Professional Documents
Culture Documents
Pangalan : Course:
ISYUNG PANLIPUNAN: KASARIAN
Mayaman ang panitikan natin sa mga akdang may isinasatinig na boses ng partikular na
kasarian. Halimbawa, mababasa natin ang kuwento ng mga babaeng manunulat sa libro ni
Rosario Torres-Yu na Sarilaysay: Tinig ng 20 Babae sa Danas Manunulat na inilimbag ng Anvil
Publishing at libro ni Neil Garcia sa Philippine Gay Writing. Ang kulturang sinasalamin ng mga
akdang pampanitikan natin ay nagtatakda ng pagtrato, pagtanggap, at pag-uri natin sa ating
kasarian. Noon pa man ay namamayani na sa ating lipunan ang paghahati ng kasarian mula
panahon ng katutubo hanggang sa mga bagong anyo nito sa kasalukuyan. Sa paglipas ng
panahon nagtatakda ang ating lipunan at kultura kung ano at paano gumalaw ang ating kasarian.
Sa panahon ng Kastila namamayani ang patriyarkal na lipunan kung saan ang tingin sa
kababaihan ay pambahay lamang at walang karapatang mag-aral. Dumaan din sa panahong hindi
tanggap sa ating lipunan ang ikatlong lahi na tinatawag kung saan isterotipikal ang pagtingin sa
kanila ng lipunan na kakatwa lamang. Samantalang sa kasalukuyang panahon ay masidhi ang
paglaban sa gender discrimination. Pangunahing layunin ng ganitong domeyn ay kilatisin at
ipaliwanag ang agwat sa pagitan ng mga kasarian.
kukupad-kupad pa ‘tong batugang baklang ‘to! Aba, aba… ‘yung bakla, matatanggap ko. Totoo
‘yun. Pero ‘yung batugan, hindi ko masisikmura. Pa’no ba nama’y katitirik pa lang ng araw,
bitbit ko na’y kahon ng sigarilyo habang palipat-lipat sa mga bus at pasabit-sabit sa mga jeep
habang si Tatay ay Tanduay o Ginebra na ang hawak. Batugan pa pala ako gayong ako itong
napapagod at napupuyat sa paggala-gala kung saan mataong kalsada tuwing umaga hanggang
hapo’t gabi at kung minsan pa’y katu-katulong ni Nanay sa pagtitinda ng karne sa palengke
samantalang si Tatay ay pahilik-hilik lang na nakatihaya sa bahay. Pupungas-pungas pa ‘kong
babangon. Wala nang mumugan ay dadamputin ko ang kahon ng sigarilyo. Kagabi’y bilang na
bilang ko ang laman niyon… tatlong kaha ng Marlboro, dalawang Philip at Hope at isang
Winston. Ngayo’y kulang ng isang kaha ng Marlboro. Madaling napawi ang aking Pagtataka.
Paano’y nanghahaba ang nguso ni Tatay sa paghithit-buga ng sigarilyo sa isang sulok habang
sinasabayan ng pagtangu-tango ang makapananggal-tutuleng kantang metal na nagmumula pa sa
kabilang bahay. - Iwanan mo’ko ng sampu bago ka umalis. Baka hindi ako pautangin ni Aling
Pinang, e. Sampu… sampung piso lang para sa bilog o lapad o sa kahit na anong
nakapanlalasing. Nakikini-kinita ko nang susuray-suray na naman si Tatay mayamaya lang sa
kung sang iskinita habang pilit na hinahanap ang daang pauwi sa aming barung-barong o di
kaya’y hihilik-hilik na nakasalampak sa tabi ng kung sang estero. Sabi ni nanay, hindi naman
daw dating ganyan si Tatay. Dati’y nagtatrabaho daw si Tatay doon sa pabrika ng sabon sa
Makati. Nang magbawas ng mga trabahador sa pabrika, isa s’ya sa mga minalas na nasisante.
Mula noon, nagsimula nang makitagay si Tatay sa kung saan-saang kanto, hanggang sa magsawa
ang kanyang mga kainuman at matuto siyang makipagkwentuhan sa sarili habang solong
nagpapakalasing. Buti sana kung katulad s’ya ng iba na kung nalalasing ay walang kibo lang sa
isang tabi o di kaya’y mahimbing na natutulog. Si Tatay, kapag nalalasing, madalas ay
naghahamon ng away at kung may siga-sigang magkakamaling pumatol ay uuwing pasa-pasa
ang mukha. O di kaya’y kung minamalas, si Nanay, si Kristal o ako ang napagdidiskitahang
regaluhan ng dagok o tadyak. Aba, nawili ‘atang parang-haring titiha-tihaya’t pautos-utos na
lang sa bahay si Tatay, lumalamon kahit painum-inom lang ng alak buong maghapon. Kung
minsan tuloy, naiisip ko kung ano ang naging kasalanan ko at ni Kristal at binigyan kami ng
Diyos ng Tatay na batugan. At si Nanay, bakit nag-asawa ng lasenggo! WALA akong maibigay
na tubo kay Nanay. - Nagkulang po kasi ng isang kaha ng sigarilyo, e. Hindi ko masabing kinuha
ni Tatay ‘yung isang kaha kulang pa sa puhunan ang napagbilihan ko. Baka ‘kako marini ni
Tatay at mapagbintangan akong nambibintang, gayong tiyak ko naming s’ya ang kumuha nu’n.
E, sino pa ba? Naku, ‘pag narinig ‘yo’y tiyak na magpapanig na naman ang kanyang tenga at
kahit na may hangover ay tiyak na sapul na naman ang ulo ko ng malutong na batok at kung
mamalasin pa’y may bonus pang sipa’t tadyak. Kaya nga ingat ako sa pagsasalita. Matama kong
pinagmasdan si Nanay sa kanyang pagkakaupo sa harap ng isang lumang lamesita. Halos
magsalubong ang kanyang mga kilay at halos magkandakunut-kunot ang kanyang noo sa
pagbilang ng mga perang papel. Batid kong inihihiwalay n’ya ang puhunang pambili ng mga
karne para bukas o di naman kaya’y pilit n’yang pinagkakasya ang tubo sa mahabang listahan ng
aming mga utang sa tindahan ni Aling Pinang. Dangan naman kasi, sa inutang na alak lang ‘ata
ni Tatay, kulang na ang tinubo ni Nanay. Ngayon ko lamang napansin, ang laki na nang itinanda
at ipinayat ni Nanay. Marami na ang guhit sa kanyang noo at ang kanyang mga braso ay yayat
na’t may mga balat nang lumalawlaw. Marahil ay pagkaluwangluwang na sa kanya ng kanyang
kupas na bestida. Ilang taon na nga ba si Nanay? Sa pakiwari ko’y sadyang napakatanda na ng
kanyang hitsura sa kanyang edad. Napag-isip-isip ko, pinatanda na si Nanay ng trabaho at
sakripisyo… ng pagod at perwisyo… ng bunton at konsumisyon! Naalala ko, umaga nu’n, bitbit
na ang kahon ng mga sigarilyo nang masalubong ko si Kristal na sisinghap-singhap habang
basing-basa ang mga mata sa luha. - Kuya, sabi ni Milet… ano… ano… bakla ka raw. Tinukso
n’ya ko e… Kuya ko raw… ano… bakla! Huhuhu…. - Lekat, pagagalitan ko nga ‘yung matabil
na batang ‘yon! Pinagalitan ko nga si Milet, kalaro at halos kasing edad ni Kristal. Ewan ko ba,
pero hindi ko matiis si Kristal. Gusto kong madama n’ya na may kakampi s’ya. Hindi ko
napansing nagtititili na pala ako sa harap ng batang walang kalaban-laban. Nu’ng una’y si Kristal
ang ipinagtatanggol ko pero nu’ng kalagitnaa’y napansin ko ng sarili ko na ikinakatwiran ko. Sa
isip-isip ko, oo na, bakla na kung bakla, pero hindi na ‘yun kailangang ipamukha pa. Alam na
naman ‘yun ng lahat at hindi ko ‘yun ikinakaila. “Yung iba nga sa looban, mandurugas, krimina,
mamamatay-tao, putsa – sa madaling salita, di hamak na mas masama kaysa sa ‘kin, kung
masama nga ‘kong maituturing – hindi naman sila bakla, ah. Bakit ba ang kabaklaan ng mga
bakla ang madalas na pinagdidiskitahan ng mga pakialamera? Kasalanan b ang maging bakla?
- E, ano ngayon kung bakla? Ang nanay mo nga e….. e….. ano….. nagpapaano… kung kani-
kanino nagpapaano! Saka ko lamang napansing parang nagsesermon na’ko at ang sinenermonan
ko’y di na lamang si Milet kundi ang marami pang ibang tagaloob. Bago pa ‘ko nakapagpatuloy
at sisinghap-singhap na rin si Milet habang lumuluha katulad ni Kristal kani-kanina. -
Isusumbong kita sa Nanay ko… isusumbong kita! Huhuhu… Aba’y kahahatid-hatid ko pa lang
kay Kristal sa bahay nami’y dinig ko na agad ang matitinis na tili ni Aling Beth. - Hoy, Openg!
Anong ginawa mo kay Milet ko? Sa harap ng aming pintuan, mga ilang hakbang ang layo ay
naroo’t nakapamaywang si Aling Beth habang si Millet ay nagtatago sa likod ng kanyang kanang
binti. Halos pumutok ang kanyang dibdib sa masikip niyang tube-blouse na pula. Inilalantad ng
kanyang maikling maong na shorts ang kanyang mapuputing binti. Samantala’y nagpapakasasa
naman sa katititi kay Aling Beth ang mga kalalakihang nangag-ipon na sa harap ng bahay
naming habang ang mga kababaiha’y nakaabang sa susunod na mangyayari upang mamaya’y
may paksa na naman silang mapagtsitsismisan. - Pa’no ho’y pinaiyak n’ya si Kristal, e. - E ano’t
sinabi mo pang nagpapaano ako sa kung kani-kanino? Ano bang pakialm mo?! Napag-isip-isip
ko, hindi ko nga pala dapat sinabi ‘yon. Totoo, wala na ‘kong pakialam do’n, tulad ng kawalan
nila ng pakialam sa kabaklaan ko. Sabagay, alam na ‘yon ng lahat. Alam ng lahat ng tagalooban
na si Aling Beth ay nabuntis ng dati n’yang kasintahang anak ng isang konsehal. Pero sa halip na
panagutan ang kanyang dinadala, tinakbuhan s’ya ng lalaki at binalaan pa s’ya ng konsehal na
huwag gagawa ng eskandalo. Hindi rin lihim sa lahat na nang makapanganak s’yay nagpalipat-
lipat s’ya ng pagsasayaw sa kung saan-saangbeerhouse hanggang sa humantong s’ya sa isang
mumurahing cabaret. At nitong huli, dahil medyo laspag na raw, ay umaasa na lang s’ya sa
barya-barya mula sa kung sinu-sinong tagalooban o dayong gusting magparaos ng init. Ngunit
napasubo na’ko at kailangan kong mangatwiran. - Dangan kasi’y si Milet naman ang nauna!
S’yang pasungaw ng Tatay ko sa pintuan, halatang naalimpungatan sa pagkakaidlip. - How,
Castor! ‘Yang mga anak mo, binastos ako’t pinaiyak ‘tong si Milet ko! Ewan ko ba kung bakit
kinailangan pang lakasan ni Tatay at iparinig sa kanila ang bawat sermon at mura kasabay ng
paghagupit ng yantok ng walis-tambo sa aming binti, pigi, braso at sa kung saan-saan. Ewan ko
kung bakit kinailangang lumagabag pa nang malakas ang nabuwal na mesa’t mga
nangaglaglagang platong lata. Ngawa nang ngawa nu’n si Kristal. Ngunit dinig na dinig ko ang
banta ni Aling Beth bago sila umalis. - Kastiguhin mo ‘yang mga anak mo, Castor! Kung hindi’y
hindi na kita bibigyan ng diskwento sa susunod! LINGO nu’n, isang lingo mula nu’ng pagalitan
ko si Milet at bugbugin kami ni Tatay. Nakalimutan na nina Kristal at Milet ‘yun at wala na rin
ang mga pasa sa katawan naming magkakapatid. Pagod na kaming magtaguan sa eskwelahan
nina Noknok, Milet at Kristal kayat napagkaisahan naming maglaro ng aral-aralan. Bakit nga
naman hindi, total tuwing Sabado o Linggo lang naman kami nakakapasok sa eskwelahan,
dangan nga lamang ay hindi upang mag-aral kundi upang maglaro. Grade Sixn asana,
samantalang si Kristal at Milet ay Grade two na sana. Ewan ko ba kung bakit hindi kami
makapag-aral gayong mahihirap din naming tulad naming ang mga nag-aaral doon. A, siguro
nga’y mas mahihirap kami! - Si Openg na ang titser natin. - E, sino pa? Okay na rin, total
pangarap ko rin naming maging titser. Kaya lang, ayaw ni Tatay. Dinig na dinig ko pa nga ang
usapan nila ni Nanay isang gabi. - Sayang naman, Castrol, kung matitigil si Openg. Gusto pa
naman daw n’yang maging titser. - Ku… ano bang titser-titser, kapurol-purol ng utak niyan!
Paturuan mong maggupit at magkulot do’n sa parlor, total babakla-baka, e! Buti pa ‘yon, arawan
ang kita. Inis na inis ako no’n kay Tatay. Kontrabida talaga! Aba’y hindi ‘ata mapurol ang utak
ko. - O sige, tayong mga pulis ni Ser Openg. - Hoy, Mam Openg! Hahaha… Batukan ko nga si
Noknok. Mapang-asar kasi. Titser (daw) ‘ata ‘ko. Di tuloy siya makaganti. - O sige, sagutin n’yo
‘to. Sino ang ilaw ng tahanan? - E di… bumbilya! Hahaha… Mahilig talagang magpakwela si
Noknok. Kaya naman inis sa kanya ang titiser n’ya. Busero na, pilosopo pa.
- Tanga! Ang ina ang ilaw ng tahanan. Ngayon, sino naman ang haligi ng tahanan? Si Noknok
uli. - Ama? - Tama! Pero hindi makapaniwala si Noknok. Naalala ko, ‘yun nga palang pulis
n’yang tatay ay may kinakasama na raw sa Pasay na mas bata at mas maganda kaysa nanay n’ya.
Usap-usapan nga minsan sa looban na Japayuki raw ‘yung bagong asawa ng tatay ni Noknok at
sila ng nanay n’ya ay kinalimutan na raw. Sabagay, haligi nga nama’y suporta, pundasyon.
Paano nga naman maniniwala si Noknok na ang ama ang haligi ng tahanan kung ang tatay n’ya
mismo ay di sila sinusuportahan. At si Milet, nasaan na nga pala ang tatay n’ya? Aba’y maging
ang mga tsismoso sa looba’y nagsagawa na rin sa panghuhula! Pero ewan ko, minsan naiinggit
ako kina Noknok at Milet. Minsan kasi, naiisip ko, sana mawala na rin ang tatay ko. Isang
hapo’y sinadya ko si Nanay sa palengke. Mahalaga ang aking pakay. Maselan ang aking
sasabihin. Sa gitna ng pag-alispagparito ng mga mamimili ay paputul-putol kong naisalaysay kay
Nana yang sinabi sa ‘kin ni Kristal. - Kuya, kanina naglaro uli kami ng bahay-bahayan ni Tatay.
Gitla si Nanay at di-makapaniwala. - S’ya raw ang Tatay at ako ang Nanay. Tapos… hinubaran
n’ya ‘ko ng damit… Ako ma’y di-makapaniwala nang ikwento sa ‘kin ‘yon ni Kristal. - Tapos…
tapos… naghubad din s’ya. Matatalim ang titig sa ‘kin ni Nanay… mapang-usig. - ‘Wag kang
magbibiro ng ganyan, Openg! Hind maaaring magsinungaling si kristal. Hindi s’ya maaarin
magsinungaling sa ‘kin. - Sabi n’ya ‘wag ko raw sasabihin kay Nanay. Bukas pa nga raw
malalaro ‘uli kami. Tapos, kuya, binigyan n’ya ng limampiso… eto o. Ilang sandaling natigilan
Gawain 1: Suriin ang maikling kwento na “Tagpuan” ni Rolando A. Benales gamit ang
balangkas na nasa ibaba ng teksto.
I. Pamagat
II. Tauhan
III. Tagpuan
IV. Teoryang Pampanitikan
V. Buod
VI. Kabisaan
a. Bisa sa Isip
b. Bisa sa Puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
VII. Mga Puna
Gawain 2: Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa akdang nasa itaas.