You are on page 1of 8

EPEKTO NG SOBRANG PAGGAMIT NG INTERNET SA MGA MAG-AARAL SA SENIOR

HIGH SA PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL.

ISANG PANANALIKSIK NA INIHARAP SA KAGAWARANG FILIPINO

BILANG BAHAGI NG PANGANGAILANGAN SA PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA


PANANALIKSIK

IPINASA NINA:

BALAGTAS, ANNE KELLEY

CANLAS, CHRISTIAN

CASTRO, JEROME

CELSO, RICALYN

DE JESUS, SHEELA

HALON, ABEGAEL

MERCADO, KATHERINE

MULI, ERICA
Epekto ng sobrang paggamit ng Internet sa mga mag-aaral sa Senior High ng Pulung Santol
National High School.

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay mailahad ang epekto ng sobrang paggamit ng internet
sa mga mag-aaral . Ang pananaliksik na ito ay sinasagawa upang bigyan pansin kung gaano karami ang
mga nakatuon sa internet . Sa panahon ngayon mapapansin natin na mas maraming mag- aaral na
nahuhumaling sa paggamit ng internet . Tila mag kaiba na ang larawan ng kabataan ngayon sa larawan ng
kabataan noon, sa pagdaan ng panahon at pagunlad ng teknolohiya ang mga hilig ng mga mag-aaral o
kabataan ay nag iiba rin .

Marami ang benepisyo ng internet sa buhay ng tao, kagaya ng pagbilis ng mga gawain nila sakanilang
mga proyekto at iba pang takdang-aralin, at sa kanilang mga trabaho . Mayroon din na masamang epekto
ang sobrang paggamit ng Internet tulad ng paglabo ng paningin dahil sa kakalaro ng online games tulad
ng Dota, Crossfire, LOL, at sobrang paggamit ng social media halimbawa ng Facebook,Twitter,Instagram
at panonood ng malalaswang panoorin na hindi umaangkop sa edad ng mga mag-aaral at iba pa.

Bilang mga mananaliksik ginawa naming ang pagsusuring ito upang mailahad sa kapwa naming kabataan
ang masamang epekto sa sobrang pagbabad sa internet. Maraming magaaral ang napapabayaan ang
kanilang pagaaral dahil sa paglaan ng oras sa paggamit ng internet kaysa sa paglaan ng mas maraming
oras kanilang pagaaral. May mga mag-aaral sa Senior Highschool na bumababa ang grado sa
nahuhumaling sa paggamit ng internet. Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mag aaral sa Senior
High sa Pulung Santol National High School.
ABSTRAK

Pangalan ng instiyusyon: Pulung Santol National High School

Adres: Pulung Santol Porac Pampangga


Pamagat: Epekto ng sobrang paggamit
ng internet ang mga mag-aaral
ng Senior High ng Pulung
Santol National High School

Awtor: BALAGTAS, ANNE KELLY

CANLAS, CHRISTIAN
CASTRO, JEROME
CELSO, RICALYN
DE JESUS, SHEELA
HALON, ABEGAEL
MERCADO, KATHERINE
MULI, ERICA

Track: TVL

Sinimulan: Pebrero 09 2018


Kaugnay na literature
Ang kompyuter ay isang makina na ginagamit sa paggawa
ng mga kalkolasyon o mga operasyon na maaring gawain
sa pamamagitan ng mga terminong numerical o lohikal.
Ito ay nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa
pamamagitan ng mga karagdagang program. Mayroong
aspeto ng kompyuter na tinatawag na software, ito ay mga
programang ginawa para mapagalaw ang kompyuter.
Isang halimbawa ay ang accounting software. Ito ay may
tungkulin na magtala at magproseso ng mga transakyon sa
accounting. Ito’y gumaganap bilang isang accounting
information system na nagoorganisa at nagpapadali ng
gawain ng isang accountant.

Mga Negatibong Epekto

Mapag-ibayo pa ang paggamit ng kompyuter sa pag-alam


ng mabuting epekto, masmakikinabang ng malaki ang
paggamit ng kompyuter. Maari ring malaman ang
solusyon at karampatang kaalaman ng mga negatibong
epekto. Ang bagong henerasyon ng kabataan, pag-asa pa
kaya ng ating bayan? Katanungan bumabagabag sa isipan
naming mananaliksik. Karamihan sa mga kabataan
ngayon ay wala nang sinasanto, napapasok na sa iba’t-
ibang bisyong alam nila’y masama ngunit nagsasawalang
bahala lamang. Alak, sigarilyo, droga, premarikal sex ,
pagbababad sa kompyuter ay isa sa mga nangungunang
bisyo ng kabataan lalong lalo na sa kalakihan wala itong
pinipiling kasarian. Pera lang ang kailangan upang
magamit ng internet. Hindi bale ng maubos ang pera nila
sakagagastos basta ang importante ay masiyahan sila.
Nakakalibang ito sapagkat kinababaliwan ito ng mga
kabataan. Bilang mananaliksik, nag-iisip kami ng paraan
kung paano naming mapaptunayan na ang paggamit ng
internet ay balakid sa pag-aaral ng mga estudyante ng
sekondarya sa Pilipinas. Hindi lamang hangad ng
estudyante ng sekondarya gayun din hangarin naming
mapaalam sa lahat ng kabataan, magulang at iba pa
tungkol sa kahalagahang edukasyon pag-aaral na ito na
malaman kung balakid ang paggamit ng internet sa pag-
aaral ng mga sa ating buhay. Kung grabe na ang
pagkahumaling ng mag-aaral sa kompyuter nagkakaroon
na ito ng hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan
at pati narin sa kanilang pag-iisip at ugali. Ang palaging
pagtutok sa kompyuter ay nakakasira sa mata lalu na kung
walang proteksyon ito. Ang katagalan sa pag-upo at hindi
madalas na pagkilos ay nagdudulot ng pangagawit at
kalaunan ay pagsakit ng likod, ulo at iba pang parte ng
katawan, ito ay sa kakulangan narin ng ehersisyo.
Nakakasira rin ito sa pag-aaral dahil ang konsentrasyon
nalang ay sa paggamit ng gamit at nawalang na ng oras
para mag-aral ng leksyon. Kung wala naman silang
sariling kompyuter nagpupunta na lang sa internent caffé,
madalas dito nauubosang kanilang pera imbes na panbili
ng baon o pagkain. Sa kadahilanang naadik na ang mga
bata sa paggamit ng internet maaring hindi na nila
maatupag ang paglilinis ng kanilang sarili at maaring
magiging tamad na sila sa gawaing bahay at kahit ano
paman. Marami ang epekto ng kompyuter game sa
kabataan tulad ng mapapabayaan ang pag-aaral at
mahihirapan ang kanilang mga magulang sa paghahanap
buhay dahil kailangan pang idagdag sa budget ang perang
gagamitin sa paglaro. Kadalasang bumabagsak ang mga
estudyante sa mga pagsusulit dahil imbes na mag-aral,
naglalaro na lamang sila. Nakakasira rin ito sa kanilang
mga mata ang masyadong pagkababad sa kompyuter,
malaking empluwensya ang mga nilalaro sa kanila,
mabuti man ito o masama.
Kaugnay ng Pag-aaral

Sa isinagawang pag-aaral ay nakalikom ang mga


mananaliksik ng maraming impormasyon tungkol sa bagong
teknolohiya o facebook, karamihan sa mga ito ay ang malaki
nitong epekto sa paraan ng pakikipagkumunikasyon sa bansang
pilipinas.

Tinatalakay ni David Kirk Patrick (1994) sa kanyang pag-


aaral mula sa facebook na ito ay mas higit na ginagamit sa
pananaliksik, sapagkat ito ay napakadaling gamitin.

Naniniwala siya na ang teknolohiyang ito ay mas lalawak pa at


magiging mas pakipakinabang, at ayon sa kanya na ito ay lubos
na ginagamit upang makakonekta sa iba pang lugar upang
kumilanlan at makipag komunikasyon.

Ayon kay Danah boyd (2007) ginagamit ang internet


upang makagawa ng isang kumunikasyon. Ayon sa kanya na
ang kadalasang ginagamit sa pakikipag kumunikasyon ay ang
facebook, sa kadahilanang madali itong gamitin.

Ayon naman kay Fraser Matthew (2008) na gumagamit ng


mga sosyal na pakikipag kumunikasyon ay nabago daw nito ang
estado ng kanyang buhay, nakahanap siya ng magandang
trabaho at madali itong nakikipagkumunikasyon sa ibang tao.
Ayon naman kay Marc Prensky (2001) na hindi lamang
ang damit na mabilis magbago , maging ang paraan na din ng
pakikipagkumunikasyon. Ayon sa kanya na kahit bata pa
lamang ay nakakayanan ng gumamit nito, sapagkat sadyang
madali itong gamitin.

You might also like