You are on page 1of 2

Abaya, Ma.

Cassandra Filipino sa Piling Larang

Sampan, Cherizza Mae G12-STEM 19

Pagsulat ng Balangkas at Buod

Pelikula: “Be with You”

Balangkas

I. Isang ama na mag-isang inaalagaan ang anak dahil namayapa na ang ina nito.

a. Dahil sa pagkamatay ng kaniyang asawa ay mag-isa niyang pinapalaki ang

kaniyang anak.

II. Umaasa ang anak na babalik ang kaniyang ina sa unang pag-patak ng ulan.

a. Nangako ang kaniyang ina na babalik siya sa unang pag-patak ng ulan.

b. Sa unang pag-patak ng ulan ay nakita ng mag-ama ang ina ng bata sa riles ng

tren.

III. Nawala ang memorya ng ina ng bata.

a. Tinulungan ng mag-ama ang babae na mabalik ang kaniyang memorya.

b. Labis na natuwa ang bata sa muling pag-balik ng kaniyang ina.

IV. Kinailangan bumalik ng ina sa langit bago ang huling pag-patak ng ulan at kung

hindi, hindi na niya mababalikan ang kaniyang pamilya.

a. Lungkot ang nadama ng mag-ama nang malaman na malapit na bumalik sa langit

ang kanilang minamahal.

b. Tuluyan na ngang bumalik sa langit ang ina.

V. Bumalik sa normal ang lahat.

a. Mag-isa na ulit na inaasikaso ng ama ang kaniyang anak.


Buod

Ang istorya ng pelikulang "Be with you" ay umiikot sa mag-amang namatayan ng ina at

umaasang babalik ito dahil sa pangako niyang ipanagkaloob na sa paglipas ng isang taon, sa

maulan na panahon ay muling babalik din ang babae. Nang lumipas ang isang taon, biglang

lumitaw ang ina ngunit wala itong natatandaan kaya iniuwi nalang nila ang babae at pinilit na

ibalik ang kanyang memorya at mamuhay ng tulad ng dati. Ngunit kinakailangan na bumalik ang

babae sa langit pagkatapos ng panahon ng tag-ulan. Dito muli gigising ang babae sa nakalipas na

panahon kung saan magkikita sila ng kanyang asawa sa unang pagkakataon matapos siyang

magising sa pagka-"comatose" ng anim na buwan.

You might also like