You are on page 1of 4

PANUKALANG PROYEKTO NG IKALAWANG GRUPO

Proposal para sa School’s Public Address System para sa mas mabilis na


paghatid ng Komunikasyon

I. Tentatibong Pamagat ng Proyekto: School’s Public Address System: Hatid ay Mabilis


na Komunikasyon ng Impormasyon
II. Proponent ng Proyekto: Group 2 ng Grade 12-HUMSS (Humanities and Social
Sciences)
III. Layunin ng Pag-aaral:
 Pangkalahatang Layunin: Makatulong para sa mas mabilis at epektibong paraan nang
paghahatid ng impormasyon at anunsyo sa buong paaralan.
 Mga Tiyak na Layunin:
o Maipalaganap nang mas mabilis ang importanteng anunsyo at impormasyon.
o Maipaliwanag ng mabuti sa lahat ng estudyante ang anunsyo at impormasyon.
o Walang oras at pagod ang maaksaya para sa paghahatid ng impormasyon sa
lahat ng estudyante.
IV. Halaga ng Pag-aaral:
 Para sa mas mabilis na paghahatid ng mahalagang impormasyon at anunsyo.
 Para makatipid sa oras sa paghahatid ng impormasyon.
 Hindi na nangangailangang isa-isahin ang bawat silid-aralan upang maipaabot lang ang
impormasyon o anunsyo.
 Para sa panahon ng emergency, madaling maihatid ang importanteng anunsyo at
maisagawa ang mga dapat gawin.
 Para sa mas lehitimong anunsyo o impormasyon dahil malalaman agad lahat ng
estudyante na nanggaling ito mismo sa bibig ng lehitimo ring tao.
 Maiwasan ang pagkalito at mabawasan ang maling pagbabahagi ng impormasyon.
V. Suliraning Tutugunan ng Pag-aaral:
 Hindi maayos na pagpapalaganap ng impormasyon o anunsyo sa estudyante.
 Naaaksaya ang oras sa pagpapalibot ng impormasyon dahil iniisa-isa pa muna ang bawat
silid-aralan.
 Hindi agad nakararating ang impormasyon sa mga estudyante.
 Huli nakararating ang ibang importanteng anunsyo sa estudyante.
VI. Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral:

Ang isang pampublikong sistema ng address (PA system) ay isang teknolohiya elektronikong
nagpagpapalakas at pamamahagi ng system na may isang mikropono, amplifier at loudspeaker,
na ginamit upang payagan ang isang tao upang matugunan ang isang malaking publiko, tulad ng
paaralan. (George, 2015)

Ayon kay Whitlow (2010) na ginagamit ang School Public Address System para sa
komunikasyon at emergency na komunikasyon sa loob ng isang paaralan. Ang mga modernong
sistema ng speaker ay mga sistema na batay sa network, sa gayon pinapayagan ang live na
broadcast mula sa isang lugar ng isang bilang ng mga awtorisadong desktop.

Iminungkahi ni Hansson (2018) na ang paggamit ng audio sa buong mga paaralan - mula sa
pampublikong address hanggang sa isang suporta para sa pagkatuto - maaaring makatulong sa
bawat aspeto ng edukasyon, mula sa gate ng paaralan hanggang sa silid-aralan. Upang matiyak
ang pinakamabuting kalagayan na kahusayan sa mga paaralan, mayroon na ngayong mga
pinagsamang sistema, na isinasama ang mga handog sa network kasama ang mga bagong
pagkakataon na dapat isaalang-alang. Gayunpaman ang ebolusyon ng teknolohiya ng audio sa
mga nakaraang taon ay pinalaki at pinahusay ang tradisyunal na pag-andar na ito, at pinapayagan
ang paggamit sa buong campus ng paaralan sa isang mas mahusay na paraan.

VII. Balangkas ng Pag-aaral:


A. Pagpaplano ng Proyekto:

1. Pag-obserba sa kalagayan ng Paaralan.

2. Alamin ang kasalukuyang Suliranin ng Paaralan.

3. Pagpupulong o pagbalitaktakan ng ideya ng mga aksyon na dapat gawin


kasama ang mga myembro ng proponent ng proyekto.

B. Pag-aaral ng nasabing isinusulong na proyekto:

1. Tukuyin ang layunin ng proyekto.

2. Matukoy ang halaga ng pag-aaral sa proyekto.

3. Maghanap ng mga kaugnay na pag-aaral sa nasabing proyekto.

C. Pagbuo ng estratehiya para maisakatuparan ang proyekto.

D. Pagsasagawa ng proyekto:

1. Paghahanap ng badyet sa proyekto.

2. Paglalaan ng tamang pondo o badyet para sa proyekto .

E. Ebalwasyon ng proyekto:

1. Pagtukoy sa naging bunga ng proyekto.


VIII. Badyet

Mga Gastusin Halaga

I. Presyo o halaga ng School’s Public Php 200, 000


Address System

II. Halaga ng mga gastusin sa Php 10, 000


pagpapalagay ng School’s Public
Address System at para sa napiling
maglalagay ng nasabing proyekto
sa paligid ng paaralan.

III. Kabuuang Halaga Php 210, 100

IX. Metodolohiya:

Una, sa pagpaplano ng proyekto ay kinakailangang mag-obserba muna sa kalagayan ng


Paaralan. Aalamin rin ang kasalukuyang suliranin ng paaralan. Dahil ditto magkakaron ng
pagpupulong o pagbalitaktakan ng ideya ng mga aksyon na dapat gawin kasama ang mga
miyembro ng proponent ng proyekto.

Ikalawa, ang pag-aaral ng nasabing isinusulong na proyekto. Kailangang matukoy ang


layunin ng proyekto at ang halaga ng pag-aaral sa proyekto. Maghanap ng mga kaugnay na pag-
aaral sa nasabing proyekto.

Ikatlo, ang pagbuo ng estratehiya o pamaraan para maisakatuparan ang proyekto.

Ikaapat, sa pagsasagawa ng proyekto, kinakailangang makahanap ng badyet sa isinusulong


an proyekto. Pagkatapos nito ay makapaglalaan na ng tamang pondo o badyet para sa proyekto .

Pinakahuli ay ang pagsasagawa nang ebalwasyon ng proyekto sa pamamagitan nang


pagtukoy sa naging bunga ng proyekto.

X. Talaan ng Gawain:

Gagawin Iskedyul

 Paggawa ng Panukalang Proyekto. Enero 10, 2020


 Magbibigay ng proposal o letter sa principal tungkol sa gagawing
Enero 23, 2020
proyekto.

 Kapag sumang-ayon ang principal, magsisimula nang mangalap Enero-Pebrero


ng badyet para sa nasabing proyekto. 2020

 Bibilangin ang poste na paglagyan ng School’s Public Address


Pebrero 2020
System at ang mga espisipikong lugar na paglalagyan.

 Maghahanap ng electrician o taong magkukumpuni o mag-aayos


March 2020
nang nasabing proyekto.

 Pagbibili ng mga materyales para sa proyekto. March 2020

 Pagkukumpuni at paglalagay nang School’s Public Address


Abril 2020
System

 Pagsusuri ng School’s Public Address System kung ito ba ay


Abril 2020
gumagana at epektibo.

XI. Tentatibong Sanggunian o Bibliograpiya:

Whitlow R. (2010). https://www.nspra.org/cap. Retrieved from January 20, 2020.


Hansson( 2018). https://www.axis.com/blog/secure-insights/network-audio-schools/. Retrieved
from January 20, 2020.
Rotunda (2015). The effects of a public address systemon the off-task behaviour of elementary
education students. Retrieved from January 20, 2020.

You might also like