You are on page 1of 4

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

(PARA SA IKA-10 BAITANG)

I. Mga Layunin
 Napapahalagahan ang pagiging mapagpatawad sa kabila ng hindi pagkakasundo sa
kapwa.
 Nailalahad ng maayos ang detalye ng kabanata.
 Nakikilala ang mahahalagang pangyayari sa kabanata.
 Napahahalagan ang pagmamahal sa katutubong wika.

II. Paksang - Aralin


Paksa: Kabanata 7: Si Simoun
Sanggunian: Guryon : Pinaikling Bersyon ng El Filibusterismo (Glady E. Gimena at si
Leslie S. Navarro)
Mga Kagamitan: telebisyon, sipi ng akda, pisara at yeso, printed na kopya ng buod ng
kabanata.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A.Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtala ng mga lumiban sa klase
c. Pagsasaayos ng klase
d. Pagbabalik-aral

B.Pagganyak
- papangkatin ng guro ang mga mag-aaral - Ang mga mag-aaral ay nakapangkat na
base sa linya ng kanilang upuan. sa apat.
- bubuo ng limang salita ang bawat pangkat ng
base sa salitang ibibigay ng guro.
- ang salita ay “paghihimagsik”
- gagawin ito sa limang minute - Magpupulong ang bawat pangkat at
bubuo ng salita.
-pagkatapos ibabahagi ito sa klase, pipili
lamang sila ng isang representante upang
magsalita.

C. Pagtalakay
- Ngayon panunuorin ninyo ang buod ng - Opo ma’am
Kabanata 7: Si Simoun, ituon ang inyong
atensyon sa panunuod.
- Simulan na. - Tutok ang kanilang atensyon sa
pinanunudo
(10 minuto)

-Ngayon tapos na ang buod ng kabanata.


-pinanuod ba niniyo itong mabuti? - Opo ma’am

-Mayroon ako ritong ilang katanungan.


Ang mga makakasagot ay makakatanggap na
isang puntos na ilalagay sa inyong resitaysyon - Magilas ang mga mag-aaral

1. Tungkol saan ang kabanata na


napanuod?
John, Sige, ano ang iyong sagot? - Patungkol poi to sa paghihiganti

Mahusay!
Cath, ano ang iyong karagdagan sagot? - Patungkol po ito sa paghihimagsik

Tumpak! Tama ang iyon sagot.

2. Sino ang mga tauhan sa iyong


pinanuod? magbigay ng pagkakaunawa
sa kwento.

O Jerome, ano ang iyong sagot?


- Si Simoun at Basilio po
- Si Simoun ang aalahas na nagtatago ng
kanyang tunay na katauhan, sa
katunayan siya si Ibarra, siya ang
lalaking tumulong kay Basilio na ilibing
ang ina nito noong maabutan niya ito sa
kagubatan labing tatlong taon na ang
nakalilipas, nang magpakita sa kanya si
Basilo ay nagulat siya akma sana niya
itong papatayin dahil may nakaalam ng
kanyang lihim ngunit ng pagpakilala na
ito sa kanya ay agad na nagbago ang
isip niya, marahil alam niyang
mapapakinabangan niya si basilo sa
kanyang mga planong pag aalsa.
- Si Basilio ang isang mag-aaral ng
medisina, dumalaw siya sa puntod ng
kanyang ina, gustuhin man niya na
manatili pa roon ay nangangamba siya
na baka may ibang makaita sa kanya at
malaman pa ang kanyang lihim, ngunit
ng akamang paalis na siya ay may
narinig siyang mga yabag. Noong una
akala niya ay multo ngunit ng kanyang
silipin laking gulat niya ng Makita niya
ang mag-aalahas na si Simoun, at hindi
siya nagkakamali si simoun at ang
lalaking tumulong sa kanya para ilibing
ang kanyang ina labing tatlong taon na
ang nakalilipas ay iisa. Nang hindi na
siya nakatiis ay napilitang siyang
lumantad at magpakita kay Simoun
noong una ay nagulat si Simoun
sapagkat di niya akalaing may tao pa
roon bukod sa kanya, nagpakilala si
Basilio kay Simoun. At kinumbinsi siya
ni Simoun na umayon sa kanyang mga
plano.

D.Paglalapat

-Napakasumay Jerome! Labis nga na ikaw


nakikinig sa ating talakayan ngayong araw.
-Maaari ka ng umupo, salamat.

-Ngayon manatili kayo sa inyong pangkat


Gumawa o bumuo ang bawat pangkat ng
isang tinatawag na story pyramid na
maipapakita ang bawat pangyayare sa
kabanata na inyong napanuod at nakatala sa
papel na aking naipamahagi.
-Itong isusulat sa isang buong papel at
ipapasa ito ang magsisilbing test ninyo
ngayong araw. Nakabase sa ipapasa ninyong
papel ang buntos na matatanggap ninyo.
-Mayroon kayong sampong minuto (10mins)
upang gawin yan.
Pangkatang Gawain: Mamarkahan base sa
 Kaayusan ng pangyayari = 10pts - Opo ma’am
 Pagkakaisa ng pangkat = 10pts
20pts - Wala po.

-Malinaw ba? - Nag-uusap ang bawat grupo sa


kanilang ginagawa
-Mayroon bang ‘katanungan?

-Magsimula na.

- Last nalang po ma’am

-Tapos na ang 10 minuto


-Ipasa na ninyo ang papel papunta sa
harapan.

-1,2,3,4,5,

E.Paglalahat.

-Biglang indibidwal na gawain, kumuha ng


kalahating papel. Gumawa ng sariling
pagkakabuod sa kabanatang ating tinatalakay
sa loob lamang ng limang minuto.

Pagmamarka: - Nagsimula na ang mga mag-aaral sa


 Kaayusan ng pangungusap = 10pts kanilang gawain.

F.Pagpapahalaga

1. Kung ikaw si Simoun, pipiliin mo ba ang


maghimagsik din sa mga taong
nagkasala sa iyo?

-Sino ang maaaring sumagot? -


- Para po sa akin hindi ko gagawin ang
Vincent, ang ang iyong sagot? ginawa ni Simoun bagkus maspipiliin
kong lumayo sa mga taong nakaroon ng
sala o nakasakit sa akin. Dahil po sa
tingin ko ito ang mas mainam na paraan
upang hindi na lumala ang sitwasyon.

Ang ganda ng iyong kasagutan, maraming


salamat Vincent.

Maliban kay Vincent, sino pa?


- Pipiliin ko po na huwag na lamang
Sige Maria, ano ang iyo? gumanti sa mga taong nagkasala sa
akin, kasi po kung maghihiganti ako
parang wala na rin po akong pinagkaiba
sa kanila. Mas mainam na lumayo sa
gulo. Yun lang po ma’am.

Mahusay ang iyong sagot Maria, Salamat.

Huli, mayroon pa bang gustong magbigay ng


opinyon?
- Para sa sa akin ma’am bilang isang
Yun, Antonio. lalaki ako po ay maghihigantio sa mga
taong nagkaroon ng sala sa akin, lalo
na kung ito ay naapakan ang aking
pagkatao. Para po sa akin kung
hahayaan mo lang ang mga tao na
patuloy na nagkakaroon ng sala sa iyo,
wala na silanh ibang gagawin kundi ulit-
ulitin na saktan ka. Yun po ang aking
opinyon ma’am. Ipaglalaban ko ang
dapat ipaglaban. Salamat po.

Maraming salamat sa magandang


pagpapaliwanag Antonio, mukhang ika’y may
pinaghuhugutan. - Hahahaha, wala naman po maa’am,
Mayroon bang nagkasala sayo ng matindi? dala lang po ng damdamin.

Ganun ba, Maraming Salamat sayo!

Sa tatlong nagbigay ng kanilang opinyon, lahat


ay tama.
Ang kay Vincent ay mas ipipiliin nya na lumayo
sa mga taong nagkakasala sa kaniya na
talagang magandang desisyon dahil mas
magkakaroon sya ng oras sa sarili at walang
gulo ang magaganap. Ang kay Maria naman
ay mayroon pagkakatulad sa sagot ni Vincent
na kung saan mas mainam na lumayo sa gulo
at ang kay Antonio naman ay mayroon
pagkamatapang na magandang katangian
bilang isang lalaki.

Lahat ng sagot ay tama, nasa sa atin kung


paano natin ito iintindihin at kung paano natin
isasabuhay ang bawat pagyayari sa kabanata.

Naway nagkapulot kayo ng aral sa ating


tinalakay sa aral na ito.

G. Takdang-Aralin

Basahin ang susunod na kabanata upang maging handa sa magiging talakayan sa


susunod na araw.

You might also like