You are on page 1of 16

KABANATA I

INTRODUKSYON

"Ang paninigarilyo ay parang maling pag-ibig, ang akala mong pinapasaya

ka lamang iyon pala'y unting-unti kanang winawasak." ~R. M. Tapi-on

Meron talagang mga bagay sa ating buhay na akala natin ay nabibigay

kasiyahan satin, ngunit hindi natin alam ito'y isang estratihiya lamang para tayo

ay mabilis sirain. Ang paninigarilyo ay isa sa mga pinakamagandang halimbawa

nito, ito'y nagpapakalma at nagbabawas ito ng "stress" na ating nararamdaman.

Subalit, kahit na magandang pakiramdam ang dulot nito maghintay ka lamang

spagkat ito'y tahimik lang kung umatake. Mabibigla kana lamang, ika'y nag-

aagaw buhay na pala hindi lang halata.

Ang paninigarilyo ay isang Gawain na kung saan sinusunog ang sangkap,

karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihit ng usok na

inilalabas nito. Ayon sa Medlndia Online, ang stick ng sigarilyo ay binubuo ng

halos 4,000 kemikal na maraming epekto sa katawan at pag-iisip ng tao. Ang ilan

sa mga ito ay ang nicotine, tar, acetone, chloroform, atbp. Dahil nga naman ang

mundo ay mabilis magbago, nakaisp ang ibang tao ng mga modipikasyon ng

paggamit o paggawa ng sigarilyo.

Ayon kay Dr. Luis Gatmaitan M.D (2018), hindi pa rin masugpo ang

paninigarilyo kahit napakarami ng kampanyang nagpapahinto sa bisyo ng

paninigarilyo. May mga lugar pa nga na idineklarang “no smoking” zones; may

1
mga bayan din na nagpapatupad ng “no smoking” ordinance. Ang mga pakete ng

sigarilyo ngayon, Kung papansinin, ay nagtataglay ng mga larawan ng

masasamang epekto nito. Nakadidiri ngang masdan ang mga litratong naroon.

Pero kahit ano pang mga initiatives ang ginagawa natin, hindi pa rin talaga

maihinto ng ating mga kababayan ang paninigarilyo. Talaga yatang iba ang

epekto ng nikotina sa ating katawan.

Karamihan sa mga adults ngayon na naninigarilyo ay nagsimulang

magsigarilyo noong sila ay teenagers pa lamang. Pero may iba pa ngang ‘di pa

man teenager ay sumubok nang manigarilyo. Yung iba, iniisip na sosyal ang

praktis ng paninigarilyo. Mangyari kasi’y nakikita nilang kahit ang mga sikat at

mayayaman ay naninigarilyo rin. Sabi nga, na-glamorize ng media at advertising

ang paninigarilyo kaya nahihirapan tayong lumubay dito.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na tulungang imulat ang mga kabataam

sa mga masamang epekto neto sa kalusugan upang hindi na sila mahikayat na

gawin ito. Upang mabawasan rin ang taon taon na pagdami ng mga namamatay.

Naglalayun din itong tulungan ang ahensya ukol dito na magpanukala ng mga

panibagong paraan para solusyanan ang bisyong ito.

"Kalusugan ay ingatan, paninigarilyo ay dapat iwasan upang mapanatili

ang kasaganahan."

2
Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik nan ito ay malaman ang

tungkol sa Epekto ng Paninigarilyo sa mga kabataan sa CHMSC, Talisay

campus..

Pisipikong layunin nito ay masagutan ang mga sumusunod na mga

katanungan:.

1. Anu-ano ang mga posibleng dahilan ng mga kabataan para sila ay

manigarilyo?

2. Anu-ano ang mga posibleng maging epekto ng paninigarilyo sa mga

kabataan

a. sa CHMSC?

3. Anu-ano ang iba’t- ibang paraan upang maiwasan ol ang paninigarilyo sa

mga kabataan sa CHMSC?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay sadyang ginawa para maibahagi ang mga

kalaman tungkol sa paninigarilyo, at ito ay mahalaga sa mga sumusunod:

Sa mga kabataan

3
na maimulat ang kanilang kaisipan sa mga maaaring maging epekto ng

paninigarilyo.

Sa mga taong nalulong sa paninigarilyo

Para mapagkunan nila ng mga kaalaman para baguhin ang kanilang mga

gawi sa buhay,

Sa mga taong hindi naninigarilyo

upang hindi na nila subukan ang masamang bisyo na ito

DOH

Nagbibigay paala-ala sa nag kabataan, magulang at local na mga

pamahalaan na ang paninigarilyo ay hindi mabuti sa kalusugan ng mga

teenagers.

Sa mga Guro

Nagbigay gabay upang matapos ang pananaliksik na ito na tamang

paraan.

Sa mga Magulang

upang mabigyan ng impormasyon o kaalaman tungkol sa epekto ng

paninigarilyo sa mga teenagers at sa pamamagitan nito maturuan ang mga

kabataan na tumigil sa paninigarilyo dahil nakakdulot ito ng malubhang sakit

kapag pinagpatuloy ang paninigarilyo. .

4
Kabataan.

upang iwasan pang paninigarilyo. Ito ang magiging gabay nila sa pagtigil

ng paninigarilyo. Ito rin ay makapagbigay ng kaalaman sa kanila kung ano ang

mga posibleng epekto ng paninigarilyo sa kalusugan. Sa pamamagiran ng

pananaliksik na ito maiiwasan ang paninigarilyo ng mga kabataan.

Kahulugan ng mga Terminolohiyang Ginamit

Asthma

Operasyunal- uri ng sakit kung saan nahihirapang huminga

Kontekstwal- Ang hika o asthma ay pangkaraniwang sakit ng baga. Ito ay

isang pangmatagalang karamdaman na hindi gumagaling.

Bisyo

Operasyunal- ito ay isang kagawian na nagdudulot ng masasamang

epekto.

Kontekstwal- Ang bisyo ay isang gawain o habit na maaaring masabi

natin na nakakasira ng buhay, nakakasira ng pamilya, imoral, bawal,

nakakababa ng pagkatao o pangit sa paningin ng ibang tao.

DOH

Operasyunal- ahensyang pangkalusugan.

5
Kontekstwal- ang ahensiyang ito ang nangunguna sa pangangalaga sa

kapakanang pangkalusugan ng mga mamamayan ng bansa

Kabataan

Operasyunal- edad labing-tatlo hanggang siyam na gulang.

Kontekstwal- tinatawag na tinedyer, adolesente, o gulang na nasa

pagitan ng pagiging isang bata o kilaw at hustong adulto.

Kanser

Operasyunal- malalang uri ng sakit.

Kontekstwal- Ang Kanser (Ingles: Cancer) na kilala sa palagamutan

bilang malignanteng neoplasma ay isang malawak na pangkat ng iba't ibang mga

sakit na lahat ay sumasangkot sa hindi na-regulang paglago ng sihay.

Karamdaman

Operasyunal- ito ay kalagayan ng isang tao.

Kontekstwal-  anumang kalagayan na hindi pangkaraniwan sa katawan

o isipan, o kaya dahil sa pagkabalisa o kapighatian ng tao, pati na rin sa mga

ibang taong kilala niya. 

Kasarian

6
Operasyunal- biolohokal na basihan ; babae o lalaki.

Kontekstwal- Ang kasarian pagkakilanlan ay kaugnay ng pakiramdam ng

isang tao tungkol sa sarili, at ang karamdaman ng pagiging lalaki o babae.

Nicotine

Operasyunal- isang uri ng kemikal na taglay ng sigarilyo.

Kontekstwal- isang agrikultural na produkto na hinahango mula sa mga

sariwang dahon ng mga halaman na napapabilang sa saring Nicotiana.

Paninigarilyo

Operasyunal- isang Gawain na nagdudulot ng paninigarilyo.

Kontekstwal- ay isang kasanayan kung saan sinusunog ang isang

sangkap, pinakakaraniwan ang tabako na nakapaloob sa bilot ng sigarilyo, at

nilalanghap at nilalasahan ang usok.

Sigarilyo

Operasyunal- isang rolyo ng papel na naglalaman ng tabako.

Kontekstwal- Ang "sigarilyo" na sa wikang Pranses ay "cigarette" o "maliit

na [cigar|sigar]" ay isang produktong ginagamit sa pamamagitan ng

pagpapausok nito o paninigarilyo, at gawa mula sa pinong hiwang dahon ng

7
tabako. Ang sigarilyo ay sinisindihan sa kabilang dulo na bahagi nito at sa kabila

naman ay kung saan maaaring hithitin ang usok, kadalasang may pilter).

Tuberculosis

Operasyunal- sakit sa baga dulot ng paninigarilyo.

Kontekstwal- Ang TB ay isang uri ng sakit na dulot ng mikrobyong

Mycobacterium tuberculosis na madalas makaapekto ng baga. Maaari ring

maapektuhan ang ibang bahagi ng katawan gaya ng buto, utak, bato, at atay.

Alamin ang tamang impormasyon para sa iyong matagumpay na paggaling.

Saklaw ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa bilang ng mga mag-aaral na

naninigarilyo. Sasakupin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na paksa:

o Ang mga posibleng dahilan ng mga kabataan para sila ay

manigarilyo

o Ang mga posibleng maging epekto ng paninigarilyo sa mga

kabataan

sa CHMSC

o Ang iba’t- ibang paraan upang maiwasan ol ang paninigarilyo sa

mga kabataan sa CHMSC

8
KABANATA II

PAGLALAHAD NG MGA DATOS

Ang nagtulak sa mga kabataan upang manigarilyo

Sa tatlong pangunahing dahilan ng paninigarilyo ng kabataan, apat na

pungbahagdan ang nagsasabing pamilya ang nakakapagdulot ngmasamang

impluwensiya sa kanilang mga kaanak, samantalang limampu’t-tatlong bahagdan

naman ang nagsasabing ang mga barakda nila angnaguudyok ng paninigarilyo

at iba pang mga bisyo. Pitong bahagdan namanang nagsasabing sa personal na

buhay lamang ang dahilan. Batay dito, masasabi nating ang mga barkada nila

ang may pinakamalakingimpluwensiya sa kanila.

Iba’t Ibang Salik na Nakakaapekto sa Paninigarilyo ng mga Kabataan

Kalagayan ng Buhay Paninigarilyo ng Magulang, kapatid at iba pang mga

kamag-anak Kakulangan sa patnubay ng magulang

BARKADA

Tumutukoy sa impluwensya ng isang grupo na naghihikayat sa isang tao upang

baguhin ang kanyan pag-uugali na pareho sa mga kaugalian ng

grupoNahuhumaling sila sa patalastas ng sigarilyo sa telebisyon

PERSONAL NA BUHAY

Kahinaan ng loob sa pagharap ng problemaPampalipas oras |

9
Ang posibleng maging epekto ng paninigarilyo sa mga kabataan

Ang pag-underestimate ng buong lawak ng mga kahihinatnan sa

kalusugan na dulot ng paninigarilyo.Ang mga kabataan ay madalas na

mababawasan ang buong hanay ng mga negatibong epekto sa kalusugan na

sanhi ng paninigarilyo.

Karamihan ay makakaalam na ang paninigarilyo ay nagdudulot ng kanser

sa baga, ngunit hindi alam na ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng maraming

iba pang uri ng kanser, pati na rin ang sakit sa puso, biglaang sanggol

pagkamatay syndrome, kawalan ng lakas at higit pa (3).

1. Alamin ang mga epekto ng paninigarilyo sa kanilang buhay

- Ang mga kabataan ay kadalasang nagbubuklod sa bilang ng mga taong

naninigarilyo, at ito ay magiging mas malamang na magsisimula silang

manigarilyo. Natagpuan ng isang pangkat na pag-aaral na ang iba't ibang mga

kadahilanan ay nauugnay sa mga kabataan na overestimating ang pagkalat ng

paninigarilyo at ang posibilidad ng mga ito na nagsisimula sa usok .

2. Mga sakit na dulot ng panigarilyo

- Mga Sakit na Dulot ng Paninigarilyo

10
Ang sumusunod ay ilan sa mga sakit at kondisyon na nadudulot ng

paninigarilyo.

COPD

Ang COPD o chronic obstructive pulmonary disease ay isang

karamdaman kung saan ang pasyente ay nahihirapang huminga. Ang taong may

COPD ay kadalasang maagang namamatay. Habang tumatagal, mas

nahihirapan ang pasyente huminga, at umaabot pa sa pagkakataon kung saan

kahit ang pagakyat ng hagdan ay hindi na magagawa ng pasyente. Dalawang

karamdaman ang kabilang sa COPD.

a) Emphysema

Ang sakit na ito ay unti-unting sinisira ang air sacs ng baga. Ang pasyente ay

may progresibong hirap ng paghinga.

b) Chronic Bronchitis

Ang sakit na ito ay ang pamamaga ng bronchial tubes, at pagdami ng plema.

Asthma

Magandang ideya para sa mga taong may hika na umiwas sa

paninigarilyo dahil maaari nitong mapalala at mapadalalas ang atake ng sakit na

ito.

Cancer

11
Ang pinaka karaniwang uri ng cancer na nadudulot ng paninigarilyo ay

ang lung cancer o kanser sa baga. Ayon sa mga pag-aaral, ang paninigarilyo ay

nakakapagdulot din ng cancer sa iba't ibang bahagi ng katawan, kasama na dito

ang cancer sa bato, sa atay at sikmura (stomach cancer)

Nakaaapekto ito sa reproductive system

Ang mga lalaki at babaeng naninigarilyo ay maaring mahirapang makabuo

ng bata. Maari ding maapektuhan ang kalusugan ng bata kapag ang kanyang ina

ay naninigarilyo habang siya ay nasa sinapupunan nito

12
KABANATA III

PAGLALAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod

………………………………………………….

Kongklusyon

……………………………………………………..

Rekomendasyon

13
DOH

Sa MGa kabataan

………..

Sa mga Magulang

……………….

Sa mga Guro

…………………………

Sa mga Mananaliksik sa hinaharap

………………………….

14
TALASANGGUNIAN

A. /Internet

B. Pahaya

15
TALASANGGUNIAN

16

You might also like