You are on page 1of 47

108

ikalawang MARKAHAN

MODYUL 2
109

Ano ang dapat mong matutunan?

Sa Ikalawang Markahang bahagi ng modyul na ito, inaasahang matutunan

mo ang mga sumusunod :

 Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter

ng isa sa mga tauhan nito.

 Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng

tanka at haiku.

 Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong

isyung nagpapahayag ng matibay na paninindigan.

 Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento

nito.

 Nagagamit ang mga angkop na pang -ugnay sa pagsulat ng maikling

dula
110

Aralin 1

Kasanayan 1:

Sa pagtatapos ng talakayan sa araling ito, inaasahan ko na matutunan

mo ang sumusunod na layunin:

 Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang

karakter ng isa sa mga tauhan nito.

Akdang susuriin: Pabula

Halina’t pag-isipan!

Panuto : Gumuhit ng paborito mong alagang hayop at sumulat ng


maikling salaysay ukol sa taglay nitong katangian at personalidad na
may kahawig sa iyong katangian bilang tao. Iguhit sa loob ng kahon ang
naturang hayop at isulat naman sa loob ng callout ang iyong salaysay.

ANG PABORITO KONG ALAGANG HAYOP


111

Alamin mo at talakayin!

Ang pabula ay isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig. Noong ika-


5 at ika-6 na siglo bago si Kristo, may itinuring nang pabula ang mga taga-
India. Ang karaniwang paksa ng mga pabula ay tungkol sa buhay ng
itinuturing na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa. Lalong
napatanyag ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang
“Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang
Aesop’s Fable.

Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang.


Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang
magbigay ng pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop.
Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali
ng tao. Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang nangangahulugan ng isang
taong taksil. Ang pagong, makupad. Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka,
mayabang. Ang unggoy o matsing, isang tuso. Ang aso, matapat. Marami
pang hayop ang may ibang pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang
rosas ay kumakatawan sa babae at sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang
mapaglarong manliligaw. Itinuturo ng pabula ang tama, patas,
makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapwa.

Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay


na ibinibigay nito.
112

Pagsasanay 1:

Panuto: Basahin nang mabuti ang isang halimba ng pabula na


pinamagatang “ Ang Hatol ng Kuneho” at sagutin ang bawat pahayag o
katanungan na nasa ibaba nito .

Ang Hatol ng Kuneho

( Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat )

Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa,


may isang tigreng naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kanyang paglillibot,
nahulog siya sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang
makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang
humingi ng tulong subalit walang nakarinig sakanya. Kinabukasan, muling
sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na
gutom at hapung-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa.
Naisipniyang ito na ang kanyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig
siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad na tumayo. “Tulong!
Tulong!” muli siyang sumigaw. “Ah! Isang tigre!” sabi ng lalaki habang
nakadungaw sa hukay. “Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,”
pagmamakaawa ng tigre.” Kungtutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan
habambuhay.” Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin
siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring
mangyari. “Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay.” wika ng
lalaki at nagpatuloy sa paglalakad. “Sandali! Sandali! Huwag mong isipin
iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang magalala, pangako hindi kita
sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas
dito tatanawin kong malaking utang na loob!” Tila labis na nakakaawa ang
113

tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan ito. Nakahanap siya
ng troso at dahan- dahan niyang ibinaba sa hukay. “Gumapang ka rito,” sabi
ng lalaki. Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay.

Nakita ng tigre ang lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ang tigre


at naglakad paikot sa lalaki. “Sandali!” hindi ba nangako ka sa akin na hindi
mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng
utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre. “Wala na akong pakialam sa
pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang araw!”
tugon ng tigre. “Sandali! Sandali!” Ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin
ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako.” “Sige,” ang wika ng
tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na
gutom na ako.”

Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.


“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng
Pino. “Bakit ang mga dahon at sanga naming ang kinukuha ninyo upang
mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain? Mga
taon ang binibilang naming upang lumaki. Kapag kami’y malaki na
pinuputol ninyo. Ginagamit ninyo kami sa 9 pagpapatayo ng inyong mga
bahay at pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang
humukay ng butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka ng magdalawang isip,
Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom.” “O, anong masasabi mo doon?”
tanong ng tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki. Sa mga
sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! Hintay!” pakiusap ng
lalaki. “Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.” Sumasang-ayon ang
tigre at ipinaliwanag nila sab aka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang
opinyon ng baka. “Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat
114

gawin,” wika ng baka sa tigre. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula
nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka
ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo naming ang bukid
upang makapgtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay
tumanda na…pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang
aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo na
akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang
taong iyan.” “Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya
humanda ka na sa iyong kamatayan!” wika ng tigre habang bumubuwelo
upang sakmalin ang lalaki. Alam na ng lalaki na ito na nga ang kaniyang
katapusan. Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho.
“Sandali! Tigre! Sandali” sigaw ng lalaki. “Ano na naman!” singhal ng tigre.
“Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon. Tanungin natin ang
kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.” “Ah!
Walang kuwenta! Alam mong ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno
ng Pino at ng baka.” “O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!”
sagot ng tigre.

Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang


kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang
mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandal, muli niyang idinilat ang
kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho.
“Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya
at magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli
ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan
patungo doon,” wika ng kuneho. Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa
kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay
115

nakatayo dito sa itaas,” wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “Pumunta kayo


sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking
hatol.” 10 Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang
niya ay matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! Ganito
ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi
makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya
tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng aking hatol.
Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng
makalabas sa hukay,” paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa
ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang
tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang
tao sa kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay.
Mgandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng matalinong kuneho at
nagpatuloy sa kaniyang paglukso

Panuto : Unawaing Mabuti ang bawat katanungan at Isulat ang titik ng


tamang sagot.
1.Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at ng lalaki?
Bakit?

2. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon, gagawin mo rin ba ang ginawa ng


kuneho? Ipaliwanag.
116

3.Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa


kalikasan natin ngayon, ano kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao?
Bakit?

4.Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?

5.Magbigay ng isang kasabihang maaaring mahalaw sa pabulang nabasa.


Ipaliwanag.

Pagsasanay 2 :

Panuto: Ilarawan ang katangiang ipinamalas ng bawat tauhan sa


pabula at isulat naman ang bagong katangiang nais mong ipalit sa
katangiang taglay nila ayon sa kwento. ang Kopyahin ang pormat sa
sagutang papel.

PANGALAN NG KATANGIANG BAGONG KATANGIANG


TAUHAN IPINAMALAS SA NAIS MONG TAGLAYIN NG
KWENTO TAUHAN
Tigre
Lalaki
Puno ng Pino
Baka
Kuneho

Pagsasanay 3:

Panuto: Ayusin ang mga larawan batay sa wastong pagkakasunud-


sunod na mga pangyayaring naganap sa pabula.Gawing gabay ang
diyalogo sa loob ng larawan.Gamitin ang bilang 1-5 at isulat ito sa loob
ng kahon.
117

Pagsasanay 4:

Panuto: Batay sa binasang pabula, pabuod na isulat muli ang kwento sa


masining paraan na kung saan babaguhin ang karakter ng isa sa mga
tauhan nito.

ANG HATOL NG KUNEHO

PAGBATI:

Ako’y nagagalak sa iyong ipinakitang sigasig sa pagsagot sa mga

pagsasanay na nakapaloob dito. Nawa’y di mo makalimutan ang mga

bagay na natutunan mo sa araling ito at nawa’y panatilihin mo ang

positibong pag-uugaling ipinakita mo ngayon.

Muli, binabati kita!


118

Susi sa Pagwawasto: ARALIN 1

Halina’t pag-isipan!:

 (Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral)

Pagsasanay 1:

 (Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral)

Pagsasanay 2:
PANGALAN KATANGIANG BAGONG
NG IPINAMALAS SA KATANGIANG NAIS
TAUHAN KWENTO MONG TAGLAYIN NG
TAUHAN
119

Tigre Mapanlinlang,Hindi (Depende sa mga mag-aaral ang


mapagkakatiwalaan sagot
Lalaki Maawain,mabuting tao
Puno ng Pino Mapagkimkim ng sama ng
loob, mapaghigante
Baka Mapagkimkim ng sama ng
loob, mapaghusga
Kuneho Matalino, Patas humusga

Pagsasanay 3:

4 3

6 1

5 2
120

Pagsasanay 4:

 (Depende sa mga mag-aaral ang sagot)

ARALIN 2

Kasanayan 2:

Sa pagtatapos ng talakayan sa araling ito, inaasahan ko na matutunan

mo ang sumusunod na layunin:

 Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng

tanka at haiku.

Akdang susuriin: Tanka at Haiku

Halina’t pag-isipan!

Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag upang mabuo ang


konsepto nito. Ang paksa ay may kaugnayan sa mga bahagi ng
121

paglikha ng tula na tinalakay sa nakaraang aralin. Piliin ang sagot sa


loob ng panaklong at isulat ito sa patlang.

1. Ang _____ ay elemento ng tula na tumutukoy at naglalarawan sa


grupo ng dalawa o higit pang linya o “taludtod”.
2. Ang  isang linya na binubuo ng mga salita nagbibigay kaisipian
sa tula ay tinatawag na ________.
3. Ang ____ ay tumutukoy sa pagkakapareho ng tunog ng huling pantig
ng huling salita sa bawat talodtod ng tula.
4. Ang _____ ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na
bumubuo ng isang saknong.
5. Ang _____ ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.

SAKNONG TULA TALUDTOD TUGMA SUKAT

Alamin mo at talakayin!

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku

(Isinalin sa Filipino ni M.O Jocson)

Ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng


panitikang Hapon. Ginawa ang tanka noong ikawalong siglo at ang haiku
noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga
ideya at imahe sa pamamagitan ng kakunting salita lamang. Ang
122

pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na


Manyosho o Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na
naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at
inaawit ng nakararami. Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa
makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga
manunulat na Hapon. Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa
wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita
at wala pang sistema ng pagsulat. Sa pagitan ng ikalima hanggang
ikawalong siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang mula sa
karakter ng pagsulat sa China upang ilarawan ang tunog ng Hapon. Tinawag
na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na
mga pangalan”. Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga
Hapon na ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na
matatawag nilang sarilingsarili nila. Maikling awitin ang ibig sabihin ng
tanka na puno ng damdamin. Bawat tanka ay nagpapahayag ng emosyon o
kaisipan. Nagiging daan ang tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t
isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng
aristocrats ang tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan
naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang tanka.
Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, 6 noong ika-
15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang
bagong anyo ng tula ay tinawag na haiku.

Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap


nang lubos ang haiku. Ang pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas ng
taludtod na may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles
ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang kireji
123

naman ang salitang paghihintuan o cutting word. Ito ay kadalasang


matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang
kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng
saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na
mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso. Maaari
din namang makapagbigay daan ito sa marangal na pagwawakas. Ang mga
salita na ginagamit ay maaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang
salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure
naman ay “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”.

Mahalagang maunawaan ng babasa ng tanka at haiku ang kultura at


paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng
nakapaloob sa tula.

Estilo ng Pagkaksulat ng Tanka at Haiku

Parehong anyo ng tula ang tanka at haiku ng mga Hapon. Maikling


awitin ang tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig (31) na may limang
taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-5 o 5-7-5-7-
7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuang bilang ng pantig ay
tatlumpu’t isa (31).

Samantala ang haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May labimpitong


(17) bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig
sa mga taludtod ay 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din ang kabuuan ng
pantig ay labimpito (17) pa rin. Karaniwang paksa ng tanka ay pagbabago,
pag-ibig at pag-iisa. Ang paksang ginagamit naman sa haiku ay tungkol sa
kalikasan at pag-ibig. Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang
tanka at haiku.
124

Tandaan ang kahulugan at mga mahahalagang elemento ng tula:

Tula- Ito ay isang anyo ng panikan na nagpapahayag ng damdamin ng


isang tao. Nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at paraan ng
pagbibigay kahulugan sa mga salita.

Tula- Nagbibigay diin ito sa kagandahan, diwa, katas, larawan at


kabuuan ng tamang kariktang makikita sa silong ng alin mang langit.

1. Taludtod- tumutukoy sa bawat linya ng tula sa loob ng saknong

2. Saknong- tumutukoy sa grupo ng taludtod o linya sa loob ng tula

3. Pantig- ang galaw ng bibig o saltik ng dila na may kasabay na


tunog

4. Sukat- tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod o linya

5. Tugma- tumutukoy sa magkaparehong tunog na makikita sa dulo


ng

Bawat pantig ng taludtod

6.Kariktan- kailangang magtaglay ng maririkit na salita upang


masiyahan ang mambabasa at mapukaw ang damdamin at
kawilihan
7.Talinhaga- sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong
kahulugan
125

Halimbawa ng tanka at haiku:

Pagsasanay 1:

Panuto: Itala sa loob ng kahon ang mga mahahalagang impormasyon


na nakalap mula sa binasang kaligirang pangkasaysayan ng tanka at
haiku.
126

Pagsasanay 2:
Panuto: Suriin ayon sa bilang ng pantig, bilang ng linya, paksa, at
mensahe ng kahulugan ng matalinghagang pahayag na nakasalungguhit
sa tulang Tanka at Haiku, isulat sa kahon ang iyong sagot.

Pagsasanay 3:

Panuto: Isulat sa loob ng Venn Diagram ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng Tanka at Haiku.
127

Pagkakaiba Pagkakaiba
Haiku Tanka

Pagkakatulad

Pagsasanay 4:

Panuto: Sumulat ng tig-isang halimbawa ng Tanka at haiku. Isulat ito sa


loob ng kahon. Bigyan-konsiderasyon ang estilo sa pagsulat nito.

TANKA HAIKU

PAGBATI:

Inaasahan ko na sa pamamagitan ng mga pagsasanay na

nakapaloob dito ay napalawak ang iyong kaalaman hinggil sa tulang

tanka at haiku.Laging ikintal sa iyong isipan ang estilo at element ng

pagsulat ng mga tula katulad ng tanka at haiku dahil Malaki ang


128

Susi sa Pagwawasto: ARALAIN 2

Halina’t pag-isipan!

1. Saknong 2.Taludtod 3. Tugma 4.Pantig 5.Tula


129

Pagsasanay 1:

Pagbabago, pag-ibig 31 ang kabuuang


Ika-walong siglo
at pag-iisa pantig

Kalikasan at pag-ibig 17 ang kabuuang


Ika-15 siglo
pantig

Pagsasanay 2:

Pagpapahayag
ng pangungulila
sa kanyang
7-7-7-5-5 / 31 lima iniibig
Pag-iisa

5-7-5/17 Pagpapahayag
tatlo Pag-ibig
ng kagalakan sa
pagtanggap sap
ag-ibig na

Pagsasanay 3:

 (Depende sa mga mag-aaral ang sagot)


130

Pagsasanay 4:

 (Depende sa mga mag-aaral ang sagot)

Aralin 3

Kasanayan 3:
131

Sa pagtatapos ng talakayan sa araling ito, inaasahan kong matutunan

mo ang sumusunod na layunin:

 Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang

napapanahong isyung nagpapahayag ng matibay na paninindigan.

Akdang susuriin: Sanaysay

Halina’t pag-isipan!

Panuto: Tingnan nang mabuti ang mga larawan sa ibaba at hulaan kung
anong napapanahong isyu o

paksa ang inilalarawan dito.


132

Alamin mo at talakayin!

Ang SANAYSAY ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol


sa isang paksa o isyu. Ito ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat
sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran
maging tao, hayop, pook, bagay, at guniguni.

Ayon kay Alejandro Abadilla, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng


isang sanay. Kaya’t ang sinumang susulat nito ay nangangailangan ng
malawak na karanasan, mapagmasid sa kapaligiran, palabasa, o nagsasagawa
ng pananaliksik tungkol sa paksang napiling isulat. Nararapat na magpokus
sa isang paksa lamang at maghanda ng balangkas upang magkaroon ng
kaisahan ng daloy ang mga ideya.

Tinatawag ng mananaysay ang manunulat ng sanaysay. Kinakailangan


ng masining na pag-aaral at kasanayan ng sinumang susulat nito. Katunayan,
kabilang sa matatawag na sanaysay ang mga akdang pandalubaral gaya ng
tesis, disertasyon,pamanahong papel, at panunuri, at ang mga sulating
pampamahayagan gaya ng tanging lathalain. Karaniwang paksa ng mga
sanaysay ay ang mga isyung panlipunan gaya ng kahirapan, droga, pantay na
karapatan, diborsyo, parusang kamatayan, at marami pang iba.

Narito ang bahagi ng sanaysay na dapat niyong maunawaan upang


makabuo ng tiyak at maayos na pagkakasunod ng mga ideya:
133

A. Simula-Pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang


unang tinitingnan ng mga mambabasa. Ito ay dapat nakapupukaw ng
atensyon.

B. Gitna-Makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at


nilalaman ng sanaysay.

C. Wakas-Nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay

Uri ng Sanaysay:

A. Pormal

Tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-


aaral at malalim ng pagkaunawa sa paksa. Ang mga salita'y umaakma sa
piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng
asignaturang ginawan ng pananaliksik.

Halimbawa: Kay Estella Zeehandelar, talumpati, editoryal, pagtatalo/debate

B. Di-Pormal

Tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at


personal. Karaniwang nagtataglay ng opinyon at paglalarawan ng isang
mayakda. Naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba't ibang bagay
at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may-akda

Halimbawa: talambuhay o karaniwang pangyayari sa buhay mo.

Pagsasanay 1:
134

Panuto:Lagyan ng S kung sang-ayon ka HS naman kung hindi ka sang-


ayon sa mga sumusunod na pangungusap at ipaliwanag ang iyong
matibay na paninindigan sa mga isyung ito.

_____1. Ang mga babae ay dapat nasa bahay lamang.

Pagpapaliwanag:_________________________________.

_____2. Pagbabalik ng parusang kamatayan

Pagpapaliwanag:__________________________________.

_____3. Diborsyo sa Pilipinas

Pagpapaliwanag:_________________________________.

Pagsasanay 2:

Panuto: Bumuo ka ng pangungusap batay sa mga sitwasyong ibibigay


sa ibaba. Gamitin sa pangungusap ang mga angkop na pahayag sa
pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi.

Halimbawa: droga- Lubos kong pinaniniwalaan na walang magandang


idudulot

ang droga sa ating katawan.

1. Usapin tungkol sa pagbubukas ng klase sa panahon ng pandemya

_________________________________________________.
135

2. Aborsiyon

__________________________________________________.

3. Pagbawal ng larong ML sa Pilipinas

__________________________________________________.

4. COVID-19 sa Pilipinas

___________________________________________________.

5. Fake News

________________________________________________________.

Pagsasanay 3:

Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang isang sanaysay sa ibaba at


isulat sa loob ng kahon ang iyong sariling opinyon ukol dito.

Kahirapan: Problema ng Bayan


Talumpati ni Hannalet Roguel
Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang
kahirapan. Pero bakit nga ba maraming Pilipino ang nagdurusa dahil dito?

Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng


kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na
hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa
ating bansa. Nadadagdagan din lalo ang bilang ng mga namamatay. Pero
bakit hindi nakilos ang ating mga pinuno ukol sa mga isyung ito?
136

Sadyang mahirap ang maging isang mahirap pero madaming paraan


upang ito’y labanan kung ating gugustuhin.marami na tayong nabalitaan
mula sa pagiging maralita ngayon ay natatamasa na ang kaginhawaan, dahil
iyon sa kanilang pagsisiskap at pagpupursigi para sa kanilang gustong
makamit.

Maraming mamamayan ang nakakaranas ng kahirapan, kung


mapapansin natin, nagkalat ang mga batang iniwan o inabandona ng
kanilang mga magulang na walang ibang matuluyan. Lalo na rin sa mga
squatters area. Magulo at tila ba walang kaginhawahan at kapayapaan sa
lugar na yaon.kung ating susuriin, mas marami ang bilang ng mga taong
sadlak sa kahirapan, pero bakit ang mga taong may mataas na katayuan sa
buhay, sa halip na tulungan ang mga itoay lalo pa nilang itinutulak sa
kahirapan. Kaya mahihirap lalong naghihirap at ang mga mayayaman lalong
yumayaman. Dulot ng walang pagkakaisa, may pag-asa pa ba ang bayan ay
umunlad.

Ako bilang isang kabataan, may layunin akong iwasan ang


pagigingisang mahirap at hindi maituturing na basura lamang sa isang
lipunan.sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-
aaral. Nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi
lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa
tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng
ating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay
maipapamana sa susunod pang henerasyon.

Ang aking Opinyon:


137

Pagsasanay 4:

Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba at ilahad ang iyong sariling kuru-
kuro sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling sanaysay ukol dito.

Pagpipiliang paksa:

1. Usaping LGBTQ
2. Online Learning
3. Paglaganap ng Bullying sa paaralan

PAGBATI:

Ako’y natutuwa at may naibahagi na naman

akong karagdagang kaalaman tungkol sa pagbahagi

ng opinyon batay sa mga napapanahong isyu at

inaasahan kong may natutunan ka sa paksang ito .

Muling ihanda ang iyong sarili para sa susunod

na talakayan!
138

Susi sa Pagwawasto: ARALIN 3

Halina’t pag-isipan:

1. Digmaang kinakaharap ng mga sundalo laban sa mga terorista


2. Paglaganap ng illegal logging sa bansa.
3. Pagkasira ng karagatan dahil sa mga itinatapong basura.

Pagsasanay 1:

 (Depende sa mga mag-aaral ang sagot)

Pagsasanay 2:

 (Depende sa mga mag-aaral ang sagot)


139

Pagsasanay 3:

 (Depende sa mga mag-aaral ang sagot)

Pagsasanay 4:

 (Depende sa mga mag-aaral ang sagot

Aralin 4

Kasanayan 4:
Sa pagtatapos ng talakayan sa araling ito, inaasahan ko na matutunan
mo ang sumusunod na layunin:
 Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento
nito.
Akdang susuriin: Dula-Munting pagsinta

Halina’t pag-isipan!

Panuto: Isulat sa loob ng maskara ang mga elemento ng dula na nasa kahon.
140

Alamin mo at talakayin!

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay
itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng
panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal


ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng
malikhain at malayang kaisipan.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na


tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula,
sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na
pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Elemento ng Dula

Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula;


lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip.
Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa
mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita
ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula
Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula
ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan
ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa
kanilangklase.
Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang
141

iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng


tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa
iskrip
Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal
kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat
ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat
mayroong makasaksi o makanood.

Pagsasanay 1:

Panuto: Basahin at unawain ang isang dula ng serye ng mga pangyayari


sa buhay ng isang taga Mongolia na naglalarawan ng karaniwang
pamumuhay ng tao na hinalaw sa pelikula mula sa Mongolia.
Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga katanungan sa ibaba nito.

Munting Pagsinta mula sa pelikulang Mongol:


The Rise of Genghis Khan ni Sergei Bordrov
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora

Ang istoryang ito ay tungkol sa Tribong Borjigin na kinabibilangan ni


Yesügei at ang kanyang anak na siyam na taong gulang na si Temüjin.
Habang nagmumuni muni si Temüjin ay bigla na lamang syang
nagulat sa kanyang amang si Yesügei na humahangos at sinabing sila ay
aalis. Ang saad nito ay malayo pa daw ang kanilang lalakbayin kaya''t
nagmamadali ito.
"Bakit Ama?" tanong ni Temüjin
142

Ang tugon naman ng kanyang ama ay agad na ikinagulat ni Temüjin.


Ang nais ng kanyang ama ay maghanap na sya ng mapapangasawa upang sa
ganoon ay makabawi ang kanyang ama sa atraso sa tribong Merit.
Katwiran ni Temüjin ay masyado pa syang bata upang ikasal. Ngunit
saad ng kanyang ama ay hindi ibig sabihin na nakapili na ng
mapapangasawa ay magpapakasal na sya. Ito daw ay simpleng pamimili
lamang ng babae.
Agad na naglakbay ang mag-ama patungo sa lugar ng tribong Merit
ngunit ng mapagod ay nagpahinga ang mga ito.
Nang tumigil sila sa isang lugar ay nagpasya ang bata na galugarin
ang paligid. Nang mapadpad ito sa isang dampa ay nakita nito ang isang
dalagitang si Borte. Nagulat ito at inakalang si Temüjin ay magnanakaw.
Ngunit nagpaliwanag naman ang bata.

Tila nahulog agad ang loob ni Temüjin sa dalagitang si Borte at tatawa


tawa nitong inamin ang totoong pakay.
Sinabi nitong papunta sila sa isang lugar upang makahanap sya ng
mapapangasawa ngunit si Borte na ang kanyang pipiliing mapangasawa.
Noong una ay nag alinlangan pa si Borte ngunit pumayag din ito na
mapangasawa ni Temüjin. Nangako si Temüjin na babalikan si Borte
pagkalipas ng limang taon.
Magkahawak kamay na bumalik si Temüjin at Borte sa lugar ng
kanyang ama. Ipinaliwanag nito na si Borte ang kanyang napili.
GABAY NA TANONG:
1.Bakit kaya pinili ni Temujin si Borte kaysa sa isang babae mula sa tribong
Merit?
143

2. Tama bang hilingin ang bendisyon ng mga magulang sa pagpapasya?


Bakit?
3.Anong damdamin ang nangibabaw pagkatapos basahin ang akda?
Ipaliwanag.
4.Ibigay ang sariling pananaw tungkol sa mga magulang na nagpapasya para
sa kanilang anak?
5.Ibigay ang ipinahihiwatig ng maagang pagpili ng babaing mapapangasawa
ng isang lalaking taga-Mongolia? Ipaliwanag.

Pagsasanay 2:

Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng dula ang nakapaloob sa


sumusunod na pahayag: Hanapin mula sa kahon ang inyong kasagutan.
_____ 1. Ito ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap
o gaganap sa eksena.
_____ 2. Maaaring magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan
gaganapin ang susunod na pangyayari.
_____ 3. Ito ang paghahati sa dula, kung baga sa nobela ito ay kabanata.
_____ 4. Lumabas si Amelia, umiiyak habang hinahaplos ang tangan
tangan na alaga.
_____ 5. Sa isang dipang lugar nakatirik ang isang napakalaking krus.

Pagsasanay 3:
144

Panuto: Gamit ang bubble map, kilalanin kung anong elemento ng dula
ayon sa mga detalyeng naglalarawan sa bawat bahagi na nakapaloob sa
dulang “Munting Pagsinta”.

Pagsasanay 4:

Panuto: Sumulat ng maikling diyalogo hinggil sa pang-araw-araw na


pamumuhay ng tao. Tukuyin kung anong elemento ng dula ang
nakapaloob dito.

PAGBATI:
Binabati kita sa ipinamalas mong galing sa pagsagot sa

mga pagsasanay at inaasahan ko na ang kaalamang natamo mo

ngayon tungkol sa dula ay magagamit mo iyong ang-araw-araw

na pakikisalamuha sa lipunan.
145

Susi sa Pagwawasto:ARALIN 4

Halina’t pag-isipan!:

Direktor Iskrip
Manonood Tanghalan
Aktor
146

Pagsasanay 1:

 (Ang sagot ay depende sa mga mag-aaral )

Pagsasanay 2:

1.Tagpo 2.Eksena 3. Yugto 4. Eksena 5.Tagpo

Pagsasanay 3:

1. Tagpo 2.Eksena 3.Yugto

Pagsasanay 4:

 (Ang sagot ay depende sa mga mag-aaral)


147

Aralin 5

Kasanayan 5:

Sa pagtatapos ng talakayan sa araling ito, inaasahan ko na matutunan

mo ang sumusunod na layunin:


148

 Nagagamit ang mga angkop na pang -ugnay sa pagsulat ng

maikling dula

Halina’t pag-isipan!

Panuto: Basahin nang mabuti ang talata sa ibaba at punan ng angkop


na salita ang bawat patlang upang mabuo ang pahayag.Piliin ang salita
sa loob ng kahon.

________sa pandemya,maraming mga tao ang nawalan ng trabaho


_____ ang ilan naman ay nalukob ng pangamba na madapuan ng Corona
Virus. __________ sa tulong ng pamahalaan, ang mga tao ay unti-unti___
bumabangon mula sa pagkakadapa na dulot ng Virus na ito.

-g -ng subalit dahil at sapagkat

Alamin mo at talakayin :
149

Pagsasanay 1:
150

Panuto: Punan ang bawat patlang ng angkop na pang-ugnay upang


mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Pagsasanay 2:

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na mga pang-


ugnay at tukuyin kung ano uri ng pang-ugnay ito nabibilang.

1. Samakatuwid 2. Upang 3. -ng


4. Na 5. Dahil 6. Para sa
151

7.Ayon kay 8. At 9. -g 10. Ngunit

Pagsasanay 3:

Panuto: Sumulat ng maikling iskrip tungkol sa karanasan mo sa


kasalukuyang sitwasyon. Gamitan ito ng mga pang-ugnay at
salungguhitan ang mga ito. Rubriks ang pagbabatayan ng iskor.
152

Pagsasanay 4:

Panuto: Pag-ugnayin ang dalawang kaisipan na nasa titik a at titik b


upang makabuo ng isang pangungusap gamit ang mga pang-ugnay
(maaring pang-angkop,pangatnig o pang-ukol).

1.a.Balang araw maaring lumuwag ang tali at kami ay pakawalan

b. malayo pa ang panahon.

2. a. Ang nais ng ama ni Timujin ay maghanap na siya sa Merit ng

mapapangasawa

b. Sa ganoon ay makabawi ang kanyang ama sa atraso sa tribong Merit.

3. a. Katwiran ni Temüjin ay masyado pa siyang bata

b. ikasal sa isang bata ding babae.

4. a. Ang pinag-usapan ng mag-amang si Yesugie at Timujin

b. mapapangasawa ng binata.

5.a.Sa hindi inaasahan pagkakataon,nagkapanatagan ng loob sina Yesugie

at Temujin

b. pumayag ang dalawa na sila ay ikasal.

PAGBATI:
153

Inaasahan kong ilalapat mo sa aplikasyon sa pang-

araw-araw na buhay ang iyong natutunan sa araling ito at

gamitin mon ang angkop sa iyong pakikipagtalastasan sa

kapwa

Ipagpatuloy natin ang paggalugad na karagdagang

kaalamaman kaya samahan moa ko muli para talakayin ang

susunod na aralin.

Susi sa Pagwawasto: ARALIN 5


154

Halina’t pag-isipan!:

1. Dahil 2.at 3.subalit 4. Unti-unting

Pagsasanay 1:

1.dahil sa 2. Subalit 3. Upang 4. Ngunit


5.laban sa 6.kaya 7.at 8. Kapag
9.maliban 10.para sa

Pagsasanay 2:

 (Ang sagot ay depende sa mga mag-aaral)

Pagsasanay 3:

 (Ang sagot ay depende sa mga mag-aaral)

Pagsasanay 4:

1. Subalit,ngunit 2.upang 3.para 4.tungkol sa 5.kaya

You might also like