You are on page 1of 4

“Sanhi at Epekto ng Maagang Pagkalulong sa Alkohol at Sigarilyo

sa Akademikong Aspeto ng mga mag-aaral

ng Del Pilar Academy”

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Sa makabago at modernong panahon ngayon, maraming tao pati na rin kabataan ang sumusubok ng iba’t-
ibang bagay tulad na lamang ng paninigarilyo at pag inom ng alak . Hindi maitatangging tunay na laganap ang
mga ito sa ating bansa. Tila napakalaking suliranin sa ating bansa ang paninigarilyo at pag-iinom ng alak, bata
man o matanda, mahirap man o mayaman, propesyunal man o simpleng tao lang ay kinahuhumalingan din ang
bisyong ito.

Pinaniniwalaan na ang pinagmulan ng sigarilyo ay kinuha sa lugar ng Amerika at noong unang panahon pa
lamang ay laganap na ang gawaing ito. Ang produksyon ng tabako ay nagsimula sa Amerika, kung saan sinimulan
ng mga tao ang pag-ubos ng mga dahoon para sa paninigarilyo. Ang unang mga gumagamit ng ay tinuturing na
mga Mayan sa kabihasnan sa gitnang Amerika. Ang mga tao ng mga Aztecs sa Timog Amerika ay sinundan ng
durog na dahon ng tabako, ibinalot ito sa pinatuyong palat ng mais para sa paninigarilyo. Sa kabilang banda ay
meron rin itong naitutulong sa pagpapakalma ng isipan ng isang tao lalo na at kung ito ay may dinaranas na
problema.

Maaari rin sa pagkahumaling sa mga bisyong ito ay maapektuhan ang kanilang kinabukasan ng isang mag-
aaral dahil kapag ito ay nakasanayan ay maaring maka apekto sa pang akademikong pagganap ng estudyante.
Kaya naman naglatag ng isang panukalang batas ang gobyerno ng Pilipinas at ito ay tinkaugnayan Republic Act
9211 of 2003 o mas kilala bilang Tobacco Regulation Act of 2003 na nalagdaan ng dating pangulo Gng. Gloria
Macapagal-Arroyo, na nagsasaad ukol sa pagkontrol sapaggamit ng produktong tabako na nagpapatibay upang
isulong ang pagkakaroon ng isang kapaligirang nakakabuti sa mental na kasulusugan ng mga mag-aaral,
palaganapin ang impormasyon tungkol sa masasamang epekto ng paninigarilyo, ilayo ang mga kabataan o mga
taong nahuhumaling sa bisyong ito. Sa ilalim din ng batas na ito, ipinagbabawal ang paninigarilyo sa lahat ng
pampublikong lugar gaya ng paaralan, ospital, mga terminal, restawran at iba pa. Bawal na rin ang pagbebenta ng
sigarilyo sa mga tindahan malapit sa mga paaralan at hindi maaring pagbentahan ang mga menor de edad.

Ayon sa survey (2014), paninigarilyo ang una sa mga bisyong kinahuhumalingan ngayon ng maraming
kabataan. Halos kalahating porsyente sa bilang ng ating mga kabataan sa ngayon ang nakatikim o nakaranasan
nang manigarilyo. Dito sa ating bansa, ang mga kabataan ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na pitong (7)
taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang. Inihayag ng isang opisyal
ng Department of Health (2014) na isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang nasisira ang
kinabukasan sa bawat oras bunga ng pagkalulong na may kaugnayan sa paninigarilyo.

Noong ika-16 na siglo, ang alkohol ay ginamit nang pangunahin para sa panggagamot. Sa simula ng ika-18
siglo, nagpasa ng batas ang Batasan ng Inglatera na nagsusulong sa pagamit ng mga butil para sa pagdidistila ng
mga espiritu. Sa Britanya, ang pag-inom ng gin ay umabot sa 18 milyong galon at naging malawakan ang
alkoholismo. Ang ika-19 na siglo ay nagdala ng pagbabago sa mga saloobin at nagsimulang itaguyod ng
temperance movement ang hinay-hinay na pag-inom ng alkohol na hindi nagtagal ay naging pagtaguyod para sa
lubusang pagbabawal. Noong 1920 ang Estados Unidos ay nagpasa ng isang batas na nagbawal sa paggawa,
pagbebenta, pag-aangkat at pagluluwas ng nakalalasing na mga alak. Ang ilegal na pangangalakal ng alkohol ay
lumaganap at noong 1933, ang pagbabawal sa alkohol ay pinawalang-bisa. Ngayon, ang humigit-kumulang 15
milyong Amerikano ang nagdurusa sa pagkagumon sa alak at 40% ng lahat ng kamatayan dahil sa aksidente sa
sasakyan sa Estados Unidos ay kinabibilangan ng alcohol.

Taong 2011, Inihain sa Senado ang panukalang batas na naglalayong parusahan ang mga menor de edad na
mahuhuling umiinom at nakakalusot na bumili ng alak kahit ipinagbabawal ng batas ang pagbebenta nito sa wala
pang 18 taong gulang. Senate Bill 2626 o Anti-Underage Drinking Act na inihain ni Senator Ramon Bong Revilla
Jr. Ang mga kabataan o menor de edad na mahuhuli ay aatasan na mag community service at ipapaliwanag din sa
mga ito ang negatibong idinudulot ng pag-inom ng alcohol. Ang mga establishments naman na mahuhuling
nagbebenta ng alak sa mga kabataan ay pagmumultahin ng mula P10,000 sa unang paglabag at P50,000 sa mga
susunod na paglabag. Kabilang sa mga ituturing na alcohol ang whisky, brandy, rum, gin, tequila, at vodka, at
mga kahalintulad na inumin. Kabilang din ang mga malt beverages, mixed o fermented liquors, kasama ang tuba,
basi, tapuy at lambanog. Iniutos ng Pangulong Rodrigo Duterte noong taong 2017 sa lahat ng mga lokal na
pamahalaan at sa mga police officials ang pag-aresto sa mga sinumang mahuhuling umiinom ng alak sa mga kalye.

May pagkakataon din na ang paginom alak ay may magandang epekto sa kaisipan ng tao, katulad na lang na
ito ay nakakabawas ng pagkapagod sa katawan. Lagi lamang natin tandaan na dapat ay malimit o balanse ang
paginom natin ng alak at huwag ito gawing bisyo dahil mayroon pa rin itong masamang epekto lalo na kung
nakasanayan. Ayon sa isang pag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas (2015) , aabot sa 5.3 milyong kabataang
Pilipino ang umiinom ng alak. Ito’y sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa batas ng pagbebenta ng alak at
anumang nakalalasing na inumin sa mga menor de edad. Subalit para sa isang bansang tila na parte na ng halos
lahat ng okasyon ang pakikihalubilo sa pamamagitan ng pag-inom at pagtoma, may ilan na tila nasosobrahan.
Kung kaya’t nais naming isagawa ang pag-aaral na ito upang mailahad sa mga gumagamit , hindi gumagamit ng
sigarilyo at alkohol ang iba’t-ibang masasamang epekto ng mga ito sa kanilang akademikong pagganap.

LAYUNIN NG PAGAARAL
Ang mga sumusunod na nakatala ay ang mga layunin ng pag-aaral na ito:

1. Upang malaman ang kanilang dahilan sa pag subok at pagkagusto ng mga bisyong ito.
2. Upang matuklasan ang epekto ng sigarilyo at alkohol sa akademikong aspeto ng mga mag-aaral
3. Upang magkaroon at maunawaan ang bawat pananaw sa bawat pahayag nila mabuti man o masama.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Mga posibleng suliranin na maidudulot sa mga kabataang maagang nalulong sa masamang bisyo ayon sa mga
sumusunod:

1. Anu-ano ang mga dahilan ng mga mag-aaral sa Del.Pilar Academy upang pumasok sa bisyong alkohol
at sigarilyo?
2. Anu-ano ang dalang pagbabago ng mga bisyong ito sa akademiko ng bawat mag-aaral?
3. Paano ba naapektuhan ang mga desisyon ng bawat batang lulong sa masamang bisyo?

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL


Ang pananaliksik na ito ay kinakailangan upang maipabatid sa bawat mamamayan at tao ang posibleng
kahinatnan nito:

Mag-aaral- ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagmulat sa mata ng bawat kabataan ukol sa masasamang
bisyong nakakasira sa kanilang kinabukasan.

Magulang- ang pananaliksik na ito ay makakatiulong sa mga magulang kung ano ang nararapat nilang gawin at
kung paano nila maagapan. Makakatulong din ito sa pag bibigay linaw at pag didisiplina sa kanilang mga anak.

Reseacher- sa pamamagitan nito makakatulong ito sa mga researcher upang makakalap ng impormasyon na
makakatulong sa kanila.

Komunidad at Pamahalaan- ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang mabigyan ng sapat na kaalaman
ang bawat itinalaga kung paano nila pamumunuan at aagapan ang ganitong problema sa pamamagitan ng
ipapatupad na batas.
Nakatatanda- magbibigay kalinawan at kaalaman ang magiging impluwensiya nila sa mga kabataan at para rin
maiwasang gayahin o sundin sila lalo na sa paninigarilyo at pag inom ng alak.

KONSEPTWAL NA BALANGKAS
Ang konseptwal na balangkas ng paksang ito ay ginamitan ng input-process-output model. Inilalahad ng
input frame ang profile ng mga tagatugon tulad na lamang ng kanilang edad, kasarian, katayuan sa buhay at antas
bilang mag-aaral. Mga karaniwang sitwasyon na pinag dadaanan ng mga estudyante at ang kanilang mga
karaniwang gawain sa pang araw-araw. Ang process frame ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin ng mga
mananaliksik ukol sa pagkuha ng sapat ng impormasyon at datos saklaw ang interbyu at dokumentasyon ng mga
nakalap na resulta. Ang output frame ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na datos at ang epekto ng
maagang paglulong sa masasamang bisyo katulad na lamang ng paninigarilyo at pag-iinom ng alak.

PROCESS: OUTPUT:
INPUT:

Interbyu
Ang profile ng mga tao
o mag aaral na saklaw Dokumentasyon “Sanhi at epekto ng
ng pag-aaral na ito: maagang pagkalulong sa
Analysis alkohol at sigarilyo sa
akademiko mga mag-
1 . edad aaral ng Del Pilar
Academy”
2 . kasarian
3 . antas

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay naka pokus sa patutuklas ng mga masasamang naidudulot at epekto ng alak at
sigarilyo sa mga kabataan. Saklaw nito ang mga mag-aaral ng Del Pilar Academy. Ang suliraning ito ay dapat
bigyan ng pansin at huwag pwersahin ang tao sa kung anong ayaw nila ipahayag. Bawat pag aaral ay may
katumbas na limitasyon at ito ay ang hindi dapat makasakit ng tao. pisikal man o mental, ang mga tao ay dapat
bukas sa loob ang pag tulong at hindi sapilitan, ang bawat opinyon ay may karagdagang respeto na dapat
ibinibigay at mararapat na unawain ng mabuti.

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA
Ito ay binubuo ng mga salitang ginamit sa pananalisik na ito at magbibigay kahulugan upang magkaroon
punong ideya at kaalaman sa pag-aaral na ito:
Aztecs- mga tao na katutubong Amerikano na naninirahan sa Mehiko.

Bisyo- isang gawain na nakakasira ng buhay

Droga- isang gamot na kung saan nakakasira ng pag iisip ng tao

Mayan- katawagan sa mga taong naninirahan sa kabihasnan ng Maya.

Mental- tumutukoy sa kaisipan o pag iisip ng isang tao

Temperance Movement- kilusang nagtataguyod sa hinay-hinay na pag-inom

Pananaliksik - ito ay pangangalap ng impormasyon upang makahanap ng solusyon sa isang probema o suliranin

You might also like