You are on page 1of 22


12
 






Kagawaran ng Edukasyon– Sangay na Palawan


i
Filipino – Ikalabin-dalawang Baitang
Contextualized Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagsunod sa Istilo at Teknikal na
Pangangailangan sa Pagsulat ng Akademikong Sulatin
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Angieneth S. Lagrada, Airyn B. Armido
Editor: Jennifer F. Sornito, Marijane E. Paredes
Tagasuri: Nora A. Nangit
Tagalapat: Nora A. Nangit
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rosalyn C. Gadiano
Rodgie S. Demalinao
Nora A. Nangit

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education: MIMAROPA- Sangay na Palawan
Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone Number: (048) 433-6392
Email Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman


ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iii
Filipino 12
Ikatlong Markahan Pagsunod sa Istilo at Teknikal
Ika-anim na Linggo na Pangangailangan sa Pagsulat
ng Akademikong Sulatin
MELC:
• Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-92
• Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin. CS_FA11/12PU-0d-f-93

Layunin:
• Naiisa-isa ang mga istilo, bahagi at teknikal na pangangailangan sa pagsulat ng
akademikong sulatin (panukalang proyekto.)
• Nasusuri ang mga halimbawang bahagi ng akademikong (panukalang proyekto.)
• Nakasusulat ng orihinal na panukalang proyekto batay sa maingat, wasto, at
angkop na paggamit ng wika.

Subukin Natin
Paunang Pagsusulit

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Anong uri ng akademikong sulatin na walang lugar ang pagsesermon, pagyayabang,


o panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito?
A. Katitikan ng Pulong C. Posisyong Papel
B. Panukalang Proyekto D. Sulating Pananaliksik

2. “Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga sa kalinisan ng


kapaligiran upang maiwasan ang paglaganap ng dengue at pagsasagawa ng fumigation
apat na beses sa isang taon”. Saang bahagi ng panukalang proyekto kabilang ang
pahayag na ito?
A. Katawan C. Layunin
B. Kongklusyon D. Panimula

1
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga bahagi ng panukalang
proyekto?
A. Benepisyo ng Proyekto C. Pagpapahayag ng Suliranin
B. Deskripsiyon ng Proyekto D. Plano ng Dapat Gawin

4. “Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-


apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging
ang kanilang mga ari-arian, hanapbuhay sa susunod na mga buwan”. Saang bahagi
ng panukalang proyekto kabilang ang pahayag na ito?
A. Benepisyo C. Plano
B. Layunin D. Suliranin

5. Ang mga sumusunod ay mga plano ng dapat gawin sa panukalang proyekto,


MALIBAN sa isa.

A. Pagpapasinaya ng ganap na operasyon ng Central Information System.


B. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng
Barangay Tagumpay.
C. Pagsasagawa ng bidding mula sa maaaring magsagawa ng proyekto.
D. Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig

Panuto 2: Suriin ang pahayag kung saang bahagi ng panukalang proyekto ito kabilang
at isulat sa iyong sagutang papel ang iyong sagot sa tanong.

Ang Central Information System (CIS) ay magiging isang instrumento upang


maging kompetitibo ang bawat Agutaynen pagdating sa pagbibigay ng mga
suhestiyon sa progreso ng komunidad. Ito ay dahil alam nila ang bawat pangyayari
sa lipunan. Hindi na sila mahuhuli sa bawat balita at pangyayari sa paligid.
Magiging kabahagi sila ng pamahalaang-bayan sa pagpaplano ng mga programang
ikabubuti ng mga mamamayan.

Mga Tanong:
Mapapaunlad din dito ang kasalukuyang katayuan ng IT sa komunidad. Sa
1. Saang bahagi
pamamagitan ito ng
ng mga panukalang
modernong proyekto kabilang?
pamamaraan at paghahatid, makasasabay ang
_____________________________________________________________________________
bayang Agutaya sa agos at pangangailangan ng modernong lipunan sa ngayon.
_______________________________________________.

2. Paano mapakikinabangan ng mga mamamayan ng Bayan ng Agutaya ang


panukalang ito?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________.

Rubrik Pamantayan Puntos


Nakapaglahad ng limang (5) kaisipan batay sa
5
tanong.
Nakapaglahad ng apat (4) na kaisipan batay sa
4
tanong.
Nakapaglahad ng tatlong (3) kaisipan batay sa
3
tanong.
Walang Naisulat 0
Kabuuang Puntos 5
2
Panuto 3: Suriin ang pahayag kung saang bahagi ng panukalang proyekto ito kabilang
at isulat sa iyong sagutang papel ang iyong sagot sa tanong.

1. Pagpepresenta ng panukala sa harap ng mga opisyal ng pamahalaang-bayan


ng Agutaya (1 araw)
▪ Kasama na rito ang pagpapatibay at pagsasagawa ng panukala sa
pagpopondo ng proyekto.
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa
paggawa ng proyekto. (2 linggo)
▪ Kailangan munang ipasa ng mga kontraktor ang kanilang mga
panukala sa pagtatakda ng presyo upang mapag-usapan ng Bids and
Awards Committee (BAC) kung sino ang magsasagawa ng proyekto.
▪ Kasama na rito ang pagpapahayag kung sino ang magiging kontraktor
sa paggawa ng proyekto.
3. Pagbibili ng mga materyales na kakailanganin sa paggawa ng proyekto. (1
linggo)
4. Pagkakanit ng materyales para sa CIS. (1 buwan at kalahati)
5. Pagsasanay sa mga tauhan magpapanatili at magmementena ng CIS (sabay
ng pagkakabit)
▪ Kasama rito ang pag-oorganisa ng mga Information Center Councils
(ICC) na siyang mangangasiwa sa mga impormasyong ialalgay sa CIS.
6. Pagsusubok sa paggana ng CIS (1 ¼ buwan)
▪ Dito ilalagay na ng mga ICC ang kanilang mga test information at
subukang paganahin nito.
7. Pagsusuri sa naging operasyon (2 linggo)
▪ Magkakaroon ng pagpupulong ang Municipal Information Ofiice
kasama ang mga ICC ukol sa inisyal na operasyon ng CIS kung naging
maganda ito.
8. Pagpapasinaya ng ganap na operasyon ng CIS (1 araw)
▪ Dito rin i-oon ang main server upang magsilbing hudyat sa ganap na
operasyon ng CIS.
9. Pagtataya sa operasyon (kada katapusan ng buwan mula sa ganap na
operasyon nito)

Mga Tanong:

1. Saang bahagi ito ng panukalang proyekto kabilang?


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________.

2. Sa iyong palagay, ano ang maitutulong ng bahaging ito sa paggawa ng


panukalang proyekto?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

3
Rubrik: Pamantayan Puntos
Naipaliwanag nang maayos, malinaw at angkop na paggamit ng wika. 5
Naipaliwanag nang maayos at angkop na paggamit ng wika. 4
Naipaliwanag nang maayos ang tanong. 3
Walang naisulat 0
Kabuuang Puntos 5

Ating Alamin at Tuklasin

Sa mundong ating ginagalawan sa kasalukuyan ay may mga pangyayaring dapat


pag-ukulan ng pansin lalo na kung ito ay nagdudulot ng suliranin sa maraming tao.
Ito ay maaaring mga kakulangan sa isang bagay na nangangailangan ng agarang
pagtugon, paglulunsad ng pagbabago ukol sa naghaharing sistema o patakaran,
maaari ding pagsasagawa ng isang programa upang higit na mapabuti ang kondisyon
ng isang samahan o gawain, o kaya naman ay pagpapanukala ng solusyon para sa
nararanasang suliranin.

Sa araling ito, mararanasan mong maglahad at gumawa ng isang panukala para


sa paglulunsad ng isang pagbabago o kaya naman ay para malutas ang isang suliranin.
Matutuhan mo sa araling ito ang pagsulat o paggawa ng panukalang proyekto.

Halika’t iyong tuklasin ang isa na namang mahalaga at kasiya-siyang aralin


tungkol sa pagsulat ng panukalang proyekto.

Panuto: Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng bawat bahagi ng panukalang


proyekto. Suriin kung saang bahagi ba ito nabibilang. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-


1. apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang
kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa susunod na mga buwan.
Mga Gastusin Halaga
I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater sa
isinumite ng napiling contractor (kasama na rito Php 3, 200, 000.00
2
ang lahat ng materyales at suweldo ng mga
trabahador)
II. Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas Php 20, 000.00
nito.
Kabuoang Halaga Php 3, 220, 000.00

4
Isa ang Barangay Tagumpay sa mabilis na umuunlad na barangay ng
bayan ng Roxas, Palawan. Ito ay nanatiling pamayanang agrikultural
bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang maraming proyekto mula sa
pamahalaan sa lugar na ito.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Tagumpay sa


kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay
nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng
3. kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang
pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na
nanggagaling sa bundok.

Dahil dito nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader


na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay
maipatatayo tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan
sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng
mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa
madaling panhon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

4. Panukala sa Pagpapagawa ng Breakwater para sa Barangay Tagumpay

Mula kay Leah Grace L. Delgado


5. 324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Barangay Tagumpay
Roxas, Palawan

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-


pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Tagumpay. Ang panganib
sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay
masosolusyunan. Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng
kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking
epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng
kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam
nilang hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng mga ipatatayong mga
pader.
6. Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng
barangay sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa
tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan din ang pagkasira ng
pananim ng mga magsasakang karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng
mga mamamayan nito.
Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Tagumpay.
Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang magsisilbing proteksiyon sa
panahon ng tag-ulan.

1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw)


2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa
pagpapagawa ng breakwater o pader (2 linggo)

5
▪ Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang
7. tawad para sa pagapaptayo ng breakwater kasama ang gagamiting
plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na
gagawa ng breakwater (1 araw)
▪ Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling
contractor para sa kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng
Barangay Tagumpay (3 buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

8. Ika 11 ng Abril, 2021


Haba ng Panahong Gugulin: 3 buwan at kalahati

Alam mo ba na…

Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang


proyekto. Kaya naman, masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng
kaalaman, kasanayan, at maging sapat na pagsasanay. Una sa lahat, ito ay kailangang
maging tapat na dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha
ng positibong pagbabago. Kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat
ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang
pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang maging tapat at
totoo sa layunin nito.

Ang Panukalang Proyekto o Project Proposal sa Ingles ay isang detalyadong


deskripsiyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak
na problema. Nagpapakita ng detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan
sa proyekto, panahon sa pagsasagawa ng proyekto at kakailanganing resources.

Isa rin itong dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang isang sponsor na
ang isang proyekto ay kailangang gawin upang malutas ang isang partikular na
problema sa negosyo o oportunidad. Karaniwan itong gawain ng mga taong
nanunungkulan sa gobyerno o pribadong kompanya na naghahain ng bagong
programa na may layuning magbigay ng dagdag na kita, trabaho, kaayusan sa
komunidad, at iba pa.

Isa rin itong proyekto na may mahaba o maikling termino ng pagpapatupad.


Kadalasang bunga ito ng masusing pananaliksik at pakikipagtulungan ng mga
mambabatas at mga taga-gawa ng mga polisiya sa pamahalaan sa mga pamayanan.
Ilan sa mga importanteng panukalang proyekto ay ang mga may kinalaman sa
kalusugan, kaligtasan, kalinisan, at edukasyon.

6
Nahahati sa tatlong (3) bahagi ang panukalang proyekto.

Sa unang bahagi ay ang tinatawag na panimula, isinasaad dito ang rasyonal-


ang katwiran hinggil sa suliranin at layunin ng proyekto.

Sa ikalawang bahagi ay ang katawan, dito ay isa-isang ipinapaliwanag ang mga


kailangang gawin at iminumungkahing badyet para sa proyekto.

Ang panghuli ay ang kongklusyon, na naglalahad ng mga benepisyong


maaaring idulot ng proyekto. Maaari din na maging bahagi ng kongklusyon ang
anumang rekomendasyon na maibibigay para sa mga susunod pang proyekto.

Matapos isulat ang panukalang proyekto, huwag kalilimutan na nararapat na


maglakip ng liham na humihiling ng pagsang-ayon. Ito ay sa kadahilanang
kinakailangan ng kasulatan sa pagpapatibay para sa kautusang pagpapatupad ng
proyekto o kontrata.

Mahalaga na maging makatotohanan ang panukalang proyekto dahil kung ang


panustos mo ay hindi umaayon sa kinakailangang salaping igugugol para sa proyekto
ay hindi ito maaaring payagan o sang-ayunan. Maaaring magdulot ito ng maling pag-
iisip para sa iba o maging sanhi pa ng pagkawala ng tiwala sa nagpanukala. Kung ang
ihahain mong panukala ay tumutugon sa mabuting kapakanan ng lahat, tiyak na
agaran itong sasang-ayunan. Kung maaari, tiyaking naisasaalang-alang ng
panukalang proyekto ang kabutihan ng lahat. Hindi lamang pansarili o ng iilang tao.

Hindi maligoy at kagyat ang paglalahad ng mga detalye tulad ng kahalagahan,


katangian, at iba pang mga datos para sa panukalang proyekto ang nilalaman ng
ganitong uri ng sulatin. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng direktang pagdedetalye
ng mga kinakailangng bagay sa proyekto at direkta ring paliwanag sa proseso ng
pagsasagawa ng proyekto.

Sa pagsulat ng panukalang proyekto, kailangang bigyang-pansin ang mga


sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang nais mong maging proyekto?


2. Ano ang mga layunin mo sa panukalang proyekto?
3. Kailan at saan mo ito dapat isagawa?
4. Paano mo ito isasagawa?
5. Gaano katagal mo itong gagawin?
6. May sapat bang puhunan o kapital para sa proyekto?

Mahalagang matutuhan ng mag-aaral ang ganitong uri ng akademikong sulatin


upang malinang ang kasanayang mag-isip, magmungkahi, masusing magsiyasat, at
magpasiya o bumuo ng desisyon.

7
ESPISIPIKONG NILALAMAN O BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO

1. Pamagat – tiyaking malinaw ang pamagat. Kadalasan, ito ay hinango mismo sa


inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.

2. Proponent/Nagpadala –tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmumungkahi


ng proyekto. Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.

3. Petsa – o araw kung kalian ipinasa ang panukalang papel. Isinasama sa


bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.

4. Pagpapahayag ng Suliranin – dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat


maisagawa o maibigay ang pangangailangan.

5. Layunin – naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat


isagawa ang panukala.

6. Plano ng Dapat Gawin – dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng


mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang
petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.

7. Badyet – ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa ng


proyekto.

8. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito – kadalasan, ito rin ang


nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong
makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito.

8
Tayo’y Magsanay
Gawain 1

Panuto: Bumuo ng plano na dapat gawin ng panukalang proyekto batay sa suliranin


na makikita sa kahon sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Ang Bayan ng Agutaya ay isa sa mga bayang nasa ika-5 klaseng pang-
ekonomiya sa Lalawigan ng Palawan. Binubuo ito ng 10 barangay: limang (5)
barangay sa punong isla at limang (5) barangay naman sa isla mismo. Ang mga
barangay sa punong isla ay ang Abagat, Bangcal, Cambian, Villa Fria at Villa Sol
habang ang mga islang barangay naman ay Algeciras, Concepcion, Diit,
Maracañao, at Matarawis. Dahil sa mga malalayong distansiya mula sa punong
isla, mahirap ang paghahatid ng impormasyon. Minsan, umaabot ito ng araw,
linggo, o maging buwan para maipadala ang mga mahahalagang impormasyon sa
mga tao tulad ng mga pabatid, ordinansa, at mga balita sa bayan. Dahil dito,
ipinapanukala ng papel na ito ang pagpapasimula ng Central Information System
(CIS), o mas kikilala bilang e-Bulletin Board, upang malutas ang suliraning ito.

Ang CIS ay isang proyekto sa paghahatid ng impormasyon kung saan mas


mapabibilis, mas komprehensibo, at mas direktang maihahatid sa lahat ng
mamamayan ng Agutaya. Ilan sa mga serbisyong hatid nito ay ang mga pabatid,
kautusan, plano sa pagbabadyet kada taon, paalala sa pagpupulong, at iba pa.
Tinitiyak ng proyektong ito ang maigting na pakikipag-ugnayan ng mga
mamamayan sa iba’t ibang institusyon, lalo na sa edukasyon at pamahalaan.

Plano ng Dapat Gawin:


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

RUBRIKS
Pamantayan Puntos
Maayos, malinaw at detalyadong nailahad ang pagkakasunod-
5
sunod ng plano.
Maayos at detalyadong nailahad ang pagkakasunod-sunod ng
4
plano.
Maayos na nailahad ang pagkakasunod-sunod ng plano. 3
Walang naisulat 0
Kabuuang Puntos 5

9
Gawain 2
Panuto: Bumuo ng badyet ng panukalang proyekto batay sa ibinigay na suliranin na
makikita sa kahon sa Gawain 1 at ang plano na dapat gawin na ginawa ninyo. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

Badyet:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

RUBRIKS
Pamantayan Puntos
Maayos, malinaw at organisadong nailahad ang badyet ng
5
panukalang proyekto.
Maayos at organisadong nailahad ang badyet ng panukalang
4
proyekto.
Maayos na nailahad ang badyet ng panukalang proyekto. 3
Walang naisulat 0
Kabuuang Puntos 5

Gawain 3
Panuto: Suriing mabuti ang halimbawa ng panukalang proyekto sa Gawaing Tuklasin.
Ayusin ito ayon sa wastong pagkakasunod –sunod at isulat ito sa iyong
sagutang papel.

RUBRIKS
Pamantayan Puntos
Nakabuo ng wasto ayon sa tamang pagkakasunod-sunod. 5
Nakabuo ng limang (5) tamang sagot ayon sa tamang pagkakasunod-
4
sunod.
Nakabuo ng tatlong (3) tamang sagot ayon sa tamang pagkakasunod-
3
sunod.
Walang nagawa 0
Kabuuang Puntos 5

10
Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Magsaliksik ng dalawang (2) halimbawa ng panukalang proyekto sa inyong
Barangay. Suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito gamit ang Venn Diagram
at isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

PAGKAKATULAD PAGKAKATULAD
PAGKAKAIBA
(Panukalang Proyekto 1) (Panukalang Proyekto 2)

RUBRIKS
Pamantayan Puntos
Nakapagsaliksik ng panukalang proyekto at nailahad nang maayos, malinaw at
wasto ang pagkakatulad at pagkakaiba nito. 10

Nakapagsaliksik ng panukalang proyekto at nailahad nang maayos ang


pagkakatulad at pagkakaiba nito. 9

Nakapagsaliksik ng panukalang proyekto ngunit ang paglalahad ay


8
nangangailangan pa nang kahusayan.
Walang nagawa 0
Kabuuang Puntos 10

11
Gawain 2
Panuto: Sa pamamagitan ng Fan Web, magbigay ng limang (5) dahilan kung bakit
mahalagang matutuhan ang wastong paraan ng pagsulat o paggawa ng panukalang
proyekto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

RUBRIKS
Pamantayan Puntos
Nakapaglahad ng limang (5) kahalagahan ng wastong paraan ng pagsulat o
paggawa ng panukalang proyekto. 5

Nakapaglahad ng apat (4) na kahalagahan ng wastong paraan ng pagsulat o


paggawa ng panukalang proyekto. 4

Nakapaglahad ng tatlong (3) kahalagahan nang wastong paraan ng panukalang


3
proyekto.
Walang naisulat 0
Kabuuang Puntos 5

12
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Kumpletuhin ang pahayag kaugnay sa iyong natutuhan sa modyul na ito.


Buoin ang diwa ng pangungusap gamit ang story ladder. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

3. Ang bago kong kaalaman


ay___________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________________________
2. Ngayon nauunawaan
kong________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________________________________________________________
1. Dati-rati iniisip kong ang panukalang proyekto
ay_________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
____________

RUBRIKS
Pamantayan Puntos
Nakabahagi ng maayos at malinaw na kaisipan sa bawat tanong. 5
Nakabahagi ng maayos na kaisipan sa bawat tanong. 4
Nakabahagi ng sariling kaisipan sa bawat tanong. 3
Walang naisulat 0
Kabuuang Puntos 5

13
Ating Tayahin
Pangwakas na Pagsusulit

Gawain 1
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Nagsisilbi itong kalkulasyon ng panukala kung saan nakasaad ang mga taong
makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito.
A. Badyet C. Plano ng proyekto
B. Benepisyo D. Suliranin

2. Saang bahagi ng panukalang proyekto nakapaloob ang pahayag na ito?

Ang Mababang Paaralan ng Sto. Tomas ay nagsagawa ng proyektong “Paaralan


Mo, Linis Mo” kung kaya’t ang nabanggit na paaralan ay nagpagawa ng Material
Recovery Facility (MRF).
Layunin ng proyektong ito na mapanatili ang kalinisan sa paaralan, hindi
lamang mga estudyante ang makikinabang sa proyektong ito kundi maging ang mga
guro, mga magulang at iba pang mga taong o organisasyong tumutulong sa paaralan.
Ang proyektong ito ay tinatayang gugugol ng halagang Php 4, 3000.00.
htps://natasyalifestory.blogspot.
com
A. Katawan C. Panimula
B. Konklusyon D. Panukala

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa halimbawang pamagat ng


panukalang proyekto?

A. Pagkakaroon ng School Bus para sa mga mag-aaral ng RNCHS.


B. Pagpapasimula ng Central Information System (CIS) ng Pamahalaang
Bayan ng Agutaya.
C. Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok ng barangay.
D. Wala sa Nabanggit

14
4. Batay sa pahayag sa ibaba, suriin kung saang bahagi ng panukalang proyekto
nakapaloob ang pahayag na ito?

Ang pagkakaroon ng “School Bus” ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng


mga mag-aaral ng RNCHS lalo’t higit sa mga mag-aaral na malayo ang tirahan sa
paaralan. Maiiwasan ang madalas na pagliban at pagiging huli sa klase ng mga
estudyante at hindi na tatamarin sa pagpasok sa paaralan araw-araw. Higit sa lahat,
hindi na masyadong mag-isip at mag-alala ang mga magulang kung saan pumunta
at sino ang kasama ng kanilang mga anak sa pag-uwi.

A. Badyet C. Plano ng proyekto


B. Benepisyo D. Suliranin

5. Batay sa pahayag na nakapaloob sa loob ng kahon, alin sa mga sumusunod ang


HINDI kabilang sa mga dahilan upang makumbinsi ng pamahalaan na aprubahan
ang ginawang panukalang proyekto?

Si Val ay isa sa libo-libong estudyante na naapektuhan ng pandemya kaya sa


halip na pumasok sa paaralan araw-araw ay “online class” na sila ngayon ngunit
problema nilang mga estudyante ang mahinang signal.
Sa kanilang lugar ay isang “internet service provider” lamang ang nagagamit
dahil sa ito lamang ang mayroong “cellsite” sa kanilang lugar. Palaging mahina ang
;:
signal dahil sa dami ng gumagamit nito. Kung sa ganoon ay kailangan pa ng isang
“service provider” upang mas maraming tao ang makagamit nito. Kaya naisipan
niyang magsagawa ng panukalang proyekto hinggil sa nabanggit na
pangangailangan.

A. Malaking tulong sa mga mag-aaral dahil sa Blended learning ng kagawaran


ng Edukasyon bunga ng pandemyang Covid19.
B. Mas malaki ang kikitain ng kompanyang maglalagay ng cellsite dahil mas
maraming tao ang makagagamit nito at mabibigyan trabaho ang mga
electrician
;: sa lugar.
C. Maraming mga kabataan ang makaka-access sa internet na makatutulong
sa kanila upang magkaroon ng libangan.
D. Maraming transaksyong pangkalakalan at mas mapabibilis ang pagtanggap
ng mga mahahalagang tawag.

15
Gawain 2

Panuto: Sumulat ng isang orihinal na panukalang proyekto na kung saan ang pamagat
na gagamitin ay base sa iyong ginawa sa nakaraaang modyul. Gawing batayan ang
rubriks sa ibaba at isulat ito sa iyong sagutang papel.

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________.

RUBRIKS
Pamantayan Puntos
Nakapagsulat ng isang maayos at organisadong panukalang proyekto
na may angkop na paggamit ng wika. 10
Nakapagsulat ng isang organisadong panukalang proyekto na may
angkop na paggamit ng wika. 8

Nakapagsulat ng isang panukalang proyekto na may angkop na


5
paggamit ng wika.
Nakapagsulat ng isang panukalang proyekto 3
Walang naisulat 0
Kabuuang Puntos 10

16
17
ATING TUKLASIN
1. Layunin
2. Badyet
3. Suliranin
4. Pamagat
5. Nagpadala
6. Benepisyo
ATING PAGYAMANIN
7. Plano ‘
Gawain 1 8. Petsa
ATING TAYAHIN Gawing batayan ang
rubriks sa pagmamarka
Pangwakas na Pagsusulit
Gawain 2
Gawain 1 SUBUKIN NATIN
Gawing batayan ang
1. B Paunang Pagsusulit
rubriks sa pagmamarka Gawain 1
2. C 1. B
2. D
3. D 3. B
TAYO’Y MAGSANAY 4. B
4. B
5. D
Gawain 1 Gawain 2
5. C
Ang pagwawasto ay
Gawing batayan ang
Gawain 2 nakabatay sa rubriks.
rubriks sa pagwawasto Gawain 3
Gawing batayan ang Ang pagwawasto ay
Gawain 2
rubriks sa pagmamarka nakabatay sa rubriks.
Gawing batayan ang
rubriks sa pagwawasto
ANG AKING NATUTUHAN Gawain 3
Gawing batayan ang Gawing batayan ang
rubriks sa pagmamarka rubriks sa pagwawasto
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat

Julian, Ailene Baisa, Lontoc, Nestor S. (2017) Pinagyamang Pluma – Filipino sa


Piling Larang (Akademik). Quezon City, Phoenix Publishing House, INC

Mga Hanguang Elektroniko

https://natasyalifestory.blogspot.ph

https://brainly.ph/question/852289.ph

https://www.elcomblus.com.ph

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone no. (048) 434-0099

19

You might also like