You are on page 1of 18

.

Filipino 3

1
Filipino – Ikatlong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1 Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita
na nanatili ang kahulugan!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Shirley G. Tomas


Editor: Normita C. Supsupin
Tagasuri: Ma. Teresita E. Herrera EdD
Tagaguhit: Edison P. Cet
Tagalapat: Shirley G. Tomas
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Education Supervisor, CID

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

I Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong RehiyoTanggapan


ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 3
Pangatlong Markahan
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto
Natutukoy ang Kahulugan ng mga
Tambalang Salita na Nananatili ang
Kahulugan

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino-Ikatlong Baitang ng


Modyul 1 para sa araling Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na
nanatili ang kahulugan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character)
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang


pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
napakaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino-Ikatlong Baitang Modyul ukol sa
Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na nanatili ang kahulugan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 3 Ikatlong Baitang Modyul 1 ukol sa


Paggamit ng Naunang Karanasan o Kaalaman sa Pag-unawa sa Napakinggan at
Nabasang Teksto!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutunan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutunan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga bata ay
inaasahang :

A. natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na


nananatili ang kahulugan; at

B. natutukoy ang mga tambalang salita sa bawat larawan.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO : Hulaan ang pangalan ng dalawang larawan at


pagsamahin ito. Isulat sa patlang ang iyong mga sagot.
Piliin ang sagot sa ibaba.

1.
https://ratatum.com/wp-content/uploads/2017/0/2017 https://thumbs.dreamstime.com/z/cartoon-background-empty
-01-12_22-09-24-min.jpg1 -classroom-interior-inside-back-to-school-concept-illustration-college-

_________________ + _________________ = _________________

A. silid + aralan = silid-aralan


B. tulog + aralan = tulog-aralan
C. kuwarto + kainan = kuwarto-kainan

6
2.
https://img.lovepik.com/original_origin_pic/18/07/19/868 https://i.ytimg.com/vi/FCvOz5FQky0/maxresdefault.jpg
7c8a7b9ce8507677f8137521f80a0.png_wh860.png

__________________ + ________________=____________________

A. kotse + tubig = kotse-tubig


B. sasakyan + tubig = sasakyang-tubig
C. sasakyan + dagat = sasakyang-dagat

3.
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q https://thumbs.dreamstime.com/z/rain-drops
=tbn%3AANd9GcSLy6T9zmQig5fmvMb7ZWiQTiry1bBPfu -rippling-puddle-umbrella-29413234.jpg

__________________ + __________________ = _________________

A. baso + ulan = baso-ulan


B. tubig + ulan = tubig-ulan
C. baso + tubig = baso-tubig

4. https://image.shutterstock.com/image-vector/picture https://i.ytimg.com/vi/FCvOz5FQky0/maxresdefault.jpg
-showing-circle-12-fraction-260nw-1411405952.jpg

__________________ + __________________ = _________________

A. bilog + kuya = bilog-kuya


B. bilog + kapatid = bilog-kapatid
C. hati + kapatid = hating-kapatid

7
5. https://i.pinimg.com/564x/92/17/42/921742f2 https://image.shutterstock.com/image-vector/kids-
4e0f3b45c69f4825a1259c89.jpg school-library-600w-599634434.jpg

__________________ + __________________ = _________________

A. silid + aklatan = silid-aklatan


B. silid + basahan = silid-basahan
C. tulugan + basahan = tulugan-basahan

Ilang salita ang bumubuo sa bawat bilang?______________________

BALIK-ARAL

PANUTO: Tukuyin ang ngalan ng bawat larawan. Lagyan ng tsek


( / ) sa patlang ang akmang naglalarawan sa bawat isa.

1.
https://lh3.googleusercontent.com/2jU5xGn06tq7WQOQmH64
AgX64JLp-5VHD61NQG7tl6lA3W6tjfQyMJIG2W9b923o4VZRyi7

______ A. Ang bata ay masayang nagbabasa ng libro.


______ B. Ang bata ay umiiyak na nagbabasa ng libro.
______ C. Ang bata ay malungkot na nagbabasa ng libro.

2.
https://images.app.goo.gl/FAPcagP6AnddnQW17

______ A. Ang lobo ay iisa.


______ B. Ang mga lobo ay marami.
______C. Ang mga lobo ay unti-unting nabibitak.

8
2.
https://image.winudf.com/v2/image/Y29tLkRyYXdBSG91c2UuYXFpbGFfc2Ny
ZWVuXzdfMTUzNzg1MDc0N18wMjg/screen-7.jpg?fakeurl=1&type=.jpg

_______A. Ang bahay ay maliit at marumi.


_______ B. Ang bahay ay malinis at maganda.
_______ C. Ang bahay ay maraming halaman sa paligid.

3.
https://www.pngitem.com/pimgs/m/280-2802681_basketball-
transparent-background-basketball-clipart-black-and-hd.png

_______A. Ang bola ay kulay berde.


_______ B. Ang bola ay hugis tatsulok.
_______C. Ang bola ay hugis bilog at kulay kahel.

5.
https://images.app.goo.gl/g8M1CkffGwXr6Tgr8

_______ A. Ang guro ay masipag magturo.


_______ B.Ang guro ay masipag manggamot ng mga bata.
_______C. Ang guro ay masipag mag-alaga ng mga bata.

ARALIN

Basahin ang Dayalogo.

Jose: Dali! Kunin mo ang iyong palayuk- palayukan at pati na


ang aking sunda- sundaluhan.

Juana: Sige, kuya. Doon po tayo maglaro sa ating bahay-kubo.


Isasali ba natin ang ating kapitbahay?

9
Jose: O sige. Tawagin natin s’ya.

Juana: Oo para mas marami mas masaya.

1.Sino ang dalawang batang nag-uusap sa dayalogo?


______________________________________________________________

2.Tungkol saan ang dayalogo? Ano ang mabuting ipinakita ng


dalawang bata?
______________________________________________________________

Tingnan ang mga salitang may nakalimbag sa usapan.

3. Ano ang mga salitang ito?___________________________________

4.Ilan salita ang bumubuo sa bahay-kubo at


kapitbahay?_____________________________________

5. Ano ang tawag sa mga salita ito?____________________________

6.Ibigay ang kahulugan ng bahay kubo at kapit bahay


bahay-kubo____________________________________________________
kapitbahay_____________________________________________________

Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang salitang


magkaiba at ito ay pinagsama o pinagtambal
May tambalang salita na taglay ang kahulugan ng
dalawang salita.
Gitling ang ipinapalit sa mga salita na nawala sa pagitan

10
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
PANUTO : Buoin ang kahulugan ng tambalang salita sa bawat
patlang. Piliin ang sagot sa ibaba.

1. silid-kainan
https://lh3.googleusercontent.com/_Ia-NlX_kSRxMWLj9Spqoopx7tenT-
Uzxz-VhYJduXqAJqy7XrQ-_lxYIee_DoVLUQ8=h500

Kuwarto kung saan doon ______________.


A. natutulog
B. nag-aaral
C. kumakain

2. bahay-kubo
https://i.pinimg.com/236x/5b/48/d4/5b48d47359cde02d3f34a645e1a2e677.jpg

___________ na maliit at gawa sa kugon.


A. tirahan
B. pasyalan
C. lugar

3. yamang-dagat
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9Gc
TMd2bk2JGNGG-snZ387HA0o-pe2eTvTS51xw&usqp=CAU

Mga yaman o likas na nanggagaling sa ________________.


A. tubig
B. lupa
C. dagat

11
4. baboy-ramo
https://previews.123rf.com/images/barbulat/barbulat1210
/barbulat121000007/15659055-wild-boar.jpg

_______________ na kumakain ng damo sa gubat.


A. baboy
B. hayop
C. kabayo

5. tubig-ulan
https://keylifehomes.com/wp-content/uploads/2018/02/RainWater.jpg

________________na nanggagaling sa ulan.


A. kamay
B. tubig
C. basa

Pagsasanay 2

PANUTO :Basahin ang pangungusap. Isulat sa ibaba ang


tambalang salita na ginamit sa pangungusap at piliin ang tamang
kahulugan sa kahon.

kaluluto pansinin taos-puso


mura nakikita lumaki sa Maynila

1.Si Jose ay laking-Maynila kaya siya ay maputi.


________________________=______________________________________

2. Ang bahay nila Alma ay abot-tanaw na rito.


________________________=_______________________________________

3. Si Rosa ay agaw-pansin noong dumating sila galing Maynila


dahil sya ang tinitingnan ng mga tao.
_________________________=______________________________________

12
4. Ang presyo ng mga bilihin ngayon ay abot-kaya na ng mga
tao.
_________________________=______________________________________

5.Ang nanay niya ay may bagong-lutong pinakbet sa kanilang


kusina.
_________________________=______________________________________

Pagsasanay 3
PANUTO: Isulat ang titik sa patlang ng tamang kahulugan ng
bawat tambalang salita sa hanay A at hanay B.

_________1. balik-aral A. nagtutulungan

_________2. kapit-bisig B. kuwarto na pinag-aaralan

_________3. Likas-yaman C. muling pag-aaral sa dating


aralin

_________4. palo-sebo D. isang larong lahi na padulasan

_________5. silid-aralan E. yaman na nanggagaling sa


kalikasan

PAGLALAHAT

Ano ang tambalang salita?


Isulat ang kahulugan ng tambalang salita. Piliin ang sagot sa
kahon sa ibaba
1.baboy ramo-
2.bahay kubo-
3.kapit-bahay-
4.silid-kainan-
5.tubig-ulan-

13
A. mura o kayang kaya
B. tubig na galing sa ulan
C. mga taong malapit sa tinitirahan
D. kwarto kung saan doon kumakain
E. bahay na maliit at gawa sa kugon
F. baboy sa gubat na kumakain ng damo

PAGPAPAHALAGA

Lagyan ng masayang mukha ang bilog sa unahan ng


bawat pangungusap na nagsasaad ng mabuting gawain sa

paaralan at malungkot na mukha kung hindi.

1. Ang mga mag-aaral ng Caniogan Elementary School


ay taos pusong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.

2. Sina Manny at Rowel ay naglinis ng kanilang silid-aralan.

3. Sina Jose at Juana ay masayang nakipaglaro sa


kanilang kapit-bahay.

4. Ang mga bata ay nagtulong-tulong upang maalis ang


damong-ligaw sa kanilang taniman sa paaralan.

5.Si Jona ay hindi nakagawa ng kaniyang takdang-aralin


dahil nanood siya ng palabas sa telebisyon kagabi.

14
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO : Bilugan ang titik ng tamang kahulugan ng bawat


tambalang salita.
1. Ang mga korales, talaba, bangus at mga iba pa ay nabubuhay
sa tubig-alat. Ano ang kahulugan ng tubig-alat?

A. Tubig na malamig
B. Tubig na galing sa gripo
C. Tubig na galing sa dagat

2. Natapos ni Rosa ng maaga ang kanyang takdang-aralin dahil


ginawa nya agad ito sa kanilang bahay pag-uwi galing sa
paaralan. Ano ang kahulugan ng takdang-aralin?

A. Isang gawain sa paaralan lamang


B. Isang gawain sa tahanan na bigay ng magulang
C. Isang gawain na ibinigay ng guro upang kumpletuhin sa
bahay.

3.Buong-puso na tinanggap ng mga mag-aaral ang kanilang


bagong kakalase. Ano ang kahulugan ng buong -puso?

A. Hindi tinanggap
B. Tinanggap ng buong loob
C. Binigyan ng buong pagkain

4.Mabait sa mga mag-aaral at mga guro ang punung-guro ng


aming paaralan. Ano ang kahulugan ng punung-guro?

A. Guro sa paaralan
B. Pinuno ng mag-aaral
C. Pinuno ng mga guro sa paaralan

15
5.Masipag ang tatay ni Helen sa kanyang hanap-buhay,
natatapos nya agad ang kanyang trabaho. Ano ang ibig
sabihin ng hanap-buhay?

A. laro
B. bahay
C.trabaho

16
17
Sanggunian
PAUNANG PAGSUBOK Pagsasanay 3
1. A. silid + aralan = silid-aralan 1. C
2. C. sasakyan + dagat = sasakyang 2 .A
dagat
3. B. tubig + ulan = tubig-ulan 3. E
4. C. hati + kapatid = hating-kapatid 4. D
5. A. silid + aklatan = silid-aklatan 5. B
BALIK-ARAL PAGLALAHAT
1.bata-A. Ang bata ay masayang 1. F. baboy sa gubat na
nagbabasa ng libro. kumakain ng damo
2. lobo-B. Ang mga lobo ay marami. 2. E. bahay na maliit at
gawa sa kugon
3.bahay- B. Ang bahay ay malinis at 3. C. mga taong malapit
maganda. sa tinitirahan
4.bola-C. Ang bola ay hugis bilog at 4. B. kwarto kung saan
kulay kahel. doon kumakain
5.guro-A. Ang guro ay masipag 5. E. tubig na galing sa
magturo sa mga bata. ulan mura o kayang kaya
MGA PAGSASANAY PAGPAPAHALAGA
Pagsasanay 1
1.
1. C. kumakain
2.
2. A. tirahan
3.
3. C. dagat
4.
4. A. baboy
5.
5. B. tubig PANAPOS NA PAGTATAYA
Pagsasanay 2 1. C
1.laking-Maynila-lumaki sa Maynila 2. C
2.abot-tanaw-nakikita 2. B
3.agaw-pansin-pansinin 3. C
4.abot-kaya-mura 5. B
5.bagong-luto-kakaluto
SUSI SA PAGWAWASTO
A.Aklat:
Felicitas Pado, PhD, Cecilia Ochoa, Basa Pilipinas Gabay sa Pagtuturo ng Filipino
Ikatlong Baitang Yunit 3 Gabay, Mayo 2016, Pahina 95-96

B.Online o Elektronikang Pinagmulan:


www.rexinteractive.com, Supplemental Lesson,Rex the Online Educational Portal for
Teachers, Students and Parents Interactive, Filipino 3, pahina 15-18

https://ratatum.com/wp-content/uploads/2017/0/2017-01-12_22-09-24-min.jpg

https://thumbs.dreamstime.com/z/cartoon-background-empty-classroom-interior-inside-
back-to-school-concept-illustration-college-

https://img.lovepik.com/original_origin_pic/18/07/19/8687c8a7b9ce8507677f8137521f80a0.p
ng_wh860.png

https://i.ytimg.com/vi/FCvOz5FQky0/maxresdefault.jpg

https://image.shutterstock.com/image-vector/picture-showing-circle-12-fraction-
260nw1411405952.jpg

https://i.ytimg.com/vi/FCvOz5FQky0/maxresdefault.jpg

https://i.pinimg.com/564x/92/17/42/921742f24e0f3b45c69f4825a1259c89.jpg

https://image.shutterstock.com/image-vector/kids- school-library-600w-599634434.jpg

https://lh3.googleusercontent.com/2jU5xGn06tq7WQOQmHAgX64JLp-
5VHD61NQG7tl6lA3W6tjfQyMJIG2W9b923o4VZRyi7

https://images.app.goo.gl/FAPcagP6AnddnQW17

https://image.winudf.com/v2/image/Y29tLkRyYXdBSG91c2UuYXFpbGFfc2NyZWVuXzdfMTUzN
zg1M

https://www.pngitem.com/pimgs/m/280-2802681_basketball-transparent-background-
basketball-clipart-black-and-hd.png Dc0N18wMjg/screen7.jpg?fakeurl=1&type=.jpg

https://images.app.goo.gl/g8M1CkffGwXr6Tgr8

https://lh3.googleusercontent.com/_IaNlX_kSRxMWLj9Spqoopx7tenT-Uzxz-
VhYJduXqAJqy7XrQ-_lxYIee_DoVLUQ8=h500

https://i.pinimg.com/236x/5b/48/d4/5b48d47359cde02d3f34a645e1a2e677.jpg

https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcTMd2bk2JGNGG-
snZ387HA0o-pe2eTvTS51xw&usqp=CAU

https://previews.123rf.com/images/barbulat/barbulat1210/barbulat121000007/15659055-
wild-boar.jpg

https://keylifehomes.com/wpcontent/uploads/2018/02/RainWater.jpg

18

You might also like