You are on page 1of 11

FILIPINO 9

Filipino 9 - ika-2 markahan Aralin 2.2


Cloe Ann U. Sanchez

I.KASANAYANG PAMPAGKATUTO

II.LAYUNIN
a.Nauunawaan ang aral na nais ipabatid ng Pabula.
b.Nagpapahayag ng sariling damdamin batay sa pangyayaring naganap sa binasang
Pabula.
c.Nakagagawa ng sanaysay tubgkol sa binasang Pabula.

PAKSANG ARALIN;Ang Puting tigre (Pabula mula sa Bansang tsina)


Sanggunian: : http://elampara.weebly.com/home/ang-puting-tigre

Aralin Ang Puting Tigre


1
Alam mo ba na…
Ang mga komposisyong
pampanitikan tulad ng tanka at
haiku, pabula,
sanaysay, maikling kuwento,
at dula ay kinapapalooban ng
katotohanang
masagisag at umaantig sa
ating kamalayan at
damdamin. Hindi lamang ito
naglalayong magpahayag ng
kaalaman o magpaliwanag o
dili kaya’y
manlibang at magpagaan ng
kalooban kundi upang
tuminag at tumimo sa
kaisipan.
Ayon kay Jacques Barzun,
ang isang alagad ng sining
ay may
karapatan o maaari ring
sabihing tungkulin na itanghal
ang kanyang mga
obra upang lumaganap at
mabatid ito ng madla
Alam mo ba na…
Ang mga komposisyong
pampanitikan tulad ng tanka at
haiku, pabula,
sanaysay, maikling kuwento,
at dula ay kinapapalooban ng
katotohanang
masagisag at umaantig sa
ating kamalayan at
damdamin. Hindi lamang ito
naglalayong magpahayag ng
kaalaman o magpaliwanag o
dili kaya’y
manlibang at magpagaan ng
kalooban kundi upang
tuminag at tumimo sa
kaisipan.
Ayon kay Jacques Barzun,
ang isang alagad ng sining
ay may
karapatan o maaari ring
sabihing tungkulin na itanghal
ang kanyang mga
obra upang lumaganap at
mabatid ito ng madla
Alam mo ba na…
Ang mga komposisyong
pampanitikan tulad ng tanka at
haiku, pabula,
sanaysay, maikling kuwento,
at dula ay kinapapalooban ng
katotohanang
masagisag at umaantig sa
ating kamalayan at
damdamin. Hindi lamang ito
naglalayong magpahayag ng
kaalaman o magpaliwanag o
dili kaya’y
manlibang at magpagaan ng
kalooban kundi upang
tuminag at tumimo sa
kaisipan.
Ayon kay Jacques Barzun,
ang isang alagad ng sining
ay may
karapatan o maaari ring
sabihing tungkulin na itanghal
ang kanyang mga
obra upang lumaganap at
mabatid ito ng madla
Ating tuklasin

Sa pagkakataong ito, sisimulan mo na ang pagtuklas ng bagong kaalaman. Mahalaga na


maintindihan muna ng isang mag-aaral tulad mo ang kahulugan ng maikling kuwento at ang
mahahalagang konsepto tungkol dito. Halika’t lakbayin ang ilog ng kurunungan gamit ang
sagwan ng iyong determinasyon!
Ang pabula (tinatawag din minsan bilang parabula o malaalamat na kuwento) ay isang
pampanitikang uri na binibigyang kahulugan bilang isang maikling kathang-isip na kuwento,
sa prosa o taludtod, na nagtatampok ng mga hayop, maalamat na nilalang, halaman, walang buhay
na bagay, o puwersa ng kalikasan na naka-antropomorpiko at naglalarawan o humahantong sa
isang partikular na aral ng moralidad (isang " moral"), na maaaring idagdag sa huli nang tahasan
bilang isang maiksing kawikaan o kasabihan.
Naiiba ang pabula sa isang talinghaga (o parabola) kung saan di-sinasama sa parabola ang mga
hayop, halaman, walang buhay na bagay, at puwersa ng kalikasan bilang mga aktor na
nagsasagawa ng pananalita o iba pang kapangyarihan ng sangkatauhan. Sa kabaligtaran, partikular
na kinabibilangan ang isang kuwento ng hayop ng mga nagsasalitang hayop bilang mga karakter.
Ang paggamit ay hindi palaging malinaw na ipinagkakaiba. Sa King James Version (o Saling Haring
Santiago) ng Bagong Tipan, ang "μῦθος" ("mga mito") ay isinalin ng mga tagapagsalin bilang
"pabula"[1] sa Unang Sulat kay Timoteo, Ikalawang Sulat kay Timoteo, Sulat kay Tito at Unang Sulat
ni Pedro. (sa Ingles)[2]
Tinatawag na pabulista ang taong sumusulat ng pabula.
Elemento o Bahagi ng Pabula
1. Tauhan
Ito ang anumang hayop na gumaganap sa istorya o kwento.
2. Tagpuan
Tumutukoy sa oras, panahon, at lugar na pinagdausan ng kwento at istorya. Maaari
itong maging dalawa o higit pa.
3. Banghay
Ito ang kabuuang pangyayari na naganap sa kwento.
4. Aral
Ito ang mga mahalagang matututunan pagkatapos mabasa ang kwentong pabula
______________________________________________________________________

Subukin
PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng pinakatamang
sagot sa sagutang papel. Para sa aytem 1-6, basahin ang bahagi ng teksto na nasa
kahon.

“Sa maliit na kubo nakatira ang mag-inang pusa. Hindi matatawaran ang
pagmamahal ni Binay sa kanyang dalawang anak. Kaya labis ang pag-aalaga niya.
“Ikaw Milay ang taba mo?”, wika ni Binay. Tuwang- tuwa naman si Kabong habang
dinidilaan ng ina ang balahibo nito. “Sa ‘di kalayuan takam na takam na
nagmamasid si Bowa, ang malaking ahas na kaibigan ni Binay, sa malulusog na
katawan ng mga kuting. Agad niya itong nilapitan, “Binay! mukhang napakalusog ng
mga anak mo ah. Napangiti pa habang tuloy tuloy sa pagsasalita. Ay! oo nga pala
may gusto akong ipakita sa iyo Binay, na tiyak magugustuhan mo, tira-tirang laman
ng manok. Hindi ko kasi mauubos ito. Halika! tingnan natin?” Napalundag sa
sobrang tuwa si Binay na agad naman itong sumama. Pagdating nila roon, walang
pagkain na nakikita ang inang pusa. “Oh, nasaan na ang pagkain?” tanong ni Binay.
“Sandali! Sandali! Dito lang yon ah”, pakunwaring paghahanap si Bowa. “Binay
hintayin mo ako rito, nasa kabila lang pala”, pagsisinungaling nito. “Sige, pero
bilisan mo lang kasi nagugutom na ang mga anak ko”. Yahoo! singbilis ng kidlat na
nawala si Bowa at agad dumiritso sa kubo. Sa sobrang inis ni Binay sa kahihintay
na bumalik ang kaibigan nagpasya siyang umuwi na ng bahay. “Teka lang! bakit
tahimik masyado?, pagtataka ni Binay. “Milay! Kabong! mga anak nasaan na kayo?”
Nawawala ang kanyang mga anak. Naghihinagpis si Binay sa nangyari at sinisi ang
sarili. Simula noon hindi na rin nagpakita si Bowa, ang kaibigan niyang ahas. -Ang
teksto ay sariling likha ni: Elsie V. Malagum.

1. Batay sa papel na ginagampanan ng ahas sa pabula, anong damdamin ang


mahihinuha sa pahayag?
A. paghanga
B. pagtulong
C. pagkatuwa

D. panlilinlang
2. Anong positibong aral ang ipanahihiwatig ng ginampanang papel ng pangunahing
tauhan?
A. Lahat ng kaibigan ay mapagkatiwalaan.
B. Huwag maniniwala sa mga sinasabi ng iba.
C. Mag-ingat sa mga mapagkunwaring kaibigan.
D. Ang buhay ay may maraming pagsubok.
3. Paano ginampanan ng mga hayop ang kanilang papel bilang tauhan sa kuwento?
A. Sa pamamgitan ng pagsasalita at pagkikilos na parang mga tao
B. Sa pamamagitan ng pagpapalit - anyo nito ng isang tao
C. Sa paraang sila ang namamahala sa kuwento
D. Sa paraang sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor
4. Napalundag sa sobrang tuwa si Binay na agad naman itong sumama. Sa
pangungusap na ito, anong damdamin ang nangingibabaw sa tauhan?
A. pagkalungkot
B. pagkagulat
C. paghanga
D. pagkatuwa
5. Sa di kalayuan takam na takam na nagmamasid si Bowa, ang malaking ahas na
kaibigan ni Binay, sa malulusog na katawan ng mga kuting. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapahiwatig sa tunay na damdamin ng tauhan?
A. Nagugustuhan niya ang mga kuting
B. Itinuturing niyang parang anak ang mga kuting
C. Hinahangaan niya ang pagmamahalan ng mag-iinang pusa
D. Gusto niyang kainin ang mga malulusog na kuting
6. “Milay! Kabong! Mga anak nasaan na kayo?”, sigaw ng inang pusa nang hindi
matagpuan ang mga anak. Anong damdamin ang mahihinuha sa pahayag ng tauhan?
A. pag-aalala
B. pagkalungkot
C. pagmakaawa
D. pagkatuwa
7. Tama ang naging pasya at desisyon niya sa kanyang sarili na mahalin niya ang
kanyang mga kaaway. Anong damdamin ang ipinapakita sa nagpapahayag nito?
A. pagsalungat
B. pagkainis
C. pagkalungkot
D. pagsang-ayon
8. “Naku! Tumaas ang bilang ng nagpositibo sa Covid-19.” Anong ekspresyon ng
damdamin ang ipinapahayag dito?
A. patalinghaga
B. diretsahang paraan
C. maikling sambitla
D. pandamdam
9. “Bilis!” Anong ekspresyon ng damdamin ang ipinapahayag nito?
A. pandamdam
B. maikling sambitla
C. naglalarawan
D. patalinghaga
10. Alin sa mga hayop na ito ang may katangiang taksil na inihalintulad sa isang tao?
A. aso
B. pagong
C. ahas
D. kalabaw
____________________________________________________________________

Mahusay! Alam kong nasagot mo nang maayos ang gawain sa “Subukin”. Ngayon
naman, ating lalakbayin ang makulay na panitikan ng Korea.Ang Puting Tigre”.

Panimula

Ang Korea tulad ng ilang bansa sa Asya ay ilang beses ding sinakop ng mga dayuhan.
Nakikita sakanilang pamumuhay ang impluwensiya ng Tsina at Hapon, ang ilan sa mga
bansang sumakop sakanila. Sa likod nito ay mahigpit pa rin nilangnapananatili ang
pagpapahalaga sa kanilang kultura,tradisyon, kasaysayan, edukasyon, at pamilya.
ALAM MO BA?
Ang bansang Korea ay dating tinatawag naCHOSON na ang ibig sabihin ay "Lupain ng
MapayapangUmaga".Pinapahalagahan ng bansa ang pamilya - kapakanan ng bawat
kasapi ng mag-anak ang pinakamahalaga higit sa ano pa mang mga bagayHindi
karaniwang makikita ang mga diwata, prinsesa,mga witch, o mahika sa kanilang
sinaunang panitikan kundimga hayop, lalo na ang tigre.-Pambansang hayop ng Timog
Korea ang tigre

ANG PUTING TIGRE


TAGPUAN:kabundukan ng Kumgang sa Korea
PANGUNAHING TAUHAN: isang binata-Lumaking ulila sa ama ang binata simula noong
siya ay sanggol palamang. Nagsanay siya nang mahusay at pinag-igihan ang
pagsasanay sa pagbaril.Labinlimang taon (15) ang binata nang una siyang magpaalam
sa inaupang hanapin ang puting tigre.Puting tigre – malaki at mabagsik; may alalay na
isang uwakHabang lumalaki ang batang lalaki ay may dinadala siyang matindinggalit sa
tigre.
.
Ang Puting Tigre

Sa isang malayong lugar malapit sa


kabundukan ng Kumgang sa Korea ay may
namumuhay na sa isang batang lalaki. Ulila na
siya sa ama simula noong sanggol pa. Naitatak
na niya sa isipan niya na hindi na babalik ang
kanyang ama nang mangaso ito upang hanapin
at paslangin ang Puting Tigre.

Ang naninirahang tigre sa kabundukan ng


Kumgang ay malaki at mabagsik. Kasa-kasama
niya ang alalay niyang uwak na nagtuturo sa
kanya ng susunod na bibiktimahin. Bumababa sila sa kabundukan at wala siyang
pinipiling biktima, kabayo, baka, kung ano-ano pang hayop at mga tao.

Lumaki ang batang lalaking may dinadalang matinding galit sa tigre kaya ipinangako
niya na siya ang kikitil ng buhay sa tigre upang makapaghiganti. Nang tumuntong
siya sa edad na labinlima kinausap niya ang kanyang ina at nagpaalam na pupunta
siya sa kabundukan upang hanapin ang tigre. Ngunit nanumbalik ang takot ng ina
noong nagpaalam ang ama. Kaya’t sinabi niya sa anak na pagisipan muna ito
mabuti.

Nangako naman ang anak na kaya na niya hanapin ang tigre. Pumayag naman ang
ina sa isang kondisyon, kung kaya niya gawin ang mga ginagawa ng kanyang ama
noon. Tumango naman ang anak at tinanggap ang hamon. Noon daw ay pinatayo
siya na may sunong sa bangang puno ng tubig sa ibabaw ng kanyang ulo. Babarilin
niya ito sa hawakan sa layong isang milya at hindi matatapon ang laman nitong
tubig. Kumuha ng baril ang anak at sinubukang gawin ang hamon ngunit nabigo
siya. Kaya ipinagliban niya ang pagpunta sa kabundukan at nagsanay pa ng tatlong
taon.

Dating tinatawag na Choson na ang ibig sabihin ay "Lupain ng Mapayapang


Umaga"
Nahahati sa dalawa, ang Hilagang Korea at Timog Korea

Pagkatapos ang tatlong taon ng pagsasanay ay sinubukan niyang muli. Nagulat ang
kanyang ina at sa kalituhan, sinabi niya na ang kanyang ama ay kayang patamaan
ang butas ng karayom na may layong isang milya. Sinubukan niya muli ngunit hindi
niya nagawa. Sinikap niya muli magsanay ng 3 taon at habang siya ay naghahanda
ay muling nanalasa ang puting tigre. Matapos ang 3 taon, nang 21 taon na ang
binata ay sinubukan niyang muli at sa pagkakataong ito ay nagtagumpay siya.

Kinabahan ang ina sa nakita. Lingid sa kaalaman ng anak, ang lahat ng sinabi ng
kanyang ina ay pawang kasinungalingan lamang at iyon ay kanyang ginawa upang
mapigilan na ang pag-aasam nito na hanapin ang tigre. Ngunit nakita niya ang
pagpupursigi kaya pumayag na rin ito kahit labag sa kanyang kalooban
Noon rin ay iniwan ng anak ang bayan at pumunta sa kabundukan. Noon ay nakilala
niya ang isang matandang babae na nagpapatuloy ng mga mangangaso sa
kanyang bahay. Tinanong ng matanda kung ano nga ba ang pakay ng binata.
Kinuwento ng binata ang kanyang pakay at doon ay binalaan siya na ang puting
tigre na nakakaramdam ng panganib.

Kinuwento ng matanda na natatandaan niya ang kanyang ama na dumaan doon


bago tumuloy sa kabundukan. Sinabi niya na kayang kaya ng kanyang ama na
patamaan ang pinakamataas na dahon sa puno kahit nakatalikod. Kung hindi niya
ito kayang gawin ay hindi niya makakayanan ang puting tigre. Sinubukan ito ng
binata at siya ay nabigo. Kaya ipinagpaliban niya ang pangangaso at nagsanay muli
upang magawa ang hamon. Bumalik siya at nagtagumpay siya sa hamong ibinigay
Namangha ang matandang babae at sinabing hindi dahil yun ay kaya na niyang
talunin ang puting tigre. Kinuwento niya na kaya ng kanyang ama na barilin ang
isang langgam sa bingit ng isang bangin. Napatigil ang binata at napagisipang
magsanay muli ng 3 taon. Habang siya ay nagsasanay, nagpatuloy ang pananalasa
ng puting tigre. Sinubukang muli ng binata at siya ay nagtagumpay. Lingid sa
kaalaman ng binata ay gawa gawa lamang ang mga tinuro ng babae upang
mapigilan itong umakyat sa kabundukan.dahil sa kakaibang gilas ng binata ay hindi
na ito napigilan ng matandang babae.

Matiyagang naglakbay ang binata sa kabundukan. Ilang araw na ang binilang ay


hindi niya mawari kung saan matatagpuan ang puting tigre. Isang araw habang
kumakain ang binata ay may dumating na isang matandang pulubi at humingi ng
pagkain. Tinanong ng pulubi kung ano ang pakay ng binata. Isinalaysay ng bata ang
kanyang pakay sa kabundukan. Pinayuhan siya ng pulubi na kung gusto niyang
paslangin ay tiyak na wala kang kalaban laban

Tumanggi ang binata at sinabing kailangan niya iyon gawin para sa ama niya.
Kaya't pinayuhan siya ng matanda na maging maliksi at mapagmasid. Sinabi niya
na kailangan niya itong barilin habang ang nakikita pa lamang ay isang maliit na
puting tuldok at kailangan ay hindi ito magmintis sapagkat masasayang lamang ang
mga taong nilaan upang mapaghandaan ito.
Nagpatuloy ang binata sa paglalayag. Nakaramdam naman ang puting tigre na
mayroon siyang kalaban. Isang araw habang nagaabang ang tigre ay nakaaninag
ang binata ng puting tuldok. Ipinutok agad ng binata ang kanyang baril. Agad
namang pumunta ang binata sa kinalalagyan ng binaril niya.
Namangha ang binata nang makita niya ang tigre na nakahandusay. Nakita niya
ang malaking bibig ng tigre at kaniya itong tinahak. Ilan pang sandali ay nakita niya
sa isang sulok ang isang dalagang walang malay.Pinainom ng binata ang dalaga ng
tubig na kanyang baon. Nagulat ang dalaga at pinasalamatan niya ang binata at
ikinuwento niya kung paano siya napunta roon.
Sa gitna ng kanilang kwentuhan ay may narinig silang anas ng isang tao. Sinundan
nila ang pinagmulan ng tinig at nagulat sila nang may matagpuan silang matandang
lalaki sa isang sulok. Lalong nagulat ang lalaki nang malaman niyang iyon pala ang
nawawala niyang ama. Ubod ng galak ang binata at pinasalamatan niya ang
Panginoon.
Sa pagitan ng paghikbi niya ay nasabi niya na tunay ngang kapag may ninais ka at
pinagsikapan mo ito, makakamtan mo ito at higit pa sa inaasahan mo.
Nang lilisanin na nila ang kabundukan ng Kumgang ay nagdiwang ang mga hayop
sa kabundukan, sumisigaw at sinasabi, "Mabuhay ang binata! Mabuhay ang
pinakamahusay na mangangaso!"
Hindi naglaon ay napaibig na ng binata ang dalaga. Ikinasal silang dalawa at naging
saksi kanilang mga magulang. Nagkapamilya at itinuro nila sa kanilang supling ang
karanasan nila sa Puting Tigre.

BUOIN NATIN
Maaaring napakasimple ng pabulang ito pero katulad ngibang pabula, naghahad ito
sa an ng mga aral namagagamit nan sa pang-araw-araw na buhay.Pagkakataon mo nang
palalimin ang pabulang ito sapamamagitan ng pagbabago sa mga katangian ng tauhanat iba pang
mahalagang bahagi ng pabula.

Mga Tauhan Katangian

Isulat……….
Ang tauhang napili mong baguhin ang mga katangianat Ipaliwanag kung bakitganoon ang
gusto mong mangyari.
Ilahad din ang pangyayaring nais mong baguhin at sabihin
din kung bakit ganoon ang gusto
mongmangyari.Tauhan:_____________________________________________
Katangian ng Tauhang Nais mong Baguhin:_________________
Paliwanag:___________________________________________ _______________________
_____________________________
Pangyayaring Nais kong Baguhin:________________________
Ang Nais Kong Mangyari:_______________________________
Paliwanag:___________________________________________

Ipaliwanag mo
Magsulat ng sanaysay ukol sa binasang pabula gumawa ng sariling repleksyon .

You might also like