You are on page 1of 14

PANIMULA

Isa ang Pilipinas sa mga bansang laganap ang paggamit ng ipinagbabawal na

gamot o ilegal na droga. Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan

hindi lamang dahil sa maraming buhay ang nawawasak at napipinsala kundi gayundin

ang kinabukasan ng mga kabataan. Sinasabing matagal ng nilalabanan ng ating

gobyerno ang pagsugpo sa droga na kung saan itinuturing na matinding salot sa ating

lipunan. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipahayag at maipakita ang

napapanahong isyu sa bansa. Nakapaloob dito ang mga kasagutan sa mga tanong at

makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa paksa. Ano ang droga?Ano ba ang epekto

nito sa lipunan, lalo na sa mga kabataan? Paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng

isang pamilya? Paano kaya hihikayatin ang mga kabataang gumagamit ng droga upang

tumigil sa masamang bisyo? Nakasaad din sa pananalikisk na ito na magbigay

solusyon kung paano makakatulong sa pag-iwas at masugpo ang ipinagbabawal na

gamot.

Ang ipinagbabawal na mga gamot, o mapanganib na mga gamot, ilegal na mga

droga ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at mga pagkain,

nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan at katawan din ng tao. Batay sa talaan ng

Batas Republika bilang 9165 (Republic Act 9165) ng Pilipinas, tinatawag at itinuturing

na bawal na gamot ang mga sumusunod at kanilang mga kauri: marihuwana, resin ng

marihuwana, langis ng resin ng marihuwana, ang ecstacy (methylenedioxy

methamphetamine o MDMA), paramethoxyamphetamine (PMA), trimethoxy

amphetamine (TMA), liser hikong asidong dietalimo (lysergic acid diethylamine o LSD),
gamma hydroxybutyrate (GHB), methamphetamine hydrochloride (mas tanyag bilang

shabu, ice, o meth), opy, morpina, heroina, at kokaina (cocaine hydrochloride). Kabilang

din sa mga ito ang anumang bagong natuklasang mga gamot at pinagkunan ng mga ito

na hindi nakakagamot, bagkus ay nakakapinasala sa tao.

Nakapagdulot ito ng pansamantalang ginhawa at pag-inam ng pakiramdam sa tao

dahil sa epekto ng gamot na ito sa panggitnang sistema ng nerbiyos ng katawan.

Maituturing na matinding salot sa lipunan ang bawal na gamot dahil ito ay nagbubunsod

sa mga gumagamit na gumawa ng masama na nakakasira sa kanilang pamumuhay.

Maikokonekta ang pagtaas ng krimen sa Pilipinas sa mataas ding porsyento ng mga

gumagamit ng droga. Kadalasan, ng mga dahilan ng mga kabataang Pilipino tungkol sa

paggamit ng droga ay depresyon sa poblemang pampamilya, mga panghihikayat ng

mga kaibigan, impluwensya mga kamag-aral at pag-eeksperimento ng droga. Ang

pagkalulong sa bawal na gamot o drug adiksyon ay ang pagkakaroon ng

pagkahumaling o pagkaadik ng isang tao sa droga. Isang uri ng karamdaman na

mahirap maiwasan ng isang taong nasa ganito nang kalagayan. Maaring isang biktima

ang taong adik ng pangnangalakal ng mga ito at dahil na rin sa kaniyang sariling

pagpapasya. Sa kalaunan, naaapektuhan ang sistemang panunaw ng tao, ang kanyang

pagtulog, nagkakaroon ng pagka-iretable ng sistemang nerbiyos o pagkasira ng isipan

at utak ang adiksyon sa gamot.

Mapanganib ang droga kaya dapat itong iwasan. Sa pag-aaral na ito nakasaad

ang mga posibleng solusyon sa problema. Inihayag ng Philippine National Police Anti

Illegal Drugs Group ang kampanya na maging hakbang upang solusyunan ang

problema sa droga pero ang tanong sapat ba ito? Droga. Simpleng salita lamang na
hindi mo akalain na dahil diot ay libo-libo ang namamatay. Ang tamang solusyon ay ang

tinatawag na “pagbabago”. Ang pagbabago sa sarili na may kasamang tamang

pagdedesisyon at gabay ng mga magulang ang posibleng mga paraan para maiwasan

ang pagkalulong dito. Mahalagang masolusyunan agad ang paglaganap ng bawal na

gamot bago pa ito makapinsala at makawasak ng maraming buhay. Tatalakayin sa pag-

aaral na ito ang mga kaalaman at pananaw ng mga kabataan tungkol sa ilegal na

droga. Malaking tulong ito para maintindihan at maunawaan ang tamang impormasyon

tungkol sa ipinagbabawal na gamot.


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Isa na yata sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa ay ang unti-unting

pagkahumaling ng mga kabataan sa bawal na gamot. Sa pagsusumikap na makaiwas

sa mga sariling problema may ilang mga kabataan ang gumagamit ng bawal na gamot.

Ang ilan ding dahilan ay ang pagkamausisa (curiosity),udyok ngmga kasamahan

( peer pressure), di pantay na kalooban (insecurity), pagtakas (escape), pagkainip o

pagkayamot (boredom), pagrerebelde (rebelliousness) at pampalit sa makahulugang

pakikipag-ugnayan.Layunin ng pag-aaral na ito ang maglikom at magbigay

impormasyon sa mga kabataan at magulang, hinggil sa naging epekto ng paglaganap

ng bawal na gamot sa bansa at sa mga estudyante.

Ang pag-aaral na ito ay sisikaping masagot ang mga sumusunod na mga

katanungang nakapaloob sa aming paksa:

1. Ano ang droga?

2. Ano ba ang epekto nito sa lipunanan, lalo na sa mga kabataan?

3. Paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng isang pamilya?

4. Paano kaya hihikayatin ang mga kabataang gumagamit ng droga upang tumigil sa

masamang bisyo?

5. Paano makakatulong at makapagbibigay ng soluson sa napapanahong isyu sa

kinakaharap?
TALATANUNGAN

Tinatawag na kwantitatibong impormatibong pananaliksik ang gagamitin sa pag-aaral

na ito. Ang mga sumusunod ay ang gagamiting katanungan sa sarbey sa mga

respondent sa ikasampung baiting ng Mataas na Paaralan ng Muntinlupa:

1. Mahalaga ang pag-inom ng tamang gamot na iniresita ng doktor.

2. Ang droga ay nakakasira sa kinabukasan ng mga kabataan.

3. Pagtibayin ang pagpapatupad ng pagbabawal na paggamit ng ecstacy.

4. Iwasan ang mga taong maaaring maghikayat sa paggamit ng ecstacy.

5. Makakatulong ang paggawa ng tamang desisyon para maiwasan ang droga.


6. Ang matagalang paggamit ng shabu ay nakakabaliw at nakakasira ng ulo.

7. Epektibo ang paraan ng gobyerno sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.

8. Ang droga ang pinakamatinding kinakaharap ngayon ng ating bansa.

9. Ang paggamit ng droga ay nakakapanakit sa mga tao, kahit ano pa man ang

iyong pinanggalingan, estado sa buhay maging ikaw ay mayaman o mahirap.

10. Ang paggamit ng bawal na gamot ay maaaring tumulak sa isang tao na maging

bayolente.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang mga pananaw at iba’t ibang

saloobin ng mga kabataan hinggil sa panganib na dulot ng ipinagbabawal na gamot. Ito

ay para na rin mas maintindihan at maunawaan ng mga kabataan ang tamang

impormasyon tungkol sa droga at maiwasan ang pagkalulong dito. Malaking tulong ito

sa iba pang pananalikisk dahil malalaman nila ang mga pananaw ng mga kabataan

tungkol sa droga. Maaari din itong makapagbibigay ng tulong o lunas sa napapanahong

isyu na ating kanakaharap. Mahalagang masolusyunan agad ang paglaganap ng bawal

na gamot bago pa ito makapinsala at makawasak ng maraming buhay. Ang pag-aaral

na ito ay mabisang paraan sa pagbibigay ng tamang desisyon sa pagkaiwas sa

ipinagbabawal na gamot. “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Kaya’t nararapat

lamang na ang mga kabataan ay makaiwas sa mga panganib lalo na ang paggamit sa

ilegal na droga. Kinakailangang mas bigyan ng atensyon ng pamahalaan ang kanilang

mga kinabukasan.
SAKLAW AT LIMITASYON

Ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral ay mga kabataan na babae at lalaki na

hindi gumagamit ng ilegal na gamot na nasa ikasampung-baitang sa Mataas na

Paaralan ng Muntinlupa. Kukuha kami ng apatnapung respondente sa pag-aaral na

ito. Dalawampu (20) dito ang mga babae at dalawampu (20) ang mga lalaki.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

DAHILAN AT RISK FACTORS NG GAMOT NG KABATAAN:

1.Pamilya- pagkakaroon ng mababang superhisyon ng magulang o hindimagagandang

komunikasyon, conflict o problema sa pamilya, historyng pangaabuso sa pamilya at

paggamit ng alcohol ng kapamilya.

2.Indibidwal- history ng pisikal o sexual na pag-abuso, problema saeskwelahan o

emosyonal, hindi matatag o stable na emosyon, nag-hahanap ng saya o experimenting

saya (thrill seekers), mga mahilig makikipagsapalaran (adventure seekers), ang alam ay

mababa langang dulot na kasamaan ng droga.

Ang pagka-adik sa droga ay isang sakit sa utak dahil ang pag-abuso sa droga ay

maaaring humantong sa pag-iiaba na mga instruktura at gamit ng utak. Dahil na rin sa

pagbabagong ito ng utak ay mahihirapan ang isang tao na tumigil sa pag-paggamit ng

droga. Paano nga ba ang mga pangyayari na nangyayari sa ating utak kapag umiinom

tayo ng droga; Kapag ang tao ay gumagamit ng mga droga. Ang normal na sistemang
pang-komunikasyon nito ay nasisira kaya na-iiba ang pag-papadala, pag-tanggap at

pag-progreso ng komunikasyon. Maaring ito ay sa pagitan ng pag-gaya sa natural na

kumikitil na mensahero ng utak o sa sobrang pagistimulate ng tinatawag na “New

& Circuit´ ng utak. Ilan sa mga halimbawa ng mga droga na nakakaapekto sa utak ay

ang marijuana at heroine. At may kaparehas na istruktura katulad ng mga kemikal na

mensahero kaya maari nitong maloko ang mga receptors ng utak at mgapapadala ng

mga abnormal na mensahe sa utak na maaari rin magdulot ng pagkabaliw. Ang cocaine

at methamphetamine ay maaaring mgahatid ng abnormal na pagdami ng

neurotransmitters o kaya ay pigilan ang normal na pag-recycle ng kemikals ng utak.

Kapag nangyari ito maaari nitong maharangang todo ang pagproseso ng

komunikasyon. Dahil na rin sa mga nasabing dahilan kaya ang pagtigil sa paggamit ng

bawal ng gamot ay hindi lang nakasalalay sa kagustuhan ng isang tao. Kailangan itong

irehabilita at gamutin.

PINAGKUHANAN NG SALIKSIK: NATIONAL INSTITUTE OF DRUGS ABUSE. ³PRINCIPLES

OF DRUG ADDICTION TREATMENT: A RESEARCH BASED GUIDE.´ FEBRUARY 31, 2005,

FEBRUARY 8, 2005.

MGA KARANIWANG DROGA NA INAABUSO NG MGA KABATAAN:

1.Sigarilyo (Ano Mang Uri: SIGARILYO, TOBACCO)

2.Cannabinoids (Marijuana)- Tinatawag Din Ito MinsanInsang Pot, Weed,Marry Jane.

Herb ± Ito ay ginagamit sa pamamagitan ng isang pipe.

3. Cold Medications/Gamot sa ubo at sipon (Benadryl,Sudaffed)


4.Inhalants(Gasolina, Ammonia, Rugby)- Ito ay sinisinghot sa pamamagitan ng plastic,

bote o kahit anong bagay na sarado.

5.Depressants (Barbiturates/Benzodiazepines)-Tinatawag din ito minsan

“Reds,jelleows, yellow jackets, doamey o roofies”.

6.Stimulants (Amphetamines, Cocaine, Methamphetamine)-Tinatawag din itong

³Bennies, Black Beanties, Spod, Uppus, Blow,Craek, Rock, Toot, Crank, CrystalL o

Skippy”.

7.Narcotics( Morphine, Heroine, Codeine, Oxycontin, Vicodin)

8. Hallucinogens (LSD, Mushroom)

9.Dissociafire Anesthetics (PCP, Ketamine/Penyclidine)

10.Club Drugs- Exstacy11.

PINAGKUHANAN NG SALIKSIK: NATIONAL INSTITUTE ON DRUG ABUSE- COMMONLY

ABUSED DRUGS´ FEBRUARY 2009

ANG MGA STATISTICS NG MGA KABATAAN NA NAGAABUSO NG DROGA:

1.3000 na kabataan ang humihithit ng una nilang sigarilyo bawat araw 1/3 dito ang

nagiging manigarilyo.

2.Noong 2004 Ang mga kabataan na gumagamit ng droga sa isang buwan ay 27 %.

3. Noong 2002 1/3 ng mga kabataan ay gumagamit ng marijuana.

4.Bumaba ang paggamit ng droga ng mga kabataan simula 2001


PINAGKUHANAN NG SALIKSIK: Dickler, Patrick.´Teen drug abuse declined in 2002, Report shows

National institute of drugs abuse. Vol17, No.5 January 2004

ANO ANG MGA EPEKTO NG PAG-ABUSO SA DROGA NG MGA KABATAAN:

1.Ano mang droga ay nakakapagpababa ng abilidad ng kabataan na magbigay ng

atensyon sa mga bagay.

2.Mas bata na nagsimula na gumamit ng droga ay may malaking posibilidad na

magkaroon ng problema sa pag-abuso at magkaroon ng relapse kapag sumubok

tumigil.

3.Maari rin silang magkaroon ng unprotected sex, pakikipagtalik sa hindi kakilala at

anumang gawaing seskwal.

4.Ang paggamit ng droga ay maaaring mag mask o itago ang ano mang problemang

emosyonal kagaya ng anxiety, depression, mood swings o hallucinations.

5.Ang pag-gamit ng Anabolic Steroids ay maaring magdulot ng pagkabaog o problema

sa ereksyon ng mga lalaki at paglaki ng clitories sa mga babae. Maari rin itong

magdulot ng pagkakalbo, problema sa paglaki ng puso at atake sa puso, stroke, sakit

sa liver, cancer, acne at iba pang impeksyon katulad ng Aids.


6.Maari tin itong magdulot ng pagkasira ng utak (INHALANTS), atake sa puso

(STIMULANTS), problema sa paghinga (SEDATIVES), maari rin itong magdulot ng

pagkamatay.

PINAGKUHANAN NG SALIKSIK: National Institute on drug abuse.´principles of drug addictiontreatment

based guide´ February 8, 2005 March 31 2005

PAANO MAIIWASAN NG MGA MAGULANG ANG PA-GGAMIT NG DROGA NG

KABATAAN:

-Tamang komunikasyon na galing sa magulang ukol sa mga negatibo pisikal,

emosyonal at pang-katawang epekto ng droga ang dapat ipaliwanag sa anak.

Pagsuperbisa ng mga anak ay importante rin.

-Kailangang malaman din ng mga magulang kung paano, saan, at kanino

nakikipagbarkada ang anak pati na rin ang paglimita ng mga access sa mga droga.

-Maari ring gawing kaunti lamang o limitahan ang dami ng alcohol gamit ang panlinis o

inhalants at mga gamot na nakatagpo sa bahay at palaging tingnan o icheck ang bilang

nga mga ito.

PINAGKUHANAN NG SALIKSIK: ZICKLER,PATRIC.´ ETHNIC IDENTIFICATION & CULTURALTIES

MAY HELP PREVENT DRUG ABUSE´ NATIONAL INSTITUTE ON PNG ABUSE. VOL.16 NO. 2

MAY 2008
Illegal na Droga

Madalas ang alam nating lahat ay ang illegal na gamot ay nakakasama sa katawan

ngunit meron din naman itong ibang mga positibong naiibibigaysaatin.Ang ibang mga

illegal na droga ay ginagamit ding pangpamanhid ngsugat lalo na sa mga kakaopera pa

lamang. Ito ay nakakapagpabilis ngpaghilom ng isang sugat. Ngunit hindi ito puwedeng

masobrahan dahil maari itong magdulot ngmasama sa ating katawan. dapat paring

magingat dahil kahitnakakapagpagaling din ito ay dilikado kapag lagging ginagamit o

kapag itoay nasobrahan .

Bakit ang illegal na droga ay nakakasama sa katawan ng tao?

Ang illegal na droga ay nakakasama sa katawan ng tao kung ito ayaabusuhin. Lalo na

sa mga bata at teenagers na lumalaki pa.Ang mga sakit na puwedeng makuha sa illegal

na droga ay angpagkasira ng utak, pagkakasakit sa puso at sa iba pang mga

importantengparte ng katawan.At para naman sa mga batang nag-drudrugs ay hindi

nakakapagkoncentra sa skwelahan mga laro (sports) at iba pang extra

curricularactivities.At ang palaging sintomas para sa mga bata at teenager ay ang

hindimalinaw na mata o panglalabo ng mga mata, humihina sa klase, hindimakapag isip

ng tama at nakakapag pa bobo at hindi makapag bigay ngtamang decisions.

Bakit gumagamit ng droga ang isang tao?

Madalas ang mga bata at teenagers ay nahihikayat lang ng mgakaibigan o mga

kabarkada nila na gumamit ng illegal na gamot. Kadalasa’yginagawa nila ito para ³in´

sila sa grupo. O minsa’y sila ay inaapi kayanaman gumamit sila ng illegal na droga.Ang
mga droga ay maaring gamitin ng maraming tao sa maramingrason pero ang iba gusto

lang nilang umalis o takasan ang mga problema nila na akala ay mawawala pero hindi

pinalala lang nila ang mga problemanginiwan at idinaan nalamang sa pag drudrugs.Ang

droga ay hindi nakakaresolba ng isang problema at ito rin aynagdudulot ng pagkakasit

at maapektohan ang pamumuhay ng taongumiinom ng illegal na droga.At ang isang

tao kapag nalulon sa droga nagiging dependent sila dito at ang feeling nila ay hindi sila

mabubuhay kung wala silang iniinom nadroga. At kung ang isang tao ay na addict na sa

illegal na droga ay mahirapng matanggal ito.At may 88.1% na kapag gumaling ka ay

babalik ka sa pagiging drug addict.

Paano mo masasabi na ang isang tao ay gumagamit ng drogaparticular sa mga

teenagers?

Kung ang isang tao ay gumagamit ng droga mahahalata mo ang mgapagbabago sa

katawan niya at sa pagiisip niya. Ang mga galaw ng isangaddict ay naiiba din sa

normal. Isa sa mga sintomas ng mga bata atteenagers ay ang depression, stress,

nawawalan ng interest sa skwelahan at mag aral, hindi na pumapasok at sila ay

nagiging emosyonal. At para naman sa mga matatanda ay depression, stress,

moody,negatibo, may sariling mundo, gusto lagging mapag isa hindi

nakakapagconcentrate, hindi makatulog, lagging napapaaway, namumula ang

mgamata at nababawasan ng timbang.


DISENYO NG PAG-AARAL AT PAMAMARAAN

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng paraan ng paghahanap ng mga datos sa

pamamagitang ng paggamit ng talaan ng mga tanong o questionnaire, kung saan

nakapaloob ang mga tanong na makakatulong sa pananaliksik. Nakakuha ang

mananaliksik ng mga ideya at opinyon ng mga respondente sa dokumentasyon.

Naghanap din ng datos sa internet para mas lalo pang mapalawak ang paksang

tinalakay. Malaking tulong ito sa pagbibigay ng impormasyon at maunawaan ang

paksang napili.

You might also like