Professional Documents
Culture Documents
THESIS STATEMENT: Hindi dapat ipatupad o isabatas ang panukala ni Senador Richard Gordon
na gawing mandato ang organ donation.
Bago matapos ang taon isinusulong ni Philippine Red Cross Chair Senator Richard
Gordon ang panukala na naglalayong gawing mandato ang pagdodonate ng organ sa sandaling
yumao na ang isang tao. Sa inihaing bill ni Gordon layon nitong amyendahin ang Republic Act
7170 o Organ Donation Act of 1991 para gawing “opt-out” ang sistema kung saan ikokonsidera
ang lahat ng mamamayan na organ donor.
Sa mga ayaw naming maging donor, ayon sa senador, walang magiging problema basta’t
susulat lamang ng written consent na nagsasaad ng hindi pag sang-ayon sa pagiging isang organ
donor. Sa kabilang banda, hindi maaaring i-donate ang bahagi ng katawan ng tao kung: noong
buhay ito ay tinanggihan niya ang pag-alis ng anumang bahagi ng kanyang katawan kapag
namatay na ito; kung hindi siya lagpas sa legal na edad na 18-anyos, pwera may consent mula
sa magulang o guardian; may diperensya sa pag-iisip na hindi kayang gumawa ng sariling
desisyon maliban na lamang kung may consent ng magulang o guardian; at kung hindi Filipino
citizen ang isang indibidwal.
Ang Organ Donation Act of 2018 ay nililimitahan ang sinumang walang katungkulan na
tumagtag o kumuha ng organ sa isang indibidwal na brain dead, patay na. Ang sinumang lalabag
sa batas na ito ay maaaring ikulong ng dalawampung taon at ang lumabag ay may karampatang
multa o kailangang magpiyansa ng higit kumulang dalawang milyon.
Kung ang isang tao ay isang organ recepient nararapat lamang din na siya ay
makapagdonate, at kung ang isang tao ay isang organ donor, may karapatan din siya na
makaranggap ng isang organ. -ani Gordon
Hindi pumapayag ang aming pangkat na ipatupad o isabatas ang panukala ni Senador
Richard Gordon na gawing mandato ang pagdodonate ng organ ng isang tao sapagkat
magdudulot ito ng negatibong epekto. Unang-una na lamang sa mga sasalungatin nito ay ang
utos na pinaniniwalaan at sinasabi ng simbahan. Dahil naniniwala sila na ang “brain dead“ ay di
nangangahulugang aktwal na kamatayan, di katulad ng ginagawa sa kanlurang bahagi ng
daigdig. Kaya ang pagkuha ng organ sa katawan kahit tumitibok pa ang puso ay isa na rin sa mga
dahilan upang hindi gawing mandato ang pag dodonate ng organ dahil ito ay hindi kagamit-
gamit sa ibang relihiyon. (Mercury, 2012)
Ayon kay Dr. Magda Osman, kung otomatiko mong ilalagay ang buong bansa sa isang
sistemang “opt-out”, ang ginagawa lamang ay pinapalaki o artipisyal na pinararami ang mga
numero sa rehistro ngunit ito ay nangangahulugang mas maraming donasyon ng mga organ
mula sa mga donor.
Ang donasyon ng organ ay marahil hindi dapat sapilitan ngunit maaari tayong gumawa
ng isang makahulugan at makabuluhang bagay upang hikayatin ang mga nais tumulong sa
kanyang kapwa. Hindi ito isang bagay na dapat nating pilitin sa isang tao, ngunit ang pagsuyo at
kawanggawa ay isa sa mga solusyon upang mapadami ang organ donor. Ang pagtulong ay likas
na sa mga Pilipino at ito ay isa na sa pagkakakilanlan ng ating lipunan. (Baker Marr, 2012)
Aming nahinuhana ang donasyon ng organ ay tiyak na may benepisyo katulad ng mga
naririnig mo sa mga nakatanggap ng donasyon ng puso at baga. Ngunit ang pagbibigay ng mga
organ ay dapat lamang kasali ang desisyon ng may katawan at hindi na dapat gawing sapilitan.
Isa pa sa mga dahilan kung bakit ito ay walang kasiguraduhan na makatutulong ay dahil rin sa
kakayahang pinansyal o kakayanang magbayad ng nangangailangan ng transplant. Maaari din
nitong pahabain ang taal ng pagdadalamhati ng isang pamilya, syempre ang pagdodonate din
ng organ ay maaaring magdulot ng iba pang karamdaman at komplikasyon na maaaring
pagdaanan ng nakatanggap ng transplant.
Sinasabi rin na mas malaki ang posibilidad na mabuhay ka ng mas matagal kapag
sumailalim ka sa transplant operation dahil maaari kang mabuhay pang muli sa 17.19 na taon
kaysa sa dialysis na meron lamang 5.48 na taon na tsansang mabuhay. Datapwat, hindi naman
lahat ng operasyon ay nagiging matangumpay.
Kung sakaling magiging mandato ang pagdodonate ng organ ito ay magreresulta sa mas
maraming organ donor at maaaring makatulong sa napakaraming pasyente na nangangailangan
ng organ transplant o yung mga pasyenteng may “end stage renal disease”. Ngunit hindi ito
patas para sa mga donor dahil sa oras na naidonate mo na ang organ ay wala na siyang alam o
pakialam kung saan ito mapapapunta.
Sang–ayon naman ang aming grupo sa Organ Donation kung ito ay boluntaryo at hindi magiging
sapilitan o mandato.
AJEDA PATRICK
OLAN CHRISTIAN
PANALIGAN MARGIE
NARDITO QUINONES