You are on page 1of 1

B.

Prayoridad na Pangangailangan

Ang pagkakaroon ng hydrogen generator bilang alternatibong pagkukuhaan ng gasolina

sa mga napiling lugar sa Kalookan ay makatutulong ng higit sa mga mamamayan ng naturang

lungsod, sapagkat malaking bahagdan ng mga mamamayan na ito ay nagmamay-ari ng

sasakyan, partikular ang mga motorsiklo. Ayon nga sa localpulse.net (2016), noong Setyembre

19, 2016, idineklara ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang lungsod ng Kalookan bilang

“Motorcycle Capital of the Philippines”. Ang gagamiting tubig dito ay maaaring makuha sa mga

prikas at iba pang bahain na lugar sa Kalookan. Hindi lamang ito makatutulong upang makatipid

ang mga may-ari ng mga motorsiklo, makatutulong din ito upang masolusyonan ang mga

umaapaw na prikas at bahaing lugar dahil sa paggamit nito ng maruming tubig mula sa mga

lugar na ito.

You might also like