You are on page 1of 2

Mula kay: Harvey Bryan C.

Caibigan
Bagalangit, Mabini, Batangas
Ika-14 ng Marso, 2022

Ang nasabing panukala na pinamagatang “Bagong Liwanag: Isang Proyekto


sa Pagpapatayo ng Solar Street Lamps sa Barangay Bagalangit” na inihanda ngayong
Marso 14, 2022 at inaasahang matutupad ang nasabing panukala sa loob ng dalawang
(2) linggo. Kaakibat nito ang mga tauhan at kabuuang badyet na kailangang ilaan sa
nasabing proyekto.

I. Paghahayag ng Suliranin

Ang pamayanan ng Barangay Bagalangit ay tinitiis ang kakulangan sa pailaw


sa mga daan maging sa mga pangunahing kalsada nito. Karamihan sa mga posteng
ilaw ay sira at napaglumaan na ng panahon o di naman kaya’y basag at mukhang
pinagka-interes ng mga dumadaan. Bihira lamang ang mga nababalitang aksidente na
may kinalaman sa madidilim na parte ng daan ng barangay ngunit ang kawalan ng
presensya ng mga pailaw sa daan ay sanhi ng takot sa mga motorista lalo na sa mga
taong bumabyahe ng madaling-araw. Maging ang mga mamamayan ay takot na ding
maglakad sa mga madidilim na lugar lalo’t pinangungunahan ng takot na may
mangyaring hindi inaasahan sa kanilang paglalakad. Bukod dito, ang mga bumbilyang
ginagamit ay malakas kumain ng kuryente at hindi pangmatagalan ang epekto nito kaya
mas makakabuti kung papalitan ang mga poste ng ilaw ng makabago at makakalikasan
na mga pailaw tulad ng paggamit ng solar o galing sa sinag at init ng araw upang
makatipid ang barangay sa gastusin ng kuryente at enerhiya.

II. Layunin
Ang pagpapalit ng mga posting ilaw ng makabago, makakalikaasan, at
matipid na posteng ilaw ang siyang isinusulong ng aking panukala para sa aming
barangay. Iminumungkahi nito ang maayos, maliwanag, at ligtas na paglalakbay ng
mga motorista, drayber, at maging ang mga taong nasasakupan ng barangay. Nais
matunugunan ng panukalang ito ang maisaayos ang kaligtasan ng mga tao maging ang
mga motorista sa kanilang paglalakabay sa madilim at nakakabahalang parte ng daan.

III. Plano na Dapat Gawin


1. Kailangan na mapaghandaan at masuri ang nasabing panukala sa
anumang mali o anumang problema na maaaring magkaroon ng kalituhan
sa nais ipatupad bago ito maipasa.
2. Ang mga taong kaakibat sa pagsasagawa ng panukalang ito ay
magsasagawa ng bidding sa loob ng dalawang (2) araw pagkatapos
maipasa ang panukala at napagkasunduan ng mga punong-lider ng bayan
at barangay ang nasabing panukala. Sa pagsasagawa ng bidding,
nakapaloob dito ang mga plano, mga gastusin at mga hangarin para
matupad ang nasabing panukala.
3. Pagkatapos, kailangan na magkaroon ng kapulungan sa pagitan ng taong
nagpapatupad ng panukala at sa punong-barangay ng Barangay
Bagalangit.
4. Ang nasabing proyekto ay itatayo sa kahabaan ng pambansang daan
(national road) ng Barangay Bagalangit kung saan ang mga lumang poste
ng ilaw ay siyang papaltan ng mga solar na street lamps upang
maisakatuparan ang mithiin ng nasabing proyekto.
IV. Badyet

Bagong Liwanag: Isang Proyekto sa Pagpapatayo ng Solar Street


Lamps sa Barangay Bagalangit

Mga Gastusin Halaga


Mga Propesyunal na Gastos
BATELEC Line Men Php 100,000.00
Labor Workforce Php 50,000.00
Php 150,000.00

Mga Materyales
25 Solar Street Lamps Php 50,000.00
25 Posteng Bakal Php 40,000.00
Semento Php 15,000.00
Buhangin Php 15,000.00
Php 120,000.00

Kabuuan Php 270,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito

Ang mga mamamayan ng Barangay Bagalangit, maging ang mga motorista at


drayber, at mga turistang bumibisita sa lugar ng Barangay Bagalangit ang lubos na
makikinabang sa pagpapatayo ng solar street lamps sa lugar. Makakatulong ito upang
maging maliwanag ang mga daan na kadalasang dinadaanan ng mga mamamayan at
motorista at makapagkonserba ng enerhiya ang lugar lalo na may problema ngayon sa
langis. Itong senyales na ito ay nangangahulugan na kailangan nang humanap ng
alternatibong pagkukunan ng enerhiya tulad ng enerhiya sa tubig ( hydrothermal
energy), enerhiya sa ilalim ng lupa (geothermal energy), enerhiya sa init ng araw ( solar
energy), at enerhiya sa hangin (wind energy). Ang pagtatayo ng mga solar street lamps
sa Barangay Bagalangit ay lubos na makakatulong para makaiwas sa pagpapalit at
manwal na pagpapalit ng mga bumbilya na siyang nakakaperwisyo sa pagtatambak at
nagiging sanhi ng mga chemical leakage na nakakasira sa kapaligiran, lalo na kung
nakatambak sa mga basurahan. Ang pagtatayo ng mga street lamps ay isang maganda
at makabagong paraan para maiwasan ang mga ganitong problema. Napag-alaman na
ang mga street lamps ay tumatagal ng mahigit sampu (10) hanggang labinlimang (15)
taon. Sa ganitong paraan, maiiwasan natin ang labis na pagtatambak ng mga bumbilya
na kadalasang tumatagal ng mga ilang buwan hanggang isang (1) taon.

You might also like