You are on page 1of 2

Si Pilong Patago-tago

Kwento ni: Kristine Canon


Guhit ni: Leo Alvarado

“Pilo? Pilo! Saan ka ba nagtata nagtatago? Pilo! Pilo! Pumasok ka na sa


bahay.
Maligo ka na, anak. Kanina ka pa naglalaro sa labas.” Nang biglang may narinig si
nanay na.. Bulaga!! Nay, di niyo alam nandito lang ako! Nakatayo ako ng tuwid sa likod
ng poste! Hahahahahahahah

At may naghahanap na naman kay Pilo.” Pilo! Pilo! Saan ka ba naroroon?


Pilo? Pilo! Gutom na ang alagang isda mo. Halika, pilo at pakainin mo na ito. Papasok
na ako sa opisina.” Nang biglang may narinig si tatay na.. Bulaga! Tay, di niyo ko nakita,
no? nandito lang po ako sa ituktok ng aparador. Hahahahahahahahah!

May naghahanap na naman kay Pilo.. “Pilo? Pilo! Saan ka na naman


nagsuot? Pilo? Pilo! Lumabas ka na! Malamig na ang tanghalian mo. Kanina pa to
nakahain sa mesa.” Nang biglang may narinig si ate bebeng na.. Bulaga! Ate bebeng di
mo ko nakita no? Narito lang ako sa loob ng tambak na labada!
Ahahahahahhahahahaha!

May naghahanap na naman kay Pilo.” Pilo? Pilo! Nasaan ka ba talaga?


Pilo? Pilo! Kailangan na nating umalis. Nariyan na ang traysikel sa baba. Sige ka
mahuhuli na naman tayo sa eskwela.” Nang biglang may narinig si kuya Rey na.. Bulaga!
Kuya Rey di mo ko nakita no? Nandito lang ako sa gilid ng kama.
Ahahahahahawahahahah!

Dumating na si Pilo galing sa iskul. May naghahanap na naman. .” Pilo? Pilo!


Aalis na tayo anak. .” Pilo? Pilo! Bibili tayo ng pantalon mo. Pupunta sila sa palengke.
Nang biglang may narinig na naman si nanay na… Bulaga! Di niyo ko nakita no nay?
Nakasiksiklang ako sa gitna nang aking mga laruan. Ahahahahahahahahah!!

Nakarating na sila sa palengke at hinahanap na naman si Pilo. “Pilo? Pilo!


Nakapili na ako ng pantalon mo. Pilo? Pilo! Halika na , at isukat mo kung kasya ito sa
iyo. Pilo? Pilo! Nasaan k aba talaga. Pilo? Nag-aalala na ako.”

Sabi naman ni Pilo. “Bakit kaya di pa rin ako nakikita ni inay? Ang tagal ko
nang naghihintay. Nakakangalay! Isang oras na yata akong nakayuko. Sige na nga
lalabas na ako.

Hinanap siya ng hinanap” Inay…… Inay…… Inaaaaaaaaaaaay……

Si Pilo pala ay nawawala na sa palenke..

Si Pilo ay may narinig na… “Bulaga! Pilo, nandito na si inay. Akala mo di kita
makikita no?

You might also like