You are on page 1of 2

I.

INTRODUKSYON
Ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito'y medisina upang
madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay makapagbibigay sakit kapag inaabuso. Noong unang
panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ng mundoang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ang gawaing ito ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at mgapagkain, na
nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Maaaringmakaapekto ang droga sa
isip lamang ng tao o sa katawan ng tao, subalit maaari ringparehong maapektuhan ang mga ito. Sa
malawakang kahulugan, kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga produktong drogang
may kapeina, tabako, Mga nalalanghap na sangkap o mga inhalante, ang marihuwana o cannabis,
heroina, at mga isteroyd. May mabibigat na mga hindi kapakinabangan ang ilang mga uri ng gamot
namainam sanang nagagamit lamang para sa layunin ng panggagamot, sa halip nakapinsalaan sa tao at
kanyang katawan at isipan. Subalit mayroon sa mga ito ang may kaakibat na mga katangian nakakaakit
at nakalilikha ng pagkakalulong o hindi maiwasan at hindi mapigil na paghahanap ng taong nakagamit o
gumamit na ng mga ito. Humahantong ito sa tuluyang hindi na pagkapigil ng taong iwasan ang mga
gamot na ito. Nakagagawa ang mga nakahuhumaling na mga gamot ng pansamantalang damdamin o
pakiramdam ng kabutihan o ginhawa ng katawan at pagkatao dahil sakanilang pag-apekto sasistemang
nerbiyosng katawan.

Ang Paggamit ng Bawal na Gamot ay isang Gawain na may iba’t ibang klase katulad ng paginom ,
sinusunog ang sangkap karaniwang ginagawang sigarilyo namaaring niroly sa papel upang mahithit.
Dahil nga naman ang mundo ay mabilis magbago, nakaisip ang ibang tao ng mga modipikasyon ng
paggamit o paggawa ng mga ito.

Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na kung saan laganap ang paggamit ng pinagbabawal
na gamot bagaman kitang kita ang pagsusumikap ng pamahalaan na tuldukan ang problema sa droga,
marami pa rin ang pilit na pumupuslit ng paggamit ng bawal na gamot.

At sa ngayon parami ng parami na ang bilang ng mga kabataan ang na lululong ditto. Ang pagiging isang
binata o teenager ay kinikilala bilang isang panahon kungkalian dapat magkaroon ng maraming
karanasan o “experience”. Sabi nga nila,“Subok lang ng subok, sabak lang ng sabak!” Ngunit hindi lahat
ng bagay ay dapat pang maranasan, lalo na kung klarong klaro sa karanasan ng lahat na ito
ay nakakasama. Isang halimbawa nito ang pagsubok sa mga bawal na gamot. Ang paggamit ng bawal na
gamot ay isa sa mga sanhi ng kamatayan sa buong mundo.

Ayon sa Department of Health, ang bawal na gamot, gaya ng sigarilyo at paglalasing, ay isang peligro sa
kalusugan at kinabukasan ng mga kabataan. Gaya ng maramingpatibong ng mundo, ang mga bawal na
gamot, gaya ng shabu at marijuana, ay nag-aalok at nagbibigay ng pansandaliang kaligayan o “high”.
Ngunit, may mabigat na kapalit ito. Ang mga bawal na droga ay may kakayahang gawing adik ay
iyongkatawan sa drogang ito at hanap-hanapin mo tuloy ang mga droga na ito. Dahil pakiramdam mo ay
“kailangan” mo ang droga, bibili at bibili ka ng mga ito. Dahil alipin na ang iyong isip at katawan sa droga,
maaaring ibenta mo na ang iyong mahahalagang gamit paralang makagamit kanito.
II. MGA SANHI
A

You might also like