You are on page 1of 37

3

Edukasyon sa
Pagpapalakas ng
Katawan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Lokasyon, Direksyon, Posisyon,
Daanan at Plane ng Kilos
Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Lokasyon, Direksyon, Posisyon, Daanan at Plane ng
Kilos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Author : Roger O. Rińosa
Co-Author - Content Editor : Annaliza P. Bongco
Co-Author - Language Reviewer : Ma. Concepcion M. Reyes
Co-Author - Illustrator : Leandro O. Bautista
Co-Author - Layout Artist : Roger O. Rińosa

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Orion : Minerva P. Rillo, Ed. D.
Principal District LRMDS Coordinator : Ma. Concepcion M. Reyes
Teacher District LRMDS Coordinator : Yannie Vanessa C. Enriquez
District SLM Content Editor : Mario E. Dojillo, Jr.
District SLM Language Reviewer : Ma. Concepcion M. Reyes
District SLM Book Designer : Erika Lourdes M. Canaria

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, MAPEH : Maria Teresa C. Perez
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
3

Edukasyon sa
Pagpapalakas ng
Katawan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Lokasyon, Direksyon, Posisyon,
Daanan at Plane ng Kilos
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa


Pagpapalakas ng Katawan – Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Lokasyon, Direksyon, Posisyon,
Daanan at Plane ng Kilos!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri


ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral


sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita


ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng


Katawan – Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Lokasyon, Direksyon, Posisyon, Daanan at Plane ng Kilos!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa


o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot


sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul


na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng


anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga

v
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Magandang araw sa iyo!

Binabati kita dahil naririto ka na sa modyul na ito para sa


ikalawang markahan. Tutuklas tayong muli ng iba’t ibang
kakayahan ng iyong katawan sa pagkilos. Paano nga ba kumikilos
ang ating katawan ayon sa lokasyon, direksyon, posisyon, daanan
at plane?

Matapos ang modyul na ito, inaasahang makakamit mo ang mga


sumusunod na layunin:
1. Nailalarawan ang kilos sa pamamagitan ng lokasyon,
direksyon, posisyon, daanan at plane (PE3BM-IIa-b-17)
a. natutukoy ang lokasyon, direksyon, posisyon, daanan at
plane
b. nailalarawan ang kilos ng katawan

Subukin

Gawin ang mga sumusunod na kilos sa loob ng inyong tahanan.


Pakatapos ay tukuyin kung anong katangian ng kilos ang
ipinapakita sa bawat gawain. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at
isulat ito sa sagutang papel.

plane lokasyon posisyon pathway


direksyon
1. Tumayo sa harap ng pintuan.
2. Magtungo sa mesa nang naglalakad ng pasulong.
3. Pumunta sa kusina gamit ang pazigzag na daanan.

7
4. Habang nasa kusina, kumuha ng kutsara at ipatonog ito sa
ibabaw ng ulo.
5. Bumalik sa pintuan nang kumekembot.

Aralin
Mga Hugis ng Katawan at
1 Galaw

Paano mo nagawa nang maayos at wasto ang mga


pinagawa sa Subukin?

Sa bawat pagkilos, mahalagang malaman kung paano at


saan ito gagawin. Ang kilos ay maaaring gawin sa unahan, likuran,
paharap o patalikod, mataas o mababa, tuwid o paliko-liko, at
patayo o pahalang. Mas magiging makabuluhan ang kilos na
ating ginagawa kung ang bawat katangian nito ay ating
mauunawaan. Palagi mong tatandaan na maging maingat sa
bawat kilos na iyong ginagawa upang maiwasan ang sakuna o
disgrasya.

Balikan

Tukuyin kung anong hugis o titik ang nabuo sa bawat larawan.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

8
1.______ 2.______ 3._______ 4._________ 5._______

Mga Tala para sa Guro


Bibigyang pansin sa modyul na ito ang kakayahang
mailarawan ang mga kilos batay sa katangian nito gaya ng
lokasyon, direksyon, posisyon, daanan at plane.

Tuklasin

Gawin ang mga sumusunod na TASK sa bawat bahagi ng inyong


tahanan.

Estasyon I – Pintuan
Estasyon II – Lumakad papuntang bintana na binabaybay ang
zigzag
Estasyon III – Lumakad nang patagilid papuntang hapag-kainan
o mesa
Estasyon IV – Gumapang papuntang kusina

TASK NO. 1 TASK NO. 2


d
Tumayo ng tuwid Paikutin ang mga
sa harap ng pinto balikat patalikod
na ang mga
kamay ay nasa
9
baywang
( 8 bilang)
Suriin

TASK NO. 3
Kamay sa
baywang
TASK NO. 4
Ibalukot ang
katawan sa Tumayo nang tuwid at
kanan (4 bilang) ilagay ang kamay sa
baywang.
Ibalukot ang
katawan sa Iikot ang baywang (5
Naigagalaw
kaliwa (4 natin ang ating katawan sa iba’t ibang lokasyon,
bilang)
bilang)posisyon, daanan at plane.
direksyon,

Lokasyon o
lugar
Ibaluktot
-tumutukoy sa likuran, unahan, ilalim, ibabaw, pansariling
espasyo (personal space), o pangkalahatang espasyo
(general space)
Direksyon

– tumutukoy sa ninanais na patutunguhan ng galaw/kilos,


kung ito ay pataas o pababa, paharap o patalikod, pakanan
o pakaliwa.
Level o posisyon

– nagsasabi ng kaugnayan ng katawan sa kinatatayuan,


kagamitan o taas sa espasyo kung ito ay mababa,
kalagitnaan, o mataas.
Pathways o
daanan

– likhang isip na maaaring10 baybayin sa isang espasyo gaya


ng zigzag, pabaluktot, o tuwid.
Plane

– ito ay tumutukoy sa tiyak na daanan, maaaring paikot, patayo,


pahalang.

Pagyamanin

Gawin ang ritmikong ehersisyo gamit ang bola. Sagutin ang


kasunod na tanong. Piliin ang titik ng sagot sa kahon at isulat sa
sagutang papel.

Figure 1
Panimulang Posisyon: Nakatayo nang tuwid na magkadikit ang
mga paa. Itapat ang bola sa dibdib habang nakalabas ang mga
siko
a. Ilagay ang bola sa harap nang nakaunat ang braso ……….
bilang 1
b. Balik sa panimulang posisyon ……………………………………….
bilang 2
c. Itaas ang bola
………………………………………………………………. bilang 3
d. Balik sa panimulang posisyon ……………………………………….
bilang 4
e. Ulitin ang a hanggang d

1. Anong lokasyon ang ipinakikita sa Figure 1?


a. pansariling espasyo b. pangkalahatang
(personal space) espasyo (general space)

Figure 2

11
Panimulang Posisyon: Nakatayo nang tuwid na magkadikit ang
mga paa. Itapat ang bola sa dibdib habang nakalabas ang mga
siko
a. Bahagyang ibaluktot ang tuhod at ilagay ang bola sa harap
nang nakaunat ang braso
……………………………………………………… bilang 1
b. Balik sa panimulang posisyon ……………………………………….
bilang 2
c. Tumingkayad at itaas ang bola
….…………………………………. bilang 3
d. Balik sa panimulang posisyon ……………………………………….
bilang 4
e. Ulitin ang a hanggang d

2. Ano anong direksyon ng bola ang iyong nagawa? Pumili ng


dalawa.
a. patalikod b. paharap c. pataas d. pababa

Figure 3
Panimulang Posisyon: Nakatayo nang tuwid na magkadikit ang
mga paa. Itapat ang bola sa dibdib habang nakalabas ang mga
siko
a. Ihakbang ang kanang paa pakanan, iunat ang dalawang
braso patagilid habang ang bola ay nasa kanang
kamay…………..…………… bilang 1
b. Balik sa panimulang posisyon ……………………………………….
bilang 2
c. Ihakbang ang kaliwang paa pakaliwa, iunat ang dalawang
braso patagilid habang ang bola ay nasa kaliwang
kamay……………………. bilang 3
d. Balik sa panimulang posisyon ……………………………………….
bilang 4
e. Ulitin ang a hanggang d

3. Ano ang posisyon ng bola?

12
a. mababa b. kalagitnaan c. mataas

Figure 4
Panimulang Posisyon: Nakatayo nang tuwid na magkadikit ang
mga paa. Itapat ang bola sa dibdib habang nakalabas ang mga
siko
a. Umikot pakanan na hindi umaalis sa pwesto ………….…….
bilang 4
b. Balik sa panimulang posisyon ……………………………………….
bilang 2
c. Umikot pakaliwa na hindi umaalis sa pwesto ……………….
bilang 3
d. Balik sa panimulang posisyon ……………………………………….
bilang 4

4. Anong plane ang ipinakikita sa Figure 4?


a. pahalang b. paikot c. patayo

Isaisip

Punan ang mga patlang ng mga salitang bubuo sa


diwa ng pangungusap. Kopyahin at sagutan ito sa sagutang
papel.

Naigagalaw natin ang ating katawan sa iba’t ibang


__________, direksyon, ___________, daanan at ______________.

Isagawa

13
Gawin ang mga sumusunod sa inyong tahanan. Pagkatapos ay
sagutin ang tanong na kasunod nito. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.

1. Gayahin ang galaw ng kamay ng relo. Ano ang direksyon ng


iyong kamay?
________________________________________________________________

2. Magpush-up sa sahig. Ano ang posisyon ng iyong katawan?


________________________________________________________________

3. Magmano sa isang nakatatanda. Ano ang direksyon ng iyong


ulo?
________________________________________________________________

Tayahin

Tingnan ang bawat larawan. Tukuyin kung anong katangian ng


kilos ang pinakikita nito. Piliin ang titik ng sagot sa kahon at isulat
ito sa sagutang papel.

1. batang babae na papunta sa mesa

a. pansariling espasyo b. pangkalahatang


espasyo

14
2. batang lalaki na naglalakad nang paatras

a. paatras b. pasulong c. patagilid

3. batang babae na naghohoola-a-hoop

a. mataas b. mababa c. kalagitnaan

4. batang lalaki na naglalakad sa patuwid na


pathway

a. zigzag b. baluktot c. diretso

5. batang lalaki na naglalakad nang patagilid

a. paaatras b. pasulong c. patagilid

Karagdagang Gawain

Magwalis ka sa loob ng inyong tahanan. Ano-anong katangian


ng kilos ayon sa direksyon, lokasyon, posisyon ang nagawa mo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

15
16
Tayahin:
Isagawa:
1. b
1. clockwise
2. a
2. mababa
3. c 3. pababa o
4. c paharap
5. c
Pagyamanin: Balikan: Subukin:
Isaisip:
1. a 1. bilog 1. lokasyon
1. lokasyon 2. parihaba
2. b at c 2. direksyon
2. posisyon 3. titik K
3. b 3. pathway
3. plane 4. titik R
4. b 5. tatsulok 4. posisyon
5. plane
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Sanggunian
DepEd. Music, Art, Physical Education and Health 3. Patnubay ng
Guro (Tagalog). First Edition. 2013.

DepEd. Music, Art, Physical Education and Health 3. Kagamitan ng


Mag-aaral (Tagalog). First Edition. 2014.

DepEd. K to 12 Curriculum Guide in Physical Education. 2016.

17
3

Edukasyon sa
Pagpapalakas ng
Katawan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Lokasyon, Direksyon, Posisyon, at
Daanan ng Kilos

18
Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Lokasyon, Direksyon, Posisyon, at Daanan ng Kilos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Author : Jerck Denzil P. Dizon
Co-Author - Content Editor : Annaliza P. Bongco
Co-Author - Language Reviewer : Irene B. Angeles
Co-Author - Illustrator : Manuel G. Pangomlayen, Jr.
Co-Author - Layout Artist : Maribel L. Mateo

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Assigned District : Minerva P. Rillo, Ed. D.
Principal District LRMDS Coordinator : Ma. Concepcion M. Reyes
Teacher District LRMDS Coordinator : Yannie Vanessa C. Enriquez
District SLM Content Editor : Mario E. Dojillo Jr.
District SLM Language Reviewer : Ma. Concepcion M. Reyes
District SLM Book Designer : Erika Lourdes M. Canaria

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, MAPEH : Maria Teresa C. Perez
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer :

19
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph

Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan


kang mabigyang-pansin at mapahalagahan ang iyong katawan
pati na ang mga kilos na ginagawa nito para sa iyo sa araw-araw.
Matapos ang modyul na ito, inaasahang makakamit mo ang
mga sumusunod na layunin:
1. Nailalarawan ang mga kilos ng katawan ayon sa lokasyon,
direksyon, posisyon, at daanan (PE3BM-IIa-b-17)
a. natutukoy ang mga kilos ng katawan ayon sa lokasyon,
direksyon, posisyon, at daanan;
b. nakalilikha ng mga simpleng kilos ng katawan ayon sa
lokasyon, direksyon, posisyon, at daanan;
2. nakalalahok sa masasaya at kawili-wiling gawaing pisikal
(PE3PF-Ia-h-2).

20
Subukin

Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap. Gawing


gabay ang larawan sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

pinakamataas pababa ilalim pakaliwa


ibabaw
Larawan Pangungusap

1. Tumawid ang batang babae sa


____________ ng lubid.

2. Tumayo si Hyla sa _______________ na


bahagi ng hagdan.

3. Ipinasa _______________ ni Harry ang


unan kay Hannah.

4. Sinalo ni Julie ang bola sa


_____________ ng kaniyang ulo.

21
5. Itinulak ni Jane ang mesa
____________.

Aralin

2 Katawan Mo, Ikilos Mo!

Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang paglalarawan ng


mga kilos ng katawan ayon sa lokasyon (location), direksyon
(direction), posisyon o antas (level), at daanan (plane or pathway).
Sa araling namang ito ay iyong matututuhan ang pagkilos ng
katawan batay sa lokasyon o lugar, direksyon, posisyon, at
daanan.

Balikan

Hanapin kung anong larawan sa hanay B ang tinutukoy sa


hanay A. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
___ 1. Gamit ang mga kamay, inilagay ni A.
Miko ang bola sa likurang bahagi ng
kaniyang katawan.
___ 2. Bago ipasa ni Mona ang bola sa
kaniyang kalaro, itinatapat muna niya B.
ito sa kaniyang dibdib.

22
___ 3. Iniunat ni Marga ang kaniyang
katawan nang pakanan at pakaliwa.
C.
___ 4. Nagsimulang maglakad si Mikel sa linya
ng bilog na iginuhit ng kaniyang guro.

D.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-
aaral upang mailarawan at maisagawa ang iba’t
ibang kilos ng katawan ayon sa lokasyon o lugar,
direksyon, posisyon o antas, at daanan.

Tuklasin

Basahin ang maikling seleksyon at sagutin ang mga


sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang
iyong sagot.

CHIKI – ANG BATANG MALIKSI


Si Chiki ay isang mag-aaral sa ikatlong baitang ng
Paaralang Elementarya ng Sabatan. Siya ay kakaiba kumpara sa
kaniyang mga kamag-aral sapagkat kapansin-pansin ang
kaniyang pambihirang kaliksihan. Ang katangian niyang ito ay
maoobserbahan lalong-lalo na sa oras ng kanilang pag-aaral sa
asignaturang Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan.
Sa kanilang bakanteng oras tuwing umaga, palagi siyang
nag-eehersisyo. Madalas niyang
23 gamitin ang bola na hinihiram
niya sa kaniyang guro. Kapag mag-isa siya, ginagamit niya ito
upang inunat ang mga kamay. Inilalagay niya ang bola sa
MGA TANONG:

1. Anong bagay ang madalas gamitin ni Chiki sa kaniyang


pag-eehersisyo? Ano-anong mga gawain ang ginagamitan
niya nito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Ano-anong mga lokasyon o lugar ang nabanggit sa


seleksyon kung saan inilagay ni Chiki ang bola?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Saang mga direksyon niya inihahagis at pinatatalbog ang


kaniyang bola?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

4. Sa anong bahagi o parte niya inilagay ang bola tuwing siya


ay mag-uunat o magbabaluktot ng katawan?

24
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

5. Paano niya tinatakbo ang kanilang malawak na paaralan?


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Suriin

Ano-ano ang mga kilos na binanggit sa seleksyon? Suriin at


ikilos ang mga larawan sa bawat bilang. Hanapin sa kahon ang
kilos na ipinapakita sa bawat larawan. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

A. Paglagay ng bola sa likuran


B. Pagkaldag ng bola pababa sa sahig
C. Paghagis ng bola pataas
D. Pagpuwesto ng bola sa gitnang bahagi ng
katawan
E. Pagtakbo paikot sa isang lugar

_____ 1. _____ 4.

25
_____ 2. _____ 5.

_____ 3.

Pagyamanin

Suriin ang mga larawan ng iba’t ibang kilos. Gamitin itong


gabay sa pagsagot ng mga tanong. Punan ng mga nawawalang
titik ang mga salita upang matukoy ang sagot sa mga tanong.
Isulat ang kumpletong salita sa iyong sagutan papel.

Larawan Tanong Salita


1. Sa anong
lokasyon o lugar
inilagay ni Kobe H A P N
ang kaniyang
bag?
2.
Paano inihagis ni
James ang
P T I K
kaniyang
sombrero?

26
3. Ano ang posisyon
ng bola ni Jordan
nang patalbog M B A
niya itong ipinasa
kay Kai?
4.
Sa paanong
paraan hinarang H L N G
ni Ed ang kalaro?

5. Sa anong
direksyon inunat
ni Leni ang A K A
kaniyang
kaliwang braso?

Isaisip

Ang pagkilos ay maaaring gawin sa pansarili o sa


pangkalahatang espasyo. Dito ay maaari tayong gumamit ng
bagay tulad ng bola na makapagpapahubog sa ating pisikal na
kasanayan.
Hindi limitado sa bola lamang ang kagamitan na maaaring
gamitin sa pagsasagawa ng mga simpleng ehersisyo. Ang mga
bagay tulad ng laso, buklod, patpat, at iba pang katulad ng mga
ito ay maaari ring gamitin sa pagkilos.
Sa pagsasagawa ng mga simpleng kilos, kailangang
isaalang-alang ang mga sumusunod:

LOKASYON o
tumutukoy sa likuran, unahan, ilalim, o
LUGAR (Location)
ibabaw na kinatatayuan ng tao at
kinalalagyan ng mga bagay.

DIREKSYON
(Direction) tumutukoy sa ninanais na patutunguhan
ng galaw
27 o kilos, kung ito ay pataas o
pababa, paharap o patalikod, pakanan
POSISYON o
ANTAS (Level) tumutukoy sa kaugnayan ng katawan sa
kinatatayuan o taas ng kagamitan sa
isang espasyo kung ito ay mababa, nasa
kalagitnaan, o mataas.

DAANAN
(Pathways o tumutukoy sa tiyak na landas ng kilos,
Planes) maaaring paikot, pahilis, patayo, o
pahalang.

Isagawa

Basahin at sundin ang mga sumusunod na panuto. Gawing


batayan ang mga larawan sa bawat bilang.

Larawan Panuto
1. Kumuha ng isang laruan. Tumayo nang
tuwid at iunat ang dalawang braso
kapantay ng dibdib habang hawak ang
laruan.
2. Tumayo nang tuwid. Iharap ang katawan
pakanan sa loob ng sampung segundo.
Bumalik sa dating posisyon. Iharap naman
ang katawan pakaliwa sa loob ng sampung
segundo. Muling bumalik sa dating posisyon.

28
3. Gumuhit ng isang malaking bilog sa sahig
gamit ang yeso o ano mang bagay na
madaling burahin. Lumakad habang
sinusundan ang linya ng bilog ng tatlong
beses.
4. Kumuha ng dalawang bakanteng plastik na
bote. Pagtapikin ang mga bote nang
limang beses sa gawing itaas ng ulo. Ulitin
naman ito habang nakayuko o
nakabaluktot.
5. Kumuha ng isang bola at ilagay ito sa sahig.
Itapak ang kanang paa sa ibabaw ng bola
sa loob ng 10 segundo. Itapak naman ang
kaliwang paa sa ibabaw ng bola sa loob ng
10 segundo.
Sagutin ang mga tanong nang may katapatan.

Tanong Ilan
Oo Hindi
lang
Naisagawa ko ba nang wasto ang mga
kilos?
Nagawa ko ba ang lahat ng kilos?
Nahirapan ba ako sa pagsasagawa ng
mga kilos?

Tayahin

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Suriin kung ang


mga kilos sa bawat bilang ay tumutukoy sa lokasyon, direksyon,
antas, o daanan. Piliin sa kahon ang iyong sagot at isulat ito sa
sagutang papel.

LOKASYON DIREKSYON ANTAS


DAANAN

29
_____________ 1. Bago ipasa ni Don ang bola sa kaniyang kalaro,
ipinuwesto
muna niya ito sa tapat ng kaniyang dibdib na
nasa
katamtamang taas.
_____________ 2. Nagsimulang maglakad si Denica sa linya ng bilog
na iginuhit
ng kaniyang guro.
_____________ 3. Gamit ang mga kamay, ipinuwesto ni Dindo ang
regalo sa
likuran bahagi ng kaniyang katawan.
_____________ 4. Bumaba si Demeter mula sa ikatlong palapag ng
kanilang
bahay papuntang unang palapag sa
pamamagitan ng hagdan.
_____________ 5. Iniunat ni Dencio ang kaniyang katawan nang
pakanan at
pakaliwa.

30
31
Tayahin: Isagawa: Pagyamanin:
1. Antas (Depende sa 1. HARAPAN
2. Daanan pagsunod ng bata 2. PATALIKOD
3. Lokasyon at sa pamantayan) 3. MABABA
4. Direksyon 4. PAHALANG
5. Direksyon 5. PAKANAN
Tuklasin:
1. Bola; pag-unat
ng mga kamay,
paghagis ng Subukin:
Suriin: bola pataas, Balikan: 1. ilalim
pagpapatalbog
1. A 2. pinakamata
ng bola 1. B
2. D as
pababa, 2. D
3. B 3. pababa
pagbabaluktot 3. C
4. C 4. ibabaw
ng katawan 4. A
5. E 5. pakaliwa
2. Harapan, likuran,
at ibabaw ng ulo
3. Pataas, pababa
4. Mababa at
gitnang parte ng
katawan
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education. K to 12 Most Essential Learning
Competencies (With Corresponding CG Codes): Physical
Education. 2020.

Department of Education. Music, Art, Physical Education, and


Health 3: Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog). Pasig: Book Media
Press, Inc., 2014.

Department of Education. Music, Art, Physical Education, and


Health 3: Teacher’s Guide. Pasig: Rex Bookstore, Inc., 2015.

32
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

33
1

You might also like