You are on page 1of 14

Senior High School

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Ikatlong Markahan - LAS 5
Panukalang Proyekto

1
Filipino sa Piling Larang - Akademik
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – LAS 5: Panukalang Proyekto
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Learning Activity Sheet (LAS)

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Alyssa Jane V. Lazaro

Tagasuri ng Nilalaman: Anastacia N. Victorino


Tagasuri ng Wika : Raymond Villafane
Tagasuri ng Paglapat : Raqel S. Domingo

Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.


Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N. Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng __________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

2
Senior High School

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Ikatlong Markahan - LAS 5
Panukalang Proyekto

3
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan
B. Pamantayan sa Pagganap
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin
C. MELCs
1. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin. CS_FA11/12PU-0d-f-93

D. Tiyak na Layunin
1. Natututuhan ang kahulugan, kahalagahan at ang katangian ng isang panukalang
proyekto.
2. Naibabahagi ang sariling pananaw sa kahalagahan ng pagsulat ng panukalang
proyekto.
3. Nakalilikha ng isang panukalang proyekto.

II. NILALAMAN

Aralin 5 – Kahulugan at Bahagi ng Panukalang Proyekto

4
III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

Paunang Pagtataya:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang unang bahagi ng panukalang proyekto ay __________.
a. panimula c. badyet
b. balangkas d. benepisyo
2. Ang sumusunod ay magagandang pagpapahayag ng suliranin maliban sa;
a. maikli c. direkta
b. malinaw d. mahaba
3. Masasabing matagumpay lamang ang isang proyekto kung_____________________.
a. nagustuhan ito ng mga tao
b. malaki ang naging badyet
c. natugunan ang layunin at pangangailangan nito
d. wala sa nabanggit
4. Ito ay tumutukoy sa kakailanganing halaga o salapi sa pagpapatupad ng proyekto.
a. Badyet c. Benepisyo
b. Balangkas d. Panimula
5. Ang panukalang proyekto ay_____________________________________.
a. naglalaman ng mga ideyang katulad sa sanaysay
b. isang nakasulat na mungkahi na makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa
pamayanan
c. nagsisilbing talaan ng mga pinag-usapan sa pulong
d. nabanggit lahat
6. Ang pahayag ng _________ay tumutukoy sa mga pangangailangang nais tugunan ng
proyekto.
a. suliranin c. benepisyo
b. layunin d. badyet
7. Ang sumusunod ay katangian ng gagawing panukalang proyekto maliban sa_________.
a. tiyak c. napapanahon
b. akma d. malaking badyet
8. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng anumang proyekto.
a. Layunin c. Pamagat
b. Badyet d. Kapakinabangan

5
9. Alin ang nasa wastong pagkakasunud-sunod sa pagbuo ng panukalang proyekto?
a. pamagat,nagpadala,suliranin, layunin, plano, badyet, kapakinabangan
b. pamagat,nagpadala, layunin,suliranin, plano, badyet, kapakinabangan
c. nagpadala, layunin,suliranin, plano, badyet, kapakinabangan,pamagat
d. nagpadala, layunin,suliranin, badyet, plano, kapakinabangan,pamagat
10. ito ang dahilan o kahalagahan kung bakit isagawa ang panukala
a. Layunin
b. Badyet
c. Pamagat
d. Kapakinabangan

Balik-aral:

Panuto: Sa pamamagitan ng Venn Diagram, isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


bionote at Autbiography. Isulat ito sa sagutang papel.

BIONOT AUTOBIOGRA
E PHY

B. Paglulunsad ng Bagong Aralin


Si Eliza ang SK Chairwoman ng Brgy. Sta.Rosa, nais niyang magsagawa ng isang proyektong
tutugon sa pangangailangan ng mga kabataan sa lugar nila. Dahil sa pandemya, ang mga
kabataan ay kadalasan lamang nasa tahanan, naisip niyang magsagawa ng patimpalak na
may pamagat na “May pera sa basura” na kung saan mula sa basura ay lilikha sila ng
kagamitan o bagong produkto. Ang layunin niya sa proyektong ito ay upang maipamalas ng
kabataan ang kanilang pagiging malikhain kahit na sila ay nasa tahanan lang. Sa patimpalak
na ito nya naisip gamitin ang badyet ng Sangguniang Kabataan at ang mga mananalo ay
tatanggap ng cash prize at school supplies.

6
Pamprosesong Tanong:

1. Tama ba ang naging desisyon ni Elisa sa binuong proyekto? Ipaliwanag.


_____________________________________________
_____________________________________________

2. Kung ikaw ang bubuo ng isang proyekto ano ito? Ano ang suliranin at ano ang iyong layunin
sa bubuoing proyekto?
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Pagtalakay ng Paksa:

Ang panukalang proyekto ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga taong
makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan.

Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto


1. Pamagat ng Panukalang Proyekto - hinango sa inilahad na pangangailangan bilang
tugon sa suliranin
2. Nagpadala- tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto
3. Petsa- araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel isinama na rin kung gaano katagal
gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin- nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o
maibigay ang pangangailangan.
5. Layunin – dahilan o kahalagahan kung bakit isagawa ang panukala
6. Plano na dapat gawin- talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing para
pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat
isa.
7. Badyet- kalkulasyon ng mga gugulin o gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto
8. Paano mapakinabangan ng pamayanan o samahan ang panukalang proyekto-
konklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto
at benepisyong makukuha nila mula rito.

7
Mga Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Isang Panukalang Badyet:

1. Gawing simple at malinaw ang iyong badyet. Dapat na malaman agad ng ahensiyang
magtataguyod ang mga bahagi nito. Ang mahahalagang detalye ng gastusin ay dapat na
malinaw ang pagkakasaad.
2. Ayusing mabuti ang iyong panukala. Pagpangkat-pangkatin ang mga gastusin ayon sa
klasipikasyon ng mga ito. Siguraduhing nakahanay ang mga halaga upang madaling sumahin
ito.
3. Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang nagtataguyod ng mga proyekto at alamin
ang mga bagay na kailangan sa panukala at ang halagang kanilang tinutustusan upang
makasama ang iyong panukala sa kanilang itataguyod. Sa ganitong paraan mas malaki ang
tsansang maaprobahan ang iyong proyekto. Maaari ka ring manghingi ng kopya ng mga
naaprobahan nilang mga proyekto upang maikumpara ang gawa mo.
4. Ihanda ang iyong badyet hanggang sa huling sentimo. Ang mga ahensiyang
nagtataguyod ng mga proyekto ay kadalasang gumagawa ng pag-aaral para sa itataguyod
nilang proposal.
5. Siguraduhing tama ang lahat ng kukuwentahin. Mangangahulugan ito ng iyong
integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.

C. Pang-isahang Gawain

Gawain 1:

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Isulat ang L kung ang panungusap ay layunin at
P naman kung ang pangungusap ay paraan. Isulat sa sagutang papel.
____1. Mabigyan ang mga mag-aaral ng karapatang malaman ang mga impormasyon.
____2. Makapagpatibay ng samahan ng bawat pamilya.
____3. Pagbibigay ng libreng face mask sa bawat mag-aaral.
____4. Mabigyan ng gabay ang kabataan sa paggamit ng Social Media.
____5. Libreng seminar para sa mga kababaihan.
____6. Matugunan ang lumalalang kaso ng dengue.
____7. Makapagbahagi ng kaalaman sa mag-aaral sa kabila ng pandemyang kinakaharap.
____8. Pagsasaayos ng sirang kalsada.
____9. Pamimigay ng school supplies sa mag-aaral.
____10.Mabigyang-pansin ang kalusugan ng mga bata.

8
Gawain 2:

Panuto: Sa bawat suliraning nasa ibaba, magbigay ng isang pangangailangan at layunin.


Isulat sa sagutang papel.

Halimbawa:
Suliranin: Pagtaas ng bilang ng mga kabataang nalululong sa ipinagbabawal na gamot
Pangangailangan: Palaruan ng basketbol
Layunin: Nakapaglalaan ng isang palaruan kung saan maaaring gugulin ng kabataan ang
kanilang oras nang maiwasan ang pagkagumon sa mga bawal na gamot.

1. Suliranin:Pagtaas ng bilang ng mga indibidwal na positibo sa Covid19.


Pangangailangan:__________________________________________________________
Layunin: _________________________________________________________________

2. Suliranin: Pagpapasya sa pagpili ng kurso sa kolehiyo.


Pangangailangan:__________________________________________________________
Layunin:__________________________________________________________________

Gawain 3:

Panuto: Isaayos ayon sa pagkasunod-sunod ang panukalang proyekto. Gamitin ang 1-10 sa
pagsusunod-sunod nito.
____1. 143 Santan St., Sta.Rosa II
Marilao, Bulacan
____2. Haba ng panahong gugugulin: 3 araw
____3. Makapagsagawa ng isang seminar-workshop para sa mga kabataang walang trabaho
upang makatulong sa kanila na mailayo sa masamang bisyo o masamang gawain.
____4. PANUKALA SA PAGSASAGAWA NG SEMINAR-WORKSHOP PARA SA KABATAAN
NG STA.ROSA.
____5. Isa ang Barangay Sta. Rosa sa may maraming bilang ng kabataan na walang
hanapbuhay kung kaya isa sa nais maisakatuparan na proyekto ay ang seminar-
workshop na may kinalaman sa pagnenegosyo na ang layunin ay mabigyan ng
kaalaman ang kabataan at magamit nila ito sa hinaharap.
____6. Mula kay Elisa L. Castro

9
____7. Ang pagsasagawa ng seminar-workshop ay magiging kapaki-pakinabang sa mga
kabataan ng Sta.Rosa. Bukod sa kaalamang kanilang makukuha at mailalayo pa sila
nito sa mga bisyo o masamang gawain.
____8. Plano ng pagsasagawa ng Seminar-workshop
1.pagpapasa,pag-aproba,paglabas ng badyet
2.pagpupulong ng konseho o barangay
____9. Ika-13 ng Marso 2019
____10. Mga Gastusin
Tagapagsalita- 5,000
Pagkain- 5,000
Kagamitan- 5,000
Kabuoan- 15,000

Gawain 4:

Panuto: Magbigay ng 5 suliranin sa inyong pamayanan o barangay at isulat mo kung ano ang
iyong mungkahing solusyon.

1.

2.

3.

4.

5.

10
D. Paglalapat

Bakit mahalagang unawain


at pahalagahan ang panukalang proyekto?
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

IV. PAGTATASA
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang kailangang isaisip bago magsulat ng panukalang proyekto?


_______________________________________________________________________
___________________________________________________

2. Paano makukumbinsi ang ahensiya o opisina na aprubahan ang isang panukalang


proyekto?
_______________________________________________________________________
___________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit:

A. Panuto: Punan ang patlang ng wastong salitang bubuo sa diwa ng pangungusap.

Ang (1)_______________ ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga taong


makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan at kinakailangang may tiyak na
(2)_______________________ upang matamo ang inaasahang
resulta.(3)_______________________ang pinakamahalagang bahagi ng anumang

11
panukalang proyekto.. Sa paggawa nito kailangang (4) _______________at (5)
________________ ang pagkakasaad nito.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Ipagpalagay mong ikaw ay nanunungkulan sa isang organisasyon /ahensiya o kaya’y


barangay. Ikaw ay naatasang gumawa ng isang panukalang proyekto. Anong
proyekto ang iyong isasagawa. Sundin ang mga bahagi ng pagsulat nito.

I.Pamagat ng Panukalang Proyekto


II.Nagpadala
III. Petsa
IV.Pagpapahayag ng Suliranin
V. Layunin
VI. Plano na dapat gawin
VII.Badyet
VIII.Kapakinabangan

Pamantayan:

Nilalaman 5 puntos
Lohikal at organisasyon 5 puntos
Presentasyon ng Gawain 5 puntos
Kabuoan 15 puntos

12
Mga Sanggunian

Aklat

Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik


)Phoenix Publishing 2016 Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan
(Akademik)Rex Book Store 2016 Edition

Module

DepEd CDO SHARED Options Learning Activities

Internet Sites

https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02

Susi sa Pagwawasto
10. 7
10. a 9. 10
10.L 8. 8
9. a
9. P 7. 3
8.b
8.P 6 .5
7.d
7.L 5. 2
6.a 6.L 4. 9
5.b 5.P 3 .1 5. malinaw
4.a 4.L 2. 6 4. simple
3.c 3.P 1. 4 3 .badyet
2.d 2.L Gawain 3 2. layunin
1.a 1.L Pang-isahang proyekto
pagtataya Gawain 1 Gawain 1 1. panukalang
Paunang Pang-isahang Pang-isahang pagsusulit
Paunang pagtataya Paunang pagtataya Pangwakas na

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division (CID)
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

14

You might also like