You are on page 1of 2

Titulo ng Proyekto:

Panukala para sa Programang Basic Life Support

Mula kina: Sharmaine Bulaong


John Mark Carpio
Eiryl Shaine Tabugara
Genevie Perez
Micah Medina

Culianan Zamboanga City

Ika-7 ng Oktubre, 2019

Haba ng Panahong Gugulin: Isang Linggo

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang panukalang ito na para sa mataas na paaralang sekondarya ng Culianan na
mayroong malawak na bilang ng mag-aaral. Isa sa mga pangunahing suliranin ng paaralan
ay ang kakulangan sa pasilidad upang matulungan ang mga mag-aaral na nagkakasakit at
nangangailangan ng paunang lunas.

II. Layunin

Nilalayon ng panukalang ito na bigyan ng programa ang mga mag-aaral tungkol sa


pagbibigay ng paunang lunas (First Aid). Layunin nitong patatagin ang organisasyon ng Red
Cross Youth na nangunguna sa ganitong mga sitwasyon. Layunin rin nitong pataasin at
panatilihin ang kaligtasan ng bawat mag-aaral.

III. Plano ng Dapat Gawin:


Ang panukalang ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng isasagawang plano
1. Pagpapasa, pag-aapruba at paglalabas ng badyet.(7 araw)
2. Paghahanda ng mga kakailanganing kagamitan at materyales. (3 araw)
3. Pagpaplano ng magiging guest speaker.(1 araw)
4. Pagpapadala ng liham sa ahensiya ng Red Cross para sa guest speaker. (1 araw)
5. Pagsasagawa ng programa

IV. Badyet
Ang halagang hihinging para sa panukalang ito ay aabot ng Php 7,000.
Mga Gastusin Halaga
Mga materyales Php 1,500
Bayad sa guest speaker Php 2,000
Pagkain para sa mga kalahok Php 4,000
Kabuuang Halaga Php 7,000

V. Benepisyo ng Proyekto at mga makikinabang rito.


Ang proyektong ito ay pakipakinabang para sa mga mag-aaral na walang sapat na
kaalaman ukol sa paunang lunas (First Aid). Makakatulong rin ito upang patatagin
ang organisasyon ng Red Cross Youth.

Inihanda ni:
Sharmaine Bulaong

You might also like