You are on page 1of 4

DISIPLINA SA MGA BATA

Disiplina sa bata ang unang makikitang problema sa ating lugar. Halos buong parte
ng Pilipinas nagkakaroon ng malubhang problema sa pag-didisiplina sa mga bata.
Katulad sa mga napapanood natin sa balita, Maraming kabataan ang nag rerebelde
sa kanilang pamilya at naluluklok sa droga. Dahil dito naaapektuhan ang pagtakbo
ng bansa at ang magandang komunikasyon sa ibang tao.

Ngayon hindi na gaano na didisiplina ang mga bata. Katulad ng pag utos o
paggawa ng tama. Hindi tulad noon mas na didisiplina ng mabuti ang mga bata.
Dahil noon pwedeng maging pag disiplina ang pag palo sa kanila. Ngayon kung
agawin mo iyon sa mga bata pwede kang makasuhan. Para saakin ito rin ang
naging epekto ng pagkawala ng magandang disiplina sa bata.

Sa pag didisiplina sa mga bata ay isa sa mga kailangan ng isang bansa. Ang mga
dapat na gawin para ma disiplina ang mga bata:

- Disiplinahin sila ng may pagmamahal.


- Unawain ang iyong anak.

- Magtatag ng mga panuntunan.


- Paulin o huwag Paulin?

Ang mga dapat na sundin ay isang tulong para sa katulad ko. Itong mga patnubay
na ito ang pwedeng makatulong para mapabuti ang pag didisiplina sa mga batang
katulad ko. Dahil sa malubhang kapakanan ng isang bansa hindi nila ito gaano
nasusunod. Marami ngayon nababalita sa mga pagtuturo ng masasamang gawain sa
iasang bata.Dahil dito nagiiba narin ang pagiisip ng mga bata.
DISIPLINA SA MGA BATA

Sa pag didisiplina sa bata dapat nagkakaroon ng magandang kaugnayan katulad ng


bigyan sila nag pagkakataon ang mga bata na sabihi ang nilalaman ng kanyang
isip, puso at kalooban. Dapat din dinggin ang mga pananaw ng mga bata at
kanilang kuro kuro. May mga paraan rin na dapat taglayin ng mga bata.

Ang mga bata ay dapat rin taglayin katulad ng maging mariin ngunit may pag-
unawa. Dapat huwag magpataw ng disiplina kapag galit. Dapat rin paluin ang bata
para madisiplina ng mabuti. Dapat kungdidisiplinahin ang mga bata huwag takutin
na sasaktan ang bata ng labis dahil pwedeg maging matinding epekto ng pagiging
hindi mabuting bata sa iabg tao.

Itong patnuay na ito ang magiging tulong sa mga kabataan na katulad ko.
Magiging mabuti rin kung kahit malaki na ang bata dapat nasusunod rin itong mga
paraan para mapaganda ang paglaki nating mga bata. Higit na makakatulong ito
para mas mapabuti at umunlad ng tama ang bawat bansa. Sana itong mgaparaan
ang mapapahikayat at mapapaayos ang pakikipagugnayan at paglaki ng mga bata.
Written Work#2
In
Filipino

Jedilyn O. Principe
8- Magsaysay

You might also like