You are on page 1of 22

Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W1-D1

Pangalan: Taon at Pangkat: Guro:

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 12
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)
Ikalawang Markahan / Ikaapat na Linggo/ Unang Araw
LAYUNIN : Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin CS_FA11/12PT-0m-o-90

PANIMULA

Nakapagbasa ka na ba ng
isang Posisyong Papel?

Ano ang nilalaman nito at


paano mo ito naunawaan?

Kung wala ka pang ideya


mula rito Tara! Ating alamin.

ALAM MO BA?

http ://ww .dr ti om/ to k-im -gi l- k-thinki -im 37624964

Ang posisyong papel ay mahalagang gawaing pasulat na


nililinang sa akademikong pagsulat. Isa itong sanaysay na
naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang
mahalagang isyu patungkol sa batas, akademiya, politika,
at iba pang mga larangan. Karaniwang isinusulat ang isang
posisyong papel sa paraang mapanghimok sa mambabasa
upang maunawaan at sang-ayunan nito ang paninindigan
ng nagsulat hinggil sa isyung pinaksa. Ito’y isang sanaysay na https://www.netclipart.com/isee/wToJ
naglalahad ng opinyon hinggil sa isang usapin, karaniwan ng awtor o ng isang tiyak na
pagkakakilanlan tulad ng isang partidong politikal.
May iba’t ibang anyo, mula sa pinakapayak na anyo ng liham sa patnugot/editor hanggang
sa pinakakomplikadong anyo ngakademikong posisyong papel.
Ginagamit ng malalaking organisasyon upang isapubliko ang mga opisyal na paniniwala
at mga rekomendasyon ng pangkat.

Sanggunian
https://elcomblus.com/pagsulat-ng-posisyong-papel/ https:// https:// https://malayangdalubaral.wordpress.com/2018/01/21/sulating-bilang-4/
https://quizizz.com/admin/quiz/5eT70AeNadD6Ad4A0N4bA7T00U1dN6AfaWff3A/mINp-NpAosTisIyNong-papel
Pangalan: Baitang/Pangkat: Guro:

LAYUNIN NG POSISYONG PAPEL

mula sa pinakasimpleng pormat tulad ng letter to the editor hanggang sa pinakakomplikadong academic position paper. Maaaring isagawa ang pagsu

nanaw ng isa pang tao. lto ay karaniwang ginagamit sa pampolitikong kampanya, mga organisasyon ng gobyerno, sa mundo ng diplomasya, at mga h

niniwalaan ay katanggap tanggap at may katotohanan. Mahalagang maipakita at mapagtibay ang argumentong pinaglalaban gamit ang mga ebiden

aggamit ng mga ebidensyang kinapapalooban ng mga katotohanan, opinyon ng mga taong may awtoridad hinggil sa paksa, karanasan, estadistika, a

Ayon kay Jackson et al (2015) sa kanilang aklat na pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik, ang
pangangatwiran o argumentasyon na maaring maiugnay sa sumusunod na paliwanag.

Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami.
Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan.
Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang katarungan ang mga opinyon at mapahayag ang mga opinyon ito sa iba.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG PARA SA MABISANG PANGANGATWIRAN


Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid
Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid
Sapat na katwiran at katibayang makapagpatunay
Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang makapanghikayat
Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan at bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng
kaalamang ilalahad.
Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran.
Pangalan: Baitang/Pangkat: Guro:

MGA GAWAIN

Gawain 1:
Panuto: Basahin mabuti ang pangungusap sa loob ng kahon at sumulat ng iyong pansariling
pagpapakahulugan batay sa iyong natutunan sa araling ito. Ang kasagutan ay hindi lalagpas ng
3 hanggang 5 pangungusap.
A.

Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong pansariling pagka-unawa?

B.
Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong pansariling pagka-unawa?

Gawain 2:

Pangalan: Baitang/Pangkat: Guro:

Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap sa loob ng kahon at sumulat ng iyong pansariling
posisyon sa kung paano mo paninindigan at ipaglalaban ang iyong karapatan sa iba’t ibang
sitwasyon. Ang kasagutan ay hindi lalagpas ng 3 hanggang 5 pangungusap.

A.
Itinuro ka ng iyong kaklase sa iyong guro kaya ikaw ang napagkamalang naghagis ng balat ng saging sa sahig upang madulas ang iyong kaklase
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W1-D1

B.
Napulot mo ang pitaka ng taong naiinis sa iyo. Iaabot mo sana ito sa kanya. Subalit, pinagbintangan ka niya na ikaw ang kumuha ng kanyang pita

Pangalan: Baitang/Pangkat: Guro:

Gawain 3

Panuto: Magbigay ng pansariling pagkaunawa tungkol sa mga pahayag sa napapanahong isyu


at gamitin ang natutuhan sa pagsulat. Isulat sa loob ng kahon ang pangungusap na
hindi bababa sa 3 hanggang 5 panngungusap.

A.

Tama ba
magkaroon
kaagad ng
agarang
pagbibigay ng
bakuna sa mga tao
na nagmula sa sa ______
isang bansa kung
______
dumaan naman ito
sa ilang pag-
aaral?

B.

Sa iyong palagay
sapat ba ang
natatangap ng
ating mga
Medical
Fronliner na
benepisyo sa ______
panahon ng ______
nararanasan
nating Pandemic?

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


Communication: Understanding concepts
Critical Thinking: Interpretation and Creativity: Writing or Rephrasing
Creating: Writing
Character: Working Independently
Character: Being productive Critical Thinking: Reflection Creativity:
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W1-D1

Pangalan: Baitang/Pangkat: Guro:


Pagtataya

Panuto: Piliin ang letra ng angkop na kasagutan sa bawat pangungusap. Isulat sa loob ng
kahon ang kasagutan

1. Anong katangian ng Posisyong papel ang nagpapakita ng malinaw na paksa?


A. Depinadong isyu C. klarong posisyon
B. Mapangumbinsing argumento D. Angkop na tono

2. Ano ang katangian ng posisyong papel ang nagpapakita ng malinaw na panig ukol sa
isang isyu?
A. Depinadong isyu C. klarong posisyon
B. Mapangumbinsing argumento D. Angkop na tono

3. Ano ang katangian ng posisyong papel na nagpapakita ng paggamit ng diskursong


pangangatuwiran?
A. Depinadong isyu C. klarong posisyon
B. Mapangumbinsing argumento D. Angkop na tono

4. Ano ang katangian ng posisyong papel ang nagsasaad na ito ay dapat nakatuon sa
argumento at hindi sa paninira na kabilang sa panig.
A. Matalinong katuwiran C. Solidong ebidensya
B. Kontra –argumento D. Angkop na tono

5. Ano ang katangian ng posisyong papel ang nagsasaad na ito ay dapat gumagamit ng
mga patunay na may kredibilidad at balido.
A. Matalinong katuwiran C. Solidong ebidensya
B. Kontra –argumento D. Angkop na tono

B. Sa pamamagitan ng iyong pagsulat, anong mga hakbang ang iyong ginawa sa lumipas
na mga buwan upang maiwasan ang pagkalat ng covid 19 at ano ang masasabi mo sa
mga hindi sumusunod sa mg utos ng ating gobyerno na may kinalaman sa pandemyang
kinahaharap ng bansa? Sumulat ng hindi baba ng lima at hindi lalagpas ng walong
pangungusap.

Rubrik sa Pagmamarka ng Pagsulat ng Tugon

10-8 7-6 5-4 3-1


Napakahusay ng pagpapaliwanag Makahusay ang pagpapaliwanag Katamtamang husay ang Kailangan pang pagbutihin
at may natatanging halimbawang at natatangi pagpapaliwanag at masyadong ang pagpapaliwanag at
naibahagi sa isinulat na binubuo halimbawang naibahagi sa isinulat malawak ang pagkakabahagi sa maligoy ang pagbabahagi sa
ng 5-8 pangungusap na binubuo ng 5 isnulat na binubuo ng 2-3 isnulat na 1 pangungusap
pangungusap pangungusap lamang

Inihanda ni:
Romar M. Amador
Teacher I, KNHS
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W1-D1

Pangalan: Taon at Pangkat: Guro:

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 12
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)
Ikalawang Markahan / Ikaapat na Linggo/ Ikalawang Araw
LAYUNIN : Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin CS_FA11/12PT-0m-o-90

PANIMULA

https://ww clipartkey.com/vie /bJmww_clip-art-kids-thinking-clipart-boy-thinking-


Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W1-D1

ALAM MO BA?

http ://ww .drtiom/ to k-im-gi l- k-thinki -im 37624964

ANG MGA BATAYANG KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL


(Axelrod at Cooper, 2013)

Sanggunian
https://elcomblus.com/pagsulat-ng-posisyong-papel/ https:// https://IN https://malayangdalubaral.wordpress.com/2018/01/

https://quizizz.com/admin/quiz/5e70ead6d404b7001d6faff3/mp-posisyong-papel
M laS liFlli in“Ho t WritP itiP” i GFli
Pangalan: Taon at Pangkat: Guro:

Pagpili ng Paksa Batay sa Interes


Pumili ng paksa ayon sa iyong interes upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong paninindigan
1. o posisyon. Kinakailangan ang ganito upang sa kabila ng pagiging mahirap ng pagsulat ay hindi
ka mawalan ng gana o panghinaan ng loob dahil gusto mo ang Iyong paksa. Mas malawak din
ang nagagawang pananaliksik ng mga datos, opinyon, estadistika, at iba pang mga anyo ng mga
katibayan kapag nasa iyong interes ang paksa dahil nagiging mas bukas ang isipan sa mga
bagong ideya.

Magsagawa ng Paunang Pananaliksik


Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit
upang suportahan ang iyong paninindigan. Maaaring gumamit ng mga datos mula sa Internet,
ngunit tiyaking magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang web site, tulad ng
2. mga educational site (.edu) ng mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng
gobyerno (.gov), upang mahanap ang mga propesyonal na pag-aaral at mga estadistika.
Mahalaga ring magtungo sa silid-aklatan at gumamit ng mga nailathala nang mga pag-aaral
patungkol sa iyong paksa.

Hamunin ang lyong Sariling Paksa


Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol
sa iyong paksa upang mapagtibay ang iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na
posisyong papel. Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na maaari mong makuha bilang
suporta sa iyong mga pananaw. Dapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga
3. kasalungat na posisyon at gumamit ng mga kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at
iba pa) upang pahinain ang tindig ng mga ito.
Sa kadahilanang ito, dapat mong maisa-isa ang mga argumento para sa mga kasalungat na
posisyon, ilahad ang mga argumentong ito sa isang obhetibong paraan, at tukuyin kung bakit
hindi tumpak ang mga ito.
Makatutulong din ang pagguhit ng isang linya sa gitna ng isang pirasong papel, ilista ang iyong
mga punto na sang-ayon sa iyong posisyon sa isang bahagi at mga kasalungat na punto naman
sa kabilang bahagi. Pagkatapos ay tayain kung anong posisyon ba talaga ang mas mahusay

Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan


Matapos matukoy na ang iyong posisyon ay makatitindig na at ang kasalungat na posisyon (sa
iyong opinyon) ay mas mahina kaysa sa iyong sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong
pananaliksik. Pumunta sa aklatan at maghanap ng mas maraming mapagkukunan ng datos.
Maaari ding magsama ng opinyon ng isang dalubhasa o eksperto sa paksa (tulad ng mga doktor,
4. abogado, o propesor). Gayundin ng mga personal na karanasan mula sa isang kaibigan o
miyembro ng pamilya, personal na salaysay ng ibang tao, at iba pa na maaaring makaantig sa
damdamin ng mambabasa.

Lumikha ng Balangkas (Outline)


Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong papel:
1. Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang
impormasyon (background information). Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang
iyong posisyon.
2. Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
5. 3. Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong
posisyon.
4. Pangatwiranang pinakamahusay at.nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng
mga inilahad na mga kontra-argumento.
5. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon. Sa pagsulat ng
posisyong papel, ipahayag ang iyong opinyon nang may paninindigan at kasinupan sa
impormasyon. Maging matatag sa paninindigan, subalit panatilihin ang pagiging
magalang. Iparating ang iyong mga punto at patunayan ang mga ito gamit ang mga
ebidensiya.
Pangalan: Taon at Pangkat: Guro:

18 ng Mayo, 2014
Dr. Patricia Licuanan
Chairperson Commission on Higher Education (CHED)
HEDC Building, C.P. Garcia Avenue
UP Diliman, Quezon City

Mahal na Dr. Licuanan,

Magalang at taos po sa aming puso na idinudulog sa inyong butihing tanggapan ang posisyong papel na
ito ng Kagawaran ng Filipino ng Adamson University, hinggil sa paggamit ng wikang Filipino bilang
wikang panturo sa kolehiyo, at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang mandatory core course
sa kolehiyo. Naniniwala ang aming kagawaran na dapat gamitin ang wikang Filipino bilang mandatory
na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC), sapagkat ang wikang
Filipino ay hindi lamang epektibong instrumento sa pakikipagtalastasan kundi mabisang elemento sa
pagpapayaman at pagpapaunlad ng mga kaalaman at kasanayan sa mga asignaturang gumagamit ng
Filipino bilang wikang panturo. Kaugnay nito, nagsisilbing buhay ng bawat Pilipino upang lubusang
makilala ang sariling pagkakakilanlan ng lahi na mapagbuklod tungo sa pagkakaisa sa kabila ng
pagkakaiba-iba at mapahahalagahan ang minanang kultura ng ating bansa.

Bilang karagdagan, naniniwala pa rin kami na mabisang gamit ang Filipino sa mabilis at mabuting
pagkatuto ng mga mag-aaral na may pagpapahalaga na mapaunlad sa kanilang sarili ang nasyonalismo
kung gagamitin ang Filipino sa mga asignatura tulad ng Agham Panlipunan, Edukasyong Pagpapakatao,
Panitikan, Humanidades, at iba pa. Ang pag-aalis ng Filipino sa akademikong konteksto ay magbubunga
ng pagkakawatak-watak sa kaisipan na lalong maging kolonyalismo ang mentalidad ng mga
mamamayang Pilipino at sisira sa mga kulturang panrehiyon at paglabag sa itinadhana ng Konstitusyon
na binigyang-halaga ni dating Pangulo Manuel L. Quezon.
Ang wikang pambansang Filipino ay mahalagang elemento ng kasaysayan sa daan-daang taong naging
bahagi ng himagsikan noon at ngayon bago makamit ang kasarinlan nang paglaya. Hindi dapat mawala
ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Bagkus, dapat gamitin ito bilang susi sa pambansang pagkakaisa
at pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagpapanatili bilang kurso. Ang pag-aalis ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo ay siyang magwawasak sa inihahandang intelektuwalisasyon ng Filipino tungo sa
pagpapauniad at pagpapataas- nito sa antas ng edukasyon. Naninindigan ang kagawaran na ipatupad ang
isinasaad sa 1987 Konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 6 na nagsasabing ang Filipino ang dapat maging
midyum ng opisyal na komunikasyon at ng sistemang pang-edukasyon, hindi maipatutupad ang atas na
ito kung walang wikang Filipino bilang asignatura sa kolehiyo.

Dahil dito, naniniwala ang kagawaran na gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon
dahil hindi sapat ang pagkatuto sa Filipino ng mga mag-aaral na nasa elementarya hanggang senior high
school, kaya marapat lamang na maipagpatuloy ang pagkatuto sa Filipino sa antas kolehiyo. Hinggil
naman sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo, sumusuporta
kami sa pagkakaroon ng 12 yunit ng asignaturang Filipino na may multi/interdisiplinaryong disenyo,
dahil ito ang magiging batayan na magiging ganap ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral kung
madaragdagan ang mga asignatura na Filipino sa lahat ng antas ng pagkatuto sa kolehiyo. Katulad ng iba
pang mga institusyon, naniniwala kaming tungkulin ng bawat isa na matutuhan ang wikang Filipino
hindi lamang sa kolehiyong nasasakupan nito kundi sa buong rehiyong nasasakupan ng Pilipinas. Tulad
ng iba pang mga institusyon, ang aming pamantasan ay katuwang sa paghubog ng mga mag-aaral na
rnapaunlad ang kanilang kaalaman at kahusayan na magsisilbing puhunan upang maging mabuting
tagapaglingkod sa bansa. Naniniwala kami sa isang makatarungan at malayang edukasyon.
Pangalan: Taon at Pangkat: Guro:

MGA GAWAIN

Gawain 1:

Panuto: Batay sa binasang halimbawa ng posisyong papel tungkol sa isang liham, sagutan ang
mga sumusunod na katanungan sa loob ng kahon at ipaliwanag ito. Ang kasagutan ay hindi
lalagpas ng 3 hanggang 5 pangungusap.
C.

Ano ang isyung binibigyang diin sa posisyong papel?

Paano inilahad ang opinyon sa posisyong papel?

Paano inilatag ang ebidensya hinggil sa isyu? Ano ang mga ito?

Gawain 2:
Pangalan: Baitang/Pangkat: Guro:

Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap sa loob ng kahon at sumulat ng iyong pansariling
posisyon sa kung paano mo paninindigan at ipaglalaban ang iyong karapatan sa iba’t ibang
sitwasyon. Ang kasagutan ay hindi lalagpas ng 3 hanggang 5 pangungusap.
A.
Batay sa iyong natutunan tungkol sa pagsulat ng Posisyong Papel. Mahalaga bang isaalang-alang ang babasa sa iyong posisyong papel? Bakit?
Integrated the Development of the Following Learning Skills: Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W1-D1
Communication: Understanding concepts
Critical Thinking: Interpretation and Creativity: Writing or Rephrasing
Creating: Writing
Character: Working Independently
Character: Being productive Critical Thinking: Reflection Creativity:

Pangalan: Baitang/Pangkat: Guro:


Pagtataya

Panuto: Piliin ang letra ng angkop na kasagutan sa bawat pangungusap. Isulat sa loob ng
kahon ang kasagutan

1. Anong katangian ng posisyong papel ang nagsasaad na maaring tanggapin o


pabulaanan asng kahinaan ng iyong panig?
A. Matalinong katuwiran C. Solidong ebidensya
B. Kontra-argumento D. Angkop na tono

2. Annog diskurso ang ginagamit sa pagsulat ng posisyong papel?


A. Paglalahad C. Paglalarawan
B. Panghihikayat D. Pangangatuwiran

3. Matapos mamili ng paksa, ano na ang dapat isagawa sa pagsulat ng posisyong papel?
A. Pagsasagawa ng panimulang pananaliksik
B. Pagpapatuloy ng pangongolekta ng datos
C. Hamunin ang sariling paksa
D. Paghahanda ng balangkas

4. Matapos hamunin ang sariling paksa sa pagsulat ng posisyong papel, ano ang dapat
gawin?
A. Ipagpartuloy ang pangongolekta ng datos
B. Paghahanda ng balangkas
C. Pagsasagawa ng panimulang pananaliksik
D. Pagsasapinal ng posisyong papel

5. Ang isang manunulat ng posisyong papel ay dapat na nagpapakita ng awtoridad sa


kaniyang sulatin
A. Tama
B. Mali

D. Basahin at sundin ang panuto sa loob ng tungkol sa gawain na may ugnayan sa


pagbuo ng posisyong papel. Sumulat ng hindi bababa ng lima at hindi lalagpas ng
walong pangungusap.

per. Tukuyin ang mahalagang isyu na binibigyang-diin dito. Bumuo ng mga argumento at ipaliwanag nang matibay at mapanghikayat an

Rubrik sa Pagmamarka ng Pagsulat ng Tugon

10-8 7-6 5-4 3-1


Napakahusay ng pagpapaliwanag Makahusay ang pagpapaliwanag Katamtamang husay ang Kailangan pang pagbutihin
at may natatanging halimbawang at natatangi pagpapaliwanag at masyadong ang pagpapaliwanag at
naibahagi sa isinulat na binubuo halimbawang naibahagi sa isinulat malawak ang pagkakabahagi sa maligoy ang pagbabahagi sa
ng 5-8 pangungusap na binubuo ng 5 isnulat na binubuo ng 2-3 isnulat na 1 pangungusap
pangungusap pangungusap lamang

Inihanda ni:
Romar M. Amador
Teacher I, KNHS
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W1-D3

Pangalan: Taon at Pangkat: Guro:

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 12
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)
Ikalawang Markahan / Ikaapat na Linggo/ Ikatlong Araw
LAYUNIN : Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin CS_FA11/12PT-0m-o-90

PANIMULA

http //ww li tkom/vi /bJli - t-kids-thinki - li t-boy-thinki -


ALAM MO BA?

http ://ww .drtiom/ to k-im-gi l- k-thinki -im 37624964

MGA DAHILAN KUNG BAKIT MAKABULUHANG SUMULAT NG POSISYONG PAPEL


SA PANIG NG MAY AKDA
Nakatutulong ang pagsulat ng posisyong papel upang
PARA mapalalim ang pagkauna niya sa isang tiysk na isyu.
SA LIPUNAN
Naipapakilala niya ang kanyang kredibilidad Tumutulong
sa komunidad itong mgamaging
para may kinalaman
mala yangsamga
nasabing
tao sa usapin
magkakaibang pananaw tu
Nagagamit itong batayan ng mga
tao sa kanilang sariling pagtugon at pagsangkot sa usapin

Sanggunian
https://brainly.ph/question/988287
https://brainly.ph/question/101226T6 ANDAAN AT UNAWAIN NATIN
https:// https://quizlet.com/218387120/modyul-7-pagsulat-ng-posisyong-papel-flash-cards/
https://nielsenwMeabl.awyoardgpSreaslsin.cosma /F2l0li1p7in/08n/1g3/“pHooswisytoonWg-rpitaepaelP-libsriteing-ePdupkar”synoin
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W1-D3

Pangalan: Taon at Pangkat: Guro:

MGA MUNGKAHING HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

1. TIYAKIN ANG PAKSA


May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang paksa ng
posisyong papel.
- Una, pwedeng reaksiyon ito sa isang mainit na usaping kasalukuyang
pinagtatalunan.
- Pan galawa, pwedeng tugon lamang ito sa isang suliraning panlipunan.

2. GUMAWA NG PANIMULANG SALIKSIK


Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang saliksik. Lalo na kung
napapanahon ang isyu, maaring magbasa ng diyaryo o magtanong-tanong ng
opinyon sa mga taong may awtoridad sa paksa para mapalalim ang pagkaunawa
sa usapin.

3. BUMUO NG POSISYON O PANININDIGAN BATAY SA MGA


INIHANAY NA KATWIRAN
Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang ang
dalawang Posisyon ay Makita ang paninindigan.

4. GUMAWA NG MAS MALALIM NA SALIKSIK


Sa yugtong ito, maaring pagtuunan na ang mga katuwiran para sa panig na
anpiling panindigan. Maaring sumangguni sa mga aklat at akademikong dyornal.

5. BUMUO NG BALANGKAS
Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng balangkas para matiyak ang direksyon
ng pagsulat ng posisyong papel. Maaring gamiting gabay ang sumusunod na huwaran:

 MGA SARILING
KATUWIRAN
MGA KATUWIRAN NG
Isa-isa naming ihanay rito ang
KABILANG PANIG
sariling mga katuwiran.
paliwanag ang konteksto ng usapin. Maari na ring banggitin ditto ang pangkalahatang paninindigan sa usapin. Sikaping may katapat na
Isa-isang ihanay ditto ang katuwiran ang bawat isa
mga katwiran ng kabilang kabilang panig. Bukod dito
panig. Ipaliwanag ng bahagya maari ding magbigay ng iba
ang bawat katuwiran. pang katuwiran kahit wala itong
kaatapat

MULING
 HULING PALIWANAG PAGPAPAHAYAG NG
KUNG BAKIT ANG PANININDIGAN AT/O
katuwiran. Maaring magbigay rito ng karagdagang ebidensya paraNAPILING
lalong maging kapani-paniwala ang sarilingMUNGKAGHING
mga katuwiran.
PANININDIGAN ANG PAGKILOS
DAPAT
Sa isa o dalawang
pangungusap na madaling
Lagumin dito ang mga tandaan, muling ipahayag ang
katuwiran. Ipaliwanag kung paninindigan. Maaring dito rin
bakit ang sariling paninindigan sabihin ang mungkahing
ang pinakamabuti at pagkilos na maghikayat sa
pinakakarapat-dapat. babasa ngposisyong papel.
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W1-D3

Pangalan: Taon at Pangkat: Guro:

6. ISULAT ANG POSISYONG PAPEL


Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisususlat ang posisyong papel.
Kailangang buo ang tiwala sa paninindigan at mga katuwiran.

7. IBAHAGI ANG POSISYONG PAPEL


Maaring magparami ng kopya at ipamigay ito sa komunidad, ipaskil sa mga lugar
na mababasa ng mga tao, ipalathala sa mga estasyon ng telebisyon, radio at iba pang
daluyan. Maari ding gamitin ang social media upang maabot ang mas maraming
mambabasa.
MGA GAWAIN

Gawain 1:

Panuto: Sumulat ng iyong pansariling pagkaunawa batay sa mga halimbawa ng posisyong


papel na nasa loob ng kahon. Ang pangungusap ay hindi baba sa 3 at hindi lalagpas ng 5
pangungusap. Isulat ang kasagutan sa loob ng kahon na may espasyo.
E.

o. Bilang isang tao na may pananampalataya sa diyos, hindi ako pabor sa aborsyon maliban na lamang kung ito ay may medikal na dahilan para sa in
ailanpaman, hindi ito katanggap-tanggap na dahilan. Bilang anak ng diyos, responsibilidad natin na gawing sagrado ang ating katawan dahil ito ay pin
ng kabutihan.

10-8 7-6 5-4 3-1


Napakahusay pagsusuring May kahusayan pagsusuring May kahusayan pagsusuring Kailangan pang linagin ang
isinagawa at nailahad nang buo isinagawa at nailahad nang buo isinagawa at nailahad nang pagsusuring isinagawa at
kung anong mga element ang kung anong mga element ang buo kung anong mga element nailahad nang buo kung
nakapaloob sa nasabing nakapaloob sa nasabing ang nakapaloob sa nasabing anong mga element ang
akademikong sulat. Naglalaman akademikong sulat. Naglalaman akademikong sulat. nakapaloob sa nasabing
din ng 8-10 pangungusap. din ng 5-7 pangungusap. Naglalaman din ng 3-4 akademikong sulat.
pangungusap. Naglalaman din ng 1-2
pangungusap.
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W1-D1

Pangalan: Baitang/Pangkat: Guro:

B.

Libreng Edukasyon Para Sa Lahat Ng Pilipino


Posted onAugust 13, 2017by nielsenweb

edukasyon, yumayabong ang pamumuhay ng bawat Pilipino. Ngunit paano natin makakamit ang mga magagandang benipisyo ng edukasyon kung
para sa lahat ng mamamayang Pilipino upang makapag-aral ng libre hindi lamang ang mga estudyanteng mayayaman at matatalino. Nakasaad din
ng pamahalaan ngunit magiging madali ito kung lahat ng Pilipino ay makikiisa at gagampanan ang kanilang mga

Gawain 2:

Panuto: Basahing mabuti ang katanungan sa loob ng kahon at sumulat ng iyong pansariling
posisyon sa kung paano mo paninindigan at ipaglalaban ang iyong karapatan sa iba’t ibang
sitwasyon. Ang kasagutan ay hindi lalagpas ng 3 hanggang 5 pangungusap.
A.
Ano iyong masasabi tungkol sa isyu ng pagkalat ng impormasyon na ang Pilipinas ay probinsiya na China?

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


Communication: Understanding concepts
Critical Thinking: Interpretation and Creativity: Writing or Rephrasing
Creating: Writing
Character: Working Independently
Character: Being productive Critical Thinking: Reflection Creativity:
Pagtataya

Panuto: Piliin ang letra ng angkop na kasagutan sa bawat pangungusap ayon sa mga hakbang
sa pagsulat ng posisyong papel. Isulat sa loob ng
kahon ang kasagutan
1. Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang saliksik. Lalo na kung napapanahon ang
isyu, maaring magbasa ng diyaryo o magtanong-tanong ng opinyon sa mga taong may
awtoridad sa paksa para mapalalim ang pagkaunawa sa usapin.
A. Pagtiyak sa paksa C. Paggawa ng panimulang pananaliksik
B. Pagbuo ng mas malalim na saliksi D. Pagbuo ng posisyon o paninindigan batay sa katwiran
2. Sa yugtong ito, maaring pagtuunan na ang mga katuwiran para sa panig na anpiling
panindigan. Maaring sumangguni sa mga aklat at akademikong dyornal.
A. Pagtiyak sa paksa C. Paggawa ng panimulang pananaliksik
B. Pagbuo ng mas malalim na saliksi D. Pagbuo ng posisyon o paninindigan batay sa katwiran
3. Sa hakbang na ito ay may dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang paksa ng
posisyong papel.Una, pwedeng reaksiyon ito sa isang mainit na usaping kasalukuyang
pinagtatalunan at ang pangalawa, pwedeng tugon lamang ito sa isang suliraning panlipunan.
A. Pagtiyak sa paksa C. Paggawa ng panimulang pananaliksik
B. Pagbuo ng mas malalim na saliksi D.Pagbuo ng posisyon o paninindigan batay sa katwiran
4. Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang ang dalawang
Posisyon ay Makita ang paninindigan.
A. Pagtiyak sa paksa C. Paggawa ng panimulang pananaliksik
B. Pagbuo ng mas malalim na saliksi D.Pagbuo ng posisyon o paninindigan batay sa katwiran
5. Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng balangkas para matiyak ang direksyon ng
pagsulat ng posisyong papel.
A. Pagtiyak sa paksa C. Paggawa ng panimulang pananaliksik
B. Pagbuo ng balangkas D. Pagbuo ng posisyon o paninindigan batay sa katwiran
F. Basahin at sundin ang panuto sa loob ng tungkol sa gawain na may ugnayan sa
pagbuo ng posisyong papel.Isulat sa loob ng kahon ang kasagutan ng hindi bababa ng
lima at hindi lalagpas ng walong pangungusap.
a sa telebisyon o pahayagan at tukuyin ang argumento na nangingibabaw o paksa na maaring mapagusapan. Bumuo ng iyong pansari

Rubrik sa Pagmamarka ng Pagsulat ng Tugon

10-8 7-6 5-4 3-1


Napakahusay ng pagpapaliwanag Makahusay ang pagpapaliwanag Katamtamang husay ang Kailangan pang pagbutihin
at may natatanging halimbawang at natatangi pagpapaliwanag at masyadong ang pagpapaliwanag at
naibahagi sa isinulat na binubuo halimbawang naibahagi sa isinulat malawak ang pagkakabahagi sa maligoy ang pagbabahagi sa
ng 5-8 pangungusap na binubuo ng 5 isnulat na binubuo ng 2-3 isnulat na 1 pangungusap
pangungusap pangungusap lamang

Inihanda ni:
Romar M. Amador
Teacher KNHS
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W4-D2

Pangalan: Taon at Pangkat: Guro:

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 12
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)
Ikalawang Markahan / Ikaapat na Linggo/ Ikaapat na Araw
LAYUNIN : Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin CS_FA11/12PT-0m-o-90

PANIMULA

lipart-boy-thinking-

ALAM MO BA?

http ://ww .drtiom/ to k-im-gi l- k-thinki -im 37624964

LAYUNIN AT GAMIT NG POSISYONG PAPEL


https://ww clipartkey.com/vie /bJmww_clip-art-kids-thinking-c
Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan.

KATANGIAN

Ito ay nararapat na maging pormal at organisado ang pagkakasunod-sunod ng ideya.

Sanggunian
https:// https://eportp312pytha.wordpress.com/2017/10/18/curfew-uwi-na-gabi-na/

https://grouptressite.wordpress.com/2017/10/01/posisyong-papel-soft-copy/
https://quizlet.com/218387120/modTyAulN-7D-pAagAsNulaAt-TngU-pNoAsiWsyoAnIgN-paNpAelT-fIlaNsh-cards/

GwAebD.wAoPrdApTreIsSs.cAoAmL/2A0N17G/0-8A/1L3A/pNosGisySoAngP-pAapGeSl-lUibLrAenTg-NedGukPaOsySonIS-pYaOraN-sGa-lPah
Ppailnipginaola/
M laya g San:
_l_in_s_a Fl_lipin_ Tnago“nHoawt tPoaWnrgitkeaat:P_s_i_tiP p r” niGGurarco: Fle ing
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W1-D4

Pangalan: Taon at Pangkat: Guro:

MGA HALIMBAWA NG POSISYONG PAPEL


MGA GAWAIN

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang seleksyon na nasa loob ng kahon at sagutin mga
gawain tungkol dito. Ang kasagutan ay hindi bababa ng 3 pangungusap at hindi
lalagpas 5 pangungusap.

REPRODUCTIVE HEALTH BILL: MALAKING TULONG


Sa panulat ni JAMAICA VILLEGAS

Ang pagkontrol sa panganganak ay dapat may disiplina at pagpapahalaga sa sarili bilang isang
magulang. Bilang isa sa kabataan ngayon at mamamayan ng Pilipinas ay nakikita namin na lumalaki
na ang populasyon sa ating bansa. Madami din kaming nakalap na balita tungkol sa kababaihan na
karamihan ay nagpapalaglag sa kanilang mga anak kaya para sa amin mahalaga talaga ang may sapat
na kaalaman sa pagiging isang responsableng magulang. Masasabi naming na sang-ayon kami sa
Reproductibe Health Bill. Ito ay nagbibigay gabay sa mga tao lalo na sa mga kababaihan patungkol
sa kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na edukasyon sa pagpaplano ng pamilya, paggamit ng
mga “contraceptives” at ang paraan para maiwasan ang pagpapalaglag ng bata.
Nakaranas at kasalukuyang nakakaranas ng paglaki ng populasyon at pagpapalaglag ng mga
ina sa batang nasa kanilang sinampupunan ang bansang PilinasAyon sa isang report mula sa
Guttmacher Institue noong 2005, mahigit 500,000 na babae ang nagpapa-abort bawat taon. 25% sa
mga ito ang nagpupunta sa mga illegal na mga abortion clinic. 30% ay umiinom ng gamot na
pampalaglag gaya ng Cytotec. 20% ang nagpapahilot para malaglag ang baby. Ang iba’y gumagawa
pa nang iba’t ibang paraan gaya ng pag-inom ng alak, pagpasok sa pwerta ng iba’t ibang gamit, at
iba pa. Nagagawa ng mga kababaihan o ng magulang ang ganitong gawain dahil sa kakulangan ng
kaalaman sa pagpapamilya o sa Reproductive Health Bill. Ayon kay
(http://www.akoaypilipino.eu/balita/balita/pilipinas/rh-bill-isang-mainit-na-paksa-sa-pilipinas-ano-
ba-ito.html), ang RH bill ay isang bill sa Pilipinas na naglalayong masiguro ang mga pamamaraan at
mga impormasyon sa birth control at maternal care. Marami na ang mga ina na nawawalan ng
disiplina sa panganganak at hindi nila iniisip ang maaaring mangyari kapag dumami ang kanilang
anak. Ang mga anak mismo ang mahihirapan dahil sa hindi na sila makakayang atupagin lahat ng
kanilang magulang. Ayon sa chuchu (http://bandera.inquirer.net/122793/paglobo-ng-
populasyon-ng-ph-bumaba) bumaba ang growth rate ng populasyon ng Pilipinas matapos
makapagtala ng 1.72 porsiyento na paglaki ng populasyon noong 2015 kumpara sa 1.9 porsiyentong
itinaas noong 2010. Sinabi ni Commission on Population Executive Director Juan Antonio Perez III
na nakapagtala ng 100.98 milyong populasyon noong isang taon, mas mababa sa naging pagtaya
noong 2010. Idinagdag ni Perez na ito’y dahil na rin sa pagdami ng gumagamit ng mga
contraceptives. Ayon sa datos ng pamahalaan, 38 porsiyento lamang ng mag-asawa ang gumamit ng
artificial contraceptives noong 2010 kumpara sa 45 porsiyento noong 2015.
Ang Reproductive Health Bill o Republic act No. 10354 ay naging batas simula ng
kapanahonan ni ( INSERT KANUS A and kinsa ang nag ALLOW sa BATAS) . Sa kasalukuyan ay
may dalawang panukalang batas na may parehong layunin: House Bill No. 96 ang reproductive
health act at populasyon at development act no. 2010.
Sa pangkalahatan, kami ay sumasang-ayon sa isyu patungkol sa Reproductive Health Bill o kilalang
RH Bill. Mas napatibay an gaming posisyon dahil sa mga impormasyon na aming nakalap sa tulong
nga mga nasasabing “website”. Malaking tulong ang maidudulot nito sa ating lahat lalo na sa mga
kabataan at mga ina.

Ano ang naging posisyon ng may-akda sa kanyang tinalakay na paksa? Ipaliwanag.


Pangalan: Taon at Pangkat: Guro:

Posisyong Papel: Unified ID System


Sa panulat ni JOSHUA JIREH MANLAWE

Ang pamamahala sa bawat Pilipino ay isang malaking responsibilidad ng gobyerno. Ang kaagapay
sa pamamahala ng Pangulo ay mga iba’t ibang departamento sa pamamahagi ng mga tungkulin at
mga kailangan gawin para sa pag-unlad ng ating bansa. Sa madaling salita ay mas pinadali at
mainam ang pagsagawa ng kanilang mga tungkulin. Malaking tulong ang pagtatag ng Unified
Identification System sa ating pang araw-araw na mga gawain.
Ayon sa wikipedia, ang Unified ID System ay naipakilala noong 2010 na naglayong gawin ang
iba’t ibang transaksyon sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na gamit ang isang card lamang at
napakaloob na din dito ang paggamit nito sa pagboto sa mga darating na eleksyon. Ang
reponsable sa pag implementa nito ay ang Social Security System(SSS), Government Service
Insurance System(GSIS), at ang PhilHealth. Ito ay nakapangalan sa House Bill 5060 na ipinasa ni
Sonny Belmonte,Jr. na naglalayong makatulong sa “anti-crime, anti-terrorism” na kampanya.
Sa panahon ngayon, malala na ang mga krimen kagaya ng droga, extrajudicial killings at terorismo.
Ang UID ay makakatulong sa mga nabanggit na sitwasyon dahil makikita dito ang buong
impormasyon ng isang tao sa pag subaybay kapag sila man ay napapabilang sa mga iba’t ibang
gawain, masama man o hindi. Gamit ang isang card , dito mas mapapadali at maging mahusay ang
mga transaksyon na may kinalaman sa pag papatunay ng isang pagkakakilanlan ng isang tao.
Sa pamamagitan nito, malalaman kung sino ang mga ilegal na imigrante na nanatili sa ating bansa.
Ang mga tao na hindi nagbabayad ng tamang buwis ay malalaman ng mga nakakataas dahil sa
tulong ng UID. Electric governance, dito hindi na kailangan na pag isa-isahin dahil sa paggamit
lamang ng isang card mas simple at pinadali ang pag proseso ng mga papeles na nangangailangan
ng pagkakakilanlan ng isanh tao. Ang UID ay gumagamit ng biometrics kagaya ng fingerprints,
handprints at DNA sa tulong nito masisiguro na iisang tao lamang ang nag mamay-ari at gumagamit
nito. Makikita sa UID ang pagkakaiba ng bawat tawo gamit ang kanilang mga katangian at parte ng
katawan na walang sinuman ang pwede makakagaya.

Ano ang naging posisyon ng may-akda sa kanyang tinalakay na paksa? Ipaliwanag.

Gawain 2
Panuto: Gumawa ng pansariling pananaliksik tungkol sa mga paksa na makikita sa loob ng
bawat kahon at sumulat ng posisyong papel tungkol sa paksa na hindi baba sa 4 na
pangungusap at hindi lalagpas ng 10 pangungusap.
A.

Paksa: PAG-AANGKAT NG MGA BANYAGANG PRODUKTO SA ATING BANSA


Pangalan: Baitang/Pangkat: Guro:

5 4 3 2-1
Napakahusay pagsusuring May kahusayan pagsusuring May kahusayan pagsusuring Kailangan pang linagin ang
isinagawa at nailahad nang buo isinagawa at nailahad nang buo isinagawa at nailahad nang pagsusuring isinagawa at
kung anong mga element ang kung anong mga element ang buo kung anong mga element nailahad nang buo kung
nakapaloob sa nasabing nakapaloob sa nasabing ang nakapaloob sa nasabing anong mga element ang
akademikong sulat. Naglalaman akademikong sulat. Naglalaman akademikong sulat. nakapaloob sa nasabing
din ng 8-10 pangungusap. din ng 5-7 pangungusap. Naglalaman din ng 3-4 akademikong sulat.
pangungusap. Naglalaman din ng 1-2
pangungusap.

Paksa: PAGTANGGAL NG PRANGKISA NG ABS – CBN.

5 4 3 2-1
Napakahusay pagsusuring May kahusayan pagsusuring May kahusayan pagsusuring Kailangan pang linagin ang
isinagawa at nailahad nang buo isinagawa at nailahad nang buo isinagawa at nailahad nang pagsusuring isinagawa at
kung anong mga element ang kung anong mga element ang buo kung anong mga element nailahad nang buo kung
nakapaloob sa nasabing nakapaloob sa nasabing ang nakapaloob sa nasabing anong mga element ang
akademikong sulat. Naglalaman akademikong sulat. Naglalaman akademikong sulat. nakapaloob sa nasabing
din ng 8-10 pangungusap. din ng 5-7 pangungusap. Naglalaman din ng 3-4 akademikong sulat.
pangungusap. Naglalaman din ng 1-2
pangungusap.

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


Communication: Understanding concepts
Critical Thinking: Interpretation and Creativity: Writing or Rephrasing
Creating: Writing
Character: Working Independently
Character: Being productive Critical Thinking: Reflection Creativity:
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W1-D1

Pangalan: Baitang/Pangkat: Guro:


Pagtataya

Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan sa Hanay B batay sa angkop na kahulugan sa
Hanay A. Isulat sa loob ng kahon ang kasagutan

1. Isang paraan upang ipahayag ang paninindigan.


A. Paksa
2. Ay sanaysay na naglalahad ng mga opinyon
tungkol sa partikular na paksa o usapin.
Dito, kailangang pumosisyon sa isang panig. B. Argumento
Maaaring nasa simpleng anyo ng liham sa
editor o kaya naman ay sanaysay.
C. Malinaw at matatag
3. Anoman ang posisyon, kailangang magbigay
ng at na argumento at mga
makatuwirang ebidensiyang susuporta sa mga
ito sa kabuuan ng papel. D. Posisyong papel

4. Kumbinsihin ang mga mambabasa na may


saysay at bisa ang mga argumentong inihain E. Layunin ng Posisyong Papel
sa kanila.

5. Sa lohika, ang ay pahayag na ginagamit


upang manghikayat at mang-impluwensiya ng iba F. Pagsulat ng Posisyong papel
o upang ipaliwang ang mga dahilan sa pagkiling
sa isang posisyon.

G. Basahin at sundin ang panuto sa loob ng tungkol sa gawain na may ugnayan sa


pagbuo ng posisyong papel.Isulat sa loob ng kahon ang kasagutan ng hindi bababa ng
lima at hindi lalagpas ng walong pangungusap.
a sa telebisyon o pahayagan at tukuyin ang argumento na nangingibabaw o paksa na maaring mapagusapan. Bumuo ng iyong pansari

Rubrik sa Pagmamarka ng Pagsulat ng Tugon

10-8 7-6 5-4 3-1


Napakahusay ng pagpapaliwanag Makahusay ang pagpapaliwanag Katamtamang husay ang Kailangan pang pagbutihin
at may natatanging halimbawang at natatangi pagpapaliwanag at masyadong ang pagpapaliwanag at
naibahagi sa isinulat na binubuo halimbawang naibahagi sa isinulat malawak ang pagkakabahagi sa maligoy ang pagbabahagi sa
ng 5-8 pangungusap na binubuo ng 5 isnulat na binubuo ng 2-3 isnulat na 1 pangungusap
pangungusap pangungusap lamang

Inihanda ni:
Romar M. Amador
Teacher KNHS

You might also like