You are on page 1of 3

KABANATA 1

I. KALIGIRAN AT SULIRANIN NG PAG-AARAL


Sa panahon ngayon , hindi maitatangging tunay na laganap ang
paninigarilyo at pag-inom ng alak sa Pilipinas. Kung inyong mapapansin tila bawat
sulok n gating bansa ay pinalibutan ng mga gumagamit ng sigarilyo at alak. Maging
mayaman man o mahirap , matanda man o bata , may sakit man wala , kahit ang
mga mismong mga doctor ay gumagamit din ng sigarilyo. Kaya hindi
makapagtataka kung matutularan na nang mga kabataan ang ganitong gawain.
Karamihan ang kabataang kalalakihan ang laging maaapektohan. Ito ay
makakasama lalo na’t nasa murang edad pa lamang ang mga kabataang ito at tiyak
na kapag mapabayaan ay pwedeng ikamatay nilo o magkaroon sila ng hindi
magandang kinabukasan.
Mnkaikita naman natin na ang mga kabataan ay malulong na sa bisyong ito
at isinasantabi na lang ang pwedeng makuhang sakit sa baga dahil sa labis na
paninigarilyo. Sa ngayon hindi pa nila mararamdaman ang mga iba;t ibang sakit na
pwedeng tumama sa kanila , dahil mga bata pa sila.
Ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ng mga kabataan ay maituturing na
isa sa masamang bisyo at isyung patuloy na pinagtatalunan at sinusubokang
maibsan dahil dumarami at tila pabata nang pabata ang sumusubok at gumagamit
ng sigarilyo at alak.

Ang pananaliksik na ito ay para sa mga kabataan upang maunawaan at


malaman nila kung anu ano ang epekto sa kanila ang paggamit ng sigarilyo at
pasinom ng alak. Ang masamang bisyo ay hindi lamang ito nakakaapekto sa mga
matatanda lalo na sa mga magulang.

II. PAGLALAHAD NG LAYUNIN


Pangkalahatang Layunin
Ang pananaliksik na ito ay aming isinagawa bilang pagtugon sa isang
pangangailangang makapangalap ng impormasyon, upang magbigay kaalaman at
magpalaganap ng “awareness” sa bawat individwal na may kinalaman sa isyung
tinatalakay sa pag-aaral na ito na patuloy ang paglaganap sa ating bansa o lipunan. Sa
pamamagitan ng mga kaalamang makaukol ditto, mas madadagdagan pa at mapapalawak
pa an gating kaisipan, karununga at kaalaman.

Tiyak na Layunin
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang maipaalam at
maunawaan ng mga kabataan ang maaaring epekto kapag nalulom sa bisyong
paninigarilyo at pag-inom ng alak. Sakop din nito ang mga kadahilanan o sanhi ng
bisyong nabanggit.
Sa pag-aaral na ito tiyaking sinagot ang mga sumusunod na mga layuni.
A. Matukoy kung ano ang sigarilyo at alak.
B. Malaman ang iba’t ibang aspektong maapektohan sa buhay ng isang
kabataan dulot ng alak.
C. Matukoy ang mga sakit na maaaeing makuha sa paninigarilyo.
D. Matukoy ang mga sakit na maaring makuha sa pag-inom ng alak.
E. Matukoy ang karaniwang dahilan at ugat kung bakit naninigarilyo at
umiinom ng alak ang kabataan.
F. Matuklasan ang karaniwang edad ng mga kabataang lulom sa sigarilyo
at alak.
G. Matukoy ang iba’t ibang paraan o pamamaraan ng pagkontrol sa mga
naninigarilyo at uminom ng alak.
H. Mapausbong ang kaalaman ng mga estudtyante o kabataan sa paksa ng
masamang bisyo at paano iwasan ito.

III. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL


Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman at matukoy natin o
mang isang tao ang dahilan o sanhi ng paggamit ng sigarilyo at pag-inom ng alak
at gayon din ang epekto nito.
Ang mga sumusunod ay ang kahalagahan ng pag-aaral na ito sa mga:
Kabataan
Ang pag-aaral na ito ay makkatulong sa pagmulat sa mata ng kabataan ukol
sa masamang bisyo particular ang paninigarilyo at pag-inom ng alak na makakasira
sa kanilang kinabukasan.
Magulang
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga magulang kung ano ang
dapat nilang gawin o paano nila ito maaagapan. Makakatulong din ito sa
pagdididiplina sa kanilang mga anak.
Researcher
Sa pamamagitan nito makakatulong ito sa mga researcher upang makaklap
ng impormasyon na makakatulong sa kanila sa kung paano makakatulong sa mga
masasamang bisyo ng kabataan.
Kumunidad at Pamahalaan
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong para makontrol at kung ano ang dapat
nilang ipatupad na mga batas ukol sa mga masamang bisyo at paano ito maagapan.
Nakakatanda
Para malaman nila angmagiging impluwensiya nila sa mga kabataan at para
na rin maitago ang kanilang bisyo sa kabataan para hindi sila makaakit na sundin
at gayahin sila lalo na sa paninigarilyo.
IV. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pananaliksi na ito ay nakatuon sa pakalap ng mga datos at
saloobin ng mga kabataan sa usaping paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Ang pag-aaral na ito ay sumaksaklaw sa mga posibleng dahilan at epekto
ng ng paggamit ng sigarilyo at pag-inom ng alak.kasama din sa pananaliksi
na ito ang maaaring solusyon o paraan sa pagkontrol ng masamang bisyong
ito. Gayon din ang mga panukalang batas at programang isinasagawa ng
gobyerno upang maibsan at matugunan ang suliraning ito.

V. KATUTURAN NG MGA TERMINOHOHIYANG GINAMIT


Alcoholic Drink-isang iniumin na nalalaman ng ethanol.

Nicotine - pangunahing sangkap na nakukuha sa paninigarilyo.

Tar - isa sa mga kemikal na nagdudulot ng paninigarilyo.

Bisyo - kaugaliang imoral o makakapagbaba ng pagkatao.

Menor de Edad – mga kabataang wala pa sa hustong gulang karaniwang nasa 19 pababa
ang edad.

Hangover – pagsakit ng ulo kinabukasan matapos uuminim.

Liver Cirrhosis – isang uri ng sakit na nakukuha sa patuloy na pagkonsumo ng alak.

Tuberculosis – sakit na sanhi o dulot ng sobrang paninigarilyo.

Coronary Artery Disease – isang sakit dulot ng baradong artery na makukuha sa


bisyong paninigarilyo.

You might also like