You are on page 1of 16

PAG-AARAL TUNGKOL SA PAGKAHUMALING SA INTERNET AT ANG MGA

EPEKTO NITO SA MGA MAG-AARAL

Ipinasa nina:

Federico, F. B.,

Pascual, D. A. P.,

Saberon, M. A. A.,

Serna, E. S.,

Cantutay, J. C.,

Ibarra, P. B. J. M.,

Sanico, E. J. B.

Disyembre 06, 2019


Kabanata I

ANG SULIRANIN

Panimula

Ang internet ay ang internasyonal na network na pang-computer at nag-

uugnay sa mga indibidwal, institusyon, ahensiya, industriya, at iba pa. Sa

pamamagitan ng internet napapadali ang ibang mga bagay, ginagamit ito para sa

komunikasyon, tulad ng "e-mail" o "electronic mail", ginagamit rin ito sa

pananaliksik, pag-download ng mga file at dokumento, edukasyon at

pagpapabuti sa sariling katangian, sa mga elektronikong pahayagan at magasin,

pagbabangko at iba pang mga kinahuhumalingan ng mga kabataan tulad ng

paglalaro ng mga “online games”.

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya na ang

pamagat ay “Internet” na ang pinagmulan ng Internet na gamit sa komunikasyon

ay mula sa pamahalaan ng Estados Unidos noong 1960s. Ang pangunahing

network ng precursor, ay tinatawag na ARPANET, nagsilbing pondasyon para sa

koneksyon ng pang-akademikong gawain sa larangan at militar sa 1980s. Ang

paglikha ng National Science Foundation Network bilang isang bagong

imprastraktura noong 1980s, pati na rin ang pribadong pondo para sa iba pang

mga komersyal na pag-unlad, nag-ambag ito sa pandaigdigang pagbuo ng mga

bagong sistema ng networking at iba pang mga network. Sa unang bahagi ng

1990 ng pagsasama ng mga komersyal na network at mga kumpanya ay

minarkahan ang simula ng paglipat sa modernong Internet, na binubuo ng isang


matagal na proseso ng paglago. May bilang na milyon-milyong mga kompaniya,

pribado at ginawang kompyuter ay nakakonekta sa network. Bagaman mula

noong 1980, ang Internet ay pangunahing ginagamit ng mga akademiko, isinama

ng advertising ang mga produkto at teknolohiya nito sa lahat ng aspeto ng

modernong buhay.

Ang "Web" ay hindi lamang isang imprastraktura. Ito ay nagiging bukas sa

lahat para sa pagpapalitan ng impormasyon, at "social networking". Sa internet

ay maaring magkaroon ng mga pang-aapi, "troll", "stalker", krimen, pornograpiya

at marahas na mga imahe, pagkagumon, waster ng oras, nagiging sanhi ng mga

pagkagambala, distraksyon mula sa trabaho, pagnanakaw ng pagkakakilanlan,

pag-hack, mga virus, pandaraya, "spam" at ang advertising. Nakakaapekto ito sa

pokus at pasensya. At maari ito maging dahilan ng depression, kalungkutan, at

paghihiwalay sa lipunan.

Ang paggamit ng Internet ay nagiging sanhi ng mga problema sa

sikolohikal, panlipunan, pag-uugali o trabaho. Ang mga mag-aaral ay

nangangailangan ng Internet dahil sa kanilang pang-edukasyon na

pangangailangan sa pananaliksik. Mga “chat room”, pornograpiya; paghahanap

ng server; pag-blog; pagsusugal; pamimili; o anumang bilang ng iba pang mga

online na aktibidad ay maaaring maging pokus at hindi naaangkop sa paggamit

ng Internet. Ang problema sa paggamit ng mga kompyuter ay isang lumalagong

isyu sa lipunan na nasa ilalim ng talakayan sa buong mundo.


Lokal na Suliranin

Batay sa pag-aaral nina Acut, Dharel & Carpo, Mark Joshua & Caparoso,

Jun Karren & Magsayo, Joy & Sombilon, Virginia. (ILIGAN 2016).

RELATIONSHIP OF STUDENTS' INTERNET USAGE AND ACADEMIC

PERFORMANCE., Ang mga natuklasan sa pag-aaral nila ay nagpapakita na

walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng pagganap ng akademikong

respondente at ang lugar kung saan nila na-access ang Internet. Ang isa pang

paghahanap ay nagpapakita ng walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng

pagganap sa akademiko at ang kanilang mga layunin sa paggamit ng Internet

tulad ng para sa Gaming, Social Networking, Balita, at Libangan. Gayunman,

mayroong isang makabuluhang ugnayan sa pagitan ang pagganap ng

akademikong respondente at ang kanilang paggamit ng Internet para sa mga

layuning pang-akademiko. Mula sa resulta, inirerekumenda ng mga mananaliksik

na maaaring hikayatin ng mga tagapagturo ang mga mag-aaral na gamitin ang

Internet sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga takdang aralin,

proyekto, at mga pagsusulit sa online.

Ayon naman kay Joy Cantos (2008) Dahil sa pagkalulong sa internet

games ay nagbenta ng kasangkapan sa bahay kaya ibiniting patiwarik ng ama

ang sariling anak na hayskul student sa Barangay Quezon, General Santos,

South Cotabato. Nabatid na natuklasan ng ama ang pagkawala ng kanilang

kagamitan, gayon pa man wala naman siyang suspetsa kung sino ang nanloob
sa kanila. Bunsod nito, binisita ng ama ang paaralan, subalit nabigla ito nang

sabihin ng guro na laging absent ang kanyang anak. Sa tulong ng ibang mag-

aaral ay natagpuan ng ama na abala sa internet games ang anak kaya kinalad-

kad itong pauwi. Pagdating ng bahay ay inamin ng bata na siya ang nagbenta ng

kanilang gamit para may maipambayad sa internet games kaya ibinitin patiwarik

sa punongkahoy ang anak.

Nasyonal na suliranin

Sa pag-uulat ni Kori Quintos, isinaad ni Dr. Mark Reysio-Cruz (2017),

isang developmental pediatrician, mayroong ibang pag-aaral tungkol sa epekto

ng labis na pagkaluluong sa internet sa mga bata. Isa rito ang maaaring epekto

sa kakayahan ng batang makitungo sa kapwa. Maaari ring ma-delay ang

pagpapaunlad sa memorya at sa kakayahang magplano at mag-focus ng bata.

Dulot ito ng kawalan ng panahon na matuto pa ng ibang bagay. Maaari rin

maapektuhan ang kakayahang makipag-usap at maging bihasa sa paggamit ng

wika. Dahil din hindi na aktibo sa paglalaro o paggawa ng iba pang physical

activities, nagiging sobra sa timbang ang bata. Ayon sa doktor, inilabas sa isang

pag-aaral na 30% ng mga madalas gumamit ng mga gadget ang nagiging

'obese' o sobra sa timbang. Kalaunan, maaari itong magdulot ng stroke, high

blood, o heart attack. Kapag naman hinayaang gamitin ang gadget habang nasa

higaan o nasa kuwarto kung gabi, madalas na nababawasan ang oras ng tulog o

tuluyan nang hindi nakatutulog ang bata.


Paliwanag naman ng Department of Health (DOH) (2018)sa isang artikulo

“Pagkalulong sa video games, isa nang sakit sa pag-iisip”, masama ang epekto

sa kalusugan ng labis na paglalaro dahil kundi puyat ay di na kumakain ang mga

lulong sa gaming. Ayon pa kay Assistant Secretary Lyndon Lee Suy ng

Department of Health, wala na ring oras sa pamilya ang ilan sa mga labis na

naglalaro. Pero nilinaw ng Department of Health na hindi naman ibig sabihin na

kapag laging naglalaro ang isang indibidwal ay may gaming disorder na siya. Ilan

anila sa mga sintomas nito ay kawalan ng kontrol sa haba ng oras ng paglalaro,

pagbibigay prayoridad sa paglalaro, at patuloy na paglalaro sa kabila ng mga

negatibong epekto nito. Payo ng Department of Health sa mga magulang,

gabayan ang mga anak sa paglalaro at limitahan ang oras na uubusin para rito

Internasyonal na suliranin

Ayon naman kay Ma. Liza Lacson-Jimenez, (2014) sa kanyang artikulong

“Are you an internet addict?“ Habang ang koneksyon sa Internet ay nagbibigay

ng maraming mga pakinabang sa pang-araw-araw na modernong buhay, ang

mga eksperto sa kalusugan ay nagpahayag ng pag-aalala sa lumalaking

ebidensya na nag-uugnay sa labis na paggamit ng Internet sa mga malubhang

problema sa pisikal, kaisipan, emosyonal at sikolohikal. Sa isang pag-aaral,

natuklasan ng mga siyentipiko ang mga pagbabago sa utak dahil sa labis na

paggamit sa Internet. Ang pag-aaral, na isinagawa sa Tsina, ay ginamit ang

magnetic resonance imaging sa pag-scan sa talino ng mga sugal sa paglalaro sa


internet at nagpakita ng pagkasayang o pagbawas ng kulay abo at puting sa mga

bahagi ng utak na kasangkot sa paggawa ng desisyon, pag-uugali sa pag-uugali,

at emosyonal na regulasyon.

Sa Estados Unidos, iniulat ng mga eksperto mula sa Naval Medical

Center San Diego kamakailan kung ano ang lilitaw na ang unang dokumentado

na kaso ng pagkagumon sa Internet na kinasasangkutan ng “Google Glass”. Sa

isang artikulo na nai-publish sa Addictive Behaviors, iniulat ng mga mananaliksik

na ang isang taong 31 taong gulang na serbisyo ay inamin para sa tirahan na

paggamot para sa malubhang paggamit ng alkohol, nagpakita rin ng mga

sintomas na nauugnay sa labis na paggamit ng “Google Glass” kabilang ang

hindi sinasadyang paggalaw ng kanang kamay sa lugar ng templo at pag-tap.

Kasama nito ang kanyang hintuturo, nagsasalakay na imahinasyon sa panahon

ng pagtulog, at labis na pananabik.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang layunin ng mga mananaliksik ay malaman kung

paano nakakaapekto ang pagkahumaling sa internet sa mga mag-aaral. At kung

paano makakatulong at makakasama ang mga ito.

Ang ilan pang layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Matutukoy ang gadyets na madalas gamitin ng mag-aaral.

2. Matutukoy ang kahalagahan ng internetsa pag-aaral ng mag-aaral


3. Mababatid kung paano makatutulong sa pag-aaral ng mag-aaral ang

paggamit ng internet.

4. Mababatid ang mabubuti at masasamang epekto sa pag-aaral ng mag-

aaral ang paggamit ng internet.

5. Matutukoy kung paano napapadali ng internet ang iba’t ibang

aspektosa pag-aaral ng Mag-aaral.

Sinasagot ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ano ang dahilan ng mga mag aaral kung bakit sila gumagamit ng

teknolohiya?

2. Sa paanong paraan makakaapekto ang paggamit nila ng teknolohiya sa

kanilang pag aaral?

3. Ano ang magiging epekto ng paggamit nila teknolohiya sa kanilang pag

aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naglalayon ang pag-aaral na ito na bigyang alam ang mga estudyante sa

mga mabuting epekto ng internet at bigyang babala patungkol sa mga

negatibong epekto nito upang ito’y magamit nilang wasto. Ito rin ay

makapapababa ng populasyon ng mga estudyanteng halos nilalaan ang lahat ng


kanilang oras sa paggamit ng internet. Ang kalalabasan ng pag-aaral

na ito ay makapagdadala nang malaking tulong sa mga estudyanteng

nakararanas ng pagkasugapa sa internet. Ito rin ay naglalayong makapag-

ambag sa literatura para sa matagumpay na pag-aaral ng mga mag-aaral sa

Mindanao. Para sa mananaliksik, ang pag-aaral na ito aymahalaga at

makatutulong na magkaroon ng karagdagang kaalaman. Maging sanggunian din

ito sa mga mag-aaral na nais magsaliksik ukol sa pag-aaral na ito.

Ang makikinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Sa mga sugapa sa internet - Ang resulta ng pag-aaral na ito

aymahahayaang mabahala sila sa mga negatibong epekto ng paggamit

nginternet tulad ng problema sa pisikal o kalusugan, relasyon sa pamilya

atproblema sa pag-aaral.

Sa mga estudyante - Na sila ay mabahala sa kanilang sarili at

magagamit ang oras atinternet ng maayos, nang ito ay makapagbigay ng

positibong epekto sakanilang pag-aaral.

Sa mga magulang - Ito ay makatutulong sa kanila na mabawasan ang

pangamba kung maayos ba ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sa mga guro - Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging instrument

upang gabayan ang kanilang mga estudyante sa wastong paggamit ng


internet.Upang malaman din ang kadahilanan ng mga may mababang marka ng

nilangestudyante.

Sa komyunidad (lalo na sa mga nagnenegosyo ng “internet”) -

Namabahala rin sila sa gawain ng mga estudyante sa labas ng paaralan.

Sa mga bata - Upang sila ay magabayan ng maayos sakanilang paglaki.

Huli, para sa mga mananaliksik- Sa ang pag-aaral na ito ay magbibigayng

masmabuti at malawak na kalaman at maging bahagi sa kanilang napilingkarera

sa buhay.

Saklaw ng Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa paglalahad ng epekto ng

pagkahumaling sa internet sa akademik perpormans ng mga mag-aaral na mga

S.T.E.M. Students ng Holy Child College of Davao (Jacinto Campus). Saklaw

nito ang mga mag-aaral mula sa labing-lima hanggang labing-walo na taon ng

kasalukuyang taon sa senior high school ng Holy Child College of Davao, Jacinto

Campus.

Nilimitahan lamang ang pananliksik sa mga responde mula labing-lima

hanggang labing-walo na taon, dahil naniwala ang mga mananliksik na ang mga

kabataan na may ganitong edad sa kasalukuyang panahon ay ang makakasagot

sa aming mga katanungan at makapag-bibigay ng sapat na impormasyon na

kailangan para sa aming pananaliksik.


Depinisyon ng mga Termonolohiya

Ang bawat termino na nababanggit ay mapapaloob sa aming sulating

pananaliksik. Ang mga terminong ito ay mapapaloob sa mambabasa upang

maunawaan nila ang tungkol ditto, mas lumawak pa ang kanilang talasalitaan at

upang mas maging pamilyar pa sila dito. Nanggaling ang mga salita sa mga

diksyunaryo, at internet.

Web - Isang kagamitan para magpapalitan ng impormasyon, social

networking at ang paglikha ng digital na pag-uugali

Online gaming – ay isang laro na nilalaro sa ilang uri ng computer

network. Ito ay halos palaging gumagamit ng Internet o katumbas na teknolohiya,

at kung anong teknolohiya ang mayroon.

Kompyuter o Computer – Isang aparato na nagmamanipula ng mga

impormasyon at nag bibigay ng resulta batay sa lohikal na program o proseso,

Ginagamit ng Estudyante sa pananaliksik ng impormasyon.

Teknolohiya – Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan.

Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina,

kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at

inhinyeriya.
Pagkahumaling sa kompyuter Games – Ang subrang pagkahumaling

ng isang indibiwal sa larangan ng paglalaro gamit ang computer,kadalasan

mahirap na itong iwasan lalo na't kung hindi mapigilan ang isang manlalaro.

Internet - ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring

gamitin ng mga tao sa buong mundo


Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa pag-aaral at mga babasahin

na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito.

Ayon sa psychologist na si Michelle Alignay (2019) “Di- watong paggamit

ng internet, nakaka-apekto sa kalusugan” na kapag hindi ka maalam sa

paggamit ng internet at social media, may posibilidad talaga na ito ay

magdudulot ng sama sa kalusugan at relasyon saiyong mga mahal sa buhay. "In

real life, you’re no longer connected so, it's becoming detrimental," ani Alignay.

"You miss out on the real life moments," dagdag ni Alignay Ilan sa pag-aaral ang

nagsabing, maaring magdulot ito ng masamang epekto sa pag-iisip ang

pagbabad sa internet gaming. "Electronic heroinem it has the same effect as

probable addiction to substance. There's this element of excitement, element of

suspense," ani Alignay. Dahil dito ipinalayo ni Alignay at ipinaliwanag ng maayos

sa mga magulang at sa mga anak ang hindi magandang epekto ng internet at

social media.

Binanggit nina Shaw, M., & Black, D. W. (2012, September 14), na ang

pagkagumon sa Internet ay nailalarawan sa pamamagitan ng hindi naaangkop o

hindi maayos na pagkontrol ng software sa mga problema, impulses o gawi at

pag-access sa internet na nag-aambag sa kapansanan o pagkabalisa. Sa tanyag

na media at kabilang sa mga iskolar, ang karamdaman ay nakatanggap ng

lumalaking interes, at ang pansin na ito ay kahanay sa paglago ng kompyuter at


pag-access sa internet. Ang sakit ay umiiral sa buong mundo, ngunit pangunahin

sa mga bansa na may malawak na pag-access sa mga kompyuter at

teknolohiya. Ang preponderance ng lalaki ay iniulat ng mga klinikal na sample at

isang mayorya ng mga kaugnay na pagsisiyasat. Ang pagsisimula ay iniulat na

maganap sa pangkat ng edad ng huli na 20s o maagang 30s, at madalas na

dekada o higit pang pagkaantala mula sa orihinal sa may problemang paggamit

ng software. May sukat na pagkabalisa at mga sintomas ng paghihiwalay ng

lipunan ay nakakaugnay sa pagkagumon sa Internet. Ang “psychiatric co-

morbidity” ay pangkaraniwan, lalo na ang mga karamdaman ng mood,

pagkabalisa, kontrol ng mga impulses, at paggamit ng mga sangkap. Ang

Aetiology ay hindi kilala, ngunit ang sikolohikal, neurobiological at kulturang

kadahilanan ay malamang na kasangkot.

Binangit rin nina Kuss, D. J., Griffiths, M. D., & Binder, J. F. (2013,

January 25). Internet addiction in students: Prevalence and risk factors. Ang

nakaraang dekada ay nasaksihan ang isang makabuluhang pagtaas sa

pananaliksik sa bagong pag-usbong ng isyu sa kalusugan ng kaisipan sa

Internet. Sa halip na tingnan ang pagkagumon sa Internet, ang pag-aaral na ito

ay nakatuon sa mga tukoy na aktibidad sa Internet na maaaring maging

nakakahumaling at maiugnay ang mga ito sa mga ugali ng pagkatao na

maaaring mahulaan ang mga indibidwal sa pagkagumon sa internet. Ang mga

layunin ng pag-aaral na ito ay upang masuri ang paglaganap ng mga

makabuluhang Internet sa klinika mga rate ng pagkagumon at upang makilala

ang interplay sa pagitan ng mga katangian ng pagkatao at partikular na paggamit


ng Internet upang madagdagan ang posibilidad ng pagkagumon sa Internet. Sa

isinagawang pag-aaral ay nakalikom ang mga mananaliksik ng maraming

impormasyon tungkol sa bagong teknolohiya at internet, karamihan sa mga ito ay

ang malaki nitong epekto sa buhay ng mga kabataan.

Ayon kay Danah Boyd (2007), Social network sites, Definition, history, and

scholarship: ginagamit ang internet upang makalikha ng liham o mensahe upang

makagawa ng isang kumunikasyon. Ang kadalasang ginagamit sa

pakikipagkumunikasyon ay ang facebook, sa kadahilanang madali itong gamitin.

Sa pahayag ni Bhai-Rhema S. Marmay (2016), sinasaad dito na ang

teknolohiya partikular na ang internet ay bahagi na ng ating buhay simula ng ito

ay naimbento. Nagdudulot ng magandang pakinabang sa mga kabataan ang

internet lalo na sa kanilang mga research papers, mga takdang aralin, mga

project at iba pang gawaing ginagawa ng mag aaral. Halos lahat ng bagay na

kailangan ng mga mag aaral ay nasa internet na.

Batay sa aklat na isinulat ni Vedis Faintheart (2012) at tinalakay ang epekto

ng pag gamit ng internet sa mga mag-aaral. Ayon naman kay Vedis Faintheart

(2012), na ang internet ay naglalaman ng lahat ng kailangan ng tao. Sa kabila

nito, meron din itong masasamang epekto sa mga mag aaral. Ayon kay Asidao

(2017), Masamang Epekto ng Social Media: ang madalas na paggamit ng

internet ay may masamang epekto sa ating utak. Nagdudulot ito ng "Sleep

Deprivation" o dahilang hindi tayo makatulog sa gabi. Sa kabilang banda,


nagiging sanhi ito sa pagkakaroon ng maikling pasensya, pagkawala ng pokus

sa isang bagay, madaling pagkalimot, at iba pa.

Ayon naman kay Janilyn (2017), ang internet ay may mabuti at

masamang epekto sa mga mag aaral. Kaya dapat ay limitahan natin ang oras na

iginugugol sa paggamit nito. Dahil ang ibang mag aaral ay iginugugol ang

malaking bahagi ng kanilang oras sa pa internet. Dahil riyan nawawalan na sila

ng panahon upang magbukas ng libro at makapag aral.

Ang internet ay may parehong mabuti at masamang epekto sa mga mag

aaral kaya dapat alamin ang wasto na paggamit nito upang hindi ito

makasasama at magdulot ng ibat ibang problema. Sa lahat ng mga pag-aaral at

mga literature na mga binanggit, nagpapkita na mayroong mga mabuti at

masamang epekto na dinudulot ng pagkagumon sa internet. Sa kaso nito kahit

anong edad ay maaring tamaan mapa-bata man o matanda. Sa panahon

ngayon, mapapansin natin na mas maraming tao, lao na ang mga kabataan na

nahuhumaling sa paglalaro ng mga online game at pagsusurfing sa internet.

Kaya naili naming magsagawa ng pananliksik ay upang makakuha ng

karagdagang datos at kaalaman ukol sa pangyayari ngayon sa ating komunidad.

You might also like