You are on page 1of 4

GRADE 10

IKATLONG MARKAHAN
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELC) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
mga akdang-pampanitikan ng Africa at Persia

MODYUL 4: (WEEK 6)

Kasanayang Pampagkatuto:

 Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa napakinggang bahagi ng akda sa pandaigdigang pangyayari sa


lipunan
 Nagagamit ang wastong mga pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa damdaming nangingibabaw sa akda

ANG PINILI NI UNCLE BEN-


MAIKLING KUWENTO NG NIGERIA
FREYTAG PYRAMID
WASTONG PAGPAPAHAYAG

Isa si Chinua Achebe sa pinakamahusay na manunulat ng bansang Nigeria. Ang kaniyang husay ay lalo pang
nakilala nang isalin siya sa mahigit apatnapung wika.
Ipinanganak siya noong ika-15 ng Nobyembre 1930 sa Ogidi sa Silangang Nigeria. Kabilang ang kaniyang pamilya
sa tribong Ighe Bagaman lumaking Kristiyano, nanatili siyang mausisa sa tradisyonal na kulturang Nigerian. Ginawaran si
Achebe ng Margaret Wong Prize, New Statesman Jock Campbell Prize, Commonwealth Poetry Prize, at 2007 Man Booker
International. Noong 1983, sa pagkamatay ni Mallan Aminu Kano, itinalaga si Achebe bilang deputy national president ng
People's Redemption Party. Taong 1984 nang itatag niya ang "Uwa ndi lgbo", isang bilingual na magasip
******
Si Mami Wata ang espiritu ng tubig na makikita sa kahabaan ng kanlurang baybayin at gitnang Africa. Bahagi siya
ng iba pang espiritu ng tubig na kilala sa| mga lgbo bilang Ndi Mmili. Sinasabing mayroon siyang mahabang itim na itim
na buhok, maputing balat, at mapang-akit na mata. Nagpapakita siya sa kaniyang mga deboto sa mga panaginip at
pangitain bilang sirena, reyna ng ahas, o pareho ng sirena at ahas. Sinasabing interesado siya sa mga bagay na moderno.
Kilala siya sa pagbibigay ng maginhawang buhay sa mga deboto subalit hindi sa pagbibiyaya ng anak.

ANG PINILI NI UNCLE BEN


(Maiking Kuwento mula Nigeria)
Salin ni Delfin Tolentino Jr. ng Uncie Ben's Choice ni Chinua Achebe

Noong taong mil nuwebe siyentos aisinuwebe, isa akong clerk sa Niger Company sa Umuru. Ang clerk noong
Panahong iyon ay para ring ministro ngayon. Two pounds ten ang suweldo ko. Puwede mong tawan-tawanan ito, pero
ang two pounds ten noong panahong yon ay para na ring fifty pounds ngayon. Sa four shillings, makabibili ka na ng
kambing. Natatandaan ko pa, ang Aprikanong may pinakamataas na posisyon sa kompanya noon ay isang taong Saro na
sumusuweldo ng ten-thirteen-four. Sa tingin namin, para na rin siyang Gobernador Heneral.
Gaya ng ibang progresibong lalaki noon, sumapi ako sa African Club. Naglalaro kami ng tennis at bilyar. Taon
taon, nakikipagtorneo kami sa European Club. Pero hindi ito ang interes ko talaga. Ang talaganggusto ko ay yong mga
sayawan tuwing Sabado nang gabi. Sangkatutak ang babae. Hindi ‘yong mga babaeng waw-waw na makikita mo sa mga
bayan-bayan ngayon kundi mga pagkaganda-gandang dilag.
Meron akong bagong-bagong bisikletang Raleigh, at Jolly Ben ang tawag ng lahat sa akin. Matunog na matunog
ang pangalan ko. Pero merong isang bagay na dapat mong malaman tungkol sa akin-puwede tayong magtawanan at
magbiruan, mag-inuman, at gumawa ng kung ano-ano pa, pero ni minsan ay hindi mawawaglit ang aking katinuan. Sabi
ng ama ko, ang isang tunay na anak ng bayan ay dapat matutong matulog nang dilat ang isang mata. Hinding-hindi ko ito
malilimutan. Nakipaglaro at nakipagtawanan ako sa lahat at tinatawag nila akong "Jolly Ben! Jolly Ben!" pero alam ko
ang ginagawa ko. Matatalas ang mga babae ng Uhuru; bago ka pa man makapagbilang ng isa ay nakakabilang na sila ng
dalawa. Kaya kailangan kong mag-ingat. Ni minsan ay hindi ko itinuro sa kanila ang papunta sa amin, ni hindi ko tinikman
ang anumang pagkaing luto nila pagkat baka may gayuma ito. Marami akong nakitang lalaki na nagpakahangal sa mga
babaeng ito, kaya lagi kong tinatandaan ang sabi ng ama ko: "Mag-ingat kapag labis na magiliw ang pagbati sa iyo."
Ang masasabi ko lang na naiiba sa kanila ay si Margaret, isang babaeng mataas at manilaw-nilaw ang balat. Isang
Linggo, umaga noon at nakikinig ako sa aking gramopon, isang bagong-bagong HMV Senior. (Talagang wala akong tiwala
sa mga bagay na segunda-mano. Kung hindi ko kayang bumili ng bago, tumatahimik na lang ako; iyan ang aking
prinsipyo.) Nagpapatugtog ako ng record, nakatayo sa may bintana, panguya-nguya ng chewing gum. sa kalsada,
naglalakad naman ang mga taong pusturang-pustura, papunta sa simbahang malapit lang sa amin. Kasama nilang
naglalakad si Margaret nang maKIta ako nito. Suwerte ko na lang, hindi ako agad nakapagtago. Kaya noong araw ding
iyon-hindi na siya nagpabukas pa-pagkasarang-pagkasara ng simbahan ay Dumalik Siya at sinabihan ako na gusto niva
akong maging Romano Katoliko. Laging may sorpresa ang mundong ito! Margaret Jumbo! Pagkaganda-ganda nito. Ang
gusto kong ikuwento sa iyo ay kung paano ako tumigil sa lahat ng kalokohang iyan.
Bisperas din ng Bagong Taon noon. Aldm mo naman, hamak na mas masaya ang Bagong Taon kaysa Pasko-para
sa ating mga nabubuhay tuwins katapusan ng buwan. Maikli lang ang kumot pagdating ng araw ng Pasko, pero sa
Bagong Taon ay makapal na naman ang bulsa. Kaya noong araw na 'yon ay nagpunta ako sa Club.
Kayong mga kabataan, kapag sinasabi ninyong kayo'y umiinom, natatawa lang ako. Hindi ninyo alam kung ano
ang ibig sabihin ng umiinom. linom lang kayo ng isang bote ng beer o isang shot ng whisky at pagkatapos ay
magtutungayaw kayong parang siraulo. Noong gabing iyon, hinay-hinay ako sa White Horse. All that are desirous to pass
from Edinburg to London or any place on their road let them repair to the White Horse cellar... Diyos ko po!
Ito lang ang masasabi ko: hindi ko pinaghahalo-halo ang mga iniinom ko. Kapag ang natipuhan kong inumin ay
whisky, whisky ang iinumin ko sa araw na iyon; sa kinabukasan, kung ang hilig ko naman ay beer, beer ang iinumin ko sa
araw na iyon; wala na akong iba pang inumin. Noong gabing 'yon, ang hilig ko'y White Horse. Kumain ako ng litsong
manok at humithit ng Guinea Gold. Oo, naninigarilyo ako noon. Huminto lamang ako nang sabihan ako ng isang doktor
na Aleman na ang puso ko'y sing-itim na ng kaldero. Ang mga doktor na 'yon ay parang mga espiritu. Alam mo,
iiniksiyunan nila ang ulo, ang tiyan, o anumang parte ng katawan. Ituro mo lang kung ano ang masakit sa katawan mo at
iiniksiyunan ka agad nila roon hindi na sila nag-aaksaya ng panahon.
Ano nga ba'ng sinasabi ko?... A, 00, umiinom ako ng isang boteng White Horse at ito ang ipinantulak ko sa litsong
manok... lasing? Wala 'yan sa bokabularyo ko. Minsan ma'y hindi ako nalasing. Laging Sinasabi ng ama ko na kung ayaw
mong malasing, matuto kang sumagot ng "Hindi." Kapag gusto kong uminom, umiinom ako, at kapag gusto ko nang
huminto, humihinto ako. Kaya noong mag aalas tres na ng madaling araw, sabi ko sa sarili, tama na. Kaya sakay na ako
ng aking bisikletang Raleigh at umuwi na para matulog.
Noong panahong 'yon, nabilang8o ang aming senior clerk dahil nagnakaw ng ilang paldo ng kaliko at ako ang
pumalit sa kaniya. Kaya nakatira ako noon sa isang maliit na bahay ng kompanya. Alam mo Kung saan nakatira ngayon si
G.B Olivant?. O doon sa lugar na matatanaw mo ang log Niger. Doon ang bahay ko noon. Meron akong dalawang
kuwarto at yong dalawang kuwarto sa kabila ng bahay ay okupado naman ng may-ari ng tindanan. Pero suwerte,
nakabakasyon ang tao kaya bakante ang lugar niya.
Binuksan ko ang pinto sa harap at ako'y pumasok. Pagkatapos ay isinusi ko ito. Iniwan ko ang aking bisikleta sa
unang kuwarto at pumasok na ako sa aking tulugan. Sa pagod ko ay hindi ko na inapuhap pa ang ilawan. Hinubad ko na
lang ang suot ko at itinambak sa silya, at pagkaraa'y bumagsak na akong parang torso sa malaking kamang bakal. Hindi
ako nagsisinungaling-merong babae sa katre ko! Naisip ko agad na si Margaret ito. Tinanong ko siya kung matagal na siya
roon. Wala siyang imik kaya nagsuspetsa ako na baka asar siya pagkat hindi ko siya isinama sa Club noong araw na 'yon.
Naisip kong baka ito ang dahilan kung bakit inis siva.
Inamo-amo ko siya pero ayaw pa rin niyang magsalita. Tinanong ko kung tulog na siya-para lang may maitanong.
Wala pa rin siyang imik. Totoo, sinabi ko sa 'yo na ayokong pinupuntahan ako ng mga babae sa bahay, pero sabi nga
natin, "For every rule there must be an exception. Kaya Isang kasinungalingan kung sasabihin kong nagalit ako nang
matagpuan ko si Margaret sa bahay noong gabing 'yon..
Napaigtad ako sa kama, at napasigaw ako: "Sino ka?" Maliyo-liyo ako, nangangatog. Bumangon siya, umupo, at
iniabot ang kanyang kamay na para bang tinatawag ako. Nang makanti niya ako muli akong napaigtad at napasigaw
magpakilala ka! At napag-isip-isip ko, bakit ba ako matatakot sa isang babae? Puti man o itim, babae pa rin siya. Kaya
nagbanta ako: "o sige, gusto mo bang buksan ko'ng bunganga mo?" at habang sinasabi ko ito ay kinakapa ko ang
posporo sa mesa. Natunugan ng babae kung ano ang hinahanap ko. Sabi niya, "Biko akpakwana oku."
Sagot ko, "Samakatuwid, hindi ka babaeng puti. Sino ka? Sisindihan ko na itong posporo kung hindi ka
magsasalita. Inalog-alog ko ang posporo para ipakitang seryoso ako. Nanumbalik na ang tapang ng loob ko at pilit kong
inisip kung kanino ang boses na iyong pamilyar yata sa akin.
“Halika rito sa katre at sasabihin ko sa ‘yo, ang narinig ko sa kanya. Sinungaling ang sinumang magsabi na
pamilyar ang boses na naririnig ko. Sintamis ‘yon ng asukal pero hindi talaga pamilyar sa akin. Kaya sinindihan ko na ang
posporo.
"Nakikiusap ako," ang huli kong narinig sa kaniya.
Kung magkukuwento ako ng ginawa ko pagkatapos o kung paano ako nakalabas ng kuwartong iyon, haka-haka
ko lang ang mga iyan. Ang tanging naaalala ko ay parang sinto-sinto akong kumaripas ng takbo papunta sa bahay ni
Matthew at pagdating doo'y kinalampag ko ang pinto.
“Sino 'yan?" sabi ni Matthew sa loob.
“Pakibukas," sigaw ko. "Parang awa mo na, pakibukas."
Isinigaw ko ang pangalan ko pero ang boses na lumabas ay parang hindi ko boses. Bahagyang bumukas ang pinto
at nakita ko ang aking kaibigan na may hawak na gulok..
Bumagsak ako sa sahig, at nasambit ni Matthew, "Diyos ko, ano ito?"
Diyos ang naghatid sa akin sa bahay ni Matthew Obi noong gabing iyon pagkat hindi ko na alam kung saan ako
patungo. Hindi ko na alam kung narito pa in ako sa mundong ito, o kung patay na. Binuhusan ako ni Matthew ng
malamig na tubig at pagkaraan ng ilang sandali ay nakuha ko nang ilahad sa kaniya kung ano ang nangyari. Siguro ay bali-
baligtad ang kuwento ko pagkat tanong siya nang tanong “Ano ba'ng itsura niya, ano ba'ng itsura niya?
"Nasabi ko na, hindi ko siya nakita," ang sagot ko.
“Pero narinig mo ba ang boses niya?"
"O0, narinig ko ang boses niya. At hinipo ko siya at hinipo niya ako."
"Hindi ko masabi kung tama yong ginawa mo na tinakot mo siya," ang sabi ni Matthew.
Hindi ko maipaliwanag pero ang mga katagang iyan ni Mathew ang nagbukas ng mga mata ko. Naunawaan
ko agad na ako'y binisita ni Mami Wata, ang Diwata ng Niger.
Nagsalita uli si Matthew: "Depende 'yan sa kung ano ang gusto mo sa buhay. Kung yaman ang hanap mo,
nagkamali ka sa ginawa mo, péro kung ikaw ay tunay na anak ng ama mo, tanggapin mo ang aking pagbati."
Nagkamayan kami at pagkatapos ay winika niya: "Hindi sinabi sa atin ng ating mga nuno na ang dapat nating
piliin ay yaman sa halip na mga asawa at anak."
Ngayon tuwing naiinis ako sa mga asawa ko, sinasabi ko sa kanila: "Hindi ko kayo sinisisi. Kung nag-isip ako noon,
pinili ko na lang sana si Mami Wata." Tatawa sila at tatanungin ako kung bakit hindi ko pinili si Mami Wata. Sabi ng
pinakabata sa kanila: "Huwag kang mag-alala. Babalik siya. Babalik siya bukas." At saka muli silang magtatawanang lahat.
Pero alam naming lahat na iyo'y biro lamang. Nasaan ang taong mas gusto ang yaman kaysa mga anak? Liban na
lamang siguro sa isang puting siraulo gaya ni Dr. J.M Stuart-Young. A, hindi ko nga pala naibida sa iyo. Noong gabing
iyon na itinaboy ko si Mami Wata, nagpunta siya kay Dr. J.M Stuart Young, isang komersiyanteng puti, at siya'y naging
kalaguyo nito. Kilala mo siya?... A, oo, siya ang naging pinakamayamang tao sa buong bansa. Pero hindi pumayag si
Mami Wata na pakasal sa kanya. Nang mamatay siya, ano'ng nangyari? Ang lahat ng kayamanan niya ay napunta sa iba.
lyan ba ang klase ng yamang hanap natin? Tinatanong kita. Sana hindi!

Gawain 1
Tukuyin ang impormasyong hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa malinis na papel.

1. Sino ang pangunahing tauhan ng maikling kuwento? Magbigay ng limang deskripsiyon sa kanya.
2. Sino si Mami Wata? Ilarawan siya.
3. Ano ang naging kapalit ng pagtanggi ng pangunahing tauhan kay Mami Wata?
4. Kailan ang tagpuan ng kuwento?

Freytag Pyramid
Isa sa mahalagang elemento ng maikling kuwento ang banghay. Ito ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari upang magkaroon ng lohikal na daloy ang kuwento. Karanivwan itong sumusunod sa Piramide ni Freytag na
nagsisimula sa (A) eksposisyon, (B) papataas na aksiyon, (C) kasukdulan o rurok,
(D) pababang aksiyon o kakalasan, at (E) resolusyon o denouement.
Sa pag-aaral at pagsusuri ni Gustav Freytag, napansin niya na may sinusundang banghay o pormula ang mga
isang dulang trahedya. Mula rito, nabuo niya ang isang diagram, ang Freytag Pyramid na ginagamit din sa banghay ng
maikling kuwento:

KASUKDULAN

PAPATAAS NA AKSIYON PABABA NA AKSIYON

EKSPOSISYON RESOLUSYON

Tinutukoy ng eksposisyon ang paglalatag ng manunulat ng mga tauhan at tagpuan ng kuwento, gayundin, ito ang
nagtatakda ng tono ng kuwento, maging ang iba pang impormasyon na makatutulong sa pag-unawa sa magiging daloy
ng kuwento. Ang papataas na aksiyon ay tumutukoy sa mga dagdag na pangyayari na nakatutulong upang maging
kapana-panabik ang kuwento. Sa bahaging ito nagsisimula ang aksiyon sa kuwento. Dito rin nagsisimula ang suliranin o
tunggalian ng kuwento. Ang rurok naman ang yugtong maigting na kontradiksiyon sa kuwento.
Samantala, ang pababang aksiyon ay mga pangyayari bunga ng rurok. Madalas itong mas maikli kung ihahambing sa
papataas na aksiyon. Isang halimbawa nito ay mga relief scene o eksena na tumutukoy sa pagdaan ng panahon; panahon
din ito upang mapahinahon ang damdamin ng mga mambabasa. Pagbibigay-solusyon naman sa tunggalian ang
resolusyon o denouement; ito ang magsasara ng buong kuwento. Tinawag na catastrophe ni Freytag ang huling bahagi
ng piramide.

Gawain 2
Basahing muli ang maikling kuwentong “Ang Pinili ni Uncle Ben” ni Chinua Achebe.
Gamitin ang Freytag Pyramid sa pagtukoy ng (A) eksposisyon, (B) papataas na aksiyon, (C) kasukdulan o rurok,
(D) pababang aksiyon o kakalasan, at (E) resolusyon o denouement.

KASUKDULAN

PAPATAAS NA AKSIYON PABABA NA AKSIYON

EKSPOSISYON RESOLUSYON

Prepared by: Checked and Approved by:

CHERYL B. GUILEB EROS B. ESTRADA


Filipino Teacher Principal

You might also like