Professional Documents
Culture Documents
Taguan
Taguan
taya. Madalas, si Kristal ang taya. Sa simula’y s’ya ang magtatago upang sa loob lamang
ng ilang sandali’y Makita ko sa likod ng mga paso ng mga halos mangalantang halaman
o di kaya’y sa likod ng isang pinto. Dangan kasi’y tako s’yang magpakalayu-layo at
magtago sa kung saan-saang sulok na di n’ya kabisado kung kaya’t madali ko s’yang
natataya.
kanyang braso sa pader at isasandal ang noo sa braso. Papilit s’yang sisigaw.
– Apat…
– Lima…
– Anim…
Sabi ni Noknok, kalaro ko, nahuli raw s’ya minsan na namboboso sa mga kaklase niyang
umiihi. Takam na takam s’ya sa pagsipat sa mga binti at puwit ng mga kaklase sa butas
na iyon mula sa labas ng banyo nang mahuli s’ya ng kanilang titser. Buking na buking
naman kasi ang pamboboso n’ya, dangan kasi’y namimilipit pa s’ya sa pagsilip. “Di na
s’ya pinapasok ng Nanay n’ya matapos siyang pagsasabunin. Pinatawag kasi nu’ng titser
si Aling Ima, sabi raw ay binobosohan s’ya. Ang lokong si Noknok, pinagtanggol pa ang
sarili. Sabi nama’y di naman ‘yung titser ang binibosohan n’ya kundi ‘yung kaklase niya.
Ayun,
– Sampu!
Magpapalipat-lipat ng silid si Kristal, magbabaka-sakaling makikita ako sa isa sa mga
– Kristal! Kristal!
– Bangon na, oy! Aba’t kukupad-kupad pa ‘tong batugang baklang ‘to!
Aba, aba… ‘yung bakla, matatanggap ko. Totoo ‘yun. Pero ‘yung batugan, hindi ko
masisikmura. Pa’no ba nama’y katitirik pa lang ng araw, bitbit ko na’y kahon ng
sigarilyo habang palipat-lipat sa mga bus at pasabit-sabit sa mga jeep habang si Tatay ay
Tanduay o
Ginebra na ang hawak. Batugan pa pala ako gayong ako itong napapagod at napupuyat
sa paggala-gala kung saan mataong kalsada tuwing umaga hanggang hapo’t gabi at kung
minsan pa’y katu-katulong ni Nanay sa pagtitinda ng karne sa palengke samantalang si
Tatay ay pahilik-hilik lang na nakatihaya sa bahay.
– Iwanan mo’ko ng sampu bago ka umalis. Baka hindi ako pautangin ni Aling Pinang, e.
Sampu… sampung piso lang para sa bilog o lapad o sa kahit na anong nakapanlalasing.
Nakikini-kinita ko nang susuray-suray na naman si Tatay mayamaya lang sa kung sang
iskinita habang pilit na hinahanap ang daang pauwi sa aming barung-barong o di kaya’y
hihilik-hilik na nakasalampak sa tabi ng kung sang estero.
Sabi ni nanay, hindi naman daw dating ganyan si Tatay. Dati’y nagtatrabaho daw si
Tatay doon sa pabrika ng sabon sa Makati. Nang magbawas ng mga trabahador sa
pabrika, isa s’ya sa mga minalas na nasisante. Mula noon, nagsimula nang makitagay si
Tatay sa kung saan-saang kanto, hanggang sa magsawa ang kanyang mga kainuman at
matuto siyang makipagkwentuhan sa sarili habang solong nagpapakalasing. Buti sana
kung katulad s’ya ng iba na kung nalalasing ay walang kibo lang sa isang tabi o di kaya’y
mahimbing na natutulog. Si Tatay, kapag nalalasing, madalas ay naghahamon ng away
at kung may siga-sigang magkakamaling pumatol ay uuwing pasa-pasa ang mukha. O di
kaya’y kung
sapul na naman ang ulo ko ng malutong na batok at kung mamalasin pa’y may bonus
pang sipa’t tadyak. Kaya nga ingat ako sa pagsasalita.
lumang lamesita. Halos magsalubong ang kanyang mga kilay at halos magkandakunut-
kunot ang kanyang noo sa pagbilang ng mga perang papel. Batid kong inihihiwalay n’ya
ang puhunang pambili ng mga karne para bukas o di naman kaya’y pilit n’yang
pinagkakasya ang tubo sa mahabang listahan ng aming mga utang sa tindahan ni Aling
Pinang. Dangan naman kasi, sa inutang na alak lang ‘ata ni Tatay, kulang na ang tinubo
ni Nanay. Ngayon ko lamang napansin, ang laki na nang itinanda at ipinayat ni Nanay.
Marami na ang guhit sa kanyang noo at ang kanyang mga braso ay yayat
Naalala ko, umaga nu’n, bitbit na ang kahon ng mga sigarilyo nang masalubong ko si
Kristal na sisinghap-singhap habang basing-basa ang mga mata sa luha.
– Kuya, sabi ni Milet… ano… ano… bakla ka raw. Tinukso n’ya ko e… Kuya ko raw…
ano… bakla! Huhuhu….
– Lekat, pagagalitan ko nga ‘yung matabil na batang ‘yon!
Pinagalitan ko nga si Milet, kalaro at halos kasing edad ni Kristal. Ewan ko ba, pero
hindi ko matiis si Kristal. Gusto kong madama n’ya na may kakampi s’ya.
– E, ano ngayon kung bakla? Ang nanay mo nga e….. e….. ano….. nagpapaano… kung
kani-kanino nagpapaano!
Saka ko lamang napansing parang nagsesermon na’ko at ang sinenermonan ko’y
– How, Castor! ‘Yang mga anak mo, binastos ako’t pinaiyak ‘tong si Milet ko!
Ewan ko ba kung bakit kinailangan pang lakasan ni Tatay at iparinig sa kanila ang bawat
sermon at mura kasabay ng paghagupit ng yantok ng walis-tambo sa aming binti, pigi,
braso at sa kung saan-saan. Ewan ko kung bakit kinailangang lumagabag pa nang
malakas ang nabuwal na mesa’t mga nangaglaglagang platong lata.
Ngawa nang ngawa nu’n si Kristal. Ngunit dinig na dinig ko ang banta ni Aling Beth
bago sila umalis.
– Kastiguhin mo ‘yang mga anak mo, Castor! Kung hindi’y hindi na kita bibigyan ng
diskwento sa susunod!
LINGO nu’n, isang lingo mula nu’ng pagalitan ko si Milet at bugbugin kami ni Tatay.
Nakalimutan na nina Kristal at Milet ‘yun at wala na rin ang mga pasa sa katawan
naming magkakapatid.
Pagod na kaming magtaguan sa eskwelahan nina Noknok, Milet at Kristal kayat
napagkaisahan naming maglaro ng aral-aralan.
Bakit nga naman hindi, total tuwing Sabado o Linggo lang naman kami nakakapasok sa
eskwelahan, dangan nga lamang ay hindi upang mag-aral kundi upang maglaro. Grade
Sixn asana, samantalang si Kristal at Milet ay Grade two na sana. Ewan ko ba kung
bakit hindi kami makapag-aral gayong mahihirap din naming tulad naming ang mga
nag-aaral doon. A, siguro nga’y mas mahihirap kami!
– Si Openg na ang titser natin.
– E, sino pa?
Okay na rin, total pangarap ko rin naming maging titser. Kaya lang, ayaw ni Tatay. Dinig
na dinig ko pa nga ang usapan nila ni Nanay isang gabi.
– Sayang naman, Castrol, kung matitigil si Openg. Gusto pa naman daw n’yang
maging titser.
– Ku… ano bang titser-titser, kapurol-purol ng utak niyan! Paturuan mong
maggupit at magkulot do’n sa parlor, total babakla-baka, e! Buti pa
Inis na inis ako no’n kay Tatay. Kontrabida talaga! Aba’y hindi ‘ata mapurol ang utak ko.
– Tanga! Ang ina ang ilaw ng tahanan. Ngayon, sino naman ang haligi ng tahanan?
Si Noknok uli.
– Ama?
– Tama!
Pero hindi makapaniwala si Noknok. Naalala ko, ‘yun nga palang pulis n’yang tatay ay
may kinakasama na raw sa Pasay na mas bata at mas maganda kaysa nanay n’ya. Usap-
usapan nga minsan sa looban na Japayuki raw ‘yung bagong asawa ng tatay ni Noknok
at sila ng
nanay n’ya ay kinalimutan na raw. Sabagay, haligi nga nama’y suporta, pundasyon.
Paano nga naman maniniwala si Noknok na ang ama ang haligi ng tahanan kung ang
tatay n’ya mismo ay di sila sinusuportahan. At si Milet, nasaan na nga pala ang tatay
n’ya? Aba’y maging ang mga tsismoso sa looba’y nagsagawa na rin sa panghuhula!
Pero ewan ko, minsan naiinggit ako kina Noknok at Milet. Minsan kasi, naiisip ko, sana
mawala na rin ang tatay ko.
Isang hapo’y sinadya ko si Nanay sa palengke. Mahalaga ang aking pakay. Maselan ang
aking sasabihin. Sa gitna ng pag-alis-pagparito ng mga mamimili ay paputul-putol kong
naisalaysay kay Nana yang sinabi sa ‘kin ni Kristal.
– S’ya raw ang Tatay at ako ang Nanay. Tapos… hinubaran n’ya ‘ko ng damit…
Ako ma’y di-makapaniwala nang ikwento sa ‘kin ‘yon ni Kristal.
– Sabi n’ya ‘wag ko raw sasabihin kay Nanay. Bukas pa nga raw malalaro ‘uli kami.
Tapos, kuya, binigyan n’ya ng limampiso… eto o.
Maagang naubos ang mga paninda ni Nanay kayat niyaya n’ya ‘kong sumabay sa kanya
sa pag-uwi. Bitbit ko ang bayong na lama’y mga kagamitan sa pagtitinda samantalang
sakbit ni Nana yang palumpon ng mga barya’t perang papel na pinagbilihan.
Magkasabay naming tinatahak ang landas patungo sa looban.
Sa daan, walang-imik si Nanay. Sa pakiwari ko’y binabagabag s’ya ng kwento sa ‘kin ni
Kristal. Pilit kong iwinawaksi ang pangyayaring ‘yon sa ‘king isipan ngunit madalas pa
rin akong natutuliro at natutulala sa pag-aalala. Ilang araw pinag-isipan at
pinagdalawahang isip kung dapat ko ngang sabihn. ‘yon kay Nanay. At ngayo’y ewa ko
kung tama ang
Nandilim ang aking paningin. Dali-dali kong kinapa ang laman ng bitbit kong bayong.
Sumakamay ko ang kutsilyong gamit ni nanay sa palengke. Nagsusuot ng pantaloon si
Tatay nang s’yay aking sugurin. Ubod-lakas ko s’yang inundayan sa kanyang likuran.
Napaharap s’ya sa ‘kin, napahinuhod. Nanlaki ang kanyang mga pulang mata. Parang
Isa pa sa tagiliran…
– Para sa ‘kin!
Tiningnan ko si Kristal… duguan ang binti at hindi magkamayaw sa kangangawa sa
harap ng nasasaksihang karahasan. Naalala ko ‘yung kamusmusan n’yang inagaw ni
Tatay, ‘yung kahinaan niyang sinamantala ni Tatay, ‘yung kalinisan niyang dinungisan
ni Tatay at ‘yung pagkababae niyang niluray ni Tatay.
Nakaharap sa pader sa dulo ng pasilyo si Kristal, nakahilig ang kanyang noo sa braso.
Nakita ko ang silid sa kaliwa’t kanan ng pasilyo: Doon sa isa sa mga iyo’y madalas
kaming maglaro ng aral-aralan nina Noknok, Milet at Kristal. Sa kabilang dulo ng
pasilyo’y naroroon pa rin ang banyong madalas dating pambosohan ni Noknok.
– Sampu!!!
Ginalugad niya ng tingin ang mga lumang mesa’t mga iika-ikang silyang naroroon.
Napalipat-lipat ng silid si Kristal… palinga-palinga… naghahanap… upang pagdating sa
huli’y maluha-luha s’yang iiling-iling, sabay bubunghalit at mag-aanyong kaawa-awa.
Ngunit hindi pangalan ko ang tinatawag ni Krista. Hindi ako ang hinahanap n’ya…