You are on page 1of 3

A.

Introduksyon

Noong unang panahon pa lamang , laganap na sa maraming parte ng mundo


ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang gawaing ito , ayon sa Wikipedia , ay
tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama angtubig at mga pagkain, na
nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Maaaring
makaapekto ang droga sa isip lamang ng tao o sa katawan ng tao, subalit maaari ring
parehong maapektuhan ang mga ito. Sa malawakang kahulugan, kinabibilangan ang
mga bawal na gamot ng mga produktong drogang may kapeina, tabako,
mganalalanghap na sangkap o mga inhalante, ang marihuwana o cannabis, heroina,
at mga isteroyd.

May mabibigat na mga hindi kapakinabangan ang ilang mga uri ng gamot na
mainam sanang nagagamit lamang para sa layunin ng panggagamot, sa halip na
kapinsalaan sa tao at kanyang katawan at isipan. Subalit mayroon sa mga ito ang
may kaakibat na mga katangian nakakaakit at nakalilikha ng pagkakalulong o hindi
maiwasan at hindi mapigil na paghahanap ng taong nakagamit o gumamit na ng mga
ito. Humahantong ito sa tuluyang hindi na pagkapigil ng taong iwasan ang mga gamot
na ito. Nakagagawa ang mga nakahuhumaling na mga gamot ng pansamantalang
damdamin o pakiramdam ng kabutihan o ginhawa ng katawan at pagkatao dahil sa
kanilang pag-apekto sa sistemang nerbiyos ng katawan.

Ang Paggamit ng Bawal na Gamot ay isang Gawain na may iba’t ibang klase
katulad ng paginom , sinusunog ang sangkap karaniwang ginagawang sigarilyo na
maaring niroly sa papel upang mahithit. Dahil nga naman ang mundo ay mabilis
magbago , nakaisip ang ibang tao ng mga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng
mga ito .

B. Paglalahad ng Suliranin

Ang pagiging isang binata o teenager ay kinikilala bilang isang panahon kung
kalian dapat magkaroon ng maraming karanasan o “experience”. Sabi nga nila,
“Subok lang ng subok, sabak lang ng sabak!” Ngunit hindi lahat ng bagay ay dapat
pang maranasan, lalo na kung klarong klaro sa karanasan ng lahat na ito ay
nakakasama. Isang halimbawa nito ang pagsubok sa mga bawal na gamot.Ang
paggamit ng bawal na gamot ay isa sa mga sanhi ng kamatayan sa buong mundo.
Ayon sa Department of Health, Ang bawal na gamot, gaya ng sigarilyo at paglalasing,
ay isang peligro sa kalusugan at kinabukasan ng mga kabataan. Gaya ng maraming
patibong ng mundo, ang mga bawal na gamot, gaya ng shabu at marijuana, ay nag-
aalok at nagbibigay ng pansandaliang kaligayan o “high”. Ngunit, may mabigat na
kapalit ito. Ang mga bawal na droga ay may kakayahang gawing adik ay iyong
katawan sa drogang ito – at hanap-hanapin mo tuloy ang mga droga na ito.

Dahil pakiramdam mo ay “kailangan” mo ang droga, bibili at bibili ka ng mga ito.


Dahil alipin na ang iyong isip at katawan sa droga, maaaring ibenta mo na ang iyong
mga kagamitan, gamitin ang iyong allowance, o nakawan ang iyong mga magulang
para lang sustentuhan ang iyong pagka-alipin sa bawal ng gamot. Ang mga gawaing
ito ay umpisa na sa pagkasira ng iyong buhay.

Ang bawal na gamot ay peligro rin sa iyong kalusugan at kaligtasan. Kapag ikaw ay
“high”, hindi mo kontrolado ang iyong katawan at ito ay nagiging dahilan ng mga
aksidente sa sasakyan. Ang pagbabago sa ugali na hatid ng paggamit (at pagtigil sa
paggamit) ng droga ay maaari ring maging sanhi ng mga bayolenteng ayaw na
maaaring magdulot ng pinsala at sakuna.

Kapag ikaw ay “high”, hindi mo rin mapigilan ang “tawag ng laman” ay maaari kang
gumawa ng mga “high-risk sexual behavior” na siya naman maaaring maging daan
para mahawa ng mga STD gaya ng tulo, Hepatitis B, at HIV/AIDS.

Isa pa, ang hiraman ng mga karayom na ginagamot sa mga drogang tinuturok ay isa
ring posibleng daan para mahawa ng Hepatitis B at HIV/AIDS.

C. Layunin Sa Pag-aaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga
sanhi ng paggamit ng bawal na gamot ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga
hindi gumagamit ng bawal na gamot upang huwag na nila subukan ang masamang
bisyo na ito.

1. Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit gumagamit ng


ipinagbabawal na gamot ang kabataan.

2. Alamin kung ano ang aspektong naaapektuhan sa buhay ng isang mag-


aaral na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

3. Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol sa mga gumagamit ng


bawal na gamot.

D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga kabataang
sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng bawal na gamot. Hindi
lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rin sa mga taong hindi na
mapigilan ang paggamit nito. Makakatulong din ito sa mga hindi gumagamit ng bawal
na gamot, upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito. Ayon sa mga
mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ayang makakapaghahatid ng
balita sa mga mambabasa tungkol sa bawal na gamot at mapag bigay alam sa publiko
ang kanilang maitutulong upang mabawasan ang bawal na gamot sa kabataan.

You might also like