You are on page 1of 11

Ang Internet at Kabataan

Pagtalakay at Pagsusuri sa mga Datos


Ano ang Epekto ng Internet sa Kabataan?
Sa ngayon, nasa kanyang kamusmusan pa lamang ang paggamit ng makabagong
teknolohiya tulad ng internet bilang tulong sa pormal na pag-aaral ng kabataan. Ngunit marami
na ang pumupuri sa kaparaanang ito. Isang kaakit-akit na pangako ng internet ang pagsulong sa
kasanayan ng mag-aaral at sa kanyang pagkakaunawa sa mga usaping pandaigdigan. Hinihingi
ng ating makabagong panahon na malinang ng mag-aaral ang mga kakailanganing kasanayan
upang maging isang produktibong mamamayan.

Bukod dito, pahigpit nang pahigpit ang

pagkakabuklod ng planetang ito sa pamamagitan ng internet kaya ang mga patakaran at


tuntuning kinikilala sa internet ay halos likas na bahagi na ng isang kurikulum na batay sa
teknolohiya.

Pero ang mga ulat ukol sa lumalalang pagkagumon ng kabataan sa internet,

kasabay ng pag-aalalang kadalasa'y negatibo ang epekto ng internet sa kaisipan ng kabataan, ang
nag-uudyok upang suriing mabuti ang mga posibleng pagbabago sa paggamit ng internet.
Nagsisimula na ang mga edukador at sikolohista na magtanong kung ano nga talaga ang epekto
ng internet sa mga kasanayang panlipunan at sa pagkatao ng ating kabataan.
Ilang Datos
Ang online na paggamit ng computer ay kalat na at patuloy na lumalaganap. Tinatayang
sa buong daigdig, may 149 milyong katao ang gumagamit ng internet, at ang bilang na ito ay
tumataas pa sa bilis na 12 porsyento buwan-buwan (Suler, 1996, 1999b). Ayon sa ulat ng US

-1-

Census Bureau, sa US, 22.2 porsyento ng 76 milyong gumagamit na computer na may gulang
tatlo pataas ay konektado sa internet, at sangkalima ng kabataang may computer sa bahay ang
nakagagamit ng internet mula rito (US Census Bureau, 1997). Iniulat din na 55 milyong magaaral ang gumagamit ng computer sa paaralan, at ang paaralan ang karaniwang daan upang
makapasok ang kabataan sa internet. Sa mga bilang pa lamang na ito, na may ilan taon na ring
nakararaan, walang dudang kalat na kalat na ngayon, hindi lamang sa US kundi maging sa ibang
bansa, ang paggamit sa internet.
Mga Katanungan
Bagamat marami ang kumikilala sa internet bilang isang himala ng teknolohiya, may mga
nagpapanukala rin sa negatibong epekto nito sa tao at sa kanilang kasanayang makipagkapwa.
Isang pag-aaral na ginawa ng Carnegie Mellon University ang nagsabi na ang paggamit ng
internet ay nagdudulot na malawakang pagkaramdam ng kalungkutan at pangungulila at sa
pangkalahatang pagbagsak sa antas na mabuting pakiramdam ng mga gumagamit nito (American
Psychological Association, 1998). Sa isang pag-aaral ng HomeNet project sa 169 katao sa
Pittsburg na gumagamit sa internet nang mahigit isang taon na, natuklasan na habang
nagugumon sa internet ang isang tao, paunti nang paunti ang kanyang mga kaibigan at padalang
nang padalang ang kanyang pakikisalamuha nang harapan.

Dumadalang din ang mga

pagkakataong nakakaharap nila ang mga kaanak, lalo silang nakararamdam ng pang-araw-araw
na bigat ng pakiramdam, at lalong nakararamdam ng kalungkutan at pangungulila. Ang kakatwa
pa rito, pangunahing dahilan ng mga taong ito sa paggamit nila sa internet ay upang dumami ang
kaibigan at mga taong makakapiling nila sa pamamagitan ng cyberspace.

-2-

Sa isang pambansang survey ng Annenberg Public Policy Center sa Washington, napagalamang karamihan sa mga magulang ay nag-aalala sa nagiging impluwensiya ng internet sa
kanilang mga anak, lalo na dahil sa likas na pagiging bukas nito sa lahat at sa kakayahan nitong
makipag-ugnayan sa gumagamit (Annenberg Policy Center, 1999). Gayunman, pakiramdam pa
rin ng mga magulang na sadyang kailangan ng kanilang mga anak ang internet. Kabilang sa mga
binanggit nilang dahilan ay ang kakayahang makatuklas ng mga kapakipakinabang na bagay at
kaalaman, at makatulong sa mga aralin sa paaralan.
Ang mga pag-aalalang ito ng magulang ay hindi limitado sa mga kabataan sa mataas na
paaralan lamang. Sa isang malaking pamantasan sa New York, tumaas ang bilang ng mga
dropout habang lumalawak ang paggamit sa internet. Ang dahilan? Natuklasan ng pamunuan ng
pamantasan na 43 porsyento ng mga dropout ay nagpupuyat sa gabi sa paggamit ng internet
(Wallace, 1999). Sa isang survey ng listserv sa isang kolehiyo tungkol sa epekto ng teknolohiya
sa pakikipagkapwa at pakikihalubilo, ang pinakamadalas na isinasagot na suliranin ay ang
pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng e-mail, discussion group at chatroom. Marami sa mga
sumagot sa survey ang nagtapat sa nadaramang kalungkutan at pangungulila bunsod ng paggamit
nila ng mga kaparaanang ito, at ang kawalan ng harapang pakikisalamuha na nakadadagdag nang
matindi sa nararamdaman nilang pag-iisa at kalungkutan (Wade, 1999). Sa isa pang survey,
isang maliit ngunit mahalagang bilang ng mga gumagamit ng internet ang sumisisi rito sa
pagkawasak ng kanilang pamilya at pakikitungo sa asawa (Eykyn, 1999).
Nakakahumaling ba ang Internet?
Sa pagdami na mga impormasyong tulad nito, tumitindi ang debate ng mga sikolohista
ukol sa lawak ng karamdamang sikolohikal kaugnay ng paggamit ng internet. Tinaguriang
-3-

"Internet Addiction Disorder" (Goldberg, 1997), hinihimatong ng ilang pag-aaral ang talagang
pagkakaroon ng mga pag-uugaling kahalintulad sa isang adiksyon sa mga madalas gumamit ng
internet (Greenfield, 1999; Young, 1998). Batay sa mga pamantayang gamit ng mga sikolohista
sa pagkilala sa adiksyon, pinahihiwatig ng mga survey na mula sa 6 na porsyento (Greenfield,
1999) hanggang sa 80 porsyento (Young, 1998) ang ipinakikitang pagkahumaling ng mga
gumagamit sa internet. Kabilang sa mga mga tanda ng pagkahumaling ay: (a) paggamit ng
computer para masiyahan, mapunuan ang nararamdaman, o mabawasan ang stress; (b) pagiging
mainisin at kawalan ng kontrol sa sarili o matinding kalungkutan kapag hindi gumagamit ng
computer; (c) paggugol ng papalaki at papalaking halaga ng salapi at panahon sa mga gamit
(hardware), programa (software), babasahin at mga gawaing may kaugnayan sa computer; at (d)
pagpapabaya sa gawain, pag-aaral at mga tungkulin sa tahanan (Gawel, 1998).

Kapag

gumagamit sila ng internet, ilan ang nag-ulat ng naramdamang silakbo o "high" na tulad ng
nararamdaman nila habang nagdudurog (Egger, 1996).
Bilang di pagsangayon naman, may mga sikolohistang nagsasabi na ang mga nabanggit
na tanda o sintomas ay nagpapahiwatig ng mas pangkalahatang kahinaan ng pagkatao kaysa
tunay na adiksyon sa computer (Dvorak, 1997; Grohol, 1999; Davis, 1999). Ang iba naman ay
minamaliit ang resulta ng mga survey bunga ng di sapat na laki ng sample population at di
pagkakapantay sa pagsurvey ng ibat ibang lahi at kultura (Suler, 1999a; Wallace, 1999). Ayon
kay Maressa Hecht Orzack, direktor ng computer-addiction services sa McLean Hospital ng
Harvard Medical School, ang suliranin ay umiinog sa mga taong gumagamit ng computer at
hindi sa computer mismo. Aniya, gumagamit ang mga taong ito ng computer "bilang isang
kasangkapan sa pag-iwas, pagpapaliban at pagtakas," at "kabilang sa mga madaling magumon sa

-4-

computer ay yaong kabataan na nangungulila o nababagot o kaya ay mula sa mga tahanang wala
silang madatnan pag-uwi mula sa paaralan." (Valenza, 1999).
Magkagayunman, wala pa ring opisyal na kinikilalang palatandaan o diagnosis para sa
adiksyon sa computer at internet. Hindi nababanggit ang naturang "sakit" sa pinakahuling
edisyon ng Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (DSM-IV) na siyang
nagtatakda ng mga pamantayan sa pagkilala sa mga sakit sa pag-iisip (American Psychiatric
Association, 1994). Umaamin naman ang mga nagsagawa ng naturang mga survey na may
pagkakahawig sa ugali at pagkilos ang mga gumagamit ng internet doon sa mga may
pangkaraniwang adiksyon. Sa kanyang online na katha The Psychology of Cyberspace, itinala ni
Dr. John Suler ang karamihan sa mga katangiang ito. Marami pang mga web site na sadyang
nakalaan sa pag-aaral at pagkilala sa sakit na ito. Kabilang na rito ang Center for Internet
Studies ni Dr. David Greenfield, na nag-aalok ng libreng self-questionnaire para sa sariling
pagtukoy kung may adiksyon nga ang gumagamit. Isa pa rin ang Center for On-Line Addiction
ni Dr. Kimberly Young nakikipag-ugnayan sa mga institusyong edukasyonal, pagamutan sa sakit
sa pag=iisip, at mga kompanyang nakikialam sa maling paggamit ng internet. Patunay ito na ang
dumaraming impormasyon tungkol sa adiksyon sa internet ay nagbunsod ng malaking
pangangailangan para sa dagdag na kaalaman sa pagtukoy sa karamdamang ito at sa kanyang
mga "biktima." Inaasahang ang kaalamang ito ang magbibigay-daan sa pagkilala at paglinang ng
mabibisang paraan upang mapigil at maiwasan ang paglaganap ng adiksyon sa internet.
Mga Epekto sa Kabataan
Ayon sa pag-aaral ng HomeNet, ang kabataan ang pinakamadalas gumamit ng internet,
mas madalas pa nga kaysa mga katandaan o kanilang mga magulang. Kung ang mga katandaan
-5-

ay kadalasang gumagamit ng internet dahil sa kanilang hanapbuhay, ang kabataan ay gumagamit


ng internet upang maglaro, makinig sa musika at "makisalamuha" sa iba. Ang pagkakaibang ito
ng layunin ang nagdudulot ng pag-aalala sa mga edukador tulad ni Michael A. Weinstein,
propesor ng Political Science sa Purdue University.

Naniniwala si Weinstein na ang mga

gumagamit ng internet ay "mawawalan ng husay at kasanayan at tiyaga na makihalubilo sa


daigdig sa labas ng cyberspace," at ang internet ay magpapasidhi sa mga negatibong
impluwensiya ng telebisyon sa mga kasanayang panlipunang ito (Weinstein, 1995).

Kung

susundan ang kanyang lohika, tila baga hinihikayat natin ang kabataan na tuluyang mawalan ng
muwang sa pakikipagkapwa at pakikisalamuha.
Sa kanilang mga enkuwentro sa teknolohiya, kalimitang ipinakikilala ang kabataan na
biktima, kundi man ay kriminal. Ang mga nakaraang trahedya sa mga pamantasan, na pinasidhi
ng pagtalakay ng media sa tinaguriang internet "stalkers," ay nagpapasidhi sa mga usapin at
pagkabahala tungkol sa papel ng internet sa lipunan.

Tulad ni Weinstein, marami ang

naglalarawan sa media at teknolohiya kabilang na ang telebisyon, sinehan, at CD bilang


mga salarin sa paglala ng pagpapahalaga at kasanayang panlipunan ng kabataan. Sa pananaw
nila, ang internet ang pasimuno sa "sakit" na ito, bunga ng kakayahan nitong himukin ang
kabataan dahil sa likas na hila sa kanila ng mga maaksyon at nakaaaliw na laro sa internet
(Fainaru, 1998), ng likas na kakayahan nitong makahumaling, at mga nakatutuksong pag-aalok
ng mga tanawin at panooring sekswal. Dahil na rin sa mga likas na kakulangan sa mga pagaaral, tinatayang mananatili ang debate at pag-aalinlangan sa mga nakasasamang epekto ng
inernet sa kabataan.
Nakaiigayang mga Palatandaan

-6-

Taliwas naman sa ganitong takbo ng isip, may mga ulat na di naman sadyang nakasadlak
na ang kabataan sa ganitong pagkagumon, o sa mga epekto nito. Ang mga pinakahuling
stadistika ay nagpapakita ng pagbaba sa loob ng nakaraang limang taon ng mga krimeng gawa
ng kabataan (Tapscott, 1998). Sa kanyang lathalaing "For Adults, 'Today's Youth' Are Always the
Worst," tinukoy ni Mike Males ng L.A.Times na sa loob ng dalawang dekada sa California,
bumaba nang 40 porsyento ang mga kabataang dinakip dahil sa felony at misdemeanor, ang mga
nagpapakamatay na kabataan ay bumaba nang 60 porsyento at mga kamatayang sanhi ng pagabuso sa droga ay bumaba nang 90 porsento. Ayon pa rin sa kanyang ulat "ang mga mag-aaral
ay nagpapakita ng mas mataas na enrolment, iskor sa mga pagsusulit, paghahanda sa kolehiyo, at
kahandaang sumabak sa gawaing volunteer kaysa sa mga naunang henerasyon" at "tanging ang
mga pinakamaralitang kabataan, na nahaharap sa dagok ng kahirapan at kawalan ng hanapbuhay
sa mapamiling panahon na taghirap. . . ang kinakitaan ng pagtaas sa bilang ng krimen at
damdaming pagkahiwalay sa agos ng lipunan." (Males,1998)
Ang iba nga, bukod kay Males, ay nakakakita pa ng kabutihan at bentahe ng internet sa
paghubog sa kasanayang panlipunan ng kabataan. Ayon sa mag-aaral at manunulat na si Matt
Simon (1997), sa isang lathalain sa The Vocal Point: "Bukod sa aspetong teknolohikal, may mga
bentaheng sosyal ding naidudulot ang computer. Sa tuwing iisipin natin ang kabataan at mga
computer, laging sumasagi ang larawan ng mga batang naglalaro ng computer games nang
walang patid at walang pakialam sa oras. Ngunit dapat nating tandaan na maraming mga
pagkakataong ibinibigay sa kabataan na magamit ang computer at internet sa produktibo at
positibong paraan. (Halimbawa), ang Spank Magazine ay isang interactive na babasahing on-line
na may bagong isyu buwan-buwan. Ang mga pahayagang on-line ay daan upang ang kabataan ay

-7-

makasulat at makipagpalitan ng ideya. Ang kaparaanang ito ay libre, abot-kaya ninuman at di na


kailangan pa ang paglilimbag at pamamahaging pisikal ... Ang pahayagang on-line tulad ng
Spank ay isang mabisang paraan para sa kabataan na ipahayag ang sarili." Ang mga ulat tulad
nito ay makatutulong nang malaki sa mga tagasulong ng teknolohiya na labanan ang kaisipan at
pahayag ng mga tagasalungat dito.
Kamulatan ang Siyang Susi
Hindi maikakaila na ang kabataan ay sadyang madaling maakit ng mga likas na
pagkakataongg iniaalok ng teknolohiya ng compuer at ng internet. Pagkaminsan, ang masaklap
na kapalit nito ay ang pagpapabaya sa ibang kaaya-ayang gawain tulad ng araling-bahay at
normal na pakikisalamuha sa kapwa.

Bagamat ang kabataan ay may likas at subok na

kakayahang itama ang mga nakikilang pagkakamali sa buhay, kailangang maging listo at
mapagmasid ang mga magulang para sa palatandaan ng pag-abuso. May iniaalok na online
survey si Dr. Kimberly Young ng Center for On-Line Addiction ang Parent-Child Internet
Addiction Test na maaaring makatulong sa pagkilala sa mga ugali at katangiang nagbabadya ng
pag-abuso. Iminumungkahi naman ng HomeNet study na maging masigasig ang mga magulang
sa pagkontrol at pagbabantay sa paggamit ng kanilang mga anak ng computer at internet, at ang
pakikibahagi sa gawaing ito ng mga anak sa pamamagitan ng paglalagay ng computer sa isang
hayag na lugar tulad ng sala at hindi sa mga pribadong lugar tulad ng basement at silid ng bata.
Anumang ang gawin nila, ang mga magulang at mga anak ay dapat na magkasamang kumilos sa
pagkilala at paglutas sa nakikitang suliranin. May pananagutan din ang mga edukador para sa
mabisang pagsama sa kanilang mga kurikulum ng tamang pagpapahalaga at paggamit ng
teknolohiya. Mahalaga na ituring nila ang computer bilang isang mahalagang pantulong na

-8-

gamit sa edukasyon sa halip na tanging solusyon.

Sa pagsama sa internet sa mga aralin,

kailangang gawing integral na kabahagi ito ng pakikipag-ugnayang sosyal sa loob ng silid-aralan


upang mapanatili ang angkop na balanse ng kasanayang teknikal at sosyal.
Pangwakas
Sa kabila na pagkabalisang nasaad at natalakay, naniniwala ang mga mananaliksik sa
maayos naman ang kinatutunguan ng kabataan. Sadyang mapang-akit at nakakaaliw ang mga
computer, at ang internet ay walang-dudang nakaaaliw dahil sa taglay nitong kakayahang
makapagbigay ng kaalaman, makapagdala sa gumagamit nito sa mga lugar, panahon at antas ng
kamalayan na hindi kayang gampanan ng ibang paraan ng komunikasyon. Sa kalahatan, ang
teknolohiya ay dapat na ituring na isang positibong katulong sa paglago at paglinang ng
pagkatao. Wika nga ni Don Tapscott (1999):
". . . sa tuwing naka-online ang mga bata, sila'y nagbabasa, nag-iisip, nagsusuri,
pumupuna at nagpapatibay bumubuo ng sariling kaisipan. Gamit ng kabataan ang
computer para sa mga gawaing kaakibat ng ating pagkakaunawa sa mga sangkap ng isang
tradisyonal na kabataan.

Ginagamit nila ang teknolohiya upang maglaro. matuto,

makipagtalastasan at bumuo ng mga ugnayan, tulad na ng nakagawian nila bilang mga


bata. Ang paglinang sa pagkatao ay lalo lamang sumisidhi sa isang daigdig na may
interaksyon."

-9-

Mga Pinagkunan ng Kaalaman


American Psychiatric Association (1994). Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders
(4th ed.). Washington, DC: Author
American Psychological Association (1998). "Internet paradox -- a social technology that reduces
social involvement and psychological well-being?" American Psychologist, 53, 1017-1031
Annenberg Public Policy Center (1999, Spring). "Parents fear internet's influence on children."
Media Report to Women: Vol. 27 (pp.7-9). Washington, DC.
Davis, R. (1999). "Is internet addiction real?" Victoria Point Multimedia [On-line]. Available:
http://www.victoriapoint.com/Addiction%20or%20not.htm
Dvorak, J. (1997). "Net addiction." PC/Computing,10, 85-87
Egger, O. (1996). Internet Behavior and Addiction. [On-line]. http://www.ifap.bepr.ethz.ch/~egger
Eykyn, G. (1999). "Internet 'harms marriage'." Victoria Point Multimedia [On-line].
http://www.victoriapoint.com/marriages.htm
Fainaru, S. (1998). "Experts fear video games breed violence." The Boston Globe, October 19
[On-line]. http://www.adn.com/stories/T98110984.html
Gawel. (1999). "Web addiction." Electronic Design, v47. (p32)
Goldberg, I. (1997). "Diagnostic criteria." Internet Addiction Disorder [On-line].
http://www.cog.brown.edu/brochure/people/duchon/humor/internet.addiction.html
Greenfield, D.N. (1999). Virtual Addiction. Oakland, CA: New Harbinger Publications, Inc.
Grohol, R. (1998). "Re: internet addiction (long)." Psychology of the Internet [On-line].
http://lists.cmhc.com/research/1998/0416.html
Kraut, R., Lundmark, V., Kiesler, S., Mukhopadhyay T., & Scherlis, W. (1997). Why people use
the internet. Pittsburg, PA: Carnegie Mellon University. [On-line].
http://homenet.andrew.cmu.edu/progress/purpose.html
Males, M. (1998). "For Adults, 'Today's Youth' Are Always the Worst." L.A. Times [On-line].
http://www.latimes.com/cgi-bin/slwebcli?
DBLIST=lt99&DOCNUM=99704&QDesc=For Adults, 'Today's Youth' Are Always the
Worst
Simon, M. (1997). "How internet has an effect on the social skills of children." The Vocal Point
[On-line]. http://http://bvsd.k12.co.us/cent/Newspaper/dec97/p7/stories/simon.html

- 10 -

Suler, J. (1996). "Review of the internet aggression by Norman Holland." The Psychology of
Cyberspace [On-line]. http://www.rider.edu/users/suler/psycyber/holland_rev.html
Suler, J. (1999a). "Computer and cyberspace addiction." The Psychology of Cyberspace [Online]. http://www.rider.edu/users/suler/psycyber/cybaddict.html
Suler, J. (1999b). "Internet demographics 1998." The Psychology of Cyberspace [On-line].
http://www.rider.edu/users/suler/psycyber/stats.html
Tapscott, D. (1999). "The kids are alright: technology doesn't make them 'little criminals'."
Victoria Point Multimedia [On-line]. http://www.victoriapoint.com/child_technology.htm
U.S. Census Bureau. (1997). Computer use in the United States. Washington, DC:[On-line].
http://www.census.gov/prod/99pubs/p20-522.pdf
Valenza, J. K. (1996). "Lonely and bored children may use computer as escape." School
Crossings [On-line]. http://crossings.phillynews.com/archive/k12/SKUL25.htm
Wade, P. (1999). "Practice agenda - technology 3rd question." American College Personnel
Association [On-line]. http://www.acpa.nche.edu/tech3.htm
Wallace, A. (1999). The Psychology of the Internet. New York: Cambridge University Press.
Weinstein, M. A. (1998). Net Game - an American Dialogue. [On-line].
http://www.ctheory.com/ga1.12-net_game.html
Young, K. S. (1998). Caught in the Net. New York: John Wiley & Sons, Inc.

- 11 -

You might also like