You are on page 1of 10

1

Aralin Filipino 10-Q1-W4


Mga Katangian ng Tauhan sa Epiko
4 Pagpapakahulugan sa Alegorya

Mga Inaasahan
Sa araling ito, babasahin mo ang isang epiko mula sa Ehipto. Tutuklasin
mo ang katangian ng mga tauhan sa isang epiko. Aalamin mo rin ang angkop na
pagpapaliwanag sa alegoryang ginamit sa akda.

Matapos ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na mga


kasanayan:

A. Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang epiko.


(F10PN-Ie-f-65)
B. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin ng
tauhan. (F10PB-Ie-f-65)
C. Napapangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig
na sumasalamin ng isang bansa. (F10PB-Ie-f-66)
D. Naipaliliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda.
(F10PT-Ie-f-65)

Ngayong batid mo na ang tatahakin sa gagawing pagtalakay, maaari mo


ng sagutan ang paunang pagsubok.

Paunang Pagsubok

Basahin ang nilalaman ng epiko at sagutin ang sumusunod na mga


katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa


isang malaking baboy-ramo. Sila’y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Siya
ang kinilalang Hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao.
Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang
baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim.
Si Baltog ay matanda na upang makipaglaban.Tinulungan siya ng
kaibigan niyang si Handiong. Pinamumunuan
ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga
dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at
mga halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang
engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
2

Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang


hayop sa Ibalon.
Naging payapa ang Ibalon at tinuruan niya itong magsaka. Subalit may isang
halimaw na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya
ay si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kaniyang
maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kaniya subalit sinamang palad na
naging bato. Nabalitaan ito ni Baltog at inihandog niya ang kaniyang sarili kay
Handiong upang siyang pumatay kay Rabut.

____ 1. Anong katangian ang ipinamalas ni Baltog sa binasang akda?


A. katapangan B. kakisigan C. kasiglahan D. katalinuhan _
____ 2. Paano ipinakita sa binasang akda ang pagtutulungan ng dalawang
magkaibigan?
A. pakikipagtunggali sa mga kalaban C. paghahari ng tapat
B. pag-aalay ng buhay D. pagpaparaya sa isa’t isa
____ 3. Anong mahihinuha natin sa binasang bahagi na may salungguhit
“Subalit may isang halimaw na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at
kalahating hayop. Siya ay si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o
hayop na kaniyang maengkanto.”
A. mapagmahal na kaibigan C. magaling na pamumuno
B. may kakaibang kapangyarihang taglay D. magiting na bayani
____ 4. Paano hinarap ni Baltog ang mapaminsalang halimaw samantalang siya
ay matanda na?
A. pagtutulungan ng bawat isa C. pagtulong ng matalik na kaibigan
B. pakikiisa sa mga gawain D. pagkakasundo sa pamayanan
____ 5. May nagtangkang pumatay sa kaniya subalit sinamang palad na naging
bato. Nabalitaan ito ni Baltog at inihandog niya ang kaniyang sarili kay
Handiong upang siyang pumatay kay Rabut. Anong angkop na mabuting
kaugalian ang masasalamin sa bahaging ito?
A. pagtulong sa nangangailangan C. pagpapakumbaba
B. pagmamahal sa kaibigan D. pagtanaw ng utang na loob

Bago mo tuluyang sagutan ang iba pang mga gawain, tayo muna ay
magbalik-tanaw sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Basahin ang sanaysay at sagutan ang mga kasunod na tanong.


Basahin ang talata at piliin ang letra ng tamang sagot.
Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang
anino ng mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang
likas na magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di
maaabuso sa kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila ay

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
3

mapalalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad at tumingin patungo sa


liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo ang magpapalungkot sa
kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang kalagayan sapagkat ang
tanging nakikita niya ay mga anino lamang. Pagkatapos isaisip, tinuran ng isa
na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang, ngunit ngayon, siya ay
papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na siyang maliwanag na
pananaw--ano ang magiging tugon niya?
___1. Ang kahulugan ng salitang guniguni ay __________.
A. larawan B. paningin C. isipan D. imahinasyon
___2. Anong uri ng sanaysay ang iyong binasa?
A. pormal B. didaktiko C. kritikal D. di-pormal
___3. Ang sanaysay ay may kaugnayan sa __________.
A. buhay ng isang bilanggo C. karanasan ng tao
B. pagkatao ng isang nilalang D. kahirapan sa buhay
__ 4. Ano ang mahihinuha natin sa pahayag na ito, “Magdurusa sa sobrang sakit”?
A. nasisilaw sa sinag ng araw C. hindi alam ang gagawin
B. naabuso ang karapatang-pantao D. nalilito sa nakikita
___5. Ito ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon
tungkol sa tiyak na paksa?
A. maikling kuwento B. epiko C. sanaysay D. nobela

Pagpapakilala ng Aralin

Sa bahaging ito, ipababatid ko sa iyo ang tungkol sa epiko bilang isang


sinaunang anyo ng panitikan.

A. EPIKO AT MGA KATANGIAN NITO

Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng


pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang
tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang paksa nito ay
mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at
pakikidigma.

Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego na epos na ang salawikain o


awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay.

Kabilang sa mga katangian ng epiko ang (1) pagkakaroon ng kaisahan ng


banghay, (2) mabilis na aksyon, (3) paggamit ng kwento ng mga kababalaghan
at (4) nakatitinag damdamin at dakilang paksa.

Masasalamin sa mga epiko ang mga maipagmamalaking katangian ng ating


mga ninuno. Mahahango rito ang pamumuhay na panlipunan, pampulitika at
pangkultura ng ating matandang pamayanan.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
4

Ngayong batid mo na ang kahulugan at katangian ng epiko, basahin mo ang


isang halimbawang epiko mula sa Mesopotamia.

Mula sa Epiko ni Gilgamesh


Salin sa Ingles ni N.K. Sandars, saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco

Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng


lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo
ay tao. Matipuno, matapang at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at
abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy
na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa
kaniya.

Tinugon ng Diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong


kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa
kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si
Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di
naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga
pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay
sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang
siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh,
ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag
nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi
pinahintulutan ng mga Diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya
itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na
namatay sa matinding karamdaman.

Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama


ng loob ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa
punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay
Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig ka
kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at
sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay
nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang
mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang
kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim
ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya
ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay.
Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng kadiliman,
patungo sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik.

Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang
kanilang kinakain at luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga
ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita
ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok,
at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona
habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga
nagdaang panahon. Sila na minsa’y naging mga Diyos tulad nina Anu at Enlil

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
5

ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng


tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang
kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana,
ang hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si
Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang Reyna ng
Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga
Diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan,
tumingin sa akin at nagtanong: “Sino ang nagdala sa iyo rito? Nagising akong
maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at
takot na takot.”

Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang


kaniyang luha. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa
mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di
kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng
iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan
itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y
nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa
isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At
nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang Diyos dahil
ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinuman
sa pamamagitan ng panaginip.”

Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa


karamdaman. Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman.
Sinabi niya kay Gilgamesh, “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay
wala na ako kahit na ano. “Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay
tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya,
at ang kaniyang mga mata ay halos di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng
sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang araw.
Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos
at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga
namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong
namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.”
Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.

Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob


ng pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng
kaniyang mga tao bilang alaala.

(Kagawaran ng Edukasyon, Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, 2015)

Ngayon naman ay pag-aralan mo ang pagpapakahulugan sa alegorya.

B. PAGPAPAKAHULUGAN SA ALEGORYA

ALEGORYA

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
6

Ang alegorya ay isang kuwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan at kilos
ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan. Ito ay galing sa
salitang Latin na “allegoria” na ang ibig sabihin ay veiled language, figurative.
Ito ay isang panitikan na may talinghaga o metaphor na gumagamit ng mga
karakter, lugar o pangyayari na representasyon ng mga isyu sa mundo.

Ito ay maaaring basahin sa dalawang pamamaraan: literal (denotasyon) o


simboliko / masagisag (konotasyon). Ito ay nilikha upang magturo ng
mabuting asal o magbigay komento tungkol sa kabutihan o kasamaan.

Isang halimbawa nito ay ang parabula. Maaari rin itong maihanay sa mga
prosa o tula na nagsasalaysay na ang pangunahing layunin ay ang magturo o
magpaliwanag ng ideya o prinsipyo.

May dalawang uri ng alegorya. Ito ay ang historikal at konseptwal. Sa


historikal na uri ng alegorya tinatalakay ang makasaysayang pangyayari
samantalang sa konseptwal naman ay gumagamit ng mga karakter at
pangyayari na sumasagisag sa abstraktong pagtingin sa halip na aktwal na tao
o pangyayari.

Natutuwa ako na nababatid mo na ngayon kung ano ang ating mga


tinalakay. Mayroon ka bang mga katanungan? Maaari kang sumangguni sa
iyong guro na laging nakahandang gumabay sa iyo. Ngayon ay maaari mo nang
sagutan ang mga sumusunod na gawain.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagbibigay-Kahulugan

Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na alegoryang nakapaloob sa


binasang epiko. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

1. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa


bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasakasama
na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban.
2. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob
ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar,
ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan
mo kung ano ang nangyari sa akin.
3. Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang
kanilang kinakain at luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na
ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag,
kundi pawang kadiliman.
4. Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng
sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga
prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
7

5. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong


araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao
bilang alaala.

Rubrik sa Pagwawasto

Marka Pamantayan
5 Nailahad nang napakalinaw at napakaayos ang malapit na
pagpapakahulugan sa alegorya
4 Nailahad nang malinaw at maayos ang malapit na
pagpapakahulugan sa alegorya
3 Hindi gaanong nailahad nang malinaw at maayos ang
pagpapakahulugan sa alegorya
2 Hindi nailahad nang malinaw at maayos ang
pagpapakahulugan sa alegorya

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.


1. Paano mo mailalarawan si Gilgamesh bilang pangunahing tauhan sa epiko?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Ilahad ang suliraning ng pangunahing tauhan sa binasang akda? Paano niya ito
hinarap?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapamili ng iyong magiging
kaibigan, anong katangian niya ang iyong nanaisin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang pagkamatay ni Enkido? Pangatwiranan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Ilahad ang naging kahalagahan ng binasang epiko sa iyong buhay? May


kaugnayan ba ito sa iyong naging pansariling karanasan?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto

10 Tiyak at hindi naging paligoy-ligoy ang kasagutan


8 Medyo paligoy-ligoy at hindi tiyak ang kasagutan
6 Paligoy- ligoy at walang katiyakan ang kasagutan
4 Walang katiyakan ang kasagutan

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
8

Magaling! Nagawa mo nang mahusay ang mga gawaing ibinigay.


Patuloy mo pang palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang epiko at pagbibigay kahulugan sa mga


alegoryang ginamit sa akda, narito ang mga dapat mong tandaan.

1. Ang epiko ay tulang pasalaysay mula sa salitang Griyego epos na salawikain na


nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang higit sa karaniwang tao.
2. Ang alegorya ay galing sa salitang Latin na “allegoria” ang ibig sabihin ay veiled
language, figurative isang kuwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan at kilos
ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan.
3. Ito ay maaaring basahin sa dalawang pamamaraan: literal (denotasyon) o
simboliko / masagisag (konotasyon). Ito ay nilikha upang magturo ng mabuting
asal o magbigay komento tungkol sa kabutihan o kasamaan.

Mayroon pang isang gawain ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat
mo ang iyong mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Basahin ang bahagi ng epiko at sagutin ang katanungan sa


ibaba.

Si Rustam at ang kanyang Kabayong si Raksh

Nang tumuntong si Rustam sa edad na pwede na siyang magsanay bilang isang


mandirigmang ihahanda upang ipagtanggol ang kanilang bansang Iran, napagtanto ng
kaniyang amang si Zal na kakailanganin niya ang isang espesyal na kabayong
makakasama niya. Ang lahat ng kabayo mula sa lahat ng sulok ng Zabulistan at
Kabulistan ay ipinarada sa kaniyang harapan. Inilalapat ni Rustam ang kanyang
kamay sa likuran ng bawat kabayo upang masiguro kung kakayanin siya nito, ngunit
ang bawat kabayo ay napapaluhod sa kaniyang kabigatan. Nang dumating ang
pangkat ng kabayong dala ni Kabul ay napansin ni Rustam ang mag-inang kabayong
may dibdib na kawangis ng leon. Ayon kay Kabul, naging mailap ang kabayong ito, sa
loob ng tatlong taon ay wala pang nakapagpaamo at nakasakay sa kabayo, hindi rin
pinahihintulutan ng inahing kabayo ang sinumang nagbabalak na sumakay rito.
Pagkarinig ni Rustam sa tinuran ni Kabul ay sinakyan niya ang kabayo at pinatakbo.
Naging palaisipan sa kanila kung bakit pumayag ang kabayo at hindi humadlang ang
inahing kabayo.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
9

1. Anong kultura ng bansang Iran ang inilahad sa binasang bahagi ng epiko?


______________________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Paano ipinakita sa akda ang kahalagahan ng pakikipaglaban para sa kanilang
bansa?
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto

4 Tiyak at hindi naging paligoy-ligoy ang kasagutan


3 Medyo paligoy-ligoy at hindi tiyak ang kasagutan
2 Paligoy- ligoy at walang katiyakan ang kasagutan
1 Walang katiyakan ang kasagutan

Iminumungkahi ko sa iyong panoorin sa you tube ang epiko mula sa ating bansa
na pinamagatang “Hinilawod”. Buksan lamang ang link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=_JLpsBh6DBQ. Alamin ang katangian ng tauhan
at ang suliraning kaniyang kinaharap.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang nilalaman ng epiko at sagutin ang kasunod na mga tanong. Piliin
ang letra ng tamang sagot.

Noong unang panahon ay may isang dakilang hari. Siya ay si Indarapatra, hari
ng Mantapuli. Si Indarapatra ay nagmamay-ari ng isang makapangyarihang singsing,
isang mahiwagang kris at isang mahiwagang sibat. “Hinagud, aking sibat, magtungo
ka sa bahaging silangan at lupigin mo ang aking mga kaaway! ang makapangyarihang
utos ng hari.
“Aking dakilang hari, maawa kayo sa mga taga-Maguindanao. Sila’y
pinahihirapan at kinakain ng mga walang awang halimaw. Sinisira ng mga halimaw
ang kanilang mga pananim at ang mga kabahayan. Binabalot ng mga kalansay ang
kalupaan! ulat ni Hinagud. Nagalit si Indarapatra sa narinig. “Ang una po ay si
Kuritang maraming paa at ganid na hayop sapagkat sa pagkain, kahit limang tao’y
kayang maubos,” sagot ni Hinagud. Ang ikalawa’y si Tarabusao. Isa siyang halimaw
na mukhang tao na nakatatakot pagmasdan. Ang sinumang tao na kanyang mahuli’y
agad niyang kinakain. Ang ikatlo’y si Pah, isang ibong malaki at ikaapat si Balbal, isa
pang ibon na may pitong ulo. Nang marinig ito ni Indarapatra, nagdasal siya at
inutusan ang kaniyang kapatid na si Sulayman, ang pinakadakilang mandirigma ng
kaharian.

____ 1. Anong katangian ang ipinamalas ni Indarapatra sa binasang akda?


A. katapangan B. kakisigan C. kasiglahan D. katalinuhan

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
10

____ 2. Paano ipinakita sa binasang akda ang pagtulong ni Indarapatra sa mga taga
Maguindanao?
A. pakikipagtunggali sa mga kalaban C. pagbibigay utos kay Sulayman
B. pag-aalay ng buhay D. pagpaparaya sa isa’t isa

____3. Anong paniniwala ng mga Pilipino ang inilalahad sa ikalawang talata ng


binasang epiko? Naniniwala ang mga Pilipino sa mga ___________
A. aswang B. halimaw C. engkanto D. dwende

____4. “Aking dakilang hari, maawa kayo sa mga taga-Maguindanao. Sila’y


pinahihirapan at kinakain ng mga walang awang halimaw. Anong mahihinuha mo sa
pahayag na ito? Ang nagsasalita ay humihingi ng ___________.
A. gabay B. tulong C. pang-unawa D. pagkalinga

____5. “Hinagod, aking sibat, magtungo ka sa bahaging silangan at lupigin mo ang


aking mga kaaway! ang makapangyarihang utos ng hari. Anong kaugalian ang
masasalamin sa bahaging ito?
A. pagmamalaki sa kaaway C. paghahari-harian
B. pagtatanggol sa nasasakupan D. pagtulong sa nangangailangan

Pagninilay

Subukan mong bumuo ng isang slogan kaugnay ng kabayanihan ng isang


tao.

Pamantayan 5 3 1
Pagkamalikhain Lubhang malikhain May ilang bahagi na Walang ipinakitang
hindi malikhain pagkamalikhain
Organisasyon Magkakatugmang Gumamit ng Walang tugmaan ng
ganap ang huling tugmaan mga salita
salita sa bawat
linya
Kaangkupan sa Angkop ang salitang Hindi gaanong Hindi angkop ang
Paksa ginamit angkop ang salitang salitang ginamit
ginamit

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung


mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring
makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo

You might also like