You are on page 1of 10

Departamento ng Edukasyon

Rehiyon III
Sangay ng Lungsod Mabalacat
Taong Panuruan 2019-2020

KOMUNIKATIBONG SUPLEMENTO
PARA SA
FILIPINO BAITANG 7

YUNIT I

Nuhr Jean C. Dumo

1
LAPAT- ISIP
PAGPAPAUNLAD NG SALITA
A. Talasalitaan
Pagtapat-tapatin ang mga salitang magkasingkahulugan mula sa Hanay A at
Hanay B.

Hanay A Hanay B
1. Lalapain A. nahihigitan
2. Nilalang B. maling Akala
3. Dadambahin C. nasundan
4. Mabagsik D. manloloko
5. Ardilya E. napag-usapan
6. Kasunduan F. kuneho
7. Manlilinlang G. matapang
8. Natiktikan H. huhulihin
9. Lingid I. tao/hayop
10. Mapaglalamangan J. kakainin

B. Pagganyak at Pag-aangkla sa Paksa


Kung bibigyan ka ng pagkakataong maging isang pinuno, ano-anong
katangian ang nais mong magkaroon at ano-ano ang mga batas na iyong
ipatutupad? Isulat ang iyong mga sagot sa loob ng kahon.

2
Alam mo ba….

noon ay hindi naman hayop ang ginagamit na tauhan sa pabula kundi mga tao.
Ang nagsimula sa paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa pabula ay si
Aesop. Siya ang itinuturing na ama ng pabula, at pinaniniwalaang nabuhay sa
pagitan ng 620-564 BC sa Greece. Isa siyang alipin na nagtataglay ng mga
kapansanan subalit pinalaya dahil sa angking husay sa pagkukuwento. Bilang
simbolo ng kaniyang paggalang at pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang-loob
ng kaniyang amo ay sinimulan niyang gamitin ang mga hayop bilang tauhan sa
kaniyang mga pabula upang huwag mapulaan ang mga tao.

Karaniwang ginagamit ang pabula upang itago ang katauhan at paguugali ng


mga tao sa lipunan na hindi masabi nang hayagan. Laging nagwawakas sa aral
ang pabula.

ARALIN SA PANITIKAN

 Basahin at unawain ang isang halimbawa ng pabulang Maranao upang


malaman mo ang mahalagang kaisipan kung bakit mga hayop ang
nagsasalita at nagsisikilos na parang mga tao ang ginagamit na mga tauhan
sa pabula.

Ang Aso at Ang Leon

ni Ernesto U. Natividad Jr

Isang araw, naligaw ang isang matandang aso habang hinahabol ang kuneho.
Mayamaya ay napansin niya buhat sa malayo ang isang leon na tumatakbo papalapit
sa kaniya na may tinging nagugutom. “Palagay ko’y lalapain ako ng nilalang na ito,”
sabi ng aso sa sarili.
Nakakita ang matandang aso ng mga butong nakakalat malapit sa kaniya. Umayos
siya na animo’y kakainin ang mga ito nang nakatalikod sa paparating na leon. Nang
dadambahin na ng leon, sumigaw ang matandang aso, “isang napakasarap na leon!
Mayroon pa kayang iba rito?
Nang marinig ng batang leon ang sigaw ng matandang aso ay bigla itong tumigil, at
mabilis na nagtago sa puno. “Marahil ay mabagsik ang matandang asong iyon at
marami nang napatay,” bulong niya sa sarili.
Ang ardilya (squirrel) naman na kanina pa pala nanonood sa malapit na
punongkahoy ay alam ang pandarayang ginawa ng aso at nag-isip na gamitin ang
kaniyang nalalaman para sa kaniyang sariling proteksiyon mula sa leon. “Siguro
naman ay makukuha ko ang loob ng leon,” nakangiting
3 sabi nito sa sarili.
Nang makausap ang leon, ipinaliwanag ng ardilya ang nangyari at gumawa
ng kasunduan. “Baka pinagtatawanan ka ng asong iyon ngayon,” pangising
tinuran ng ardilya.
5M: MAKINIG, MAGSALITA, MAGBASA, MAGSULAT,
Napoot ang leon dahil sa pagkakalinlang sa kaniya at nagwika, “sumakay ka
sa likod ko at nang makita mo ang mangyayari sa manlilinlang na iyon!”

MAKINIG
Natiktikan ng matandang aso ang pagdating ng leon na may nakasakay na
ardilya sa likod. Sa halip na tumakbo, naupo siya at nagkunwaring hindi pa
niya sila nakikita. Nang malapit na ang dalawa at alam niyang siya’y
maririnig, ang matandang aso ay nagsabi, “nasaan ang ardilyang iyan?
Inutusan ko siya, isang oras na ang nakakaraan na dalhin sa akin ang isa
pang leon!”

Biglang kinabahan ang leon at bumaling sa ardilya. “Akala ko ba’y kakampi


kita?” “Nilinlang mo lang pala ako at nais mo akong ipakain sa asong iyan?”
Akala ng leon ay talaga ngang inutusan ng matandang aso ang ardilya
upang siya ay dalhin sa harap nito. Lingid sa kaniyang kaalaman, sa laki niya
ay kaya niyang patayin at lapain ang matandang aso. Kumaripas ng takbo
ang leon, at ni hindi na nagawang lumingon.

Ang ardilya ay naiwan. Hinarap siya ng matandang aso at galit na nagwika,


“akala mo siguro ay mapapatay mo ako sa pamamagitan ng leong iyon!”
Matanda na ako at marami ng karanasan. Hindi ninyo ako mapaglalalangan.
Nanginginig na humingi ng tawad ang ardilya.

Bumuo ng grupo na mayroong tatlong miyembro. Pakinggan ang isa’t isa tungkol sa
mahahalagang pangyayari sa kwento ng ”Ang Aso at ang Leon” sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong ;
1. Sino-sino ang tauhan sa kwento?
2. Saan naganap ang kwento?
3. Ano ang nagging suliranin?
4. Ano ang nais iparating ng kwento?
5. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng matandang aso, ano ang iyong
gagawin?

4
MAGSALITA

Ang bawat miyembro ng grupo ay aatasan ng isang tauhan sa pabula at


ilalarawan ito at ibabahagi sa klase.

Matandang Aso Leon Ardilya

MAGBASA

Ang kuwentog Ang Aso at ang Leon ay isang halimbawa ng pabula. Ang pabula
ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay
na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at
matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango
mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang
mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

Nagsimula ito sa mga taga Amerika (Canada) si Kasyapa, noon ang pabula ay hindi
tungkol sa hayop tungkol ito sa mga itinuturing nilang dakilang tao, sumunod kay
Aesop, isang aliping kuba at may problema sa pandinig pero dahil sa kaniyang sipag at
talino ay pinalaya siya ng kaniyang amo dahil noong unang panahon walang karapatan
ang mga alipin na gawin tauhan ang mga taong mas mataas ang iuri kaysa sa kanila,
namatay si Aesop matapos makalikha ng 200 na pabula (650bc) hanggang sa
napalaganap na sa buong mundo.

5
MAGSULAT

A. Indibiduwal na Gawain. . Ilagay sa angkop na kahon ang mga pahayag batay sa


binasang pabula. Ibigay ang aral na nais iparating ng pahayag.

1. “Palagay ko’y lalapain ako ng nilalang na ito.”


2. “Marahil ay mabagsik ang matandang asong iyon at marami nang napatay.”
3. “Siguro naman ay makukuha ko ang kaniyang loob”

B. Sino sa mga tauhan ang nais mong tularan? Bakit?

6
MANOOD

Pumili ng isang pabula na tumatalakay sa uri ng katapangan. Panoorin ito at


sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang pamagat ng napanood na palabas?


_______________________________________________________________

2. Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa akda? Patunayan.


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Kung ikaw ang pangunahing tauhan, gagawin mo rin ba ang katapangan na


ipinakita ng pangunahing tauhan. Pangatwira
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

ARALIN SA WIKA

Mga Ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad


Ito ang mga tawag sa pahayag na maaaring maging katotohanan subalit hindi pa tiyak o
masiguro o may mga pag-aagam-agam ang taong nagsasalita.

Halimbawa:
1. Posibleng manatili ka sa trabaho kung pagbubutihin mo.
2. Maaari kang yumaman kapag pinagbuti mo ang iyong negosyo.
3. Puwede kang maging presidente ng kumpanya kapag pinanatili mo ang iyong
kasipagan.
4. Marahil ay nagsisisi din siya sa kaniyang ginawa.

7
5. Siguro ay hindi na malilimutan kailanman ng mga tao ang matitinding kalamidad na
tumama sa ating bansa.
6. Baka wala nang punong abutan ang susunod na henerasyon kung hindi natin
iingatan ang kalikasan.
Natitiyak ko na alam mo na ang wastong gamit ng mga ekspresiyong nagpapahahayag
ng posibilidad. Ngayon, subukin mo namang sagutin ang sumusunod na pagsasanay.

KAYA MO IYAN!

PAGSASANAY 1. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na ekspresiyong


nagpapahayag ng posibilidad.
1. Siguro
2. Baka
3. Sa palagay ko
4. Posible
5. Marahil

PAGSASANAY 2. Suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang tsek () kung ito
ay nagpapahayag ng posibilidad, ekis (x) naman kung hindi. Gawin sa sagutang papel.

1. Umuulan ng malakas, marahil ay may bagyo.


2. Dahil sa pagbabago ng klima, maraming sakahan ang hindi na pakikinabangan.
3. Maaari bang humingi ng tulong?
4. Posibleng yumaman ang taong may lakas ng loob na magtayo ng negosyo.
5. Siguro ay parating na ang aking hinihintay na padala.
6. Tumunog na ang bell, sa palagay ko ay mag-uuwian na ang mga mag-aaral.
7. Baka malimutan mo ang iyong dalang bag, iwan mo na muna sa kuwarto.
8. Tumakbo siyang parang kuneho.
9. Di na naman siya dumating sa oras, siguradong huli na naman siya.
10.Puwede nang makatanggap ng pensiyon ang mga nagsipagretiro na.

8
TINIG

Sumulat ng diyalogo na pumapaksa sa katatagan ng loob na ipinamalas ng


pangunahing tauhan. Isaalang–alang ang paggamit ng mga ekspresiyong
nagpapahayag ng posibilidad.

TINIG

Pumili ng isang pangyayari sa kwento at isagawa sa harap ng klase.

9
PAGPAPAHALAGA KO

1. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga ekpresiyong nagpapahahayag ng


posibilidad sa pagbuo ng pabula? Isulat sa kalatas ang sagot. Gawin sa
sagutang-papel.

10

You might also like