You are on page 1of 33

1

Mabisang Paraan sa Pagtuturo ng Addition of Integers: Tradisyonal vs Paggamit ng


Musika at Integer Tiles

Isang pananaliksik na Iniharap kay Mrs. May L. Mojica


ng Kagawaran ng mga Wika at Literatura
Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Kahingian sa FILI102
Pananaliksik Tungo sa Pagkatutong Pangkaalaman
Pamantasang De La Salle-Dasmariñas

Pangalan ng Mga Mananaliksik:


Camungol, Dale Junel S., BOM41
Esquillo, Rafael Antonio U., BSE41
Ilagan, Aliza D., MKA41
Merilles, Jefferson O., HRM42

Disyembre 2, 2019
2

TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat na Pahina ........................................................................................................................................ 1

Talaan ng Nilalaman ..................................................................................................................................... 2

INTRODUKSYON ....................................................................................................................................... 4

Kaligiran ng Pag-aaral .............................................................................................................................. 4

Mga Kaugnay na Literatura ...................................................................................................................... 6

Tradisyonal at Modernong Pagtuturo ................................................................................................... 6

Paggamit ng mga Manipulatib (Manipulatives) sa Pagtuturo ng Matematika ...................................... 6

Paggamit ng Musika sa Pagtuturo ......................................................................................................... 8

Motibasyon sa Pag-aaral at Perpormans sa Matematika ..................................................................... 10

Pagtuturo ng Integers .......................................................................................................................... 11

Teoryang Pansuporta .............................................................................................................................. 11

Cone of Experience ni Edgar Dale (1969) .......................................................................................... 11

Adult Learning Theory ni Malcolm Knowles (1968) .......................................................................... 12

Layunin ng Pag-aaral .............................................................................................................................. 13

METODOLOHIYA .................................................................................................................................... 15

Disenyo ng Pag-aaral .............................................................................................................................. 15

Mga Kalahok sa Pag-aaral ...................................................................................................................... 16

Teknik at Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos .................................................................................. 17

Pagsusuri ng Datos.................................................................................................................................. 17
3

RESULTA AT DISKUSYON .................................................................................................................... 19

Resulta .................................................................................................................................................... 19

Layunin 1 ............................................................................................................................................ 19

Layunin 2 ............................................................................................................................................ 20

Layunin 3 ............................................................................................................................................ 22

Diskusyon ............................................................................................................................................... 24

Layunin 1 ............................................................................................................................................ 24

Layunin 2 ............................................................................................................................................ 25

Layunin 3 ............................................................................................................................................ 26

Kongklusyon ........................................................................................................................................... 27

Rekomendasyon ...................................................................................................................................... 28

Mga Sanggunian ......................................................................................................................................... 30


4

TSAPTER I

INTRODUKSYON

A. Kaligiran ng Pag-aaral

Ilan sa mga estudyante ay hirap sa pag-aaral ng asignaturang matematika. Sa balita ni Dela

Cruz (2017) ng Philippine Daily Inquirer, ayon sa naisagawang National Achievement Test (NAT)

ng DepEd para sa 2012-2013, ang Mean Performance Score (MPS) ng mga Pilipinong hayskul

para sa matematika ay 46.83 %. Ito ay mababa pa sa kalahati, na nagsasaad ng mababang

perpormans ng bansa pagdating sa matematika.

May mga pag-aaral na naisagawa patungkol sa perpormans ng bansa pagdating sa

internasyonal na pamantayan sa matematika. Ayon sa naisagawang pag-aaral ng Trends in

International Mathematics and Science Study 2003, nasa pang-34 ang Pilipinas sa 38 bansa

pagdating sa pansekundaryang matematika. Sa pag-aaral na ito, 378 ang naging average na iskor

ng Pilipinas, na mas mababa pa sa International Average na 467 (Mullis et. al, 2003). Ayon naman

sa Global Competitiveness Report ng World Economic Forum 2017-2018, pang-76 ang Pilipinas

sa 137 bansa pagdating sa matematika (Schwab, 2017). Ang mga ito ay nagpapahiwatig na mababa

ang perpormans ng bansa sa asignaturang matematika. Marahil sa pagtuturo ng matematika, may

mga kinagawian ang ibang bansa, kagaya ng mga paggamit ng makabagong teknolohiya at

metodolohiya, na mas epektibo kaysa sa mga kinagawian sa mga paaralan sa Pilipinas.

Ang mga mabababang marka at negatibong motibasyon ng mga estudyante sa matematika

ang ilan sa mga problemang hinaharap ng mga guro sa kasalukuyan. Dahil dito, mahalagang ituro

ang asignaturang ito sa paraan na madaling maiintindihan ito ng mga estudyante. Mahalaga ring

maituro ang mga aralin sa matematika sa iba pang pamamaraan maliban sa tradisyonal na metodo

nang magkaroon ng mataas na motibasyon ang mga estudyante. Ayon sa Twitter post ni DepEd
5

Sec. Leonor Briones, “There are new ways to teach now. Mathematics can be taught through

dance and stories.” (DepEd_PH, 2019). Kung ituturo ang mga aralin sa matematika sa paraang

madali itong maiintindihan ng mga estudyante at mamomotiba sila sa pag-aaral, magiging mataas

ang kanilang akademik perpormans at magkakaroon sila ng magandang pananaw sa asignaturang

ito.

Dahil dito, napagpasiyahan ng mga mananaliksik na pag-aralan ang ilang mga makabagong

metodolohiya sa pagtuturo ng matematika, kagaya ng paggamit ng musika at mga manipulatib, at

ikumpara ito sa tradisyonal na pagtuturo. Sa larangan ng pagtuturo ng matematika, higit na

nangangailangan ng mga makabagong metodolohiya ang mga guro nang sa gayon ay mapataas

ang perpormans ng mga estudyante pagdating sa asignaturang ito, pati na rin mapataas ang

kanilang motibasyon sa pag-aaral nito.

Ayon kay Rubin at iba pa (2014), “Students often have difficulty with the concept of

integers which makes them struggle when they algebraic solve equations.” Ang konsepto ng

integers ay pundasyon ng iba pang mga aralin sa matematika. Kung hindi nila maiintindihan ng

lubos ang araling ito, nakasalalay rito ang perpormans nila sa iba pang mas mataas na matematika

kagaya ng algebra, estadistika, trigonometry, at iba pa. Dahil dito, mahalagang ituro nang maayos

ang konspeto ng integers nang sa gayon ay hindi rin sila mahirapan sa susunod pang mga aralin sa

matematika. Kaya napagpasyahan din ng mga mananaliksik na pag-aralan kung ano ang mga

epektibong paraan sa pagtuturo ng integers.

Inaasahan na ang mga magiging resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa

pagpapaunlad ng pagtuturo ng matematika sa kasalukuyang sitwasyon.


6

B. Mga Kaugnay na Literatura

Sumangguni ang mga mananaliksik sa iba’t ibang reperensya gaya ng mga aklat, artikulo,

mga pag-aaral at mga sulatin sa internet upang magsilbing gabay sa pagpapatatag sa mithiin ng

papel.

Tradisyonal at Modernong Pagtuturo

Ayon kay Dr. Shivaramiah (2018), “The traditional, but at the same time most important

and effective, tool of teaching is lectures. Many students consider lectures the most effective tool

of teaching and learning. The professor condenses the vast study material, and delivers to the

students in an organized way, which significantly reduces the burden on the student.” Ayon sa

tradisyonal na pagtuturo ang paglelektyur ay epektibo at karamihan sa mga estudyante ang

nagsasabing epektibo ito sa pagkatuto. Ito ay ipinapahayag sa mga estudyante sa maprosesong

pamamaraan.

Ayon sa Cambridge Center for Sixth-form Studies (2017), o isang departamento ng

pananaliksik sa Cambridge University sa US, “The modern way of teaching is more activity based,

using questioning, explaining, demonstration and collaboration techniques.” Mas marami

aktibidad na ginagawa tulad ng pagdidiskurso ng guro at estudyante, pagmumustra, at

kolaborasyon. Mabibilang dito ang pagbibigay-buhay sa pagtuturo sa pamamagitan ng paglalapat

ng awit.

Paggamit ng mga Manipulatib (Manipulatives) sa Pagtuturo ng Matematika

Isa sa mga estratehiya sa pagtuturo ng matematika ay ang paggamit ng mga manipulatib.

Ayon kay Smith (2009) na naisipi ni Larbi at Mavis (2016), “Manipulatives are physical objects

that are used as teaching tool to engage students in hand-on learning of mathematics.” Ito ay mga
7

konkretong mga kagamitang panturo na nahahawakan ng mga estudyante. Ang mga halimbawa

nito ay Algebra Tiles, Base Ten Blocks, Color Tiles, Geoboards at iba pa (hand2mind.com, 2019).

Naisipi ang sumusunod mula sa iba’t ibang pag-aaral patungkol sa paggamit ng

manipulatibo. Sa pag-aaral ni Bolyard at Moyer-Packenham (2012) tungkol sa epekto ng paggamit

ng mga birtual na manipulatib sa pagtuturo ng integers sa mga nasa ika-6 na baiting sa elementarya,

“[In this study] Students increased in integer computation achievement and demonstrated facility

with pictures and written representations.” Sa kanyang pag-aaral, tumaas ang perpormans ng mga

estudyante sa pagkokompyut ng integers nang ginamit ang manipulatib sa pagtuturo. Sa pag-aaral

naman ni Larbi at Mavis (2016) sa pagtuturo ng algebra sa mga estudyanteng hayskul gamit ang

algebra tiles, “The findings of the study were that, those who were taught through extensive use of

algebra tiles performed significantly better. The use of the algebra tiles proved very effective and

promising approach to teaching and learning algebra, and that the tiles also improved students’

thinking process as they solved problems in algebra. On the basis of these findings, it is

recommended that algebra tiles should be used as a tool to introducing students to algebraic

concepts.” Nang itinuro ang mga konsepto sa algebra sa isang grupo ng estudyante gamit ang

algebra tiles, mas mataas ang kanilang perpormans kaysa sa grupo ng mga estudyante na hindi

ginamitan ng algebra tiles. Sa pag-aaral naman ni Liggett (2017) sa pagtuturo ng manipulatib sa

mga nasa elementarya, “Findings supported the hypothesis that students in the treatment group

who received the math intervention obtained higher post-test scores in comparison to their

classmates in the control group.”. Sa pag-aaral na ito, ang mga nasa treatment group o ang grupo

na ginamitan ng manipulatib ay mas mataas ang perpormans kung ikukumpara sa kontrol na grupo

(grupo ng estudyanteng hindi ginamitan ng manipulatib). Ang mga pag-aaral na nabanggit ay

nagpapahiwatig na epektibo ang paggamit ng mga manipulatib kumpara sa tradisyonal na metod.


8

Subalit sa pag-aaral ni Dulce (2012) tungkol sa paggamit ng algebra tiles sa pagtuturo ng

araling Special Products and Factoring Polynomials, “The posttest results [of the experimental and

the control group] were compared using ANCOVA and found to be not significant. The traditional

instruction and instruction using algebra tiles were both effective in teaching Special Products

and Factoring.” Napatunayan niya na parehong magkasing epektibo ang pagtuturo ng tradisyonal

at paggamit ng algebra tiles. Noong ikinumpara ang dalawang posttest na iskor ng dalawang grupo

ng estudyante (ang isa ay tinuruan gamit ang tradusyonal at ang isa naman ay tinuruan gamit ang

algebra tiles), walang makahulugang pagkakaiba o significant difference ang dalawa. Sa kaniyang

pag-aaral, napatunayan na ang pagtuturo ng nabanggit na aralin gamit ang tradisyonal ay kasing

epektibo ng pagtuturo gamit ang algebra tiles pagdating sa akademik perpormans ng mga

estudyante.

Ayon din kay Dulce (2012), “The use of algebra tiles, however, led to more favorable

attitudes toward mathematics specifically in promoting self-confidence and enjoyment.” Pinag-

aralan din niya ang epekto ng algebra tiles sa mga saloobin ng mga mag-aaral, at natuklasan na

mas nakakatulong ang paggamit ng algebra tiles sa kasiyahan o motibasyon sa pag-aaral ng

matematika. Nakatutulong din ang paggamit ng algebra tiles sa pagpapataas ng kumpiyansa ng

mga estudyante sa kanilang sarili. Nakumpirma niya na mas lamang ang paggamit ng algebra tiles

sa tradisyonal na metodo pagdating sa motibasyon at kumpiyansa sa sarili ng mga estudyante sa

pag-aaral ng matematika.

Paggamit ng Musika sa Pagtuturo

Ang sumusunod ay mga naisipi mula sa pag-aaral tungkol sa paggamit ng musika sa

pagtuturo ng matematika. Sa naisagawang pag-aaral ni Madsen at iba pa (1976) tungkol sa epekto

ng musika bilang reinporsment sa matematika, “The purpose … was to determine if music lessons
9

presented via television could effect a subject matter music score gain while also functioning as

reinforcement for correct academic responses. … Results indicated that correct math scores

increased as a function of the televised contingency for subjects who were reinforced for correct

academic responses, while correct responses did not increase for the control groups.” Sa pag-

aaral na ito, nakumpirma na nakatutulong ang musika sa pagpapataas ng akademikong perpomans

sa matematika. Sinang-ayunan din ito ng naisagawang pag-aaral ni An atbp. (2013) tungkol sa

epekto ng pagsasama ng musika sa mga aralin sa matematika ng mga gurong pang-elementarya.

Ito ay sipi mula sa kanilang pag-aaral: “Two teachers designed and implemented music activities

as an integrated part of their regular mathematics lessons across five weeks. Results demonstrated

that both teachers integrated a variety of music activities with different mathematical content. The

music-math interdisciplinary lessons had positive effects on multiple mathematical ability areas

[modeling, strategy and application].” Nang simulang ginamit ng mga guro ang musika sa

pagtuturo ng mga aralin sa matematika sa loob ng limang linggo, nagkaroon ng positibong epekto

sa perpormans ng mga elementaryang estudyante pagdating sa iba’t ibang mga abilidad sa

matematika. Ipinapahiwatig ng mga pag-aaral na ito na epektibo ang paggamit ng musika sa

pagtuturo ng matematika.

Ayon naman sa pag-aaral nina Briones at iba pa (2004) patungkol sa paggamit ng musika

sa pagtuturo ng matematika sa mga preparatoryang estudyante, “There is no significant difference

between the post-test scores under the experimental group and control group. Music method is as

effective as traditional method. Although there is no significant difference between the means of

the post-test scores of the traditional method and music method statistically, there has been a

positive, evident and greater increase in the mean of the music method from 1.41 in the pre-test to

9.06 in the post-test compared to the mean of the traditional method from 1.178 in the pre-test to
10

only 7.65 in the post-test.” Base sa mga estadistikal na datos, ang pagtuturo ng matematika gamit

ang musika ay kasing epektibo ng pagtuturo ng tradisyonal na metod. Subalit, sa kanilang pag-

aaral, nakita na mas malaki ang diperensya ng pre-test at post-test na mga iskor ng grupo ng

estudyante na tinuruan gamit ang musika kaysa sa grupo ng estudyante na tinuruan ng tradisyonal.

Ayon naman kay Davis at iba pa (1999), “Individuals with mental retardation often have

difficulty with short-term memory, the ability to recall information shortly after it has been

presented. Music can help clients remember important academic information. For example, an

enjoyable, familiar melody paired with learned information is an effective way to improve the

ability to retail short-term information. For example, pictures of animals could be used with the

song “going to the zoo”. In addition, music to enhance information retention needs frequent

repetition and a relatively slow tempo.” Ang mga may mental na disabilidad ay hirap makaalala

ng mga impormasyon. Suhestyon nila na gamitin ang musika sa pagtuturo nang makatulong ito sa

pag-aalala ng mga aralin o mga impormasyon. Nangangailangan lang na sa musikang gagamitin,

dapat ay mabagal ang tempo nito at dapat din ay i-ulit ito nang ilang beses para mas epektibo ang

paggamit nito. Kung ito ay makatutulong sa mga may mental na disabilidad, marahil ito ay mas

makatutulong din sa mga estudyanteng walang kapansanan na hirap aralin ang matematika.

Motibasyon sa Pag-aaral at Perpormans sa Matematika

Ayon sa pag-aaral ni Alonzo (2007) na naisipi ni Dulce (2012), “Students’ attitudes

towards mathematics were highly correlated with mathematics achievement test scores and grades

in mathematics.” May kaugnayan ang saloobin o persepsyon ng estudyante sa matematika at ang

kanilang akademikong perpormans. Dahil dito, mahalagang magkaroon ng mataas na motibasyon

ang estudyante ng matematika nang sa gayon ay magkaroon rin ng mataas na akademikong

perpormans sa asignaturang ito.


11

Pagtuturo ng Integers

Ayon naman kay de Walle at iba pa (2013), “One model [in teaching integers] consists of

two-color counters, one color for positive counts and one color for negative counts. Two counters

of each type resut in a zero (+1 + -1 = 0).” Sa pagtuturo ng integers, maaaring gamitin ang counters

o kilala ring integer tiles. Magkakaroon ng magkaibang kulay ang mga positibo ang negatibong

integers (hal. pula para sa negatibo, dilaw sa positibo). Ang isang pares na magkaibang kulay ay

magreresulta sa 0. Ito ang isang istratehiya na gagamitin ng mga mananaliksik para ituro sa mga

estudyante ang araling addition of integers.

Ginamit ng mga mananaliksik ang kantang naigawa ni Culbertson (2009) tungkol sa kung

paano magdagdag ng mga numerong integers. Ang sumusunod ang lyrics ng kanta:

“[Tono: Row, Row, Row Your Boat]


Same signs, keep and add!
Different signs: subtract,
Take the sign of the bigger number
Then you’ll be exact!”

C. Teoryang Pansuporta

Cone of Experience ni Edgar Dale (1969)

Ang Cone of Experience ni Edgar Dale (1969) ay isang teorya na isinalalarawan sa

pamamagitan ng dayagram ang mga karanasan sa pagkatuto na naaayon sa antas ng pagiging

konkreto nito.
12

Pigura 1: Cone of Experience ni Edgar Dale (1969)

Makikita sa pigura, nasa pinakamababa ang mga konkretong karanasan at nasa

pinakamataas ang abstrak na karanasan. Makatutulong ito sa pag-aaral na ito dahil makaklasipika

ang mga napiling metodo sa pagtuturo ng addition of integers kung ano ang lebel ng pagiging

konkreto nito. Ang pagtuturo gamit ang tradisyonal na metodo ay mabibilang sa pinakamataas na

parte ng diagram na siyang pinaka-abstrak at ang pagtuturo gamit ang mga manipulatibo ay

mabibilang sa pangalawa sa pinakamataas na parte ng diagram na siyang mas konkreto. Mas

maraming pandama ang ginagamit sa pagkatuto kung ito ay mas konkreto. Kung mas konkreto

ang isang karanasan sa pag-aaral ng aralin, mas aapila ito sa pagkatuto.

Adult Learning Theory ni Malcolm Knowles (1968)

Ipinapaliwanag ni Malcolm Knowles (1969) sa kanyang teorya kung ano ang mga

napapaloob sa pagkatuto ng mga nasa edad 18 pataas. Ito ay binubuo ng 5 assumptions o mga

palagay niya tungkol sa pagkatuto ng mga matatanda. Makakatulong ang teoryang ito sa pag-aaaral

na ito dahil karamihan sa mga kalahok ay nasa edad 18 pataas.


13

Isa sa mga palagay niya tungkol sa pagkatuto ng mga matatanda ay ang mga matatanda ay

may internal na motibasyon sa pagkatuto kaysa sa mga bata na mas karaniwan ang pagkakaroon

ng external na motibasyon (Assumption 5: Driven by Internal Motivation). Halimbawa, ang

matatanda ay gustong matuto dahil para sa kanila mahalaga ang pag-aaral, samantala ang mga

kabataan ay gusto matuto dahil para makakuha ng mataas na marka o para hindi mapahiya sa

magulang.

Isa rin sa mga palagay niya sa pagkatuto ng mga matatanda ay ang mga matatanda ay mas

maraming pagkatuto dahil mas marami na silang naranasan na mga eksperyensiya o karanasan na

magdudulot ito sa kanila ng mas mataas na pagkatuto kumpara sa bata na mas kakaunti ang mga

eksperyensiya (Assumption 2: Past Learning Experience).

D. Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng mga mananaliksik na malaman kung alin sa dalawang napiling metodo – (1)

tradisyonal na metodo at (2) paggamit ng musika at integer tiles – ang mas mabisang paraan sa

pagtuturo ng araling addition of integers. Higit pa rito, ang sumusunod ay ang mga tiyak nilang

layunin:

1. Maipaliwanag ang dalawang napiling metodo sa pagtuturo ng addition of integers.

2. Malaman kung alin sa dalawang metodo – tradisyonal na metodo at paggamit ng

musika at integer tiles - ang mas epektibo pagdating sa perpormans sa posttest.

a) Malaman ang pretest at posttest ng kontrol at eksperimental na grupo.

b) Malaman kung may pagkakaiba sa mean na posttest ng kontrol at

eksperimental na grupo.
14

3. Malaman kung alin sa dalawang metodo – tradisyonal at pagtuturo gamit ang musika

at integer tiles - ang mas epektibo pagdating sa motibasyon.

a) Malaman ang mean na lebel ng motibasyon ng kontrol at eksperimental na

grupo.

b) Malaman kung may pagkakaiba sa lebel ng motibasyon ng kontrol at

eksperimental na grupo.
15

TSAPTER II

METODOLOHIYA

A. Disenyo ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng disenyong eksperimental sa pag-aaral na ito. Ayon

kay Fraenkel atbp. (2015), ang eksperimental na disenyo ay ang pinakamabisang paraan para

matukoy ang kauganayan ng sanhi at bunga ng dependent at independent na mga baryabol. Sa

isang eksperimental na pag-aaral, ang independent na baryabol ay ang binabago o minamanipula

para malaman ang epekto ng dependent na baryabol, samantala ang dependent na baryabol ay ang

sinusukat (Helmenstine, 2018). Sa saliksik na ito, ang independent na baryabol ay ang dalawang

metodo – tradisyonal na pagtuturo at pagtuturo gamit ang musika at integer tiles – na ituturo sa

dalawang grupo ng estudyante at ang dependent na baryabol ang mga resulta ng kanilang

pagsusulit at ng talatanungan. Dahil dito, napagpasyahan ng mga mananaliksik na gamitin ang

disenyong ito para mas mabisang malaman ang magiging bunga ng paggamit ng dalawang metodo

sa pagtuturo ng addition of integers at matukoy kung alin ang mas epektibo.

Gumamit ang mga mananaliksik ng disenyong randomized pretest-posttest design using

matched subjects na isang uri ng disenyong eksperimental. Ito ay binubuo ng dalawang grupo –

eksperimental at kontrol na grupo. Ang mga kalahok ay bibigyan ng pretest. Pagkatapos ay

magkakaroon ng mga match o pares ng magkasing husay na estudyante base sa kanilang pre-test.

Ang bawat miyembro sa isang pares ay random na mailalagay sa kontrol o eksperimental na grupo.

Ginagawa ito upang magkaroon ng pantay na dami ng bilang ng mahuhusay at di kahusayan sa

dalawang grupo batay sa kanilang pretest. Ang dalawang grupo ay bibigyan ng treatment at

pagkatapos ay bibigyan sila ng posttest. Ang makikita sa talahanayan ang dayagram ng nabanggit

na disenyo (Fraenkel at iba pa, 2015):


16

Talahanayan 1. Dayagram ng Randomized Pre-Test Post-Test Design

Kontrol na Grupo Mr O1 C O2

Eksperimental na Grupo Mr O1 X O2

na kung saan ang;

Mr ang random na pagpili ng bawat miyembro sa isang pares kung saang grupo

ito mabibilang;

C ang treatment para sa kontrol na grupo;

X ang treatment para sa eksperimental na grupo;

O1 ang pretest; at

O2 ang posttest.

Sa pag-aaral na ito, ang kontrol na grupo ang tuturuan ng tradisyonal na metodo samantala

ang eksperimental na grupo ang tuturuan ng aralin gamit ang musika at integer tiles.

B. Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga estudyanteng hayskul na nasa seksyong San Juan ng Balik-Aral Program ng

Pamantasang De La Salle – Dasmariñas (DLSU-D) ng T.P. 2018 - 2019 ang mga kalahok sa pag-

aaral. Sila ang mga napiling kalahok dahil ang isa sa mga mananaliksik ay nagtuturo sa Balik-Aral

Program sa panahong isinusulat ang papel na ito, kaya mas kumbinyente ito sa kanila sa gagawin

nilang pag-aaral. 18 estudyante ang mga naging kalahok mula sa kanilang seksyon.

Ang mga estudyante ng Balik-Aral Program ay mga nahinto sa pag-aaral sa mga dahilang

kakulangang pinansyal, kawalan ng interes sa pag-aaral, problema sa kalusugan, pagkaroon ng


17

anak at pamilya sa murang edad, at iba pa. Sila ay bumabalik muli sa pag-aaral para makapagtapos.

Ang edad nila ay nasa 16 hanggang 28.

C. Teknik at Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

Ang sumusunod ang mga gagawin ng mga mananaliksik na pamamaraan para pangangalap

ng mga datos. Ang seksiyon ng BAP – San Juan ng DLSU-D T.P. 2019-2020 na may 18 kalahok

ay bibigyan muna ng pretest na may 15 puntos tungkol sa araling addition of integers. Pagkatapos,

magkakaroon ng mga pares ng estudyante na magkasing-lebel ng perpormans base sa kanilang

pretest, at ang bawat pares ay random na mailalagay sa kontrol o eksperimental na grupo. Sa

ganitong paraan ng paghahati ng mga respondente ay masisigurong pantay ang dami ng bilang ng

mahusay at di kahusayan sa dalawang grupong mabubuo. Matapos na magkaroon ng kontrol at

eksperimental na grupo, ituturo muna ang addition of integers gamit ang tradisyonal na metodo sa

kontrol na grupo. Pagkatapos turuan ang kontrol na grupo ay bibigyan sila ng posttest na binubuo

ng 20 katanungan patungkol sa tinalakay na aralin. Ituturo naman ang addition of integers gamit

ang musika at integer tiles sa eksperimental na grupo. Pagkatapos turuan ang eksperimental na

grupo, bibigyan din sila ng posttest na katulad ng sa unang grupo. Matapos na bigyan sila ng

posttest ay bibigyan ang dalawang grupo ng talatanungan. Ito ay binubuo ng 5 katanungan

patungkol sa motibasyon nila na nasa pormang 10-puntos na Likert Scale.

D. Pagsusuri ng Datos

Ang mga sumusunod ang mga kagamitang estadistika na gagamitin ng mga mananaliksik

para suriin ang mga datos:

1) Mean
18

Ang mean ang gagamitin para matukoy ang pangkalahatang iskor ng bawat grupo - kontrol

at eksperimental. Ito ay ang kagamitang estadistika na hinahanap ang suma-total ng lahat ng mga

datos at hahatiin sa kung iilan ang mga datos. Ang pormula para dito ay:

∑𝑛𝑖=1 𝑥𝑖
𝑋̅ =
𝑛

na kung saan ang

𝑥̅ ang mean;

∑𝑁
𝑖=1 𝑥𝑖 ang suma-total ng lahat ng mga datos; at

𝑛 ang bilang ng mga datos.

2) Analysis of Covariance (ANCOVA)

Ang Analysis of Covariance ay isa sa mga kagamitang estaditikal sa pag-aanalisa ng

pagkakaiba sa dalawang mean. Ayon kay Vanhove (2014), kung ikukumpara ang iba’t ibang

kagamitang estadistikal, pinakamabisa ang Analysis of Covariance o ANCOVA sa pag-aanalisa ng

pretest at posttest kung ang layunin ay malaman kung may pagkakaiba sa dalawang posttest. Ito

rin ang ginamit sa pag-aaral ni Dulce (2012) na gumamit ng pretest-posttest na disenyo na kagaya

rin sa pag-aaral na ito.

3) Independent T-Test sa Pagkukumpara ng Dalawang Mean

Ang independent t-test sa pagkukumpara ng dalawang mean ang gagamitin para malaman

kung may estadistikal na pagkakaiba sa mean na lebel ng motibasyon ng kontrol at eksperimental

na grupo sa talatanungan. Kung gagamitin ang test na ito, nararapat lang na ang dalawang sampol

ay independent, mula sa random na pamamaraan ng sampling, at sumusunod sa normal na

distribyusyon (Triola, 2017).


19

TSAPTER III

RESULTA AT DISKUSYON

A. Resulta

Sa bahaging ito makikita ang mga resulta ng mga pag-aaral na magsisilbing kasagutan sa

mga layunin na makikita sa unang kabanata.

Layunin 1. Maipaliwanag ang dalawang napiling metodo sa pagtuturo ng addition of

integers.

Ang pagtuturo ng addition of integers gamit ang tradisyonal na metodo ang unang napiling

metodo kung paano magdagdag ng integers. Sa metodo na ito, ibinigay ng guro ang mga hakbang

kung paano magdagdag ng integers. Kilala rin ito sa tawag na ‘chalk and talk’ na metodo.

Ang pangalawang napiling metodo sa pagtuturo ng addition of integers ay ang paggamit

ng musika at integer tiles. Sa metodo na ito, ituturo ng guro ang kanta patungkol sa addition of

integers at pagkatapos ay ipapaliwanag niya kung ano ang aralin na napapaloob sa awit.

Magbibigay siya ng halimbawa kung paano magdagdag ng integers. Sa pagbibigay halimbawa

kung paano magdagdag ng integers ay may ipapakita na integer tiles. Ito ay biswal na kagamitan

na ipinapakita ang nangyayari sa pagdadagdag ng integers.

Ayon kay Dr. Shivaramiah (2018), ang tradisyonal na pagtuturo ay ang paggamit ng

lektyur, pagtalakay, paglalagda ng mahahalagang detalye (note-taking) at pagbibigay ng takdang

aralin sa klase. Ayon sa CCSS (2017), ang modernong pagtuturo ay ang paggamit ng dagdag na

aktibidad. Ang mga halimbawa nito ay ang pagsasadula, pagpapalitan ng opinyon o pagdedebate,

pagprepresentasyon, at iba pa (Edsys, n.d).


20

Layunin 2. Malaman kung alin sa dalawang metodo – tradisyonal na metodo at paggamit ng

musika at integer tiles - ang mas epektibo pagdating sa perpormans sa posttest.

Layunin 2.1. Malaman ang pretest at posttest ng kontrol at eksperimental na grupo.

May 18 respondente na hinati sa dalawang grupo. Ang isa ay ang kontrol na grupo na

tinuruan ng tradisyonal na metodo at ang isa ay ang eksperimental na grupo na tinuruan gamit ang

musika at integer tiles.

Makikita sa talahanayan 2 ang mga iskor ng kontrol at eksperimental na grupo sa pretest.

Talahanayan 2. Iskor ng Kontrol at Eksperimental na


Grupo sa Pretest
Kontrol na Grupo Eksperimental na Grupo
Pangalan Iskor % Pangalan Iskor %
(hanggang (hanggang
15) 15)
A1 15 100 A2 15 100
B1 10 67 B2 15 100
C1 6 40 C2 8 53
D1 5 33 D2 7 47
E1 4 27 E2 4 27
F1 3 20 F2 3 20
G1 3 20 G2 3 20
H1 3 20 H2 3 20
I1 0 0 I2 0 0
Mean 5.44 36.30 Mean 6.44 42.96

Makikita naman sa talahanayan 3 ang iskor ng kontrol at eksperimental na grupo sa

posttest.

Talahanayan 3. Iskor ng Kontrol at Eksperimental na Grupo sa


Posttest
Kontrol na Grupo Eksperimental na Grupo
Pangalan Iskor % Pangalan Iskor %
(hanggang (hanggang
20) 20)
A1 20 100 A2 20 100
21

B1 17 85 B2 20 100
C1 14 70 C2 20 100
D1 14 70 D2 15 75
E1 15 75 E2 14 70
F1 5 25 F2 19 95
G1 18 90 G2 18 90
H1 16 80 H2 19 95
I1 19 95 I2 17 85
Mean 15.33 76.67 Mean 18.00 90.00

Makikita sa tsart 1.1 at 1.2 ang pagbabago sa iskor bago turuan at pagkatapos turuan ang

dalawang grupo.

Tsart 1.1. Pretest at Tsart 1.2. Pretest at


Posttest ng Kontrol na Posttest ng Eksperimental
Grupo na Grupo
120 120

100 100 100 100 100 100


95 95
90 90
85 85
80 80 80
75 75
70 70
67
60 60
53
47
40 40 40
33
27 25 27
20 20 20 20

0 0 0 0
Pretest (%) Posttest (%) Pretest (%) Posttest (%)

A1 B1 C1 D1 E1 A2 B2 C2 D2 E2
F1 G1 H1 I1 F2 G2 H2 I2
22

Layunin 2.2. Malaman kung may pagkakaiba sa posttest ng kontrol at eksperimental na grupo.

Para masuri kung may pagkakaiba sa posttest ng kontrol at eksperimental, gumamit ang

mga mananaliksik ng Analysis of Covariance (ANCOVA) na makikita ang resulta sa talahanayan

4.

Talahanayan 4. Pagsusuri sa Mean na Posttest ng Kotrol at Eksperimental na Grupo Gamit ang


ANCOVA
Source Sum of Degrees of Mean F Ratio P-Value Level of
Squares Freedom Square significance
Covariate 564.170 1 564.170 1.952 0.183
(Pretest)
Group 655.450 1 655.450 2.268 0.153 0.05
Error 4335.830 15 289.055
Total 5700.000 17

Ikinumpara ang posttest ng kontrol at eksperimental na grupo gamit ang ANCOVA at dahil

lumabas na mas mataas ang P-Value sa lebel ng significance na 0.05, nangangahulugan ito na

walang makabuluhang pagkakaiba ang posttest ng dalawang grupo. Dahil dito, masasabing

magkasing-epektibo ang dalawang metodo pagdating sa akademik perpormans ng mga estudyante.

Layunin 3. Malaman kung alin sa dalawang metodo – tradisyonal at pagtuturo gamit ang

musika at integer tiles- ang mas epektibo pagdating sa motibasyon.

Layunin 3.1. Malaman ang mean na lebel ng motibasyon ng kontrol at eksperimental na grupo.

Makikita sa tsart 2 ang resulta mula sa sinagutang talatanungan ng mga kalahok.


23

Tsart 2. Mean na Lebel ng Motibasyon ng Kontrol at


Eksperimental na Grupo
9.78 9.89
10.00 9.44 9.44 9.13
8.89 8.67 8.89 8.96
9.00 8.44 8.56 8.44
8.00
7.00
6.00
5.00
4.00
3.00
2.00
1.00
0.00
Q1 Q2 Q3 Q4 Q5 Pangkalahatan

Mean (Kontrol na Grupo) Mean (Eksperimental na Grupo)

Para sa unang katanungan: Natutuwa ako dahil lubos kong nauunawaan ang aralin, ang

mean na tugon ng kontrol na grupo ay 9.44 at sa eksperimental na grupo ay 8.89. Para sa ikalawang

katanungan: Nagustuhan ko kung paano itinuro ang aralin, ang mean na tugon ng kontrol na grupo

ay 9.78 at sa eksperimental na grupo ay 9.89. Para sa ikatlong katanungan: Ginanahan ako na

makinig sa talakayin, ang mean na tugon ng kontrol na grupo ay 8.67 at sa eksperimental na grupo

ay 9.44. Para sa ikaapat na katanungan: Natutuwa ako dahil tingin ko hindi mahirap ang aralin

tungkol sa ‘Addition of Integers’, ang mean na tugon ng kontrol na grupo ay 8.44 at sa

eksperimental na grupo ay 8.56. Para sa ikalimang katanungan: Pagkatapos ng klase, mas

ginanahan ako na aralin ang matematika, ang mean na tugon ng kontrol na grupo ay 8.44 at sa

eksperimental na grupo ay 8.89. Para sa pangkalahatan, ang mean na tugon ng kontrol na grupo ay

8.96 at sa eksperimental na grupo ay 9.13. Makikita na parehong mataas ang lebel ng motibasyon

ng mga kalahok at mas mataas ng kaunti ang lebel ng motibasyon ng sa eksperimental na grupo

kaysa sa kontrol na grupo.


24

Layunin 3.2. Malaman kung may pagkakaiba sa dalawang grupo ng mag-aaral pagdating sa

kanilang mean na lebel ng motibasyon.

Para masuri kung may pagkakaiba sa mean na lebel ng motibasyon ng kontrol at

eksperimental na grupo, gumamit ang mga mananaliksik ng t-test na makikita ang resulta sa

talahanayan 5.

Talahanayan 5. Pagsusuri sa Mean na Lebel ng Motibasyon ng Kontrol at


Eksperimental na Grupo Gamit ang T-Test
Grupo Mean T-Stat P-Value Level of
Significance
Kontrol 8.96 -0.49 0.64 0.05
Eksperimental 9.13

Ikinumpara ang mean na lebel ng motibasyon ng kontrol at eksperimental na grupo gamit

at t-test at dahil lumabas na mas mataas ang P-Value sa lebel ng significance na 0.05,

nangangahulugan ito na walang makabuluhang pagkakaiba sa dalawang grupo kung titingnan ang

kanilang lebel ng motibasyon. Dahil dito, masasabing magkasing-epektibo ang pagtuturo ng

tradisyonal at pagtuturo gamit ang musika at integer tiles pagdating sa positibong motibasyon ng

mga estudyante.

B. Diskusyon

Layunin 1. Maipaliwanag ang dalawang napiling metodo sa pagtuturo ng addition of

integers.

Sa pagtuturo ng aralin gamit tradisyonal na metodo na mas kilala na ‘chalk and talk

method’, ibibigay ng guro ang mga hakbang kung paano magdagdag ng integers. Sa pagtuturo ng

aralin gamit ang musika at integer tiles, ituturo ng guro ang kanta patungkol sa addition of integers
25

at pagkatapos ay ipapaliwanag niya kung ano ang aralin na napapaloob sa kanta. Magbibigay siya

ng halimbawa kung paano magdagdag ng integers at papakitaan rin ito mga integer tiles.

Ang tradisyonal na pagtuturo ay ang paggamit ng lektyur, pagtalakay, paglalagda ng

mahahalagang detalye (note-taking) at pagbibigay ng takdang aralin sa klase (Shivaramiah, 2018)

at ang modernong pagtuturo, na kabilang dito ang pagtuturo ng aralin gamit ang musika at integer

tiles, ay ang paggamit ng dagdag na aktibidad (CCSS, 2017). Ang mga halimbawa nito ay ang

pagsasadula, pagpapalitan ng opinyon o pagdedebate, pagprepresentasyon, at iba pa (Edsys, n.d).

Epektibo ang paggamit ng manipulatib ayon sa pag-aaral nila Bolyard at Moyer-Packenham

(2012), Larbi at Mavis (2016), Liggett (2017) at epektibo ang paggamit ng musika sa pagtuturo

ayon kay Madsen at iba pa (1976) at An at iba pa (2013). Ang mga ito ay nagsasabing epektibo

ang modernong pagtuturo. Ayon naman kay Dulce (2012) at Briones at iba pa (2014), magkasing

epektibo ang tradisyunal at modernong pagtuturo.

Layunin 2. Malaman kung alin sa dalawang metodo – tradisyonal na metodo at paggamit ng

musika at integer tiles - ang mas epektibo pagdating sa perpormans sa posttest.

Makikita sa tsart 1.1 at 1.2 na epektibo ang pagtuturo gamit ang tradisyonal na metodo at

gamit ang musika at integer tiles dahil tumaas ang kanilang iskor mula pretest hanggang posttest.

Mas mataas ang mean na iskor ng eksperimental sa kontrol na grupo ng kaunti, ngunit

magkasing-epektibo lang ang dalawang metodo dahil lumalabas sa pagsusuri ng datos gamit ang

ANCOVA na walang makahulugang pagkakaiba ang posttest na iskor ng dalawang grupo. Ito rin

ang lumalabas sa pag-aaral ni Dulce (2012) na magkasing epektibo ang pagtuturo gamit ang

tradisyonal at algebra tiles, at sa pag-aaral ni Briones atbp. (2004) na magkasing epektibo ang

pagtuturo gamit ang tradisyonal at musika. Marahil sumasalungat ang resulta sa pag-aaral nina
26

Bolyard at Moyer-Packenham (2012), Larbi at Mavis (2016), Liggett (2017) na nagsasabing mas

epektibo ang paggamit ng mga manipulatib sa pagtuturo ng matematika kumpara sa tradisyonal,

at sa pag-aaral ni Madsen at iba pa (1976) at ni An at iba pa (2013) na nagsasabing mas epektibo

ang paggamit ng musika sa pagtuturo ng matematika kumpara sa tradisyonal, dahil ang mga

kahalok sa kanilang pag-aaral ay nasa elementarya o hayskul ng regular na klase. Nakasaad sa

Assumption 2: Past Learning Experiences ng Adult Learning Theory ni Knolwes (1986) na mas

maraming nalalaman ang mga matatanda dahil mas marami na silang mga karanasan na

magdudulot ng kanilang mas mataas na pagkatuto kumpara sa mga kabataan. Dahil dito

masasabing kahit ano pang kagamitang panturo ang gamitin sa mga kalahok ay maiintindihan parin

nila ang araling itinuro. Ito ay dahil sa mga iba-ibang karanasan nila – marahil naging pamilyar na

sila sa konsepto ng integers, natalakay na ang iba sa kanila ang integers, at iba pa – na naghudyat

ng kanilang mas mabilis na pagkatuto kumpara sa mga kabataan na nagsisimula palang ang

pagkatuto.

Layunin 3. Malaman kung alin sa dalawang metodo – tradisyonal at pagtuturo gamit ang

musika at integer tiles- ang mas epektibo pagdating sa motibasyon.

Makikita sa tsart 2 na sa unang katanungan, mas mataas ang mean na tugon ng kontrol na

grupo sa eksperimental na grupo, at sa ikalawa hanggang ikaapat na katanungan, mas mataas ang

mean na tugon ng eksperimental na grupo sa kontrol na grupo. Kung titignan ang pangkalahatang

mean na lebel ng motibasyon, mas mataas ang sa eksperimental na grupo kaysa sa kontrol na

grupo.

Kung susuriin ang mean na lebel ng motibasyon ng kontrol at eksperimental na grupo gamit

ang t-test, walang makabuluhang pagkakaiba sa dalawa. Nangangahulugan ito na ituro man sa mga

kalahok ang tradisyonal na pamamaraan o gamitan man sila ng musika at integer tiles, may mataas
27

na motibasyon parin sila sa pag-aaral. Gayunpaman, ang mean na lebel ng motibasyon ng tinuruan

ng musika at integer tiles ay mas mataas ng kaunti sa tinuruan gamit ang tradisyonal, ngunit ito ay

hindi kalakihan.

Sinusuportahan ito ng Assumption 5: Driven by Internal Motivation ng Adult Learning

Theory ni Knowles (1968). Nakasaad ditto na may internal na motibasyon (hal. gustong matuto

dahil sa kanilang paningin, mahalaga ang pag-aaral) ang mga matatandang mag-aaral na kung

ikukumpara sa mga batang mag-aaral na karamihan ay may external na motibasyon (hal. gustong

matuto dahil ayaw bumagsak, gusto ng matataas na grado, ayaw mapagalitan ng magulang) sa

pag-aaral.

Halos lahat sa parehong grupo ay may mataas na iskor sa posttest at mataas na lebel ng

motibasyon. Sinasang-ayunan ito ng pag-aaral ni Alonzo (2007) na may korelasyon ang

motibasyon ang akademik perpormans.

C. Kongklusyon

Base sa mga resulta sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod ang mga naging kongklusyon

ng mga mananaliksik:

1. Epektibo ang pagtuturo ng addition of integers sa mga hayskul na estudyante ng Balik-

Aral gamit ang tradisyonal na metodo at gamit ang musika at integer tiles.

2. Walang makabuluhang pagkakaiba ang posttest ng kontrol at eksperimental na grupo.

Dahil dito, nakumpirma ng mga mananaliksik na ang pagtuturo ng kahit alin sa

dalawang metodo – tradisyonal at moderno – sa mga may katandaan o mga estudyante

ng Alternative Learning System ay pareho paring magdudulot ng mataas na akademik

perpormans at walang alin man sa dalawa ang mas epektibo.


28

3. Walang makabuluhang pagkakaiba ang lebel ng motibasyon ng kontrol at

eksperimental na grupo. Dahil dito, nakumpirma ng mga mananaliksik na ang

pagtuturo ng kahit alin sa dalawang metodo – tradisyonal at moderno – sa mga may

katandaan o mga estudyante ng Alternative Learning System ay pareho paring

magdudulot ng mataas na motebasyon at walang alin man sa dalawa ang mas epektibo.

D. Rekomendasyon

Ang sumusunod ang mga rekomendasyon ng mga mananaliksik:

1. Hinihikayat ng mga mananaliksik ang isagawa rin ito ng iba pang mga mananaliksik

ngunit dapat na magkaroon sa kanilang pag-aaral ng mga kalahok na hindi bababa sa

30 ang bawat grupo - kontrol at eksperimental na grupo - para mas makita ang resulta

ng pag-aaral.

2. Hinihikayat ng mga mananaliksik ang susunod pang mga mananaliksik sa larangan ng

pagtuturo ng matematika na pag-aralan din ang mga epekto ng mga makabagong

pagtuturo kagaya ng paggamit ng musika o mga manipulatib sa ibang mga aralin sa

matematika.

3. Gayunpaman lumalabas sa pag-aaral na ito na magkasing-epektibo ang tradisyonal na

pagtuturo sa paggamit ng musika at integer tiles sa mga estudyante ng Balik-Aral,

nirerekomenda parin ng mga mananaliksik na gamitin ng mga guro ang integer tiles at

musika sa pagtuturo ng integers, lalo na sa mga guro ng pormal na paaralan dahil mas

epektibo ito sa mga kabataan kumpara sa pagtuturong tradisyonal. Makikita rin na mas

lumamang nang kaunti ang perpormans ng mga estudyanteng tinuruan ng musika at

integer tiles kaysa sa tinuruan ng tradisyonal na pamamaraan.


29

4. Kung gagamitin ang tradisyonal na pagtuturo ng addition of integers, nararapat na

maayos na maipaliwanag ang aralin at handing makinig ang mga estudyante para mas

maintindihan nila ito nang lubos. Dapat din na maipaliwanag sa kanila ang kahalagahan

ng aralin para magkaroon sila ng motibasyon na makinig sa talakayan.


30

Mga Sanggunian

Alonzo, G. A. (2007). p. 11. Factors affecting high school students’ attitudes towards mathematics

and their achievement. Masters’ Thesis. Mariano Marcos State University – Laoag City.

An, S., Capraro, M. M., & Tillman, D. A. (2013). Elementary Teachers Integrate Music Activities

into Regular Mathematics Lessons: Effects on Students' Mathematical Abilities. Journal for

Learning through the Arts, 9(1). Retrieved from https://eric.ed.gov/?id=EJ1018326

Balyata, P. (2018, August 28). Survey Says: Kids Like Math! Retrieved October 10, 2019, from

https://education.ti.com/en/bulletinboard/2018/august/studentsurvey.

Bolyard, J. & Moyer-Packenham, P. (2012). Making Sense of Integer Arithmetic: The Effect of

Using Virtual Manipulatives on Students’ Representational Fluency. Journal of Computers

in Mathematics and Science Teaching, 31(2), 93-113. Waynesville, NC USA: Association

for the Advancement of Computing in Education (AACE). Retrieved October 10, 2019

from https://www.learntechlib.org/primary/p/39192/.

Briones, P. J. I., Caladiao, R. E., & Valencia, N. I. (2004). Sing Music as a Strategy in Teaching

Mathematics to Preparatory Pupils in Ann Arbor Montessory in B.F. Homes Parañaque

City, p 5–6. Dasmariñas City, Cavite: De La Salle University - Dasmariñas.

Counts, Edward L. Jr. (n.d.) Edgar Dale’s Cone of Experience [Image]. Retrieved from

https://teachernoella.weebly.com/dales-cone-of-experience.html

Culbertson, Margaret Mary. (2009, August 22). Integer Rule Song [Video File]. Retrieved from

https://www.youtube.com/watch?v=ZYHjT0m_iyQ

Davis W. B. et al. (1999). An Introduction to music therapy. (2nd Ed.) Colorado State University.
31

Dela Cruz, M. J. S. (2017, March 11). Science ed and a thinking society. Retrieved October 10,

2019, from https://www.pressreader.com/philippines/philippine-daily-inquirer-

1109/20170311/281754154122594.

DepEd_PH. (2019, Setyembre 12). Briones: There are new ways to teach now. Mathematics can

be taught through dance and stories. [Tweet]. Ni-retrieb noong Setyembre 29, 2019, mula

sa https://twitter.com/DepEd_PH/status/1171979623913029633.

Dulce, C. R. (2012). Effects of Using Algebra Tiles in Teaching Special Products and Factoring

Polynomials on Students Mathematical Achievement and Attitudes Towards Mathematics.

Dasmariñas City, Cavite: De La Salle University - Dasmariñas. Masters’ Thesis.

Fraenkel, J. R., Wallen, N. E., & Hyun, H. H. (2015). How To Design and Evaluate Research

in Education (Ninth Edition). New York, New York: McGraw-Hill Education.

hand2mind. (2019). Glossary of Manipulatives. Retrieved October 10, 2019, from

https://www.hand2mind.com/resources/glossary-of-hands-on-manipulatives.

Helmenstine, T. (2018, October 7). What Is the Difference Between Independent and Dependent

Variables? Retrieved December 4, 2019, from https://www.thoughtco.com/independent-

and-dependent-variables-differences-606115.

Knowles, M. S. (1913-1997), esthermsmth, "Andragogy – Adult Learning Theory (Knowles)," in

Learning Theories, September 30, 2017, https://www.learning-theories.com/andragogy-

adult-learning-theory-knowles.html.

Larbi, E., & Mavis, O. (2016). The Use of Manipulatives in Mathematics Education. The Use of

Manipulatives in Mathematics Education , 7(36). Retrieved from

https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1126428.pdf.
32

Learning-Theories.com. (2017, September 30). Andragogy – Adult Learning Theory (Knowles).

Retrieved December 4, 2019, from https://www.learning-theories.com/andragogy-adult-

learning-theory-knowles.html#_edn1.

Liggett, R. S. (2017). The Impact of Use of Manipulatives on the Math Scores of Grade 2

Students. Brock Education Journa, 26(2). Retrieved from

https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1160704.pdf

Madsen, C. K., Dorow, L. G., Moore, R. S., & Womble, J. U. (1976). Effect of Music Via

Television as Reinforcement for Correct Mathematics. SAGE Journals, 24(2), 51–59.

Retrieved from https://journals.sagepub.com/doi/abs/10.2307/3344936

Mullis, I. V., Martin, M. O., & Foy, P. (2003). IEA’s TIMSS 2003 International Report on

Achievement in the Mathematics Cognitive Domains: Findings from a Developmental

Project. Retrieved October 10, 2019, from

https://timssandpirls.bc.edu/PDF/t03_download/T03MCOGDRPT.pdf.

Rubin, R. J. C., Marcelino, J. C., Mortel, R. C., & Lapinid, M. R. C. (2014). Activity-Based

Teaching of Integer Concepts and its Operations. Retrieved from

http://xsite.dlsu.edu.ph/conferences/dlsu_research_congress/2014/_pdf/proceedings/LLI-II-

016-FT.pdf

Schwab, K. (2017). The Global Competitiveness Report 2017–2018. Retrieved October 10, 2019,

from http://www3.weforum.org/docs/GCR2017-

2018/05FullReport/TheGlobalCompetitivenessReport2017–2018.pdf.

Shivaramaiah, G. (2018, June 1). Teaching Learning Methods: Traditional vs. Modern vs. Peer-

Assisted Learning. Retrieved December 4, 2019, from


33

https://xusom.com/uncategorized/teaching-learning-methods-traditional-vs-modern-vs-

peer-assisted-learning/.

Van de Walle, J. A., Karp, K. S., & Bay-Williams, J. M. (2013). Elementary and Middle School

Mathematics: Teaching Developmentally (Eight Edition). Pearson Education, Inc.

Vanhove, J. (2014, August 14). Analysing pretest/posttest data. Retrieved December 4, 2019,

from https://janhove.github.io/analysis/2014/08/14/pretest-posttest-ancova.

White, A. (2005), Dependent, Independent & Controlled Variables. Retreived April 24, 2005, from

https://sciencing.com/grow-plant-bean-science-project-5701557.html

You might also like