Professional Documents
Culture Documents
Ng Ibaan
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Batangas
BAYAN NG IBAAN
Dumalo:
Kgg. JUAN V. TOREJA – Tagapangulo ng Lupon
G. BERNARDO PATALAY – II Tagapangulo ng Lupon
G. GERARDO C. CEDEÑO – CDA Specialist, Co-
Chairperson ng MCDC
Gng. ERLINDA BAGSIT – Ingat Yaman ng MCDC
Gng. LYDIA PEREZ – Designated MCDO
Gng. NENITA VIROS – Manager Salaban II WMPC
Gng. ROSENI C. REAL – Chairman, Matala WMPC
G. SANTIAGO RUBIO – BOD, Bago Ibaan MPC
Bb. NELIA A. VALENCIA – Vice Chairman, M. Tubig MPC
Gng. EVELYN P. CABIO – Manager, Ibaan Market Vendors
MPC
G. DANILO B. LIWAG – Manager, Lucsuhin MPC
Gng. LUCINA C. ANDAL – BOD, Sabang MPC
Gng. ESTELA D. MAGNAYE – BOD, Quilo, Consumers Coop.
Gng. ANNALIZA D. DIMAANO – Bungahan, MPC
Gng. FRANCISCA DE CASTRO – Coliat, MPC
Gng. MAY D. BAGUI – Secretary/Planning Asst.-Mayor’s
Office
Di Dumalo
G. DANILO V. MAGTAAS – Tagasuri ng MCDC
Kinatawan ng Calamias MPC
Kinatawan ng KABACA MPC
Sumunod ay ang pag-uulat ukol sa Pananalapi ng MCDC, na isinagawa pa rin ni
Gng. Erlinda Bagsit bagamat hindi na siya ang kasalukuyang Ingat-Yaman, sa
kadahilanang hindi pa tapos ang turnover ng mga records. At ayon sa kanya ang Cash
on Bank ay nagkakahalaga ng P47, 487.05, at ang Cash on Hand ay P461.00. May
pagkakautang na meryenda ng nakaraang pagpululong ng Marso, sa Always Nine
Canteen na di pa matukoy kung magkano ang halaga.
1.)“letter request duly signed by the Cooperative Chairman, 2.) proof of compliance (old
copy of CGS) or reason of non-compliance, 3.) Updated Surety Bond of all personnel na
may access sa cash. Nabanggit nya na maaaring ito ay dagdag na gastos para sa
kooperatiba subalit mas sigurado naman ito, the bond must be named after the person
to be insured. 4.) Minutes of the last Annual General Assembly Meeting, including
results of election 5.) annual development plan/budget plan, and if 5-year development
plan, a copy of it must be attached every year,valid for 5 years. 6.) Acceptance of
General Assembly of financial statements, management and committee reports. 7.)
Certification fee. Idinagdag din ni G. Cedeño na kung kukuha ng special CGS, dapat na
meron ng regular CGS.
Tinalakay din ni G. Cedeño ang mga dapat gawin kung sakaling magtatayo ng sangay
ang isang kooperatiba: 1.) dapat ay sa area of operation o kung saang nakatira ang
mga miyembro, 2.)minimum paid-up capital of P2M, 3.) P1M revolving capital para sa
dagdag na sangay.
Sumunod ay ang pagtalakay sa Art. 4 ng RA9520. Ang mga opisyales, mga direktor at
ang mga miyembro ng kumite ng kooperatiba ay mayroon hanggang ika-15 ng Hunyo,
2012 para makakumpleto sa series of trainings na nire-require ng batas. Dahilan dito ay
nagkomento si G. Patalay na maaaring maging dahilan ito na sa bandang huli ay wala
nang maengganyong kumandidato na ordinaryong miyembro dahil sa laki ng maaaring
gastusin sa mga trainings. Suhestyon naman ni Gng. Evelyn P. Cabio , Manager ng
IMVMPC, na mag-sponsor ang MCDC para sa trainings ng mga miyembro. Ayon
naman kay G. Danilo Liwag, Manager, Lucsuhin MPC, ay kung maaari bang magkaroon
na lang ng examination, na sinagot naman ni G. Cedeño na hindi ito maaari. Sinabi
naman ni G. Patalay na nararapat lamang na magsimula na ang pagpapatraining,
yamang din lamang na hindi na ito maiiwasan. At habang maaga pa ay ipaalam na ang
plano kay Mayor Toreja, ang Chairman ng MCDC, upang sa lalong madaling panahon
ay masimulan na ang trainings. Nagproposed si G. Cedeño na gumawa na ng Request
letter para sa Speakers ng Training upang masimulan na ito.
Nabanggit din ni Mayor ang tungkol sa offer ng UB na courses and Trainings na pang-
Agrikultura, at iminungkahi na magandang maimbita ang mga taga UB para dito. Ayon
pa kay Mayor ay kailangan ng magagandang proyekto upang maiangat ang ating mga
kooperatiba, kagaya marahil sa livelihood projects.
Inihanda ni:
MAY D. BAGUI
Secretary/Planning Asst.
Mayor’s Offic
Nagpapatotoo:
JUAN V. TOREJA
Punumbayan/Tagapangulo ng MCDC
Link: https://ibaangibaan.wordpress.com/2011/07/26/katitikan-ng-buwanang-pulong-ng-
municipal-development-cooperative-council-ng-ibaan/
Katitikan ng Pulong
KATITIKAN NG BUWANANG PULONG NG MGA KINATAWAN NG BARANGGAY,
GOBYERNO AT MGA MAGSASAKA SA BRGY. ZABALI, BAYAN NG BALER,
AURORA NA GINANAP SA TANGGAPAN NG BRGY. ZABALI, BALER, AURORA
NOONG IKA-17 NG HULYO, 2017.
Dumalo:
Kgg. Bon Jovi T. Bihasa – Tagapangulo ng Lipon; Kapitan ng Brgy. Zabali
Kgg. Patrick Anthony DL. Paladio – Mayor ng Bayan ng Baler
G. Janiel G. Lorente – Direktor ng Kagawaran ng Agrikultur
G. Vhonn Xendrix Kuizon – Kinatawan ng mga Magsasaka sa Brgy. Zabali
G. Christian R. Santiago – Tagapangulo ng Kooperatiba ng mga Magsasaka
Bb. Khylla Mheryll Y. Caballes – Kalihim ng Brgy. Zabali
Di Dumalo:
–
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Kgg. Bon Jovi T. Bihasa, Kapitan ng
Brgy. Zabali, Baler, Aurora sa ganap na 11:45 ng umaga, at sinimulan ang pulong sa
pamamagitan ng isang panalagin na pinamunuan ni G. Vhonn Xendrix Kuizon,
Kinatawan ng mga magsasaka sa Brgy. Zabali. Matapos ang panalangin ay ang roll
call na isinagawa ni G. Bihasa at pagkatapos ay ipinakilala niya si Kgg. Patrick Anthony
DL. Paladio, Mayor ng Bayan ng Baler, sa pagdalo sa pulonng bagaman nahuli nang
kaunting sandali sa pagdating.
Ipinagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Bb. Khylla Mheryll Y. Caballes,
Kalihim ng Brgy. Zabali, ng katitikan ng nakaraang pagpupulong noong ika-13 ng Hulyo,
2017.Inisa-isa ni G. Lorente ang mga suliraning kinakaharap ng mga magsasaka sa
Brgy. Zabali. Una, ang kakulangan ng patubig sa mga sakahan.Nagkaroon ng
dalawang mungkahi; ang paggamit ng dam at ang pagpapagawa ng flowing para sa
patubig kung saan ang pagpapagawa ng flowing ang napagkasunduan na gawin. Para
sa mga gagastusin sa pagpapagawa ng flowing, nagboluntaryo si Mayor Paladio na
siya na ang sasagot dito mula sa pondo ng munisipyo at ito ay sinang-ayunan naman
ng lahat.
Ang ikalawang suliranin ay ang kakulangan ng mga binhi na itatanim. Nagbigay
ng mungkahi ang kasapi at ang napiling pangkalahatang solusyon ukol sa suliranin at
ito ay ang pagpapautang ng binhi ng Kooperatiba para sa mga magsasaka. Muli ay
nagboluntaryo si Mayor na siya na ang magbabayad sa Kooperatiba sa mga inutang na
binhi at ito ay sinang-ayunang muli ng lahat.
Ang ikatlo at huling suliranin ay ang pagdami ng mga mapaminsalang peste at
pamemerwisyo nito sa mga pananim partikular ang kuhol. Sa suliraning ito,
nagboluntaryo ang Kooperatiba na sila na lamang ang magpapautang ng mga
gagamiting pesticide para sa mga magsasaka. Sinuportahan naman ito ni Mayor sa
pamamagitan muli ng pagsagot sa mga gagastusin at muli itong sinang-ayunan ng
lahat.
Natapos ang papupulong sa ganap na ika-11:49 ng tanghali sa mungkahi ni
Kgg. Bon Jovi T. Bihasa at pinangalawahan ni G. Janiel G. Lorente.
Inihanda ni:
ONILLE PAUL L. BERNARDINO
Kalihim
Nagpapatotoo:
ZIA CZARINA GARCIA
Punumbayan/Tagapangulo
Link: https://eportp312pytha.wordpress.com/2017/.../katitikan-ng-pulong...
KATITIKAN NG PULONG NG MGA KAGAWAD SA BARANGAY
BANGKAL LAPU-LAPU CITY
Isinulat ni: Ron Rosen Lawaan
DUMALO:
Hon. Mario Inot Hon. Eladio Augusto
Hon. Franklin Dunggog Hon. Regino Cuizon
Hon. Modesto Pino Sec. Rowena Sebial
Hon. Manuel Cuizon Tres. Crisanta Inot
DI-NAKADALO:
Hon. Joel Cuizon
Petsa: Agusto 17, 2017
Ang pagpupulong ay itinayo ni Hon. Mario Inot, ang Barangay Captain sa ganap na ika
4:30 ng hapon, at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang panalangin. Kasunod ng
panalangin ay ang roll-call at matapos nito ay ipinahayag na mayroong quorum.
AGENDA:
Talakayan tungkol sap ag-uugali ng Community Based Disaster Risk Reduction
Management training (CBSRMT)
Talakayan tungkol sa pag-unlad ng mga kalsada at mga kanal
Paglalagay ng mga CCT sa bawat poste
Pagtatanghal at pag-apruba ng ipinanukalang badyet sa taong 2018.
MGA PANGYAYARI:
Pag sang-ayon
-Hon. Manuel Cuizon
1. Deklararasyon ng korum
2. Pagbabasa at pag-angkop ng mga nakaraang minute
-Sinang ayunan-ayonan ni Hon. Regino Cuizon at Hon. Eladio Augusto
Mga katanungan
1. Mr. Felix Mediano – Ipinaliwanag niya mula sa konseho ang tungkol sa
kanilang nararating na mga aktibidad tulad ng volleyball at basketball.
2. Pag-apruba ng pinagnukalang badgets para sa
Aktibidad ng Red Cross
Iskedyul on Sept. 27, 28, at 29 na magaganap sa Brgy. Hall
Given Matters:
1. Pag-ayos ng daan patungo sitio. Ticgahon.
2. Mga pundo sap ag unlad
Pagsulosyon sa baha o kalamidad
1. Pag oorganisa sa mga uniporme
2. Mga cleaning materials na gagamitin
3.
Natapos ang pagpopulong sa ganap na ika-6:42 ng hapon.
Link: https://mgakalahinibobong.wordpress.com/.../katitikan-ng-pulong- .