You are on page 1of 3

Panukala sa Paggawa ng ‘Sanitary Landfill’ sa Barangay Poblacion

Mula Kay: Dixie A. Ruiz

Purok Rosas, Barangay Poblacion,

Anahawan, Southern Leyte

Ika- 31 ng Agosto, 2021

Haba ng Panahong Gugugulin: 1 buwan at 4 na araw

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang Lungsod ng Anahawan ay binubuo ng labing-apat (14) na barangay at


kabilang dito ang Barangay Poblacion. Dulot ng patuloy na pagtaas ng kaso ng mga may
COVID-19 sa bansa, lalong tumaas ang populasyon sa Barangay Poblacion. Halos lahat
ng mga Pilipinong taga rito na naghahanap-buhay sa ibang bansa at mga lungsod ay
nawalan ng trabaho kaya karamihan sa kanila ay nagsiuwian upang makatipid at
makasama ang kanilang mga pamilya. Sa pagdami ng populasyon, kapansin-pansin ang
lalong pagtaas ng produksiyon ng basura at dumi sa lugar.

Ang pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga mamamayan ay ang


katotohanang nakatambak lamang sa gilid ng kalsada ang mga dumi at basura sapagkat
walang sinuman o kahit truck ng basura ang nagtangkang kumuha nito, marahil ito’y dahil
sa walang namang paglalagyan. Marami nang nagreklamo ukol dito sa kadahilanang ang
mga nabulok na basura ay naglalabas ng nakasusulukasok na amoy. Nagkakaroon din
ng polusyon sa hangin at alam nating lahat na hinding-hindi ito magiging mabuti para sa
ating kalusugan. Isa pang problema ay nakaaakit ito ng mga peste tulad ng daga, ipis, at
langaw na posibleng magdala ng sakit gaya ng diarrhea, leptospirosis o tetanus at
marami pang iba. Walang maayos na paglalagyan ng basura ang Barangay Poblacion
kung saan pwedeng ipunin ang sangkaterbang basura na inilalabas araw-araw ng mga
mamamayan.

Kaya mas mabuting magkaisa tayong lahat sa pagpapagawa ng Sanitary Landfill


para sa Barangay Poblacion kasabay nang pagbili ng kahit ‘secondhand’ na truck na
gagamitin sa pangongolekta ng basura. Ang ‘Sanitary Landfill’ ay hindi lamang basta-
bastang paghuhukay ng butas at tapunan ng basura o kung tawagin sa Ingles ay ‘Open
Dumps’ dahil ito’y kontrolado ng gobyerno, ibig sabihin mas strikto, malaki, ligtas at
organisado. Ito’y inilalagay at matatagpuan sa lugar kung saan malayo sa mga bahay at
ang buong proseso ay binabantayan ng mga taong naatasan hindi tulad ng normal na
tambakan ng basura, pinapabayaan lamang kahit na ito masyado nang mabaho at
umaabot na sa punto nakaaabala na ito ng tao.
II. Layunin

Layunin ng panukalang ito ang makapagpagawa ng ‘Sanitary Landfill’ na malayo


sa mismong barangay, maaaring sa kalagitnaan ng bukid upang maiwasan ang
makaperhuwisyo ng kapwa. Layunin din ng proyektong ito ang mapanatili ang kalinisan
at kaayusan ng barangay upang mailayo sa sakit ang mga mamamayan lalo na ang mga
kabataang mahilig maglaro sa mga bakanteng lote at ang mga senior citizen na hindi
man aminin ay mahina na ang resistensiya. Sa Ika-3 ng Septembre, 2021 ay inaasahang
tapos na ang pagsasagawa ng Sanitary Landfill. Sa mga sumusunod na araw ay pwede
nang mangolekta ng basura ang mga taong naatasan at pwede na itong matambakan.
Kung matagumpay na maisasagawa ang proyektong ito, mayroon nang mapaglalagyan
ng mga basura at siguradong hindi na matatambak ang mga ito sa gilid ng kalsada. Wala
ng mabahong amoy na aabala sa mga tao at mapipigilan na ang pagdami ng mga peste
sa lugar.

III. Plano na Dapat Gawin

1) Pagpapasa at pag-aapruba ng proyekto. (1 linggo)


2) Pag-aapruba ng badyet na kinakailangan upang makabili ng lupa at lahat ng
kinakailangang materyales sa pagpapagawa ng ‘Sanitary Landfill’. (2 linggo)
3) Pangongontrata sa mga inhinyero, kontraktor at trabahador sa pagpapagawa ng
‘Sanitary Landfill’. (4 na araw)
4) Pagrenta ng Backhoe na gagamitin sa paghuhukay ng lupa. (2 araw)
5) Pagdaos ng pulong kasama ang Konseho ng Barangay ukol sa isasagawang
‘Sanitary Landfill’ at upang maipaalam sa kanila ang layunin ng proyekto. (1 araw)
6) Pagsasagawa ng ‘Sanitary Landfill’ sa ilalim ng pamamahala ng Konseho ng
Barangay Poblacion. (1 linggo)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Presyo ng isang ektaryang lupa Php. 1,500,000.00

II. Presyo ng ‘Secondhand’ Truck na Php. 300,000.00


gagamitin sa pangongolekta ng basura
III. Presyo ng lahat ng kagamitang gagamitin Php. 140,000.00

IV. Sweldo ng mga Inhinyero, kontraktor, at Php. 65,000.00


trabahador
V. Kabuuang Halaga Php. 2,005,000.00
V. Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto

Ang ‘Sanitary Landfill’ ang magsisilbing tapunan ng lahat ng mga basurang naipon.
Maiiwasan ang pagkakaroon ng polusyon sa hangin, mapipigilan ang pagdami ng peste
na maaaring mamerhuwisyo sa barangay, maiiwasan ang pagkakaroon ng sakit lalo na
ngayong may pandemya na kaunting ubo lang, sasabihin ng nahawaan na at higit sa
lahat ay mas ligtas ang paligid sapagkat hinidi maghahalo-halo ang mga basurang
kemikal na maaring makalapnos o makasakit sa atin. Ang pagpapagawa nito ay may
napakalaking tulong hindi lamang sa ating mga tao kundi pati narin sa kalikasan sa
kadahilanang hindi na kinakailangan pang magsunog ng basura na tiyak makakaapekto
sa ating atmospera. Ang ‘Sanitary Landfill’ ay binabalot ng napakalawak at hindi basta-
bastang plastic bago lagyan ng basura upang hindi tumagas sa ilalim patungong tubig
ang mga nakakahilong likido na posibleng makasira at pumatay ng mga isda o anumang
klase ng hayop.

You might also like