You are on page 1of 9

1

Aralin Filipino 6 -Q1-WI


Pabula, Kuwento, Tekstong Impormasyon
1 at Usapan

Mga Inaasahan

Sa modyul na ito, babasahin mo ang iba’t ibang uri ng teksto tulad ng pabula,
kuwento, tekstong impormasyon, at usapan. Aalamin mo ang mga kasagutan sa bawat
tanong na nakapaloob sa tekstong iyong binasa. Isasagawa mo rin ang mga pagsasanay
na nakapaloob sa tamang paggamit ng pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa
iba’t ibang sitwasyon.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod


na kasanayan:
1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento,
tekstong impormasyon at usapan ( F6PN-Ia-g-3.1, F6PB-Ic-e-3.1.2)
2. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t
ibang sitwasyon (F6WG-Ia-d-2)

Paunang Pagsubok

Basahin ang nilalaman ng pabula at sagutin ang kasunod na tanong. Piliin at


isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

Sa isang maliit na tahanan nakatira ang isang maliksing daga at masungit na


pusa. Hindi magkasundo ang dalawang nilalang lagi silang naghahabulan at
nagbabangayan. Isang araw namasyal ang pusa sa labas ng kaniyang tirahan nakakita
siya ng isang itlog ng manok na naiwan sa isang pugad at walang nagbabantay. Naisip
ng pusa na magandang pagkakataon ito kaya kinuha niya ang nag-iisang itlog sa pugad
upang ito ay lutuin at kainin. Nang makuha ng pusa ang itlog ay dali-dali niya itong
iniuwi sa kaniyang tahanan. Nagulat siya nang makita na ang itlog ay napisa at
lumabas ang isang maliit na sisiw. Nakita ng daga ang mga pangyayari kaya nagmadali
siyang kumilos para iligtas ang kawawang sisiw. Ngunit nagalit ang sisiw sa daga dahil
inakala nito na ang pusa ay kaniyang ina at inilayo siya ng daga rito. Tunay ang
pagmamahal ng sisiw sa kinilala niyang ina, kaya kinausap niya ito at sinabing “ Ina
mahal na mahal ko po kayo kahit hindi nyo po ako kauri pero kung ang pagkain sa
akin ang mas magpapaligaya sa inyo ay pumapayag po ako” . Nahabag ang pusa sa
mga sinabi ng sisiw sa maikling panahon na sila’y magkasama ay napamahal na rin
ito sa kaniya kaya humingi ng tawad ang pusa sa kanyang anak “Patawarin mo ako sa
aking nagawa aaminin ko sa iyo na napamahal ka na rin sa akin hindi na kita gustong
kainin dahil hindi ka na iba sa akin” . Tinanggap ng sisiw ang paghingi ng tawad sa
kaniya ng pusa at ipinag patuloy nila ang pamumuhay ng masaya at magkasama.
Tuwang-tuwa naman ang daga sa kaniyang nasaksihan.

Modyul sa Filipino 6
Unang Markahan: Unang Linggo
2

“Walang nilalang sa mundo ang masasabing perpekto kaya’t mahalaga na marunong


tayong magpatawad sa ating kapwa”.

_______ 1. Anong damdamin ang namayani sa nabasang pabula?


A. pag-aalala C. pagkamangha
B. pagkatakot D. pagkaawa
_______ 2. . “Isang araw namasyal ang pusa sa labas ng kanyang tirahan.” ano ang
tawag sa salitang nakasalungguhit?
A. Pangngalan B. Panghalip C. Pandiwa D. Pang-abay
_______ 3. Sa pabulang nabasa anong uri ng pag-uugali ang mayroon kay daga?
A. masungit C. malupit
B. may malasakit D. masunurin
_______ 4. Ano ang nais iparating ng pabula na tulad sa ating buhay?
A. Makinig sa nakakatanda.
B. Laging maniwala sa sarili.
C. Lahat ng pagsubok ay makakayanan
D. Karapatan nating lahat ang mabuhay.
________5. Nakakita siya ng isang itlog ng manok na naiwan sa isang pugad.” Ang
salitang nakasalungguhit ay halimbawa ng _______.
A. Pangngalan B. Panghalip C. Pandiwa D. Pang-abay
_______ 5. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng pabula?
A. Ito ay isang talambuhay.
B. Hango sa totoong pangyayari sa buhay.
C. Mga hayop ang pangunahing karakter.
D. Tinatalakay ang mga nakalipas na pangyayari sa kasaysayan.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa bahaging ito ay tatalakayin natin ang tungkol sa panitikan.


Ano nga ba ang Panitikan?

Ang Panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin,


karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo
na sa pagsulat ng tuwiran at tuluyan o patula. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa
salitang “pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “-pang” at hulaping “-an” ay ginamit.
At ang salitang “titik” naman ay nangangahulugang literatura o (literature) sa ingles. Ang
Literatura ay hango sa salitang Latin na Litterana na ang ibig sabihin ay titik.
Nagsasalaysay din ito tungkol sa pamahalaan, lipunan, mga pananampalataya, at mga
karanasang may kaugnayan sa iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, at pangamba.

Bakit natin kailangan pag-aralan ang panitikan? Narito ang mga dahilan kung bakit
mahalagang malaman at maunawaan ang panitikan.

Modyul sa Filipino 6
Unang Markahan: Unang Linggo
3

Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikan


1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman
ng kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.
2. Upang maipakita natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na
nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling
sa iba’t ibang mga bansa.
3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay
upang maiwasto ang mga ito.
4. Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay
mapagbuti at mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura
ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan. Tayo higit kanino man ang
dapat magpahalaga sa sariling atin.

Mayroon tayong iba’t ibang uri o halimbawa ng panitikan at mababasa mo ito sa


susunod na bahagi.

Mga Halimbawa ng Panitikan


A. Pabula - ay kuwento kung saan mga hayop ang gumaganap at ang mga
hayop na ito ay kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao.
B. Kuwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan
o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.

Mapagkukunan ng mga Impormasyon


A. Tekstong Impormasyon – nagtataglay ng tiyak na impormasyon tungkol sa
tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Kadalasang sumasagot sa tanong na
Ano, Sino, at Paano patungkol sa isang paksa.
B. Usapan o Diyalogo - Ang salita na diyalogo o dialogue sa Ingles ay
nangangahulugan ng isang usapan sa pagitan ng dalawa o mas higit pang
bilang ng tao.

Basahin at unawain mong mabuti ang tekstong impormatibo upang madali mong
masagot ang mga katanungan. Suriin ang pagkakasulat ng teksto.

Tamang Pag-aalaga ng Aso


Sa pag-aalaga ng aso, anong mga bagay ang dapat bigyang pansin?

Lubos na nangangailangan ng oras, at panustos sa pag-aalaga ng aso. Sa


pangkalahatan maliban sa pang-araw-araw na pagkain, pamamasyal, at pag-aalaga,
lubos na kinakailangan din ang panggastos para sa pagkain, tirahan ng aso
(dog house), kagamitan sa pag-aalaga, pagpaparehistro, pagpapabakuna, atbp.
Upang maiwasan ang pagpapabaya sa pag-aalaga sa aso kahit walang inaasahang
pansariling pinansiyal, pag-aalaga dahil lamang sa nagagandahan sa aso, mangyari
lamang na pag-isipang mabuti bago mag-alaga ng aso.
May mga regulasyon ba sa pag-aalaga ng aso?
Kinakailangan ang pagpaparehistro ng aso isang beses sa buong buhay nito at
ang pagpapabakuna ng laban sa rabies isang beses sa 1 taon. Upang hindi
makapagdulot ng kapinsalaan sa ibang tao, tiyakin na nakakabit ang kadena ng
maayos at alagaan ito sa loob ng bahay.
Upang hindi makapang-abala ang aso sa ibang tao habang namamasyal , siguraduhing
nakatali ang aso habang pinapa-ehersisyo.

Modyul sa Filipino 6
Unang Markahan: Unang Linggo
4

At kapag dumumi ang aso habang namamasyal, tungkulin ng may-ari ng aso ang
paglilinis nito.

Kailan maaaring isagawa ang pagpaparehistro at pagpapabakuna laban sa rabies ng


aso?
Kinakailangang iparehistro ang aso isang beses sa buong buhay nito. Mangyari
lamang ay iparehistro ito sa munisipyo ng tinitirhang munisipalidad pagsapit ng higit
91 araw matapos ipanganak (o di kaya`y sa loob ng 30 araw mula sa pagtanggap nito).
Matapos ang pagpaparehistro, magbibigay ang munisipyo ng etiketa, mangyari lamang
na ikabit ito sa kulyar ng aso.
Ang bakuna laban sa rabies ay kinakailangang isagawa isang beses sa isang
taon. Ipinapatupad ito sa buwan ng Abril hanggang Hunyo, mangyari lamang na
magtanong sa munisipyo ng tinitirhang munisipalidad. Kapag naisagawa na ang
pagbakuna magbibigay ng etiketa na nagpapatunay na tapos ng napabakunahan ang
aso laban sa rabies, pagkatapos ay ikabit ito sa kulyar ng aso.
Kung sakaling hindi napabakunahan ang aso sa buwan ng Abril hanggang Hunyo,
pabakunahan ang aso sa Ospital ng mga Aso at mangyari lamang ay ipagbigay-alam ito
sa munisipyo ng tinitirhang munisipilidad.

Magaling! Natitiyak kong naunawaan mo ang tekstong iyong binasa at


masasagot mo rin ang mga tanong na inihanda ko na nasa bahagi ng mga gawain
Ngayon naman ay talakayin natin ang paggamit ng pangngalan at panghalip sa
iba’t ibang sitwasyon.

Pangngalan at Panghalip
Pangngalan – ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop
lugar, at pangyayari.
Uri ng Pangngalan
1. Pangngalang Pantangi – tumutukoy sa tiyak na ngalan ng pangngalan.
Halimbawa: Nikka, Luneta Park, Dr. Cruz, Alaska Evaporada, at Kalookan.
• Nagtungo sa Luneta Park si Nikka upang mamasyal.
✓ Ang pangngalang pantangi ay tiyak o may kasiguraduhan sa pangalan at nag-
uumpisa ito sa malaking letra kung ito ay iyong gagamitin sa pagsulat.
2. Pangngalang Pambalana – tumutukoy sa di- tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop,
lugar, at pangyayari.
Halimbawa: mag-aaral, doktor, guro, palengke, at gatas.
• Ang mga mag-aaral ay nagsisikap upang sila ay makapag-aral at matuto sa
kabila ng nararanasang pandemya.
✓ Ang pangngalang pambalana ay di-tiyak o walang kasiguraduhan sa pangalan
at ito ay isinusulat sa maliliit na letra.

Panghalip – salitang inihahalili o ipinapalit sa pangngalan.


Uri ng Panghalip
1. Panghalip Panao – ay panghalip na humahalili sa pangngalang pantao.
• Halimbawa: Nagtungo kami sa simbahan upang manalangin.
Ako ay mahilig magbasa ng mga aklat tungkol sa Heograpiya..
2. Panghalip Pamatlig – ay panghalip na pamalit sa pangngalang itinuturo.
Halimbawa: Nakita ko dito sa plasa ang mga naglalarong bata.
Doon sa aking kwarto makikita ang aking mga larawan.
3. Panghalip Panaklaw – ay panghalip na tumutukoy sa pangngalang hindi tiyak
kung sino o ano ito.

Modyul sa Filipino 6
Unang Markahan: Unang Linggo
5

Halimbawa: Anuman ang iyong nais ay tatanggapin ko.


Lahat tayo ay dapat mag-ingat sa banta ng iba’t ibang sakit.
4. Panghalip Pananong – ay panghalip na ginagamit sa pagtatanong tungkol sa
tao, bagay hayop, lugar, at pangyayari.
Halimbawa: Ano-ano ang bahagi ng iyong mukha?
Sino ang pangulo ng ating bansa?
Karagdagang Halimbawa:
PANAO PAMATLIG PANAKLAW PANANONG
Ako Ito Alinman Sino
Ikaw Iyan Sinuman Alin
Tayo Ganito Lahat Kanino
Sila Doon Ni-isa Ano-ano
Kami Iyon Madla Sino-sino

Mahusay! Nagagalak ako dahil binasa at inunawa mong mabuti ang bahaging
ito. Ngayon ay handa ka na upang sagutan ang ating mga gawain.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagsagot sa mga Tanong


Mula sa binasa mong teksto sagutin ang tanong .Pillin ang letra ng tamang sagot.
1. Bakit kailangang pag-isipan nang mabuti ang pag-aalaga ng isang aso?
A. Sapagkat ang aso ay may rabies
B. Masyadong magastos ang pag-aalaga nito .
C. Sapagkat ang aso ay maaring pagmulan ng sakit .
B. Ang pangangalaga ay nangangailangan ng mahabang oras at panustos.
2. Kailan dapat bakunahan ang isang aso?
A. buwan ng Hunyo
B. buwan ng Pebrero
C. buwan ng Enero
D. buwan mula Abril hanggang Hunyo
3. Ilang beses dapat bakunahan ang isang aso sa loob ng isang taon?
A. dalawang beses isang taon
B. isang beses isang taon
C. isang beses sa loob dalawang taon
D. dalawang beses sa loob ng isang taon
4. Bakit kinakailangan ang pag-iingat sa kagat ng aso at ibang hayop?
A. masakit ang injection
B. mahal ang gamot sa aso.
C. may rabies silang taglay
D. pagmumulan ito ng sakit
5. Bakit kinakailangang iparehistro ang aso?
A. upang malaman ang nagmamay-ari nito
B. upang hindi makakagat

Modyul sa Filipino 6
Unang Markahan: Unang Linggo
6

C. upang malaman ang dami ng aso at nag-aalaga nito


D. hindi nabanggit sa teksto.
Gawain 2 Pagsasanay sa paggamit ng Pangngalan at Panghalip
A. Tukuyin ang mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap at isulat kung ito
ay Pantangi o Pambalana.
1. Si Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang pangulo ng
Pilipinas.
2. Pinakamataas na pinuno ng isang lungsod ang alkalde.
3. Ang isang bansa na pulo-pulo at napapalibutan ng tubig ay
tinatawag na kapuluan.
4. Kasalukuyang nakatira sa Davao ang pangulo ng Pilipinas.
5. Ang ating pangulo ay matapang at may paninindigan.
Bilang 6-10
B. Gamitan ng panghalip ang sumusunod na salaysay. Piliin ang sagot sa loob
ng panaklong. Bi
Naranasan (mo,ko) ______ na bang lumangoy sa dagat? (Sila,Ako) _____ ay may
nakatutuwa ngunit nakatatakot na karanasan sa dagat. Namasyal (kami,siya) _____
roon kasama ang (aking,tayo) ______ pamilya sa dinarayong Boracay Beach. (Ito,Dito)
_____ ang una kong nakitang malinaw at kulay berdeng tubig sa dalampasigan.

Magaling! Natapos mo na ang mga gawain sa paggamit ng pangngalan at


panghalip. Alam kong naintindihan at naunawaan mo na ang ating aralin para sa modyul
na ito.

Tandaan

Narito ang mga dapat mong tandaan tungkol sa panitikan at paggamit ng


pangngalan at panghalip sa iba’t ibang sitwasyon.

• Ang Panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin,


karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran at tuluyan o patula. At ilan sa
mga halimbawa nito ay ang Pabula, Kuwento, Tekstong Impormatibo at
Usapan.
• Sa paggamit ng Pangngalan , ang Pangngalang Pantangi ay laging isinusulat
sa malaking letra at ang Pangngalang Pambalana naman ay isinusulat sa
maliit na letra.
• Ang Panghalip ay ginagamit bilang pamalit o panghalili sa pangngalan.
Ginagamit ito upang maiwasan ang paulit-ulit na pagsulat o pagbigkas ng
isang pangalan. Ito ay may ibat ibang uri : Panao, Pamatlig, Panaklaw, at
Pananong.

Modyul sa Filipino 6
Unang Markahan: Unang Linggo
7

Narito ang mga karagdagang gawain na inihanda ko para sa iyo upang masukat
ang iyong natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Basahin ang usapan o diyalogo na halaw sa kuwentong “ Ang Pamilyang
Mahirap”.
Ivan: Inay! Nasan na po ang uniporme ko?
Inay: Nandyan anak sa aparador mo.
Kara: Nay, bukas na po exam namin ha? Dalawang buwan na po tayong di nakapag-
babayad.
Inay: Ay. Naku anak, bukas na iyon?
Kara: Oo inay. Kailangan na pong mag- bayad. Di ako makapagte- test.
Inay: O sige
Bunso:Nay. Ang sapatos ko po. Sira na.
Inay: Ha? Sira nanaman? Paayos mo nalang anak sa itay mo.
Ivan: Inay, Male- late na ho ako! Ang uniporme ko po.
Inay: Ah. Oo nga pala. Nandyan anak sa loob ng kwarto mo.\
Nakita naman ni Inay na lumabas ng kwarto si Itay na handa nang pumasok sa
trabaho.
Inay: Oh. Ayan na pala ang itay nyo. O sige anak, paayos mo na ang sapatos mo
nang makapasok ka na. Maaga pa naman.
Bunso: Opo. Inay.
Di-naglaon.. Nakaalis na rin ang mga anak nila at nakapasok na sa eskwelahan..
Naiwan ang mag-asawa sa bahay. At nagsimulang magsalita si Itay.
Itay: Naku, pano yan inay? Wala pa kong sahod, sa susunod na linggo pa ang sweldo
ko? Bukas napala ang exam ni Kara.
Inay: (nakatungo lamang si inay)
Itay: Si Bunsoy pa, ang sapatos nya. Mahigit isang taon na iyon. At ngayo'y sira- sira
na. Kawawanaman ang bata.
Inay: Makikiusap ako sa amo ko. Ipapa-aga ko ang sweldo ko. Kailangan na natin ng
pera.
Sabi ni inay na tila kumbinsidong- kumbinsido sa sinasabi nya.
Itay: Oh ! sya. Ikaw bahala. Basta magpahinga ka ha? Sumusobra na yata ang
pagtatrabaho mo.

1. Ano-ano ang suliranin na nabasa mo sa kuwento? Magbigay ng tatlo.

1. 2. 3.

2. Ano ang nakitang solusyon ng inay sa kanilang problema?

3. Kung ikaw ang isa sa mga anak ni Inay at Itay paano mo sila matutulungan?

Modyul sa Filipino 6
Unang Markahan: Unang Linggo
8

4. Para sa iyo ano ang kahulugan ng pamagat ng kuwento?

5. Bilang isang mag-aaral ano-ano ang hakbangin mo sa iyong buhay upang


mapaunlad mo ang iyong sarili?

1. 3.

2. 4.

Markahan mo ang iyong sarili ayon sa rubriks na ito:


Pamantayan Marka
1.Nakapagbigay ng tatlong suliranin
2. Nakapagbigay ng sulosyon sa problema.
3. Nakapaglahad ng opinion tungkol sa tanong
sa bahaging ito. _
4. Nakapagbigay ng kahulugan sa pamagat.
5. Nakapagbigay ng apat na hakbang upang mapaunlad
ang sarili.

4 - Napakahusay 3 - Mahusay 2 – Katamtaman 1- Dapat paunlarin

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.

Sa isang kagubatan may mag-asawang Leon na nagngangalang Molly at Tommy.


Sila ay nangangaso para sa kanilang pagkain. “Anuman ang iyong mahuhuli ay iyon
lamang ang mapupunta sa iyo.” ang paalala ng babaeng Leon sa kanyang asawa.
Palaging nakakahuli ng malaking hayop ang babaeng leon ngunit nakakaligtaan niyang
magbigay o magbahagi sa asawa. Si Tommy naman ay nakahuli ng maliit na kalapating
puti, hindi na natiis ni Tommy ang gawi ng kanyang asawa na sa tuwing makakahuli
ito ng malaking hayop hindi ito marunong magbahagi sa kanya. Labis na nalungkot si
Tommy lalo pa at nalaman nitong pinagpapalit ni Molly ang kanilang huli. Nagtungo si
Tommy sa alaga niyang kalapating puti at doon naglabas siya ng sama ng loob.
Namangha siya dahil ito pala ay mahiwaga at binigyan siya nito ng napakaraming ginto.
Iniwan niya ang asawang si Molly at tumira sa baryo at namuhay ng marangya. Si Molly
ay naiwang mag-isa at labis din ang kalungkutan nang umalis at iwan siya ng kanyang
asawa. Siya ay nagsisi sa nagawang pagkakamali at nalaman ito ni Tommy kaya muli
niyang pinuntahan ang asawa upang sunduin ito. Humingi ng tawad at labis ang
pagsisisi ni Molly. Pinatawad siya ni Tommy at namuhay sila ng marangya. Lubos din
ang pasasalamat ni Tommy sa kanyang alagang kalapating puti.
“Sa ating pamumuhay hindi masama ang paghingi ng tawad at pagpapakumbaba
sa tuwing tayo ay nakagagawa ng pagkakamali”.

_____1. Ano ang paksa ng kuwentong iyong binasa?


A. karahasan B. pag-ibig C. kasaysayan D. pagluluksa

Modyul sa Filipino 6
Unang Markahan: Unang Linggo
9

_____2. Ang ibig sabihin ng nangangaso ay?


A. nangingisda B. nagpapastol C. nagsasaka D. nangangaso
-____ 3. Sa isang kagubatan may mag-asawang Leon na nagngangalang Molly at
Tommy. ang mga salitang may salungguhit ay mga pangngalang _______ ?
A. pambalana B. pantangi C. pandiwa D. pang-abay
_____ 4. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?
A. Pabula C. Usapan
B. Sanaysay D. Maikling Kuwento Pabula
______5. Siya ay nagsisi sa nagawang pagkakamali. Anong uri ng panghalip ang
nakasalungguhit ?
A. panao B. pamatlig C. panaklaw D. pananon

Pagninilay

Pagsulat ng sariling Komposisyon. Ilagay mo ang iyong sagot sa isang buong


papel.
1. Sumulat ng isang kuwento na hango sa iyong buhay, bumuo ng limang talata na
may apat hanggang limang pangungusap.
2. Gumamit ng sampung halimbawa ng Pangngalan at Panghalip
3. Kulayan mo ng Dilaw ang mga salitang Pangngalan at Asul sa mga salitang
Panghalip

Pamantayan Marka
Markahan
1. Nakabuo mo ang
ng talata iyong
na may sarili ayon sa rubriks na ito:
apat
hanggang limang pangungusap.
2. Gumamit ng mga salitang pangngalan at panghalip
3. Nakulayan ang mga salitang pangngalan at panghalip.

4 - Napakahusay 3 - Mahusa 2 – Katamtaman 1- Dapat paunlarin

Binabati kita sa iyong kahusayan! Natapos mo ang modyul na ito. Kung


ikaw ay may hindi naunawaan sa ilang bahagi ng modyul, maaari mong itanong
ito sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 6
Unang Markahan: Unang Linggo

You might also like