You are on page 1of 5

JOHN RYAN H.

RAQUINO
BSE FILIPINO III-A

PAGSASANAY I.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahulugan ng pagpapahalagang pampanitikan? Bakit ito mahalaga sa pagkatuto


ng mga mag-aaral?

Sa pagpapahalagang pampanitikan, nakapokus dito ang iba’t ibang kagamitan ng isang


manunulat sa paglimbag niya ng kaniyang akda. Kung paano niya bubuuin ang kabuoan ng
kaniyang akda mula sa banghay nito, mga tauhan at tagpuan ng kuwento. Bilang pagdaragdag,
hindi lamang nangangahulugang maunawa ang nilalaman o kabuuan ng kuwento kundi
maibahagi rin ang kakayahan ng isang manunulat kung paano ito isasabuhay nang may pang-
unawa kalakip ng kasiyahan. Gayunpaman, hindi mabubuo ang isang pagpapahalagang
pampanitikan kung wala ang panitikan dahil ito ang pangunahing kasangkapan sa
pagpapahayag ng kabuoan nito. Sa simpleng paglalahad, ang pagpapahalagang pampanitikan ay
napakahalaga sa isang mambabasa dahil nakapagbibigay ito ng aliw o kasiyahan sakanila.
Bilang kabuoan, mahalaga ang pagpapahalagang pampanitikan sa pagkatuto ng mga
mag-aaral dahil nakapagdaragdag ito ng kaalaman kung paano magiging malikhain ang kanilang
pagsusulat. Mula sa kung paano nila bibigyan kulay at buhay ang bawat sangkap sa pagbuo ng
isang akda.

2. Ilahad ang pagkakaiba ng malikhain at mapanuring pagbasa.

Ang malikhaing pagbasa ay isang kasanayan na nakabatay sa interpretasyon ng isang


mambabasa batay sa tekstong binasa. Papasok dito ang pagiging malikhain o imahinasyon ng
isang mambabasa dahil nakapagbibigay ito ng sariling paglalahad sa teksto batay sa kaniyang
pag-unawa na naiiba o pangkarinawan. Sa kabilang dako, ang mapanuring pagbasa ay kritikal
dahil kinakailangan na mabigyang halaga o angkop ang mga impormasyon na ilalahad. Sa
madaling salita, ang mambabasa ay dapat mapanuri sa bawat detalye (maliit at masaklaw).
Samakatuwid, upang makapaglahad ng sariling paninindigan o pananaw kinakailangan na
mabasang mabuti at maintindihan ang kabuoan ng teksto.

PAGSASANAY II.
Tukuyin kung anong uri ng multiple intelligences ang naiibigang gawin o kinahihiligan ng mga
sumusunod. Isulat sa patlang ang sagot.

Intelligence na naturalist 1. Halaman, hayop, paksa tungkol sa kalikasan


Intelligence na bodily-kinesthetic 2. Pagsayaw, pag-arte
Intelligence na musical 3. Pagtula, pag-awit
Intelligence na interpersonal 4. Kooperatibong gawain, talakayan
Intelligence na linggwistik 5. Pagsasalita, pagsulat
Intelligence na visual-spatial 6. Ilustrasyon, larawan
Intelligence na intrapersonal 7. Repleksyon, scrapbook
Intelligence na bodily-kinesthetic 8. Drama, isports
Intelligence na lohikal-matematikal 9. Analohiya, eksperimento
Intelligence na interpersonal 10. Debate, panel, pangkatang gawain
Intelligence na bodily-kinesthetic 11. Paglalagay ng mga dekorasyon sa tanghalan
Intelligence na intrapersonal 12. Paggawa ng mga bagay-bagay nang nag-iisa
Intelligence na lohikal-matematikal 13. Estadistika
Intelligence na interpersonal 14. Pakikisangkot sa mga gawaing sibiko
Intelligence na eksistensyal 15. Paniniwala sa iba’t ibang pilosopiya sa buhay
PAGSASANAY III
Basahin at pag-aralan ang kuwento na nasa ibaba. Pagkatapos, gawin ang isinasaad ng tsart.

Suriin ang katangian ng Kilalanin ang pangunahing Sumulat ng bagong simula o


pangunahing tauhan tauhan sa pamamagitan ng wakas ng kuwento
character profile

Ang katangian ng tauhan sa  Simple Sa kaniyang napakinggan,


kuwento ay sumasalamin sa  Palakaibigan hinanap niya ang tinig
reyalidad na kung saan ang  Masaya sa maliliit na hanggang sa nakarating siya
isang musmos na bata ay bagay sa matayog na puno.
masaya na sa simpleng  Magalang sa Nadatnan niya ang kalarong
bagay. Tulad ng pagkakaroon nakatatanda bata na nakaupo at
ng kalaro na kalaunan ay  Masunurin nakayuko. Naglakas-loob ang
hindi na niya itong muling  Wala pang malay sa bata at tinanong kung bakit
nakita. Sa una, ay hindi siya nangyayari sa paligid pa siya nandirito. Tumingala
natakot kung sino o ano ang  Kuntento sa kung ang batang kalaro at
kaniyang kalaro kundi mas anong meron sa nakangiti sabay sabing
pinili niyang hanapin ang kaniya “Gusto lang naman kita
batang kalaro niya. Kahit sa kalaro tulad ng iyong ina”.
kaunting panahon Biglang nagising ang bata sa
naramdaman niya kung kaniyang pagkakaidlip dahil
paano magkaroon ng kalaro sa sigaw ng kaniyang lola.
o kabigan. Hanggang sa “Aba’y bata ka nandirito ka
nabanggit ng kaniyang Lola lang pala…Alam mo bang
na ang kaniyang kalaro ay kakain na tayo?” sambit ng
matagal ng patay at dating kaniyang Lola. Agad naman
kalaro rin ng kaniyang ina. Sa na tumayo ang bata sa
kabuoan ng teksto, damuhan at masayang
mapapansin din na ang tumungo sa kanilang bahay
katangian ng tauhan ay dahil kahit sa panaginip man
sumasalim din sa isang lang ay nagkaroon siya ng
tauhan sa kuwento, ang kalaro at kaibigan.
kaniyang Ina.
PAGSASANAY IV
Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag upang makabuo ng isang magandang kuwento.

1. Tumakbo ang bata na takot na takot. Hindi mailarawan sa kanyang mukha ang labis na
pagaalala nang makita ang kaibigan nitong natangay ng malakas na alon. Hindi niya alam kung
saan siya hihingi ng tulong hanggang sa may dumaan na lalaki at aligaga itong lumapit sa
kaniya upang humingi ng tulong pero huli na ang lahat dahil ang kaniyang kaibigan ay hindi
na maaninag ang katawan sa dagat. Lubos na nagdadalamhati ang bata at pinagsisihan na
sana hindi na lamang niya naisipan na maligo sila sa dagat.

2. Labis ang kalungkutan ni Gener nang mabalitaang may masamang nangyari sa kanyang kuya
kaya naman agad itong tumayo sa kaniyang kinauupan at walang pag-aalinlangan na pumunta
sa lugar kung saan nangyari ang insidente. Habang papalapit siya naaaninag nito ang mukha
ng kaniyang kuha at biglang nagulat ng nagsigawan ang lahat “It’s a prank…HAPPY
BIRTHDAY” habang nagsisilabasan ang kaniyang mga mahal sa buhay na may hawak ng iba’t
ibang palamuti. Hindi makapaniwala ang kapatid at natawa na lamang ito dahil ang buong
pagkakaalam niya ay walang nakakalala sa kaniyang kaarawan. Ang lungkot na naramdaman
ni Gener ay napalitan ng saya.

3. Tuwang-tuwa ang mga bata nang makakita ng isang ibong nagsasalita subalit laking gulat nila
nang biglang tangayin ito ng malaking ibon papalayo sakanila. Ang mga bata ay kinakabahan
sa kung ano ang mangyayari sa ibong nagsasalita. Kinalaunan, biglang bumalik ang ibon
habang kumakanta. Nagsigawan at nagsipalakpakan ang mga bata dahil bago ito sakanilang
paningin.

4. Nakakaawang pagmasdan ang mga batang namamalimos sa lansangan. Sa murang isip ni


Anton, nasabi niya tuloy sa kanyang sarili na ipagdasal ang mga bata mula sa kanilang
kaligtasan. Hindi din nagdalawang-isip si Anton na tawagin ang mga bata at ibinahagi ang
kinakain nitong tinapay. Nakipaglaro siya sa mga bata habang wala pa ang mga magulang
nito. Bago tuluyang umalis si Anton, sinabi nito na dadalawin niya ang mga batang
namamalimos tuwing araw ng linggo sa mismong harapan ng simbahan.

5. Habang naglalaro sa may playground ang mga bata, nakakita sila ng isang malaking ahas at
sila ay nagsitakbuhan papalayo sa ahas. Hindi sila makapaniwala na may ahas doon dahil
matagal na silang naglalaro sa playground na kanilang tagpuan at lugar kung saan nabuo ang
kanilang pagkakaibigan. Upang mapasigurado na wala na ang ahas doon, nag-atubiling
tinawag ng isang bata ang kaniyang ama. Nang makarating sila sa playground wala na ang
ahas at ipinagpatuloy ng mga bata ang kanilang paglalaro.

You might also like