You are on page 1of 11

Hakbang 1

Pagpili ng Paksa
Kabuluhan May mahigpit na Pokus Kakayahan, mapagkukunan at panahon Antas ng kahirapan Interes

Hakbang 2
Pagtatakda ng Layunin
Mula sa pagpili ng paksa ang mananaliksik ay nagtatakda ng layunin. Ang layunin ang magdudulot sa mananaliksik kung ano ang nais niyang gawin sa kanyang pananaliksik.

Hakbang 3
Malawakang Pagbabasa Kaugnay ng Napiling Paksa

Ang malawakang pagbabasa ay panimulang hakbang sa pananaliksik. Ito rin ay isa sa mga hakbang ng pagkuha ng mga impormasyon. Dahil sa pagbabasa, nadaragdagan ang iyong ideya sa posibleng maging pokus ng iyong pag-aaral at kung paano rin patatakbuhin ang talakayan sa iyong papel.

Hakbang 4
Pagtatala at Pag-oorganisa ng mga nakuhang Impormasyon

A.

Paggamit ng note card Pamagat ng Impormasyon Impormasyon na isinasaad Sanggunian

B. Paggamit ng Talahanayan

C. Pagkilala sa May-akda Paggamit ng Istilong Parentetikal Tuwirang Pagkilala at Istilong Parentetikal Pagtatalababa

Hakbang 5
Pagkuha ng Impormasyon o mga Datos

Ang mga datos na kakailanganin ay maaring magmula sa panayam, sarbey, pagsagot sa tseklis, obserbasyon, eksperimentasyon, pagsubok, emersyon, pakikihalubilo at iba pang pamamaraan.

Hakbang 6
Paglalahad ng mga Datos at Impormasyon

Kalinisan
Kalinawan Kaisahan Kaangkupan Kawastuhan

Hakbang 7
Pagsulat ng Unang Burador
Ito ang unang sulatin buhat sa mga tinipong impormasyon, tala at mga note card at iba pang pamamaraan upang mabuo ang iyong mga ideya.

Hakbang 8
Ang Pag-eedit at Pagrerebisa ng Pananaliksik Papel
Maglaan ng oras sa pagbasa at pagmamarka ng mga mali ng iyong sulatin. Sa pagiging editor mo, pagbabasa lamang at pagwawasto ang gagawin. Basahin ng malakas at marahan ang teksto upang mapakinggan kung maayos ang pagkakabuo ng pangungusap. Ipabasa sa kamag-aral o ibang tao ang iyong mga sinulat sapagkat mahirap makita ang pagkakamali sa sariling sulatin. May mga pagkakataon na pagtatalunan mo at iyong guro ang iyong diskarte at pagbuo ng ideya sa pananaliksik.

Hakbang 9
Pag-uugnay at Paglalathala

Sa hakbang na ito, dito na itatala o isusulat ang mga nakuhang impormasyon o datos na naisaayos na. Ang mga impormasyon o datos ay may pagkakaugnay-ugnay.

Marjorie A. Soniega Jannalyn S. Taliman Rea Janica P. Torio

You might also like