You are on page 1of 5

ARALIN 3:

Maikling Kwento
Mga Inaasahang Bunga:

1. Nasusuri ang diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda.


2. Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan.
3. Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayan sa kahulugan.
4. Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdig.

Paksa/ Talakayan

Ano ang Maikling Kwento

Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang


maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang
tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Mga Elemento ng Maikling Kwento

Mayroong labing-isang elemento ang maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.

2. Saglit na Kasiglahan-Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot


sa suliranin.

3. Suliranin-Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento.

4. Tunggalian-Ang tunggalian ay may apat na uri:

 Tao laban sa tao


 Tao laban sa sarili
 Tao laban sa lipunan
 Tao laban sa kapaligiran o kalikasan

5. Kasukdulan- Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian


ng kanyang ipinaglalaban.

TEACHER SHANE – FILIPINO 10 1


6. Kakalasan-Ito ang tulay sa wakas ng kwento.

7. Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

8. Tagpuan- Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama
din dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.

9. Paksang Diwa- Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.

10. Kaisipan- Ito naman ang mensahe ng kwento.

11. Banghay- Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.

Mga Bahagi ng Maikling Kwento

Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang Simula, Gitna at Wakas.

1. Simula- Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman
kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat
isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan.

Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente kasama
na dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang
kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

2. Gitna- Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit
na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.

Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran


ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o
sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan
ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

3. Wakas-Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging


nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento.
Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Basahin

TEACHER SHANE – FILIPINO 10 2


Ang Kuwento ng Suwail na Bata
(Hango sa “The Story of the Bad Little Boy”
Isang Maikling Kuwento mula sa Estados Unidos)
ni Mark Twain
Salin sa Filipino ni Mariana Gonzaga-Merida

Minsan may isang batang nagngangalang Pedro-gayon man, kung Inyong mapapansin,
halos lahat ng makukulit at suwail na mga bata sa mga aklat ng mga katekismo ay tinatawag na
Pedro. Nakapagtataka ngunit ito ay totoo kaya ang batang ito ay tinatawag na Pedro.

Wala siyang inang maysakit-na madasalin at mas nais na manahimik at mahimlay sa


kaniyang libingan, ngunit dahil sa kaniyang lubos na pagmamahal sa anak, may takot siyang
nararamdaman na baka apihin ang kaniyang anak kapag siya ay wala na sa daigdig. Karamihan
sa makukulit at suwail ay wala na sa daigdig. Karamihan sa makukulit at suwail na mga bata sa
mga aklat ng katekismo ay nangangalang Pedro, at may inang may-sakit, na tinuturuan silang
magdasal, at kinakantahan silang sa kanilang tabi at tumatangis. Ngunit ang batang ito na
pinangalanang Pedro at ang kaniyang ina ay walang sakit, hindi rin madasalin, at lalong walang
pakialam sa kaniya. Sabi ng kaniyang ina, kahitc mapilipit ang leeg ng kaniyang anak, hindi
malaking kawalan sa kaniya. Lagi niyang pinapalo si Pedro upang makatulog ito at hindi na
hinahalikan sa kaniyang pagtulog. Sa katunayan, pinapagalitan niya ito kapag siya’y paalis.

Minsan, ninakaw ng suwail na bata ang susi sa kainan at kinain ang halaya. Pagkatapos,
pinuno niya ang bote ng halaya ng alkitran para hindi mahalata ng kaniyang ina na binawasan
niya ito. Bigla siyang nakaramdam ng hindi tama; tila may bumubulong sa kaniya ng mga
katanungang, “Tama bang suwayin ko ang aking ina?” “Kasalanan baa ng ginawa ko?” “Saan
mapupunta ang mga batang sumasabsab ng halaya ng kanilang ina?” At saka hindi siya lumuhod
at hindi na nanaghoy. Tumayo siya nang may galak at sasabihin sa kaniyang ina ang pangyayari
at hihingi ng patawad, at siya ay papatawarin ng ina nang may luha ng pagmamalaki at
pasasalamat. Hindi, ganito ang karaniwang pangyayari sa mga batang suwail sa aklat, ngunit
hindi kay Pedro. Kinain niya ang halaya at sinabi niya ito nang may pagmamayabang; ibinalik
niya ang bote ng halaya nang tumatawa at sinabing kapag malaman ng kaniyang ina, ito ay
tatayo at makikinig na lamang. Nang malaman nga ito ng kaniyang ina, itinanggi niya at sinabing
wala siyang alam tungkol ditto at saka siya ay matinding pinalo at nag-iiyak. Lahat ng tungkol sa
batang ito ay kataka-taka- lahat ay kabaliktaran ng mga naganap sa mga suwail na Pedro mula sa
kuwento ng mga aklat.

Minsan, umakyat si Pedro sa puno ng mansanas para magnakaw ng prutas, at hindi nabali
ang sanga, at hindi siya nalaglag, hindi rin nabalian at hindi rin hinabol ng aso ng may-ari ng
taniman. Hindi rin siya nagkasakit at naratay sa banig at hindi rin siya nangakong magbabago. Sa
halip, kumuha siya ng maraming mansanas hangga’t gusto niya at bumaba sa puno ng mainam.
Handa rin siya sa mga asong nakabantay at may dala siyang pamalo sakaling siya ay hahabulin.

TEACHER SHANE – FILIPINO 10 3


Nakapagtataka talaga! Hindi ito nangyayari sa mga aklat na may magandang pabalat na
may mga larawan ng kalalakihang nakasombrero at kakaibang nakapamewang. Wala ito
sa anumang aklat ng katekismo.

Minsan, kinuha niya ang korta-pluma (penknife) ng kaniyang guro, at nang matakot
siyang malaman ito at maaaring mapalo, isiniksik niya ito sa sombrero ni Jose. Si Jose ay isang
mabuting bata, kilalang mabait na bata ng baryo, masunurin sa kaniyang ina, hindi
nagsisinungaling, masigasig sa mga aralin sa eskuwela, at malimitv na nag-aaral ng katekismo.
At nang may kutsilyong nahulog mula sa kaniyang sombrero, ang kawawang Jose ay namutla at
ang mahapis na guro ay ibinintang ang pagnanakaw sa kanya. Sa akto ng panaghoy ng guro,
hindi dumating ang isang matanda para sabihing hindi si Jose ang gumawa at nakita niya sa
kanyang pagdaan sa harapan ng paaralan ang tunay na kumuha ng kutsilyo. At bibigyan ng
parangal si Jose, at ipagmamalaki, iimbitahang sumama sa kaniyang bahay upang tulungan ang
kaniyang asawa, at mapag-aaral ng abogasya, at magakaroon ng balanseng oras sap ag-aaral at
paglalaro. Ito ang nangyayari sa aklat, ngunit hindi ganito ang nangyari kay Pedro. Walang
matandang pumagitna para ipatupad ang katarungan. Kung kaya, ang kawawang Jose ay
nakakuha ng bugbog at si Pedro ay natuwa dahil ayaw niya sa mababait na mga bata.

Ngunit ang mas nakapagtatakang nangyari kay Pedro ay naganap nang minsan siyang
mangisda, araw ng Linggo . Hindi siya nalunod nang inabutan siya ng bagyo sa laot, at hindi rin
siya tinamaan ng kidlat. Bakit? Kahit tingnan at tingnan pang muli ang mga aklat sa mga
katekismo mula noon hanggang ngayon, wala kang makikita tulad ng pangyayaring ito. Ang
makikita lamang ay ang lahat ng mga batang pasaway na nangingisda sa araw ng Linggo ay
kadalasang inaabutan ng bagyo sa laot at tinatamaan ng kidlat. Kung paano nakaligtas si Pedro
ay isang misteryo sa akin.

Kakambal ni Pedro ang swerte- maaaring ito ang dahilan. Walang maaaring makapanakit
sa kaniya. Isang araw, naglayas si Pedro at pumalaot at hindi na nagbalik. Nakita niya ang sarili
na malungkot at nag-iisa sa mundong ito. Ang kaniyang mahal sa buhay ay tahimik na
nakahimlay sa likod ng bakuran, at kaniyang tahanan ng kabataan ay nagiba, tinubuan ng mga
halamang baging at nabulok na. Bumalik siya tulad ng ng pulubing lasing at pumunta kaagad sa
himpilan.

Lumaki siya at nag-asawa at bumuo ng isang malaking pamilya. Siya ay kumapit sa


patalim. Naging mayaman siya sa pamamagitan ng pandaraya at pagdarambong. Sa kasalukuyan,
siya ay isang tampalasan sa kaniyang bayan, at iginalang, at kasapi ng Kongreso.

Ngayon alam mon a, walang suwail na Pedro sa mga aklat ng mga katekismo na may
kakambal na suwerte tulad nitong suwail na Pedro na may gayuma sa bahay.

Gabay na mga Tanong:

TEACHER SHANE – FILIPINO 10 4


1. Ano ang paksa ng maikling kuwento?
2. Ano ang mayroong katangian si Pedro at ano ang sinasabing kakambal niya?
3. May mga pangyayari ba sa tunay na buhay na kung saan naganap sa kuwento?
4. Ano ang iyong naging pakiramdam matapos mong mabasa ang kuwento? Ipaliwanag.

TEACHER SHANE – FILIPINO 10 5

You might also like