You are on page 1of 26

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng panimula, kaligirang pangkasaysayan,

modelong konseptwal, paglalahad ng suliranin, pagbuo ng hinuha, kahalagahan ng pag-

aaral, saklaw at limitasyon ng pag-aaral at katuturan sa mga katawagang general.

Panimula

Ang paninigarilyo ay kinahuhumalingan na ng nakararami dahil sa naitutulong

nito sa kanila. Marami ng mga tao ang nahuhumaling sa paninigarilyo. Ayon sa National

Institute of Drug Abuse ang sigarilyo ay naglalaman ng nikotina, isang sangkap na

maaaring humantong sa pagkagutuman. Kaya naman marami ang naadik at nahihirapang

tumigil sa paggamit ng sigarilyo. Sinasabi rin dito na maraming nakakapinsalang kemikal

na matatagpuan sa tabako o nilikha sa pamamagitan ng pagsunog nito.

Ayon sa National tobacco Administration ang tobacco ay gawa sa natatanging

halaman. Napasok nito ang ang ating Sistema pang-ekonomiya at pampulitika. Ito ay

nag-aambag ng malaking halaga sa ekonomiya. Gayunpaman hindi nabawasan ang mga

gumagamit nito at lalong tumaas ang pagkonsumo.

Marami sa mga Pilipino ang nahuhumaling sa paggamit ng sigarilyo Ayon sa

sarbey na napag-aralan ni Doc Willie Ong. Sinasabi na kaya maraming gumagamit ng

sigarilyo ay dahil ito ay nakakabawas ng stress at nakakapag bigay kasiyahan sa mga


gumagamit nito. Marami rin sa kabataan ang naiimpluwensyahan ng barkada at mga

problema na humahantong sa paggamit ng sigarilyo. Marami sa kabataan na kahit wala

pa sa wastong edad ay gumagamit na ng sigarilyo. Dahil narin sa kahirapan at mga

problema na kanilang nararanasan at dinadala. Ayon sa National Institute of Drug Abuse

maraming sakit na maari nating makuha sa paggamit ng sigarilyo, pede itong humantong

sa pagkakaroon ng kanser sa baga at talamak na brongkitis, at emphysema. Ito ay

malalang sakit na maaaring makuha sa paggamit ng sigarilyo. Ito ay lubos

napakapanganib sa tao lalo na sa mga wala pa sa wastong edad na gumagamit nito.

Ang mga tao naman na hindi gumagamit ng sigarilyo ngunit nakakalanghap nito

ay maaring makakuha rin ng malalang sakit sa baga at sakit sa puso at iba pa. Maraming

panganib ang pwedeng makuha sa paninigarilyo. Kaya sinasabi ng National Institute of

Drug Abuse, pag-aaral na maraming sakit tayong makukuha sa paggamit ng tabako o

sigarilyo. Ito ay lubos na napaka panganib lalo na sa mga kabataan na wala pa sa wastong

edad na gumagamit na ng sigarilyo. Sinasabi rin sa pag-aaral na ito ang mga kabataan na

nakalanghap nito o tinatawag na second hand smoke ay nasa mataas na panganib. Pwede

silang magkaroon ng matinding hika, sakit sa puso at marami pang-iba at ganun narin ang

kamatayan.

Kaligiran ng Pag-aaral

Laguna State Polytechnic University o mas kilala sa tawag na LSPU ay isa sa mga

lungsod ng Laguna na may pinakamaraming estudyante sa lalawigan at LSPU ay isa sa


may pinakamalaking eskwelahan sa buong lungsod na may iba’t ibang unibersidad sa

Laguna, isa na dito ang Santa Cruz, San Pablo, at Los Banos na may strand na HUMMS,

STEM, ABM at dito sa tutukuyin ay TVL. Isa ang LSPU na gustong pasukan ng mga tao

kahit sila ay taga labas ng Laguna at taga iba pang baryo. Kaya naman hindi maiiwasan

dito ang isa sa mga nangunguna na nagiging sanhi ng problema ng mga ibang kabataan

na Paninigarilyo.

Paninigarilyo ay isang bisyo ng isang tao na patagal nang patagal ay dumadami

dahil sa mga ginagawa nito sa mga kabataan lalong lalo na sa mag-aaral ng LSPU dahil

sa naidudulot nito sa kabataan. Mga estudyante sa LSPU ay naniniwala sa mga kasabihan

na ang paninigarilyo ay kagagawan ng paghahalo ng mga sangkap na na may kemikal at

nikotine sa tobacco na sa pananaw ng iba ay nakakabuti dahil sabi nila ay nakakatanggal

inis, kaba, stress at nakakabawas ito ng mga iniisip na problema.

Kahit na ganun ay, Ayon sa DOH (2020), mas nada dapuan ang mga taong

mahilig manigarilyo ng COVID-19. At kapag sila ay magkaroon ng sakit na ito, sila ay

may tsansa na makaranas ng malulubhang sintomas na sakit.

Ayon sa isang blog noong (2019) ay ang mga kabataan na 18 pababa ang edad ay

natututo na sa paninigarilyo kahit na wala pa sa wastong gulang at sa ganun ay dumadami

ang mga nagkakaproblema sapagkat natututo ang mga ito na basta basta na lang hindi

iniisip ang kalagayan ng kanilang nasa paligid, kahit bata palang ay nakakaranas na ng

mga sakit dahil sa paninigarilyo. Bakit nga ba kadalasan sa mga kabataan ay natututo

nito? Ano ang pinaka rason bakit nila ito ginagawa o gagawin? Isa sa mga rason dito ay

paniguradong dahil sa impluwensya ng grupo? Ng mga tao sa kanilang malapit na


paligid? Nakikita sa mga palabas sa Telebisyon? Siguro.....Sila ang pangunahing

pinagmumulan ng mga kabataan na kailangan matutong manigarilyo. Isa na rito ang

kawalan ng atensyon, disiplina, at patnubay ng magulang, na humahantong sa mga

kabataan na mahubog sa kanila sa paninigarilyo na kung minsan ay maaaring

nakaimpluwensya sa bisyo. Makikita rin ito sa mga miyembro ng pamilya ng tao na

gumagaya dito, sa pag-aakala na wala itong negatibong epekto sa kanilang kalusugan.

Mapapanood din ito sa telebisyon dahil sa kanilang walang sawang kuryusidad, na

nagtutulak sa kanila na mag-eksperimento hanggang sa ito ay maging pangalawang

kalikasan.

Ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211), na nilagdaan ni Pangulong

Gloria Macapagal-Arroyo, ay naglalayong protektahan ang mga mamamayan mula sa

epekto ng paninigarilyo.

Epekto ng paninigarilyo sa siyudad ay mahigpit lalong lalo na kapag ikaw ay

mayroon pupuntahan na lugar kagaya ng paaralan, ospital, munisipyo restorant at mga iba

pa na mahigpit ang mga patakaran pag ikaw ay napunta o pupunta. Pagbebenta ng mga

sigarilyo sa lansangan ay agad narin nakumpiska ng mga awtoridad ng pamahalaan sa

siyudad kaya kapag ikaw ay nakitaan ng pakete ng sigarilyo. Mayroon lagi roon babala

na delikado na alam na hindi talaga nakakabuti ang paninigarilyo at nakakasama pa ito sa

ating kalusugan. Karamihan sa mga tao, ang paninigarilyo ang pangunahing sanhi ng

kamatayan. Ayon sa Department of Health, isang tao ang namamatay sa paninigarilyo

araw araw, o isang milyong tao kada taon. Ang sakit sa puso, sakit sa baga, kanser,

diabetes, at iba pang mga sakit ay ang pinakamalalang dulot nito at maaaring maging
sanhi ng pagkasira sa ating kalusugan. Isa rin itong karaniwang nagpapalala tuwing uma-

atake ang hika.

Upang ang paghinto sa paninigarilyo ay masolusyonan, kinakailangan nito ng

mabisang pagdedesisyon sa sarili at pag iisip kung ano ang dapat na gawin.

Magdesisyong huminto hanggat maaga pa at wala pang nai-impluwensya sa paligid mo,

Dahil ang pag bibisyo ng isang sigarilyo ay hindi hihinto kung ikaw mismo ang lumalapit

dito. Para maihinto ito ay laging isipin sa sarili na ―bakit‖ bakit gagawin ito kahit walang

magandang bagay na naidudulot ito dahil sa paninigarilyo ay kumalat ang kancer kahit na

sabihin na ito ay nakakarelax ay mas magandang ikaw ay ligtas kaysa magkaroon ng

panganib sa iyong kalusugan.

Batayang Teoretikal

Ang pag-aaral na ito ay sinusuportahan ng teorya Social Cognitive Theory. Ayon

kay Albert Bandura (1986), ang Social Cognitive Theory ay nagsasabi na Natututo ang

mga tao mula sa isa't isa sa pamamagitan ng pagmamasid, pagtuturo, o pagmomodelo,

Isang pangunahing elemento ng Social Cognitive Theory. Mahalaga ang self-efficacy sa

anumang pagbabago sa pag-uugali. Isinasaalang-alang ng pag-aaral na ito ang particular

na paraan ng pagkatuto at pananatili ng pag-uugali ng mga tao. Pati narin kung ang

pagsasagawa nito sa kontekstong panlipunan. Nilalayon ng SCT na ipaliwanag kung

paano kinokontrol at pinapalakas ng mga tao ang kanilang pag-uugali upang lumikha ng

pag-uugaling nakadirekta sa layunin na maaaring mapanatili sa paglipas ng panahon.


Ang Teorya na ito ay may kaugnayan sa aming pananaliksik. Kaya ang mga

kabataan ay natututong manigarilyo ay dahil sa kanilang nakikita. Ang impluwensya ng

barkada ay kayang magpabago ng ugali ng isang kabataan. Sinasabi sa teorya ni Albert

Bandura na natututo tayo mula sa isat-isa kaya naman marami sa kabataan ang natututong

manigarilyo dahil sa impluwensya ng mga nakapaligid rito. Malaki rin ang impluwensya

ng mga nakakatanda dahil sila ang modelo ng mga kabataan. Kaya ang bawat nakikita ng

mga kabataan sa nakakatanda ay kanilang ginagaya katulad ng paninigarilyo. Ayon sa

pag-aaral na ito marami sa kabataan ngayun ay wala pa sa wastong idad ngunit marunong

ng manigarilyo. Sinasabi sa ibang survey na kaya nila ito nagagawa ay dahil sa mga

problema. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa importansya ng ating pag-uugali dahil dito

nakadirekta ang ating layunin. Kaya naman ang mga kabataan ay nalilihis sa kanilang

landas dahil sa kanilang pag-uugali na naimpluwensyahan ng mga taong nakapaligid rito.

Kaya mahalaga na dapat alam ng isang kabataan at nakakatanda na ang

nakakaimpluwensya sa kanila ay nakakabuti para sa kanilang pag-uugali at pag-iisip na

ang mga tao ay natututo mula sa isat-isa. Dahil sa kanilang pagmamasid at pagtuturo. Isa

sa Gawain ng Social Cgnitive Theory ay ang self-efficacy na nakapagbabago sa pag-

uugali ng isang tao at nagpapakita ng positibong relasyon sa pamamagitan nito.

Iminumungkahi sa teorya na ang pag-aaral ay maganap sa isang kontekstong panlipunan,

na may pabago-bago at katumbas na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng tao, kanilang

kapaligiran, at kanilang pag-uugali.


Balangkas na Konseptwal

Ang konseptwal na balangkas ay naglalaman ng Malayang Baryabol at Di

malayang Baryabol na makikita sa ibaba ay ang kinapapalooban ng mga baryabol, ang

malayang baryabol at di-malayang baryabol ng pag-aaral sa ―Ang mga Posibilidad na

Epekto ng Paninigarilyo sa Kalusugan ng mga mag-aaral sa LSPU TVL- Baitang 11.

Malaya at ‘Di Malayang Baryabol na Pag-aaral

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol

Profayl ng tagatugon batay sa: Epekto nito batay sa:

 Edad  Paninigarilyo
 Kasarian  Panghuhusga
 Magulang  Mga anak na may bisyo
 Kalusugan  Pagkakaroon ng sakit

Kahon 1 Kahon 2

Figyur 1. Ang Paradima ng Pag-aaral


Ang paradima ng pag-aaral na ito ay binubuo ng malaya at di-malayang baryabol

na kung saan nakapaloob sa unang kahon ang malayang baryabol na kinapapalooban ng

Profayl ng tagatugon batay sa Edad, Kasarian, Magulang at ang Kalusugan. Samantala,

nakapaloob sa ikalawang kahon ang di-malayang baryabol kung saan nakapaloob ang

epekto nito sa kanila batay sa Paninigarilyo, Panghuhusga, Mga anak na may bisyo at ang

Pagkakaroon ng sakit.

Paglalahad ng Suliranin/ Layunin

Ang Layunin ng pananaliksik na ito ay para mapag-aralan at alamin ang mga

sanhi ng paninigarilyo sa kanilang kalusugan. Ito ay makakatulong din sa mga hindi

naninigarilyo na wag na subukan ang nakakasirang gawain na ito sa ating kalusugan

Layunin nito ang masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano and Profayl ng mga tagatugon batay sa kanilang:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Magulang

1.4 Kalusugan

2. Ano ang epekto nito batay sa:

2.1 Paninigarilyo

2.2 Panghuhusga

2.3 Mga anak na may bisyo

2.4 Pagkakaroon ng sakit


3. Ano ang epekto ng paninigarilyo sa buhay ng isang mag-aaral.

Layunin nating malaman kung ano ang pwedeng maging epekto ng usok ng

sigarilyo sa mga taong pwedeng makalanghap nito.

Layunin din ng pananaliksik na ito na malaman ang mga sanhi kung bakit

natututo ang mga kabataan na gumamit ng sigarilyo.

Haypotesis

Walang makabuluhang epekto sa kalusugan ang paninigarilyo ng mga mag-aaral

sa LSPU TVL Baitang 11

May makabuluhang epekto ang sa kalusugan ang paninigarilyo ng mga mag-aaral

sa LSPU TVL Baitang 11.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Kahalagahan ng pag-aaral na ito is makapagbigay kaalaman sa mga indibidwal ng

mga impormasyon ukol sa mga masasamang epekto at mga maaring sakit na makuha nila

sa paninigarilyo. Kung hindi magsisilbing paalala rin ito sa mga taong nais sumubok sa
bisyong ito, hindi lamang ito makakapagbigay impormasyon tulong sa mga tao na

nahuhumaling sa paninigarilyo.

 Makakatulong ito upang magkaroon sila ng impormasyon ukol sa tunay na epekto

ng paninigarilyo sa mga mag-aaral, maiwasan ang paggamit ng sigarilyo tulong

ng pag-aaral na ito.

 Sa mga magulang, magsisilbi itong pandagdag kaalaman tungo sa nararapat at

tuwid nalandas sa paggabay sa kanilang mga anak tungo sa nararapat at tuwid na

daan sa buhay.

 Ang magiging epekto nito para sa kanilang kabuhayan sa mga gumagamit ng

sigarilyo negatibo man ang magiging epekto nito para sa kanilang kabuhayan

ngunit hindi pa rin naman sigurado na marami na ang titigil sa paninigarilyo.

 Para sa mga susunod na mananaliksik, makakatulong itong pag-aaral sa paksang

ito upang magabayan sila sa kanilang gagawing saliksik.

Upang pamulatin ang pagiisip ng mga taong sa murang edad pa lamang na

nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo ang kahalagahan ng pananaliksik na ito. Kung

hindi na rin sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo, ito makatulong sa

kabataan o sa mga kolehiyo. Ito ang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa


tungkol sa paninigarilyo at mapag bigay alam sa publiko sa para kanila upang ito ay

maitutulong mabawasan ang paninigarilyo.

Saklaw at DeLimitasyon ng Pag-aaral

Nakapokus lamang ang pag aaral nito patungkol sa nagiging epekto at karanasan

ng paninigarilyo sa mga mag-aaral ng LAGUNA STATE POLYTECHNIC

UNIVERSITY sa panuruan 2021 – 2022 na kumukuha ng TECHNICAL VOCATIONAL

LIVELIHOOD (TVL) na nasa baitang labing isa na mag- aaral .

Katuturan ng mga Terminolohiyang Ginamit

Ang mga sumusunod na salita o terminolohiyang binigyang pansin at kahulugan

ng mananaliksik upang malinaw na maintindihan ayon sa mga gamit ng mga ito sa pag-

aaral.

Paninigarilyo. Ito ay isang praktis kung saan ang isang sangkap ay sinusunog,

pinakakaraniwan ang tabako na nakapaloob sa bilot ng sigarilyo, at nilalanghap at

nilalasahan ang usok.

Humaling. Ito ang nangibabaw o nagpapasakop sa isip o kaisipan ng isang bagay

o tao
Sigarilyo. Ito ay hititin na gawa sa ginayat na tabako at binilot sa manipis na uri

ng papel

Nikotina. Ito ay isang walang kulay substansya na nakukuha sa tabako

Tabako. Ito ay isang produktong agrikultural na hinahango mula sa mga bagong

dahon ng mga halaman na napapabilang sa saring Nikotina

Ugali. Ito ay tumutukoy sa mga nagiging asal at katangian ng isang tao sa

kaniyang kapwa

Ekonomiya. Ito ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang

area

Pampolitika. Ito ay may kinalaman sa pamahalaan o gobyerno at ang mga

proseso sa pagbubuo ng mga palisiya at mga patakaran nito

Estudyante. Karaniwang bata at kabataan na pumapasok sa paaralan upang

kamukuha ng leksyon at kurso

Stress. Ito ay isang uri ng karamdaman kung saan nakakaramdam ang isang tao

ng di pagkapalagay at pag-aalala
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA MGA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito napapaloob ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa

isinasagawang pananaliksik.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Perez, Princess Caressa V. (2012 ) Habang lumalala ang kahirapan sa

bansa, patuloy na tumataas ang bilang ng mga sakit at pagkamatay dulot ng

paninigarilyo. Ito ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga bata. Higit pa rito,

nagresulta ito sa malaking pagkalugi sa ekonomiya dahil sa maagang pagkamatay,

pagkawala ng produktibidad, at mataas na gastos sa pangangalaga ng pangkalusugan, na

lahat ay nag pabagal sa paglago ng ekonomiya. Iyon ang dahilan kung bakit nangako ang

gobyerno na itigil ang epidemya ng tabako. Isang batas ang ipinasa para i-regulate ang

mga produktong tabako.

Batay kay Tecson, Claire Anne P. (2019) Ang Framework Convention on

Tobacco Control, ang unang pandaigdigang kasunduan sa kalusugan ng publiko na

naggigiit ng kahalagahan ng karapatan ng bawat tao sa kalusugan, ay binuo at nilagdaan

ng World Health Organization noong 2005. Sinabi niya dito na nagsama-sama ang mga

bansa sa ating lugar para ayusin ang mapangwasak na mga kahihinatnan ng pagkonsumo

at pagkakalantad ng tabako sa usok ng tabako habang patuloy ang epidemya ng tabako sa


panahong ito ng globalisasyon. Ang mga artikulo ng kasunduang ito ay nagtakda ng mga

obligasyon ng mga estado na nagpatibay nito. Itinampok ng mga responsibilidad na ito

ang kahalagahan ng pagpapataas ng kamalayan ng publiko at pagpapatupad ng mga

estratehiya, plano, at batas sa pagkontrol ng tabako, tulad ng pagbabawas ng paggamit ng

tabako, pagdepende sa nikotina, at kahinaan sa usok.

Batay kay Tecson, Claire Anne P. (2019) Ang Framework Convention on

Tobacco Control, ang unang pandaigdigang kasunduan sa kalusugan ng publiko na

naggigiit ng kahalagahan ng karapatan ng bawat tao sa kalusugan, ay binuo at nilagdaan

ng World Health Organization noong 2005. Sinabi niya dito na nagsama-sama ang mga

bansa sa ating lugar para ayusin ang mapangwasak na mga kahihinatnan ng pagkonsumo

at pagkakalantad ng tabako sa usok ng tabako habang patuloy ang epidemya ng tabako sa

panahong ito ng globalisasyon. Ang mga artikulo ng kasunduang ito ay nagtakda ng mga

obligasyon ng mga estado na nagpatibay nito. Itinampok ng mga responsibilidad na ito

ang kahalagahan ng pagpapataas ng kamalayan ng publiko at pagpapatupad ng mga

estratehiya, plano, at batas sa pagkontrol ng tabako, tulad ng pagbabawas ng paggamit ng

tabako, pagdepende sa nikotina, at kahinaan sa usok.

Ayon kay Emer Rojas (2019), Mahigit sa 7,000 kemikal ang matatagpuan sa mga

sigarilyo, at 70 sa mga ito ay maaaring magdulot ng kanser kung malalanghap. Mahigit sa

7,000 kemikal ang matatagpuan sa mga sigarilyo, kung saan 70 sa mga ito ay kilalang

carcinogens. Ang mga naninigarilyo ay direktang apektado, habang ang mga hindi

naninigarilyo ay nalantad sa second hand smoke. ―If they come near smokers,‖ he told

the Philippine News Agency in a recent interview (PNA).


Ayon kay Ernesto Reyes (2017), Ang usok na galing sa tabako ay lubhang

mapanganib sa kalusugan ng tao. Lahat ng uri ng paninigarilyo ay nakamamatay

sinasabing. Ang paggamit ng kasangkapan sa paninigarilyo ay hindi makapagpapabawas

sa pinsalang dala nito sa kalusugan mo.

Nagtataglay ng 600 sangkap and sigarilyo. Ito ay nagpapalabas ng mahigit

pitong libong kemikal kapag ito ay nasunog. 69 dito ay dahilan ng pagkakaroon ng

kanser at karamihan sa mga kemikal na ito ay lason. Karamihan sa mga sangkap na nasa

sigarilyo ay nasa iba pang produkto rin na gawa sa tabako tulad ng nganga. Sinasabi ng

mga dalubhasa na ang nganga ay lubhang mas mapanganib dahil ito ay nag tataglay ng

mataas na antas ng carcinogen at lason kumpara sa paninigarilyo.

Ayon kay Charisse Daya, DOH Tabacco Control Program coordinator, pinili nila

ang mga kabataan dahil sila ang pakay para sa pag susulong ng produkto sa industriya ng

Tabacco. Pag babahagi pa ni Daya sa Philippine News Agency na ― We can tap the sk

officials of peer educators will form an organization of youth against tabacco smoking‖

Sinabi ni Dean Aaron Lauron, presidente ng Carigar SK Federation na bukas siya

sa ideya at handa rin siyang tulungan ang DOH na ipatupad ang batas laban sa

paninigarilyo.

Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati ng lahat ng kabataang

Pilipino, lalo na ang mga nasa edad 7 hanggang 15, ay gutom na sa paninigarilyo. Bahagi

sila ng humigit-kumulang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na hindi nagtagal ay

natutong manigarilyo dahil sa kawalan ng mga batas laban sa tabako at kanilang walang

sawang promosyon sa Pilipinas.


Ayon sa World Health Organization, 10 Pilipino ang namamatay kada oras dahil

sa mga sakit na nauugnay sa paninigarilyo tulad ng lung cancer, sakit sa puso, stroke at

aortic aneurysm. Iniisip ng ilang tao na ligtas na gumamit ng e-cigarette o tinatawag na

"vape", ngunit sa katotohanan ay mas delikado ang mga ito. Halimbawa, maaaring

magdagdag ng shabu sa halip na nikotina. Ipinakita ng mga pag-aaral na isa sa limang

gumagamit ng vape ay nasa pagitan ng 10 at 19. Dahil sa masamang epekto sa kalusugan,

ipinagbabawal ang mga e-cigarette sa 33 bansa, kabilang ang United States, Australia,

China at marami pang iba.

Mula sa mga nasabi tungkol sa paninigarilyo, makikita natin kung ano ang mga

pinsala ng paninigarilyo at kung paano ito nakakaapekto sa ating kalusugan.

Kaugnay na Pag-aaral

Lumabas sa pag-aaral ni Malasan (2019), ang kadalasang dahilan ng paninigarilyo

ay sa masasamang impluwensya ng mga kaanak, panghihikayat ng barkada at sa personal

na hinaharap sa buhay kagaya ng problema.

Batay naman sa pag-aaral ni Joson-Vegara at Li-Yu (2021), nagsisimula sa edad

na lima ang ugali sa paninigarilyo at hindi ito malayang pinili

Ayon sa mga pag-aaral, ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng mataas na

presyon ng dugo, pamumuo ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog,

katarata, pagkabulag at mababang timbang sa panganganak, at mga depekto sa kaliwang


bahagi na ipinanganak pa sa mga bata. Isa sa apat na tao na naninigarilyo ang namamatay

sa sakit na dulot nito. Ang ilan ay nagdurusa ng maraming taon.

Ayon sa isang pag-aaral sa Amerika. Sinabi ng Ministry of Health and Social

Services noong 2014 na ang paninigarilyo ay nagdudulot ng cancer, sakit sa puso, stroke,

sakit sa baga, diabetes at chronic obstructive pulmonary disease (COPD), na

kinabibilangan ng emphysema at chronic bronchitis. Ang paninigarilyo ay nagdaragdag

din ng panganib ng tuberculosis, ilang mga sakit sa mata at mga problema sa immune

system, kabilang ang rheumatoid arthritis.

Ang isang pag-aaral nina Richard Dol at Austin Bradford Hill (epidemiologist at

statistician sa Ingles, 1897-1991) ay natagpuan na ang panganib ng kanser sa baga ay

nauugnay sa bilang ng mga sigarilyo na pinausukan bawat araw.

Ayon sa pag-aaral ni Limpin, ang bilang ng mga kabataang naninigarilyo noong

2005 ay nasa pagitan lamang ng 17 at 18 porsiyento, habang noong 2007 ay tumaas ito sa

23 porsiyento.

Sa pag-aaral ni Dr. Kung hindi, ang paninigarilyo ay maaaring maging masaya

gamitin. Ito ang resulta ng isang pangunguna na pag-aaral na isinagawa ng Peninsula

Medical School sa United Kingdom sa kaugnayan sa pagitan ng paninigarilyo at

kapakanan ng tao. Nalaman ng kanyang pananaliksik na ang mga naninigarilyo ay

nakakaranas ng mas mababang antas ng kasiyahan at kasiyahan sa buhay kumpara sa

mga hindi naninigarilyo.


KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng kagamitang ginamit sa pagsusuring

pananaliksik katulad ng mga sumusunod, Disenyo ng Pananaliksik, Tagatugon ng

Pananaliksik, Paraan ng Pananaliksik, Instrumento sa Pananaliksik at Istatistikal na

Pamamaraan.

Disenyo ng Pananaliksik

Isinagawa itong pananaliksik sa paggamit ng paraang deskriptibo. Ito ay nasa

konteksto ng deskriptibong pananaliksik dahil halos lahat ng datos na ginamit sa

pagpapatunay ng pag-aaral na ito ay nakalap sa pamamagitan ng sarbey at upang mapag-

aralan ―Ang mga Posibilidad na Epekto ng Paninigarilyo sa Kalusugan ng mga mag-aaral

sa LSPU TVL Baitang 11‖

Tagatugon sa Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay hihingi ng tulong sa mga

estudyante sa TVL baitang labing isa, lahat ay may kabuuang bilang na walumpu’t

tatlong bilang (83), gagamitan namin ito ng Stratified random sampling at pagbubukurin

ito batay sa seksyon. Simple Random sampling ang aming isa pang gagamitin upang
makuha ang pagbabasehan na mga tutugon kaya Apatnapu’t lima (45) na mga tutugon

ang pipiliin. Google form ang susi para malaman ito.

Paraan sa Pag-kuha ng Datos

Tinatalakay ng seksyong ito ang detalyadong plano at proseso ng pagkalap ng

datos at kung paano ito itinala. Pagkatapos piliin ng mga mananaliksik ang paksa ng pag-

aaral. Sa pamamagitan ng pagkolekta ng datos mula sa mga dokumentong nauugnay sa

aming paksa. Ang mga mananaliksik ay nakakuha din ng mga datos mula sa iba't ibang

website at disertasyon na maaaring may kaugnayan sa paksang napili. Bukod sa

nabanggit, kumuha rin ang mga mananaliksik ng datos mula sa mga taong may kaalaman

sa paksa upang madagdagan ang kalaman at impormasyon ng mga mananaliksik sa

paksang pinag-aaralan sa isasagawang sarbey sa seksyon ng HE at ICT ng TVL Baitang

Labing-isa sa paaralan ng Laguna State Polytechnic University ng Sta. Cruz Laguna.

Ang kanilang magiging sagot sa isasagawang sarbey sa tulong ng google form ay

makakatulong upang magbigay ng pinakadirekta at detalyadong kaalaman tungkol sa

pag-aaral. Ang resulta na makakalap gamit ang google form ay lubos na pag-aaralan ng

mga mananaliksik upang mas lalong mabigyan ng kaukulang kaalaman at makakuha ng

magandang resulta para sa pag-aaral na isinasagawa.


Instrumento sa Pananaliksik

Para matuklasan ang ―Ang mga Posibilidad na epekto ng paninigarilyo sa

kalusugan ng mga mag-aaral sa LSPU TVL Baitang 11‖, gagamit ang mga mananaliksik

ng isang sarbey gamit ang Google Form na naglalaman ng mga katanungan. Pagkatapos

makuha lahat ng impormasyon para sa pananaliksik, ito ay titignan at bibigyang

interpretasyon ang kakalabasan nito.

Istatistikal na Pamamaraan

Paglalahad ng Suliranin Istatistikal na Pamamaraan

1. Ano ang profayl ng tagatugon batay sa:

1.1 Edad Bilang Bahagdan

1.2 Kasarian Mean

Standard Deviation

Ang istatistikal na pamamaraan na gagamitin ng mga mananaliksik sa kanilang

mga edad, kasarian, at kung ilan sa piling seksyon ang mga naninigarilyo ay bilang
bahagdan (as a percentage), Mean, at Standard Deviation. Gagamit din ng google form

para sa isasagawang sarbey at dito pagbabasehan ng mga mananaliksik ang mga sagot ng

tutugon.

Ang bilang bahagdan (as a percentage) ang gagamitin sa pagkuha ng mean upang

malaman ang Profayl ng mga tagatugon.

Upang matukoy naman ang mga sagot nilang lahat batay sa mga epekto ng

paninigarilyo sa kalusugan ng mga mag-aaral, gagamitan ito ng mean at standard

deviation.

BIBLIYOGRAPIYA

Mga Tesis o ‘di Limbag na Materyales

Amazona, R. (2019, June 14). DOH seeks wider role of youth in anti-smoking drive.

Retrieved from pna.gov.ph: https://www.pna.gov.ph/articles/1072317

Bichayda, J. (2013, Pebrero). pananaliksik tungkol sa epekto ng paninigarilyo. Retrieved

from blogspot.com: https://joeybichayda.blogspot.com/p/partidostate-university-

kolehiyong.html
Changkyun, C. (n.d.). paninigarilyo. Retrieved from academia.edu:

https://www.academia.edu/34037936/Paninigarilyo_

Reyes, E. (2017, Pebrero 21). Ano ang masamang epekto ng paninigarilyo. Retrieved

from https://localrehab.net.

Amazona, R. (2019, June 14). DOH seeks wider role of youth in anti-smoking drive.

Retrieved from pna.gov.ph: https://www.pna.gov.ph/articles/1072317

Bichayda, J. (2013, Pebrero). pananaliksik tungkol sa epekto ng paninigarilyo. Retrieved

from blogspot.com: https://joeybichayda.blogspot.com/p/partidostate-university-

kolehiyong.html

Changkyun, C. (n.d.). paninigarilyo. Retrieved from academia.edu:

https://www.academia.edu/34037936/Paninigarilyo_
Reyes, E. (2017, Pebrero 21). Ano ang masamang epekto ng paninigarilyo. Retrieved

from https://localrehab.net.

Amazona, R. (2019, June 14). DOH seeks wider role of youth in anti-smoking drive.

Retrieved from pna.gov.ph: https://www.pna.gov.ph/articles/1072317

Bichayda, J. (2013, Pebrero). pananaliksik tungkol sa epekto ng paninigarilyo. Retrieved

from blogspot.com: https://joeybichayda.blogspot.com/p/partidostate-university-

kolehiyong.html

Cruz, S. (2018, July 16). Masamang Epekto ng Paninigarilyo sa mga

Kabataan,Kalusugan at Pag-aaral. Retrieved from academia.edu:

https://www.academia.edu/37061330/Masamang_Epekto_ng_Paninigarilyo_sa_m

ga_Kabataan_Kalusugan_at_Pag_aaral

Changkyun, C. (n.d.). paninigarilyo. Retrieved from academia.edu:

https://www.academia.edu/34037936/Paninigarilyo_

Reyes, E. (2017, Pebrero 21). Ano ang masamang epekto ng paninigarilyo. Retrieved

from https://localrehab.net.
Umali, P. J. (2019, November 16). Paninigarilyo at pag-inom ng alak dapat nang

ipagbawal sa bansa. Retrieved from philstar.com:

https://www.philstar.com/pang-masa/punto-

mo/2019/11/16/1969284/paninigarilyo-pag-inom-ng-alak-dapat-nang-ipagbawal-

sa-bansa

cancer.org. (2018). Retrieved from American Cancer Society:

https://www.cancer.org/content/dam/cancer-org/cancer-control/tl/booklets-

flyers/tobacco-what-is-it-costing-you-tagalog.pdf

Joana Mae O.Valdez, J. O. (2019, january 17). blogspot.com. Retrieved from Disenyo At

Pamamaraan ng Pananliksik:

https://joanamaevaldez.blogspot.com/2019/01/disenyo-at-pamamaraan-ng-

pananliksik.html

bichayda. (2013, March 8). kabanat 2, MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT

LITERATURA. Retrieved from bichayda.blogspot.com:

https://bichayda.blogspot.com
Malasan, R. (2019, October). Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo.

Retrieved June 3, 2022, from https://idoc.pub/documents/pananaliksik-ukol-

sa-epekto-ng-paninigarilyo-pananaliksik-gen55wy231no

Joson-Vergara, I. S. D., & Li-Yu, J. T. (2021). ―STOP the PUFF! Tayo’y mag

bagong BAGA, SIGARILYO ay ITIGIL‖: A Pilot Community-based Tobacco

Intervention Project in an Urban Settlement. Journal of Medicine, University of

Santo Tomas, 5(1), 586–603. https://doi.org/10.35460/2546-1621.2020-0040

U.S. Department of Health and Human Services. The Health Consequences of

Smoking—50 Years of Progress: A Report of the Surgeon General. Atlanta: U.S.

Department of Health and Human Services, Centers for Disease Control and

Prevention, National Center for Chronic Disease Prevention and Health

Promotion, Office on Smoking and Health, 2014 [accessed 2016 Dec 20].

Doll R, Hill AB. Smoking and carcinoma of the lung; preliminary report. Br Med

J 1950; 2: 739–748. [PMC free article] [PubMed] [Google Scholar]

https://www.medicalnewstoday.com/articles/10566

You might also like