You are on page 1of 13

Filipino sa Piling

Larang Akademik 12
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 13: Panukalang Proyekto: Katangian at Layon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Quinee Babe V. Hara
Editor: Jose Antonio D. Magtibay
Tagasuri: Cherry C. Cariño
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino sa Piling
Larang Akademik 12
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto-13
Panukalang Proyekto: Kahulugan, Katangian at Layon
Manunulat:Quinee Babe V. Hara
Tagasuri:Cherry C. Cariño
Editor:Jose Antonio D. Magtibay
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang Akademik
ng Modyul para sa araling Panukalang Proyekto: Kahulugan, Katangian at Layon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang Akademik Modyul ukol


sa Panukalang Proyekto: Kahulugan, Katangian at Layon!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Most Essential Learning Competencies:


1. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin.
2. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng
wika.
3. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan.
4. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


1. Nabibigyang-kahulugan ang panukalang proyekto.
2. Natatalakay ang mga katangian at layon ng sulatin.
3. Napapahalagahan ang wastong layunin ng pagbuo ng panukalang proyekto.

PAUNANG PAGSUBOK

Isulat ang titik T kung tama ang nakasaad sa bawat pahayag at titik M naman
kung mali.

1. Kailangang sumulat ng panukala ng proyekto bago ito maisagawa.

2. Kung sakaling kailangan nang isagawa ang proyekto maaari na itong isagawa
ng mabilisan.

3. Kasingkahulugan ng panukala ang salitang proposal.

4. Layunin ng isang panukalang proyekto na magresolba ng isang tiyak na


problema o suliranin.

5. Kapag wala ng oras, maaari ng isagawa ang isang panukalang proyekto kahit
wala pa itong aprubal.
BALIK-ARAL

Bumuo ng akrostik ng salitang LAKBAY na naglalaman ng mga natutunan


sa nakaraang aralin na pagsulat ng lakbay-sanaysay. Isulat ito sa patlang na
nakalaan sa bawat titik.

L - ______________________________________________________________

______________________________________________________________

A - ______________________________________________________________

______________________________________________________________

K - ______________________________________________________________

______________________________________________________________

B - ______________________________________________________________

______________________________________________________________

A - ______________________________________________________________

______________________________________________________________

Y - ______________________________________________________________

______________________________________________________________
ARALIN

Kahulugan, Katangian at Layon ng Panukalang Proyekto

Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Communication Empowerment Collective,


isang samahang tumutulong sa mga Non-Governmental Organizations (NGO) sa
paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang
proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa komunidad o
samahan. Kung gayon, ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang
kasulatan o mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito.

Ginagawa ang isang panukalang o project proposal kapag kailangan itong


marebyu ng isang indibidwal o grupo para sa kanyang aprubal. Ang aprubal ay
kailangan para mabigyang hudyat ang opisyal sa pagsisimula ng proyekto.
Karaniwang naghaharap ng mga panukalang proyekto para sa pinansyal na suporta
sa paggawa nito. Maaari itong isagawa ng isang departamento ng isang kompanya
upang aprubahan ang kanilang nais na gawin, ng isang non-governmental
organization para sa kanilang mga programa, ng isang opisyal sa pamahalaan para
sa kanyang proyekto, o ng isang pribadong asosasyon o indibidwal para sa
pagpapatupad ng kanilang mga proyektong binabalak. Inihaharap nila ang kanilang
mga panukalang proyekto sa mga indibidwal, komite, organisasyon o opisinang
makapagbibigay-tulong sa implementasyon ng mga proyektong isasagawa.

Dahil kritikal ang preparasyon ng isang panukalang proyekto, makabubuting


malinaw sa isipan ng nagsasagawa nito kung ano ang maituturing na panukalang
proyekto at kung ano naman ang hindi. Mahalaga ring malaman niya kung paano
ito inihahanda para maging malinaw at mahusay ang pagkakabuo nito. Ayon kay
Nebiu (2002), ang panukalang proyekto ay detalyadong deskripsyon ng isang serye
ng mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema. Idinagdag
pa niya na sa isang panukalang proyekto, makikita ang detalyadong pagtalakay sa
dahilan at pangangailangan sa proyekto (project justification), panahon sa paggawa
ng proyekto (activities and implementation timeline), at kakailanganing resorses
(human, material and financial resources required).

Hindi maituturing na proyekto ang mga dating aktibidad na nauulit sa


eksaktong pamamaraan at peryodikong isinasagawa, ang mga aktibidad na walang
depinido at malinaw na layunin, ang mga aktibidad na maaaring maulit o mailipat
kahit saan at sa ano pa mang oras, at ang mga regular na aktibidad ng organisasyon
(Nebiu, 2002). Mahalagang matiyak kung gayon na ang panukala ay hindi isa sa mga
nabanggit na ito.
MGA PAGSASANAY

A. Basahin at sagutin ang sumusunod na tanong o pahayag batay sa natutunan


sa aralin.

1. Ano ang ibig sabihin ng panukalang proyekto? ___________


________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

2. Magbigay ng isang katangian ng panukalang proyekto at


ipaliwanag. ______________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

3. Tukuyin at ipaliwanag ang layunin ng panukalang


proyekto. ____________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

B. Umisip at isulat ang tatlong salita na tumatak sa iyo ukol sa kahulugan,


katangian at layon ng panukalang proyekto.

C. Mula sa tatlong salita na naisulat, bigyang-paliwanag kung bakit ito ang


tumatak sa iyong isipan. Isulat ito sa loob lamang ng dalawa (2) hanggang
tatlong (3) pangungusap.
1._________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
2._________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
3._________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
PAGLALAHAT

Base sa iyong natutunan sa araling ito, sagutin at dugtungan ang mga


pahayag na nasa ibaba.

Natutunan ko na_______________________________

________________________________________________.
Tumatak din sa aking isipan na ________________
______________________dahil________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_________________.

PAGPAPAHALAGA

Gumuhit ng isang simbolismo na kumakatawan sa layunin o katangian ng


panukalang proyekto. Iguhit ito sa loob ng kahon. Bigyan din ng maikling paliwanag
ang imaheng naiguhit (3-5 pangungusap lamang).

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Lagyan ng tsek (/) ang bawat pahayag kung ito ay tumutukoy sa wastong
kahulugan, katangian at layon ng panukalang proyekto. Ekis (x) naman kung hindi.

Kahulugan, Katangian at Layon ng Panukalang Proyekto Sagot

1. Maituturing na proyekto ang mga dating aktibidad na


nauulit sa eksaktong pamamaraan.
2. Kritikal ang preparasyon ng isang panukalang proyekto.
3. Ang panukalang proyekto ay tinatawag ding project
proposal sa wikang Ingles.
4. Ayon kay Nebiu (2002), ang panukalang proyekto ay
detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga
aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na
problema.
5. Ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang
kasulatan o mungkahing naglalaman ng mga plano ng
gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito
na siyang tatanggap at magpapatibay nito.
6. Si Dr. Philip Bartle ng The Communication
Empowerment Collective ay mula sa isang samahang
tumutulong sa mga Non-Governmental Organizations
(NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng
pondo.
7. Nararapat na magkaroon ng maiging pagpaplano sa
pagbuo ng panukalang proyekto.
8. Maaaring isagawa ang panukalang proyekto kahit wala
pang aprubal.
9. Karaniwang naghaharap ng mga panukalang proyekto
para sa badyet nito.
10. Ginagawa ang isang panukalang proyekto kung
kailangan itong marebyu ng isang indibidwal o grupo
para sa aprubal.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Aklat

Bernales, Rolando A., Ravina, Elimar A., Sicat-De Laza, Crizel, Cordero, Maria Elma
B. Filipino sa Larangang Akademiko. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing
House Inc. 2016.

Julian Ailene at Nestor B. Lontoc. Pinagyamang Pluma. Filipino sa Piling Larangan


(Akademik). Phoenix Publishing. 2017.

Nebiu, Besim. Developing Skills of NGOs Project Proposal Writing. Szentendre,


Hungary: The Regional Centre for Central and Eastern Europe. 2002.

Elektronikong Hanguan

https://www.academia.edu/38513908/PANUKALANG_PROYEKTO_Filipino_sa_Pili
ng_Larang_Akademik_

https://www.academia.edu/38736858/Pagsulat_ng_Panukalang_Proyekto

You might also like