag-

aaral, saklaw at limitasyon, pagpapakahulugan, at talasalitaan patungkol sa epekto ng

paggamit ng e-learning bilang midyum ng pagkatuto sa akademikong pagganap ng mga

mag-aaral ng ika labindalawang baitang ng STEM sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Panimula

Patuloy na umuunlad ang teknolohiya sa bawat paglipas ng panahon. Kasabay nito

ay ang pag-unlad sa sistema ng edukasyon na naging dahilan naman ng pagkakaroon ng

“e-learning” o mas kilala sa tawag na “online learning”. Sa kasalukuyan, ang ‘e-learning’

ang naging daan ng mga paaralan sa Pilipinas upang maisalba ang kinakaharap na suliranin

ng mga kabataan patungkol sa edukasyon kaalinsabay ang pandemyang COVID-19.

Ang terminong e-learning ay unang ipinakilala noong 1999 (Gogos, 2014). Ito ay

isang pamamaraan o sistema ng pagtuturo at pag-aaral. Bilang karagdagan, ito rin ay

tumutukoy sa paghahatid ng mga serbisyong pang-edukasyon sa pamamagitan ng paggamit

ng iba’t-ibang electronic resources tulad ng kompyuter, selpon, at internet (Fazlollahtabar

& Muhammadzadeh, 2012). Ito ay maaaring maganap sa loob o labas ng

1
paaralan at layuning makapagbigay ng kaalaman at kasanayan sa mga mag-aaral (Tamm,

2020). Patuloy namang lumalaki ang epekto nito sa kasalukuyang sistema ng edukasyon

dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya (Keegan, 2020) at dahil din sa pandemyang

kinakaharap ng mga bansa (Li & Lalani, 2020).

Ngunit dahil sa biglaang pagbabago sa pamamaraan ng edukasyon mula sa

nakasanayang ‘face to face classes’, nagkaroon ito ng samu’t saring epekto sa mga

Pilipinong mag-aaral. Kung kaya’t nakatuon ang pananaliksik na ito sa ‘epekto ng

makabagong e-learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral’ partikular sa mga

nasa ika labindalawang baitang ng Science Technology, Engineering, and Mathematics

(STEM) sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Ito ay upang matukoy kung naging

positibo ba o negatibo ang epekto ng nasabing makabagong pamamaraan ng pag-aaral.

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa unang bahagi ng 2020, matapos ang mabilis na pagsiklab ng isang kirsis sa

Wuhan, China noong Disyembre 2019, inanunsyu na ng World Health Organization

(WHO) na ang SARS-CoV-2 ay isang bagong uri ng coronavirus, at ito ay isang pandemya

(“WHO Director-General’s,” 2020). Tinawag rin itong COVID-19, at simula noong araw

na iyon (Marso 11, 2020), ito ay naging suliranin na nagpabago sa pamumuhay ng milyon-

milyong tao.

2
Dahil ito ay lubhang nakakahawa, lubos naapektuhan ng COVID-19 ang

pamumuhay ng mga tao (Mohapatra, 2020). Noon, maaaring lumabas ang mga tao sa

kanilang bahay at pumunta sa kahit saan man nilang naisin. Ngunit sa ngayon hindi na

maaari, dahil kailangan ng mga tao sumunod sa mga alituntunin ng gobyerno tulad ng

pagsusuot ng facemask at pagsasagawa ng social distancing.

Iba’t ibang sektor rin ng lipunan at ekonomiya ng napakaraming bansa ang

naapektuhan ng pandemyang nasabi (“From equality to,” 2020). Isa na dito ang edukasyon

ng Pilipinas. Sa unang pagsiklab ng pandemya, napilitan ang Pilipinas na itigil muna ang

pagsasagawa ng klase. Ito’y nanatili nang ilang buwan kung kaya’t ang edukasyon ng mga

mag-aaral ay nahinto rin. Sa paglipas ng maikling panahon, dito na napagdesisyunan ng

kagawaran ng edukasyon na baguhin ang midyum ng pagkatoto ng mga mag-aaral upang

masolusyonan ang suliranin na kinakaharap ng edukasyon.

Dito na ipinakilala ang e-learning o kilala rin sa tawag na online learning. Ito ay

tumutukoy sa pagsasagawa ng pag-aaral sa tahanan sa pamamagitan ng paggamit ng mga

gadyets (Lawless, 2018). Ngunit sa kabila ng pagbabalik ng edukasyon, maraming mag-

aaral ang nagpakita ng hindi magandang reaksyon. Ito ay dahil hindi handa ang mga mag-

aaral sa biglaang pagbabago ng midyum o pamamaraan ng pag-aaral (De La Cruz, 2021).

Kung kaya’t ang mga mananaliksik ay nahikayat na gawin ang pag-aaral na ito upang

malaman ang epekto ng paggamit ng e-learning sa akademikong pagganap.

3
Batayang Teoretikal

Ang teorya ng e-learning ay binubuo ng mga prinsipyo ng cognitive science na

nagpapakita kung paano nakakatulong ang paggamit ng teknolohiyang pang-edukasyon sa

pagpapahusay ng epektibong pag-aaral.

Ayon kay He (n.d.), Ang pag-aaral ng multimedia ay isang partikular na prinsipyo

ng teorya ng e-learning, at ipinapahayag nito na ang mas malalim na pag-aaral ay maaaring

maisulong gamit ang dalawang format sa audio, visual, at text sa halip na isa o tatlo. Isinaad

din niya na ang mga nakaraang pag-aaral na may kaugnayan sa teorya ng e-learning ay

nagbigay ng katibayan na ang mga prinsipyo ng disenyo ng multimedia ay maaaring

magsulong ng epektibong pag-aaral. Halimbawa, si Mayer noong 1997 ay nagsagawa ng

ilang mga pagsusuri sa pag-aaral gamit ang multimedia. Kaniyang natagpuan na ang

pagtuturo gamit ang multimedia ay epektibo. Ngunit sinasabi naman ng ibang mga eksperto

na ang ating memorya ay mayroong limitadong kapasidad, at ang utak ay magdurusa mula

sa labis na karga kung ang mga mag-aaral ay bibigyan ng masyadong maraming

impormasyon.

Ang personalization ay isa ring mahalagang prinsipyo ng teorya ng e-learning.

Iminumungkahi ng prinsipyong ito na ang paglalahad ng mga salita sa istilong pakikipag-

usap o impormal ay makakatulong sa pagpapahusay ng epektibong pagkatuto. Ang

paglalapat ng mga prinsipyo ng teorya ng e-learning kasama ang mga prinsipyo ng disenyo

nito ay maaaring magsulong ng epektibong pag-aaral.

4
Sa kabuuan, ang teorya ng e-learning ay tumutukoy sa pagdidisenyo at pagpaplano

ng paggamit ng iba’t ibang teknolohiya sa edukasyon upang mas madaling matuto ang mga

mag-aaral.

TERRY ANDERSON & THE THEORY OF ONLINE LEARNING

MODEL OF LEARNING

Iminungkahi ni Anderson (2008) ang isang modelo ng E-learning na naglalarawan

sa dalawang pangunahing aktor: mga mag-aaral at guro, pati na rin ang kanilang pakikipag-

ugnayan sa isa’t isa sa nilalaman ng isang babasahin. Isinaad rin na ang mga mag-aaral ay

may kakayahang mag-aral sa kahit anong paraan na kanilang nais. Gayunpaman, maaari

nilang piliin na isunod-sunod at idirekta ang kanilang pag-aaral sa tulong ng guro. Ang mga

multi-component learning environment na ito ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na

matuto ng mga kasanayang panlipunan, makipag tulungan, at bumuo ng mga personal na

relasyon sa kanilang guro.

Ayon rin kay Anderson, ang online learning ay natutulad sa iba at lahat ng anyo ng

pag-aaral; na dapat ito ay nakasentro sa kaalaman, pagtatasa, at pagbibigay ng makabagong

ideya o karunungan sa mag-aaral. Siya ay nanindigan na ang online learning ay

nagpapahusay ng mag-aaral, dahil nga marami itong estilo. Gayunpaman, nais din nyang

ipaalam na ito ay may mga hadlang at limitasyon.

5
Batayang Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay nakasentro o naglalayong ibigay ang mga posibleng epekto

sa paggamit ng e-learning bilang midyum ng pagkatuto sa akademikong pagganap ng mga

mag-aaral ng pamantasan ng Lungsod ng Marikina Señior High School. Nabanggit sa pag-

aaral ni Soni (2018) na sa panahong ito, ang mundo ay naging ganap na umaasa na sa mga

teknolohiya sa pangangalap ng impormasyon. Ito ay nakikita sa patuloy na paglaki sa

bilang ng mga online na klase, kumperensya, at pagtitipon gamit ang mga makabagong

teknolohiya, bukod sa iba pang mga aktwal na karaniwang gawain ng bawat indibidwal.

6
Daloy ng pananaliksik

Ang balangkas konseptwal o “Conceptual Framework” ng pag-aaral na ito ay

ginamitan input-process-output model. Ang mga mananaliksik ay naglagay ng hakbang sa

pagkalap nila ng impormasyon. Nakalagay sa input ang mga mag-aaral ng Pamantasan ng

Lungsod ng Marikina Senior High School partikular ang mga nasa ika labindalawang

baitang na gumagamit ng E-learning bilang midyum ng pagkatuto dahil sila ang saklaw ng

pag-aaral na ito. Sa process naman binanggit ang mga tagatugon at pagkakaroon ng sarbey

talatanungan na ibabahagi sa pamamagitan ng google forms at Facebook para sa mga mag-

aaral na saklaw ng pag-aaral na ito. Sa huli, sa output makikita ang mga kasagutan at mga

epektong nangyayari sa akademikong pagganap ng mag-aaral dahil sa paggamit ng E-

learning bilang midyum na pagkatuto.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin kung ano ang naging epekto ng

paggamit ng e-learning bilang midyum ng pagkatuto sa akademikong pagganap ng mga

mag-aaral ng ika labindalawang baitang ng STEM sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.

Partikular, layunin nitong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga naging epekto ng e-learning sa akademikong pagganap sa mga

mag-aaral?

2. Naging positibo o negatibo ba ang mga epekto ng paggamit ng e-learning?

7
2.1 Kung positibo, gaano ka-epektibo ang paggamit ng e-learning bilang midyum

ng pagkatuto?

2.2 Kung may negatibong epekto, makakabuti pa rin bang ipagpatuloy ang

paggamit ng e-learning?

3. Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa e-learning na siyang nagiging hadlang

sa pagkatuto ng mga mag-aaral?

Haypotesis

Ang mga mananaliksik ay naniniwalang walang signipikanteng ugnayan ang

paggamit ng e-learning at pagtaas ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ika

labindalawang baitang ng STEM sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Mga Guro

- Ang pananaliksik ay magbibigay ng inspirasyon sa mga guro upang mapahusay pa

ang kanilang mga paraan pagdating sa pagtuturo gamit ang e- learning. Ito rin ay

magbibigay ng ideya o batayan sa kanila kung ano ang dapat nilang bigyan ng pokus

upang maiwasan ang mga posibleng negatibong epekto ng e-learning sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral.

Mga Mananaliksik

8
- Ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral ay nagbibigay ng kaluguran, kahusayan, at

propesyonalismo sa kanilang larangan.

Mga Mag-aaral

- Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng kamalayan sa mga mag-aaral tungkol sa mga

epekto ng paggamit ng e-learning bilang pamamaraan ng pag-aaral. Ito rin ay

makakatulong sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa mga bagay na kailangan

nilang bigyan ng pansin sa gitna ng pagsasagawa ng e-learning.

Mga Magulang

- Ang mga magulang ay magkakaroon ng kamalayan sa sitwasyon ng kanilang mga

anak. Sila din ay magkakaroon ng sapat na kaalaman sa epekto ng e-learning kung

kaya’t sila ay nakakapagbigay ng mabuting gabay at payo sa kanilang mga anak na

kasalukuyang nag-aaral.

Susunod na mga Mananaliksik

- Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay maaaring maging batayan o sandigan ng iba’t

ibang pag-aaral hinggil sa epekto ng paggamit ng e-learning.

Kagawaran ng Edukasyon

- Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang malaman at maunawaan ng kagawaran

ng edukasyon kung ano-ano ang mga naging epekto ng paggamit ng e- learning. Ito

9
naman ay magiging daan upang mabigyan nila ng solusyon ang mga posibleng

negatibong epekto ng nasabing pamamaraan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral ng Ika labindalawang baitang

STEM sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina para tugunan ang ginawang pananaliksik

upang matukoy ang Epekto ng Paggamit ng E-learning Bilang Midyum ng Pagkatuto sa

Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral. Sa pag-aaral na ito, kukuha ang mga

mananaliksik ng pitong pu (70) na mga mag-aaral sa ika labindalawang baitang ng STEM

sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina bilang mga tagatugon/respondente.

Ang pag-aaral na ito ay hindi tutugon sa anumang karagdagang mga isyu na hindi

nakapaloob o konektado sa pag-aaral na ito. Ang bawat respondente ay bibigyan ng

parehong sarbey talatanungan upang malaman, at pantay pantay na masagot ang mga

problemang tinatalakay sa loob ng pag-aaral. Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay

makakatulong sa mga mananaliksik upang malaman ang hinahanap na kasagutan sa pag-

aaral na ito.

10
Pagpapakahulugan at Talasalitaan

Binigyang kahulugan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na terminolohiya

batay upang lubos itong maunawaan ng mga mambabasa.

E – LEARNING: Sistema ng pag-aaral na isinasagawa sa pamamagitan ng elektronikong

midya, kadalasan sa internet.

FACE TO FACE CLASS: isang paraan ng pag-aaral kung saan ang nilalaman ng kurso at

materyal sa pagkatuto ay personal na itinuturo sa mga mag-aaral sa loob ng paaralan.

ONLINE CLASS: isang paraan ng pag-aaral kung saan ang nilalaman ng kurso at materyal

sa pagkatuto ay birtual (virtual) na itinuturo sa mga mag-aaral sa labas ng paaralan o kaya’y

sa loob ng tahanan.

AKADEMIKONG PAGGANAP: Ang akademikong pagganap ay ang pagsukat ng mga

nakamit ng mag-aaral sa iba't ibang asignaturang pang-akademiko.

PROFILE: nagbibigay ng mga datos o impormasyon ng bawat indibidwal na

kumukumpleto ng sarbey o panayam susuriin para sa pananaliksik.

11
Kabanata 2

Ang kabanatang ito ay nagbigay sa mga mananaliksik ng iba’t ibang kaalaman,

karunungan, at konsepto patungkol sa epekto ng e-learning sa akademikong pagganap ng

mga mag-aaral.

Positibong epekto ng e-learning


Ang e-learning ay nagdudulot ng magandang epekto sa akademikong pagganap ng

mga mag-aaral dahil sa paggamit ng ganitong midyum, mas madali at epektibo silang

nakakagamit ng mga materyales na kailangan nila sa pag-aaral (Sykutera, 2020). Ito ay

sinabing nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na mas lalong maunawaan ang isang paksa

at makakalap pa ng mas maraming impormasyon. Isinaad din sa parehong literatura na sa

paggamit ng e-learning bilang alternatibo, kahit na ang mga nasabing mag-aaral ay nasa

tahanan lamang, maaari pa rin silang makapag-aral ng walang hadlang.

Sa karagdagan, ang e-learning ay mabisang paraan ng edukasyon upang mabilis na

umunlad ang mga kakayahan ng mga mag-aaral at mapanatili ang kanilang kahusayan

pagdating sa kanilang akademikong pagganap at pagpapaunlad sa kanilang mga sarili.

(Fayomi, Ayo, Ajayi, at Okorie, 2015).

Ayon kay Conde (2015), may malaking epekto ang e-learning sa mga mag-aaral sa

kanilang akademikong pagganap. Kaya naman ang pagpapabuti sa tagumpay ng mga mag-

aaral sa kanilang pagkatuto ay ganap na dinala sa pamamagitan ng paggamit ng e-learning

na pamamaraan.

12
Isinaad din ang mga resulta ng e-learning ay ang mga resulta ng mga 'dynamic' na

pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral, guro, at ang sistema ng e-learning. Ayon kay Saba

(2012), ang e-learning system ay nagpapakita ng mas mabilis na oras ng pagtugon, mas

mahusay na sistema ng accessibility, maaasahan at madaling maka angkop sa pagbabago,

at kadalian sa pag-aaral. Sa paggawa nito, ang mga 'e-learning system' ay maaaring

magbigay sa mga mag-aaral ng impormasyong tumpak, totoo o katotohanan, napapanahon,

maaasahan, at kapaki-pakinabang na makakatulong sa kanilang pagganap at pagkatuto.

Ayon naman sa pananaliksik na isinagawa nina Zolochevskaya, Zubanova,

Fedorova, at Sivakova (2021), ang paggamit ng e-learning bilang paraan ng pagtuturo at

pag-aaral ay nagbigay ng positibong epekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Ito ay dahil karamihan sa mga mag-aaral ay mayroon ng sapat na kaalaman pagdating sa

paggamit ng mga “website”.

Negatibong epekto ng e-learning


May mga mag-aaral na humaharap sa hirap ng buhay dahil iba iba ang mga tao ng

kalagayan o estado ng buhay. Ito ay higit na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral

dahil sa kakulangan sa kagamitan. Ayon sa kina Calaor, Cartin, Casia, Macahilas, at

Rivarez (2020), malaki ang naging negatibong epekto ng e-learning sa sikolohikal na

kalusugan ng mga mag-aaral. May mga mag-aaral na nawawalan ng gana sa pag-aaral,

nagkaroon ng depresyon, nahihirapan matulog, bumaba ang kumpyansa sa sarili, at

13
minsanang nakakaramdam ng “mental breakdown” o pagkasira ng kaisipan na naging

resulta naman ng pagbaba ng kanilang akademikong pagganap. Makikita natin na hindi

lahat ng mag-aaral ay kayang makipagsabayan sa kapwa nilang mag-aaral.

Ayon kina Poalses at Bezuidenhout (2018), ang mga negatibong epekto ng online

learning sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral ay pagkabalisa at pagliban sa klase.

Isinaad naman nina Malolos, Baron, Apat, Sagsagat, Pasco, Aspotadera, Tan, Gacut-no-

Evardone, at Lucero-Prisno (2021) na mas lalo pa itong lumala nang ang mga institusyong

pang-edukasyon ay lumipat mula sa harapang pagkatuto patungo sa online na pag-aaral

upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Ipinapahayag sa artikulong ito na mas mataas

ang naidudulot na pagkabalisa sa mga mag-aaral na mula sa mas mababang estado ng

pamumuhay dahil sa kanilang limitadong pinansyal na kapasidad upang makakuha ng mga

kinakailangang kagamitan sa pag-aaral tulad na lamang ng gadyet at koneksyon sa internet.

Isinaad naman ni Northenor (2020) sa kanyang artikulo na ang koneksyon ng

internet na madalas ginagamit sa e-learning ay posibleng humina o mawala. Ito ay

maaaring maging hadlang sa pagpapasa ng takdang-aralin o aktibidad ng mga mag-aaral sa

tamang oras, at hindi rin nila pagdalo sa klase. Ang mga ganitong uri ng pangyayari ay

nagdudulot ng negatibong epekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Isinaad rin sa pag-aaral mula sa Quello Center ng Michigan State University na ang

mga mag-aaral ay nahuhuli sa akademiko dahil sa mabagal na koneksyon sa Internet

(Bauer, Brooks, & Hampton, 2020). Inihahayag sa artikulong ito na dehado ang mga

14
mag-aaral na nasa mababang estado ng pamumuhay at walang kakayahang makabili at

maka-access sa internet. Ayon sa mga natuklasan, ang bahagyang pagbaba ng akademikong

pagganap ay direktang proporsyonal sa koneksyon sa Internet.

Teknolohiya at internet

Maraming nagbago ng dahil sa pandemya. Sa partikular, ang sistema ng paaralan

ay lubhang naapektuhan. Kung kaya’t upang maipagpatuloy ang edukasyon, mayroong

nangyaring pag lipat mula sa tradisyunal na paraan ng pag-aaral tungo sa elektronikong

pag-aaral. Ayon sa pag aaral na isinagawa ni Soni (2018), sa panahong ito, ang mundo ay

naging ganap na umaasa na sa mga teknolohiya sa pagkuha at pagpapadala ng

impormasyon. Ito ay makikita sa patuloy na paglaki sa bilang ng mga online na klase,

kumperensya, at pagtitipon. Patunay lang ito na malaki ang naging epekto ng pandemya sa

bawat isa.

Ang Pilipinas ay isa sa limang bansa sa buong mundo na ang pag-aaral ay online

pa rin (Umali, 2021). Ngunit para sa mga karamihan, ito ay malalim na problema dahil sa

negatibong epekto nito sa mga bata..

Ayon kay Liu (2016), ang paghahatid ng kaalaman at impormasyong pang-

ekonomiya sa pamamagitan ng Internet ay napakasikat kung kaya’t napakaraming bansa

ang nais lumikha ng mga teknolohiya na magagamit upang makasabay sa kompetisyon. Sa

kasong ito, ang pagbabahagi ng mga mapagkukunan ng edukasyon at

15
pagbabahagi ng kaalaman sa pamamagitan ng kompyuter at internet ay naging karaniwan

na sa buong mundo.

Isinaad naman nina Capili at Manuel (2014) na ang e-learning ay tumutukoy sa

paggamit ng mga elektronikong aplikasyon at proseso upang matuto. Ito ay ang edukasyon

kung saan kinakailangan gumamit ng internet, komputer, at iba pang gadget.

Ang internet ay nagsisilbing paraan upang magkaroon ng ugnayan sa mga grupo ng

magkakaibigan (Arayata, 2020). Ang pakiramdam ng pisikal na paghihiwalay ay

kasalukuyang isa sa mga pinakadakilang sikolohikal na nagdudulot ng stress sa lahat ng

mga tao.

Kaugnay na pag-aaral patungkol sa epekto ng e-learning sa akademikong pagganap

Patuloy na pinag-aaralan at pina-uunlad ang makabagong paraan ng pag-aaral para

sa kinabukasan ng bawat isa. Tunay ngang malaki ang pagbabagong dapat gawin upang

maipag patuloy ang edukasyon sa buong mundo dahil sa pasakit na dala ng pandemya. Sa

pag-aaral na isinagawa ni Gopal (2021), nalaman niya na naging benipisyal pa rin ang e-

learning sa mga mag-aaral kahit na malayo ito sa kinagisnan pag-aaral ng bawat isa. Naging

mahusay din ang pagganap ng mga mag-aaral sa paaralan kahit na online class. Patunay

lang ito na naging maganda ang resulta ng e-learning bilang makabagong paraan ng

edukasyon para sa lahat.

16
Ayon sa pag-aaral nina Ifeanyi at Chukwuere (2018), ang paggamit ng smartphone

sa pag-aaral ay nagiging hadlang sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral sa ilang mga

aspeto.

Isinaad naman sa pag-aaral ni Lumadi (2013), ang e-learning ay mayroong

malaking epekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Dahil ipinakita sa resulta

ng kanilang pag-aaral na mas mataas ang nakukuha na grado ng mga mag-aaral kapag

gumagamit ng e-learning kumpara sa kanilang nakukuha kapag gumagamit ng tradisyunal

na paraan ng pag-aaral.

Ayon naman kina Jawad at Shalash (2020), ipinapakita sa pag-aaral na ang

pagpapatupad o pag-implementa sa e-learning ay may positibong epekto sa pagganap ng

mga mag-aaral. Ang resulta na ito ay pareho sa mga nakuhang resulta ng mga pag-aaral

kung saan ang modelo ng E-learning ay nakakatulong sa pag-access ng napakalaking dami

ng impormasyon nang may konting oras lamang na gugugulin at pagsisikap, at nagbibigay

ng higit na kakayahang umangkop sa pag-aaral na isinasaalang-alang ang mga indibidwal

na pagkakaiba (Kumar at Bajpai, 2015; Elfaki, et.al., 2019; Pham at Huynh, 2018; Mothibi,

2015; Abooki at Kitawi, 2014; Basri, et al, 2018; Salamat, et al, 2018).

Kahit na hinihikayat ng e-learning na sistema ng edukasyon ang mataas na pagiging

produktibo at kahit napahuhusay nito ang mabisang pagkatuto ng mga nag-aaral kasabay

ng paggawa ng gawaing bahay at trabaho, nalaman ng mga mananaliksik na ang e-learning

ay nangangailangan pa rin ng pag-aayos at pagpapabuti (Mobo & Sabado, 2019).

17
Sentesis

Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay naniniwala na ang bawat isang

literatura at pag-aaral na ginamit ay may koneksyon sa kasalukuyang pag-aaral. Inugnay at

ikinumpara din nila ang mga nakuhang literatura at pag-aaral batay sa pagkakasunod-sunod

ng kanilang pag-unawa sa iminungkahing pananaliksik

Isinaad ng ilan sa mga pag-aaral at literaturang nakalap na may positibong epekto

ang e-learning bilang midyum ng pagkatuto sa mga mag-aaral. Ito’y dahil sa kasalukuyan,

karamihan sa mga mag-aaral ay mayroon ng sapat na kaalaman sa paggamit ng iba't-ibang

uri ng aplikasyon o website na makakatulong bilang kagamitan sa makabagong paraan ng

pag-aaral o e-learning. Isinaad din na ang mga mag-aaral ay mas madaling matututo at

makakakalap ng impormasyon kahit na nananatili lamang sa bahay. Higit pa riyan, ito rin

ay sinabing mabisa sa mga mag-aaral pagdating sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan,

pagpapanatili sa kanilang maayos na grado pagdating sa akademiko, at pagkakaroon ng

sapat na oras sa pag-aaral at pagpapaunlad ng kanilang sarili.

Ngunit mayroon din namang mga pag-aaral at literatura na nagsaad ng kabaligtaran.

Nabanggit na hindi epektibo ang paggamit ng e-learning bilang midyum ng pag-aaral.

Bagkus ang paggamit nito ay nagdudulot lamang sa mga mag-aaral ng pagkabalisa,

masamang kalusugan, at hindi maayos na pagtulog sa gabi. Maliban dito, isinaad din na

ang e-learning ay hindi epektibo dahil mayroong mga mag-aaral ang nasa

18
mababang estado ng pamumuhay, at limitado lamang ang pinansyal kung kaya’t hindi

makadalo ng maayos sa mga online na klase.

Sa pagwawakas, tunay na malaki ang naging ambag ng paggamit ng e-learning

bilang ng midyum ng pagkatoto pagdating sa pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng

krisis na pandemya. Makatotohanan na ang e-learning ay nagbigay ng bagong paraan ng

pagkatuto sa mga mag-aaral ngunit hindi natin maikakaila na kinakailangan parin nito ng

pagpapabuti at magandang pagbabago.

19
Kabanata 3

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng maikling talakayan patungkol sa metodo at

pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik upang makakuha ng sapat at mabisang

impormasyon sa epekto ng e-learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa

ika labindalawang baitang ng STEM.

Disenyo ng Pag-aaral

Upang makamit ang pangunahing layunin, ang mga mananaliksik ay gagamit ng

disenyo na descriptive o paglalarawan sa pag-aaral na ito. Ayon kay McCombes (2020),

ang disenyo na descriptive ay naglalayong mailarawan ang isang populasyon,

pangyayari, o kaganapan sa tumpak at sistematikong paraan. Ito rin ay maaaring sumagot

sa mga katanungan na Ano, Saan, Kailan, at Paano, ngunit hindi ang mga Bakit na

katanungan. Isinaad din sa parehong literatura na sa disenyo na ito, maaari lang

obserbahan at sukatin ng mga mananaliksik ang mga variables sa pag-aaral. Hindi nila

ito maaaring kontrolin o manipulahin.

Sa karagdagan, ang disenyo na descriptive rin ay kadalasang ginagamitan ng

sarbey talatanungan bilang instrumento sa pangangalap ng impormasyon o datos na

gagamitin sa pag-aaral. Ayon kay Bhasin (2019), ang sarbey talatanungan ay ang

pinakasikat at pinakamadali na instrumento sa pangangalap ng impormasyon dahil ito ay

20
maaaring maihanda sa papel man o sa digital na format. Isinaad din niya na makakatulong

ito upang makakuha ng tumpak na resulta.

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang disenyo na ito ay lubos na

makakatulong upang sila ay makakuha ng konkreto at sapat na datos na magagamit upang

masagot ang mga isinaad na katanungan sa pag-aaral.

Metodo ng Pananaliksik

Katulad ng pagpapaliwanag sa itaas, ang pananaliksik na ito ay gagamitan ng

descriptive o paglalarawan bilang metodo. Sa tulong nito, tumpak na mailalarawan at

masasagot ang mga suliranin sa pananaliksik (“Descriptive Research,” 2021). Bilang

karagdagan, ang paggamit rin ng metodo na ito ay makakatulong upang lubos na masuri

ang mga variables ng pag-aaral ng walang impluwensya mula sa mga mananaliksik.

Ang mga mananaliksik ay mangagalap naman ng mga pangunahing datos na

gagamitin sa pag-aaral sa pamamagitan ng sarbey talatanungan. Ito ay isasagawa upang

makakuha ng obhetibong datos ng walang kinikilingan.

21
Mga Respondente

Ang napiling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na nasa ika

labindalawang baitang ng STEM sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina sa taong 2021-

2022. Gagamit ang mga mananaliksik ng simple random sampling kung saan ang pagpili

ng respondente ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo upang makakuha ng mga

impormasyon ang mananaliksik tungkol sa “Epekto ng Paggamit ng E-Learning bilang

Midyum ng Pagkatuto sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral ng Ika-labing

Dalawang Baitang ng STEM sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina”

Nahahati sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral ng ika labindalawang baitang ng

STEM. Mula dito, malayang pumili ang mga mananaliksik nang pitong pung (70) mag-

aaral na maaaring kumakatawan sa kabuuan ng populasyon.


Kabuuang bilang ng Kasarian ng mga Pangkat na kinabibilangan ng
mga mag- mag- mga mag-aaral/respondente
aaral/respondente aaral/respondente

70 Lalaki Babae STEM STEM STEM S S


202 - 202 - 202- T T
E E
M M
2 2
0 0
2 2
- -

22
Ang mananaliksik ay naglagay ng maikling panuto sa talatanungan na ipapamahagi

upang masiguro na nauunawaan ng mga respondente ang bawat tanong maging ang

pagiging kompidensyal ng bawat datos.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng sarbey talatanungan bilang instrumento

upang makakuha ng wasto, sapat, at mahusay na datos. Ang mga katanungan na

nilalaman nito ay nakabatay sa paglalahad ng suliranin, at binubuo ng close-ended na

mga tanong upang makakuha ng maraming tugon sa mga respondente hinggil sa pag-

aaral. Ang talatanungan ay hinati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay naglalayong

alamin ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral sa ika labindalawang baitang ng

STEM. Ang ikalawang bahagi naman ay naglalayong tukuyin at alamin ang naging

epekto ng e-learning sa kanilang akademikong pagganap sa pamamagitan ng pagkuha ng

kanilang kabatiran o pananaw patungkol sa paksa.

Ginamit rin ng mga mananaliksik ang 5-Point Likert Scale na kung saan ang 1-5

na puntos ay may kaakibat na antas ng pagsang-ayon. Ang limang (5) puntos ay

nangangahulugang “lubos na sumasang-ayon”, ang apat (4) na puntos naman ay

nangangahulugang “sumasang-ayon”, ang tatlong (3) puntos naman ay

nangangahulugang “Walang sinasang-ayunan”, ang dalawang (2) puntos naman ay

23
nangangahulugang “di sumasang-ayon”, at ang panghuli, ang isang (1) puntos ay

nangangahulugang “di lubos na sumasang-ayon”. Ito ay ginamit ng mga mananaliksik sa

talatanungan upang kanilang mainam na maisaayos ang mga tugon ng mga respondente.

Pangangalap ng Datos

Pagkatapos mapagdesisyunan ang magiging pinal na paksa para sa pag-aaral na

ito, ang mga mananaliksik ay kumalap ng datos mula sa iba't ibang website sa internet.

Sila rin ay nagsuri ng mga pananaliksik na may kaparehong paksa upang lubos pa nila

itong maunawaan. Matapos naman nilang pagtibayin ang pananaliksik at ang mga

nakapaloob dito, ang mga mananaliksik ay gumawa na ng talatanungan na gagamitin sa

sarbey. Tulad ng isinaad sa itaas, ang mga mananaliksik ay gagamit ng sarbey

talatanungan na naglalaman ng mga tanong na nakabatay sa paglalahad ng suliranin. Ang

pamamahagi nito sa mga tagatugon ay isasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga

online platforms tulad ng facebook at messenger dahil sa limitasyon na dulot ng COVID-

19 at upang maiwasan na rin ang hindi inaasahang pagkalat nito.

Ang mga mananaliksik ay magpapadala ng liham pahintulot sa mga gurong

tagapayo ng mga mag-aaral sa ika labindalawang baiting ng STEM upang maisagawa

ang pananaliksik. Matapos naman ito, ibibigay ng mga mananaliksik ang sarbey

talatanungan sa pangulo ng bawat seksyon upang ito ay maipamahagi sa kanilang mga

kamag-aral, at makakuha ng sapat na datos na magagamit sa pag-aaral.

24
Ang pangangalap ng datos ay isinagawa sa prinsipyong kumpidensyal. Lahat ng

mga respondente o tagatugon sa pag-aaral na ito ay boluntaryong lumahok at batid ang

pananaliksik na isinasagawa. Sa anumang oras, sila ay may karapatang umalis at hindi

sumama sa pag- aaral. Ang kanilang pagkakakilanlan naman ay mananatiling pribado

para sa kanilang kapakanan at kabutihan.

Kasangkapang Estadistika

Pagdating sa paglalahad at pagpapaliwanag ng nakalap na mga datos, ang mga

mananaliksik ay gagamit ng deskriptibong kasangkapang estadistika kung saan sila ay

gagamit ng talaan sa pagsusuri ng mga nakalap na impormasyon. Ito ang napili ng mga

mananaliksik sa pagtalakay (interpretasyon) sa mga datos.

Upang bigyang kahulugan ang mga datos na nakalap mula sa talatanungan (sarbey) na

pinasagutan sa mga respondente mula sa iba’t ibang seksyon, gumamit ang mga

mananaliksik ng iba’t ibang kasangkapan ng estadistika. Ang mga kasangkapan ng

estadistika na tinutukoy na gagamitin ay ang mga sumusunod:

I. Frequency Count - Ito ay tumutukoy sa talahanayan na kung saan ang mga nakalap

na datos ay nakalahad ng maayos at malinaw.

II. Percentage Computation - Ang porsyento ng mga respondente ay makukuha sa

pamamagitan ng paghahati nito sa kabuuang bilang at pag-multiply ng nakuha sa 100.

25
𝑓
% = 𝑛 ✖ 100

Na kung saan ang:

% = Porsyento (Percentage)

f = Dalas (Frequency)

n = Kabuuang bilang ng tumugon

Weighted Mean - Ang isa pang kasangkapang estadistika na gagamitin ng mga

mananaliksik. Ito ay gagamitin upang makuha ang average ng tugon ng mga respondente

mula sa iba’t ibang opsyon na ibinigay sa iba't ibang bahagi ng sarbey talatanungan na

ginamit.

Ang nasabing pamamaraan ay ginagamit kasabay ng Likert Scale.

Nalutas ito gamit ang formula na:

𝛴𝑓𝑥
x=
𝑛

Na kung saan ang:

X = Weighted mean

26
∑ƒx = Ang kabuuan ng lahat ng products ng f at x, na kung saan ang f ay ang

dalas (Frequency) ng bawat weight at ang x ang ay ang weight ng bawat

operasyon.

n = Kabuuang bilang ng tumugon

Likert Scale

Puntos (Point rating) Paglalarawan ng Puntos Sukatan ng puntos

5 Lubos na sumasang-ayon 5 – 4.21

4 Sumasang-ayon 4.20 – 3.41

3 Walang sinasang-ayunan 3.40 – 2.61

2 Di sumasang-ayon 2.60 – 1.81

1 Lubos na di sumasang-ayon 1.80 – 1

27
Mga Sanggunian

Abooki, P., & Kitawi, A. (2014). Impact of E-learing strategy on students' academic

performance at Strathmore University, Kenya. Makerere Journal of Higher

Education, 6(1), 99-108. http://doi.org/10.4314/majohe.v6i1.6

Alibudbud, R. (2021). On online learning and mental health during the COVID-19

pandemic: Perspectives from the Philippines. Asian Journal of Psychiatry, 66,

102867. https://doi.org/10.1016/j.ajp.2021.102867

Anderson, T. (2008). Towards a theory of online learning. In T. Anderson & F.

Elloumi (Eds.), Theory and practice of online learning (2nd Edition, pp. 45-74).

Athabasca: Athabasca University. Retrieved from:

http://www.aupress.ca/index.php/books/120146

Arayata, Ma. (2020, April). Epekto ng Online Class sa Kalusugang Pangkaisipan

ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo. Nakuha mula sa

https://www.studocu.com/ph/document/first-asia-institute-of-technology-and-hum

anities/human-behavior/pinal-na-papel-pangkat-5-arayata/17535963

Bagsic, K. (2015, February 7). DEVELOPMENT OF E-LEARNING SYSTEM

FOR PHILIPPINE LITERATURE SUBJECT OF COLLEGE OF ARTS AND

SCIENCES IN CAVITE STATE UNIVERSITY. ACADEMIA.

https://www.academia.edu/10599929/DEVELOPMENT_OF_E_LEARNING_SY

STEM_FOR_PHILIPPINE_LITERATURE_SUBJECT_OF_COLLEGE_OF_AR

TS_AND_SCIENCES_IN_CAVITE_STATE_UNIVERSITY

28
Basri, W., Alandejani, J., & Almadani, F. (2018). ICT adoption impact on

students' academic performance: evidence from Saudi universities. Education

Research International, 2018, 9. https://doi.org/10.1155/2018/1240197

Bauer, J., Brooks, C., & Hampton, K. (2020, March 2). Poor Internet connection

leaves rural students behind. MSUToday | Michigan State University.

https://msutoday.msu.edu/news/2020/poor-internet-connection-leaves-rural-studen

ts-behind#:%7E:text=Slow%20Internet%20connections%20or%20limited,college

%20admissions%20and%20career%20opportunities.

Calaor, P. M., Cartin A. M., Casia, A. M., Macahilas, R. G., & Rivarez, R.A.

(2020). Epekto ng online learning mode sa aspektong sikolohikal ng mga mag-

aaral sa kursong Accountancy sa pamantasang teknolohikal ng Rizal Pasig

campus. Nagmula sa https://www.studocu.com/ph/document/rizal-technological-

university/bs-accounta ncy/practical/epekto-ng-online-learning-mode-sa-

aspektong-sikolohikal-ng-mga- mag-aaral-sa-kursong-accountancy-sa-

pamantasang-teknolohikal-ng-rizal-pasig-campus/11295308/view

Capili, A. C., & Manuel, K. B. (2014). Development of e-learning system for

Philippine literature subject of college of Arts and Sciences in Cavite state

university. Nagmula sa

https://www.academia.edu/10599929/DEVELOPMENT_OF_E_LEARNING_SY

29
16STEM_FOR_PHILIPPINE_LITERATURE_SUBJECT_OF_COLLEGE_OF_A

RTS_AND_SCIENCES_IN_CAVITE_STATE_UNIVERSITY

Conde, M. (2015). E-learning: it's effectiveness as a teaching method for junior high

school students of southernside montesorri school. Nagmula sa

https://www.academia.edu/33955367/E_LEARNING_ITS_EFFECTIVENESS_A

S_A_TEACHING_METHOD_FOR

De La Cruz, J. A. (2021). Another year of distance learning: Are we ready or not?

Nagmula sa

https://philstarlife.com/living/405707-another-year-of-distance-learning-are-we-re

ady-or-not

Elfaki, N., Abdulraheem, I., & Abdulrahim, R. (2019). Impact of E-learning VS

traditional learning on students' performance and attitude. International Journal of

Medical Research & Health Sciences, 8(10), 76-82.

https://www.ijmrhs.com/medical-research/impact-of-elearning-vs-traditional-learn

ing-on-students-performanceand-attitude.pdf

Fayomi, O., Ayo, C., Ajayi, L., & Okorie, U. (2015). The impact of e-learning in

facilitating academic performance among private secondary schools and tertiary

institutions in Ota, Ogun St ute, Nigeria. Nagmula sa

https://core.ac.uk/download/pdf/95550783.pdf

Fazlollahtabar, H. & Muhammadzadeh, A. (2012). A knowledge based-user

interface to optimize curriculum utility in E-learning system. Nagmula sa

30
https://www.igi-

global.com/article/content/70014?fbclid=IwAR3qHJogd9sQUatpi1XqmU-

qKzKaiiY6H9-Slxfi-JDn0YP1y37RR01zHDk

From equality to global poverty: the Covid-19 effects on societies and economies.

(2020). Wellcome. Nagmula sa

https://wellcome.org/news/equality-global-poverty-how-covid-19-affecting-societi

es-and-economies

Gogos, R. (2014). A brief history of eLearning. Nagmula sa

https://www.efrontlearning.com/blog/2013/08/a-brief-history-of-elearning-infogra

phic.html

Gopal, R. (2021, April 21). Impact of online classes on the satisfaction and

performance of students during the pandemic period of COVID 19. SpringerLink.

Retrieved March 10, 2022, from

https://link.springer.com/article/10.1007/s10639-021-10523-1?error=cookies_not_

supported&code=141fff1d-9898-4481-bafe-33f2864982d8

He, H.(n.d.). E-Learning Theory – Theoretical Models for Teaching and Research.

Nagmula sa

https://opentext.wsu.edu/theoreticalmodelsforteachingandresearch/chapter/e-learni

ng-theory/

31
Ifeanyi, I. P & Chukwuere, J. E (2018) Epekto ng paggamit ng Smartphones

sa Akademikong Pagganap sa mga Mag-aaral. Nagmula sa

https://eric.ed.gov/?id=EJ1247625

Jawad, Y. A. L., & Shalash, B. (2020). The Impact of E-Learning Strategy on

Students’ Academic Achievement. Case Study: Al- Quds Open University.

International Journal of Higher Education, 9(6), 44.

https://doi.org/10.5430/ijhe.v9n6p44

Keegan, L. (2020). Complete history of eLearning from 1924-present day. Nagmula

sa https://skillscouter.com/history-of-elearning/

Kumar, N., & Bajpai, R. (2015). Impact of e- learning on achievement motivation

and academic performance- A case study of college students in Sikkim. 10th

International CALIBER-2015, 370-382.

https://ir.inflibnet.ac.in/bitstream/1944/1877/1/38.pdf

Lawless, C. (2018). What is eLearning? Nagmula sa

https://www.learnupon.com/blog/what-is-elearning/

Li, C. & Lalani, F. (2020). The COVID-19 pandemic has changed the world forever.

This is how. Nagmula sa

https://www.weforum.org/agenda/2020/04/coronavirus-

Liu, H. K. J (2016) Pagsasaliksik tungkol sa pag-aaral ng abilidad ng mag-aaral

gamit ang E-Learning, Pagbibigay ng positibong pananaw at Akademikong

Pagganap. Nagmula sa

32
https://www.ejmste.com/article/correlation-research-on-the-application-of-e-learni

ng-to-students-self-regulated-learning-ability-4528

Lumadi, M. W. (2013). E-Learning’s Impact on the Academic Performance of

Student-Teachers: A Curriculum Lens. Nagmula sa

https://www.mcser.org/journal/index.php/mjss/article/view/1653

Malolos G.Z.C., Baron M.B.C., Apat F.A.J., Sagsagat H.A.A., Pasco P.B.M.,

Aportadera E.T., Tan R.J.D., Gacut-no-Evardone A.J., Lucero-Prisno D.E. Mental

health and well-being of children in the Philippine setting during the COVID-19

pandemic. Health Promot. Perspect. 2021;11:267. doi: 10.34172/hpp.2021.34.

Mobo, F. at Sabado, G. (2019), An assessment of the effectiveness of E-Learning

in AMA Olongapo campus. Nagmula sa

https://www.researchgate.net/publication/336277449_An_Assessment_of_the_Eff

ectiveness_of_E-Learning_in_AMA_Olongapo_Campus

Mohapatra, R. K., Pintilie, L., Kandi, V., Saranagi, A. K., Das, D., Sahu, R., &

Perekhoda, L. (2020). The recent challenges of highly contagious COVID‐19,

causing respiratory infections: Symptoms, diagnosis, transmission, possible

vaccines, animal models, and immunotherapy. Nagmula sa

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7405220/#:~:text=The%20novel

%20COVID%E2%80%9019%20is,%2C%20a%20fomite)%20is%20uncertain.

Mothibi, G. (2015). A meta-analysis of the relationship between e- learning and

students' academic achievement in higher education. Journal of Education and

33
Practice, 6(9),

6-9.https://www.iiste.org/Journals/index.php/JEP/article/view/21025/21291

Northenor, K. (2020), Online school has more negative impacts than positive.

Nagmula sa

https://theroswellsting.com/5200/opinion/online-school-has-more-negative-impact

s-than-positive/

Pham, Q., & Huynh, M. (2018). Earning achievement and knowledge transfer: The

impact factor of e-learning system at Bachkhoa University, Vietnam. International

Journal of Innovation, 6(3), 194-206.

http://doi.org/10.5585/iji.v6i2.235

Poalses, J., & Bezuidenhout, A. (2018). Mental Health in Higher Education: A

Comparative Stress Risk Assessment at an Open Distance Learning University in

South Africa. The International Review of Research in Open and Distributed

Learning, 19(2). https://doi.org/10.19173/irrodl.v19i2.3391

Roe, J. E. A. M. (n.d.). E-Learning Theory – Theoretical Models for Teaching and

Research. PRESSBOOKS. Retrieved March 10, 2022, from

https://opentext.wsu.edu/theoreticalmodelsforteachingandresearch/chapter/e-learni

ng-theory/

Saba, T. (2012). Implications of e-learning systems and self-efficiency on students

outcomes: a model approach. Nagmula sa

https://hcis-journal.springeropen.com/articles/10.1186/2192-1962-2-6

34
Salamat, L., Ahmad, G., Bakht, M., & Saifi, I. (2018). Effects of e-learning on

students' academic learning at university level. Asian Innovative Journal of Social

Science & Humanities, 2(2), 1-12.

https://www.researchgate.net/publication/326293305_EFFECTS_OF_E-LEARNI

NG_ON_STUDENTS'_ACADEMIC_LEARNING_AT_UNIVERSITY_LEVEL

Soni, V. D. (2020, June 18). Global Impact of E-learning during COVID 19. SSRN.

https://papers.ssrn.com/sol3/papers.cfm?abstract_id=3630073

Sykutera, J. (2020). What is the effectiveness of e-learning platforms in education?

Nagmula sa

https://redvike.com/effectiveness-of-e-learning-platforms-in-education/

Tamm, S. (2020). What is the e-learning. Nagmula sa https://e-student.org/what-is-

e learning/

Umali, P. (2021, September 25). Masamang epekto ng online learning. Nakuha mula

sa

https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2021/09/25/2129545/masamang-e

pekto-ng-online-learning

Verosil, A. C. G. (2021, August 4). Epekto Ng Online Learning Mode Sa Aspektong

Sikolohikal Ng Mga Mag Aaral Sa Kursong Accountancy Sa Pamantasang

Teknolohikal Ng Rizal Pasig Campus. Scribd.

https://www.scribd.com/document/518785892/Epekto-Ng-Online-Learning-Mode

35
-Sa-Aspektong-Sikolohikal-Ng-Mga-Mag-Aaral-Sa-Kursong-Accountancy-Sa-Pa

mantasang-Teknolohikal-Ng-Rizal-Pasig-Campus

WHO director-general's opening remarks at the media briefing on COVID-19.

(2020). World Health Organization. Nagmula sa

https://www.who.int/director-general/speeches/detail/who-director-general-s-open

ing-remarks-at-the-media-briefing-on-covid-19 11-march-2020

Zolochevskaya, E. Y., Zubanova, S. G., Fedorava, N. V., & Sivakov, Y. E. (2021).

Education policy: The impact of e-learning on academic performance. Nagmula sa

https://www.e3s-

conferences.org/articles/e3sconf/pdf/2021/20/e3sconf_emmft2020_11024.pdf

McCombes, S. (2020). Descriptive research design | definition, methods and

examples. Scribbr. Nagmula sa https://www.scribbr.com/methodology/descriptive-

research/#:~:text=Descriptive%20research%20is%20an%20appropriate,when%20

and%20where%20it%20happens

Bhasin, H. (2019). Descriptive research – characteristics, methods, examples,

advantages. Nagmula sa https://www.marketing91.com/descriptive-research/

HARAPPA. (2021). Descriptive research: Methods and Examples. Nagmula sa

https://harappa.education/harappa-diaries/descriptive-research

36

You might also like